Homepage/Si Ms. Lower Section at Si Mr. Higher Section/
Chapter 23
Claudia's POV
Tanghali na ng magising sina Chincky at Tyra. Diretso na kaming kumain ng tanghalian na si Jessa ang nagluto, sayang! Gusto ko sanang si Tyra ang magluto, pero sige, may mamayang gabi pa naman. Pagkatapos kumain ay ako na ang nag-asikaso sa kusina para magligpit at maglinis. Balik silang tatlo sa panonood.
Natigilan ako sa pag-aayos ng pinggan ng marinig ko ang pag-door bell sa labas. Mabilis kong tinigil ang ginagawa ko saka ako excited na lumabas. Narinig ko pang nagsalita si Tyra pero hindi ko iyon naintindihan dahil wala roon ang atensyon ko. Baka si Sean ang nasa labas.
Nalusaw ang ngiti ko ng makita ko ang naka-unipormeng lalaki, delivery pala ito.
"Ma'am, delivery po." Nakangiting sabi nito.
Binuksan ko na muna ang gate. "Magkano ho?"
"Bayad na po. Maraming salamat," sabay tungo niya. Ngumiti na lang ako.
Paglingon ko sa pinto ay nakita kong palabas si Tyra na nakangiti. Mukhang siya ang nagpa-deliver.
"Thanks, Clau!" Sabi nito saka inagaw sa kamay ko ang plastic. Ano kayang laman no'n?
Sinundan ko naman kaagad si Tyra at naabutan ko silang tatlo sa kusina. Ah, pagkain pala ang order nila pero hindi pa luto. Pinagpatuloy ko na lang ang naiwan kong gawain. Bumalik na rin naman sa sala sina Jessa at Chincky nang paalisin sila ni Tyra.
Nang tingnan ko si Tyra ay nakangiti ito habang kumikilos sa kusina. Magluluto siya ng pagkain pero hindi ba't kakatapos lang namin mananghalian?
"Pahingi nga ako ng mga lagayan. Pahiram na rin ng kutsilyo at lumabas kana kung tapos kana riyan." Sunod-sunod na sabi nito sa akin. Wow ha!? Palayasin daw ba ako sa sarili kong kusina? Tsk!
"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya habang busy siya.
Saglit niya akong tiningnan saka ngumiti. "Carbonara!" Sabay hagikgik niya.
Nagkibit-balikat na lang ako saka na umalis sa kusina. Pinuntahan ko `yung dalawa sa sala at napansin ko kaagad ang paglingon sa akin ni Jessa. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
Kapag si Tyra ang nasa kusina, ayaw niya ng may kasama siya dahil nawawala raw siya sa konsentrasyon at baka malaman pa ang sikreto niya sa pagluluto kaya ito kaming tatlo. Magkakasama ngayon sa sala.
"Nasaan si insan? Hindi ba siya umuwi?" Tanong ni Chincky sa akin.
Pinilit kong ngumiti. "Hindi siya umuwi, baka doon na siya sa kanila dumiretso dahil gabi na."
"Eh bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?" Tanong ni Jessa.
Natigilan ako. Tama nga naman, bakit wala pa rin siya rito?
"Hindi ko alam." Kusang lumabas iyon sa bibig ko, akala ko ay nasa isip ko lang. Napansin ko ang pag-kunot nila ng noo.
"Iyang pinsan mo, Chincky kung umasta parang walang nobya." Halata ang inis sa boses ni Jessa.
"Baka may emergency lang. `Di bale, baka mamaya lang ay nandito na `yon." Tumango ako sa sagot ni Chincky.
Pero lumipas na lang ang oras ay wala pa rin si Sean. Natapos na lang sa pagluluto si Tyra, nakakain na kami ng meryenda at gabi na ay wala. Walang Sean na dumating.
Ano bang nangyayari? Wala rin siyang text. Sabi pa naman niya na hindi niya ako iiwan hangga't hindi umuuwi sila Mama.
"Kakain na!" Sigaw ni Tyra. Siya ang nagluto ng hapunan.
Magkakasabay kaming kumain sa kusina. Pinagpahinga na muna namin ang tv dahil halos isang araw na iyong nakabukas. Pagkatapos kumain ay nagsagot na muna ang tatlo sa mga assignments nila kaya naman ako muli ang natoka sa kusina.
Saktong matapos ako sa gawain ay siya ring pagtapos nilang tatlo. Nagtulong-tulong ba naman sila sa pagsagot, ewan ko na lang kung hindi pa nila iyon matapos ng mabilis.
Sa kwarto ko kami ngayon matutulog. Dalawa lang ang kasya sa higaan ko, kaya naman nag-jack en poy pa kami kung sino ang sa kama at sino naman ang hihiga sa lapag. Kami ni Tyra ang nasa lapag ngayon habang si Chincky at Jessa ang nasa kama. Matindi talaga!
...
MABILIS lang na lumipas ang araw katulad lang din kahapon ang eksena sa bahay. Gayon din kay Sean na hindi na talaga nagparamdam. Monday na ngayon at ngayon ko na rin malalaman ang result sa exam. Excited ang tatlo kong kaibigan habang ako naman ay kinakabahan.
Kahapon ay saglit silang umuwi para kumuha ng gagamitin nila ngayon dahil may pasok. Dito pa rin sila natulog kagabi.
Maaga kaming nagising at si Tyra na lang ang hinihintay namin para makaalis na. Napatingin ako sa telephone nang tumunog iyon.
"Claudia may tawag," sabi ni Jessa kaya naman lumapit na ako ro'n para sagutin.
"Hello?"
"Anak! Na'ku, pasensya na kung hindi nakakatawag si Mama. Naging busy lang dahil nag-outing kami ng papa mo." Napangiti ako. Ramdam ko kasi ang saya sa boses ni Mama.
"Okay lang naman po. Kasama ko po rito sina Jessa, Tyra at Chincky."
"Nasaan si Sean?"
Hindi kaagad ako nakasagot. "U-umalis siya, Mama. May emergency lang. Sila Jessa naman ang kasama ko kaya `wag na po kayong mag-alala." Hindi kaagad umimik si Mama.
"Okay. Anak, may tiwala si Mama sa iyo. Bigyan mo pa ako ng dalawang linggo saka ako uuwi. Pasensya na, hindi kita masama rito dahil may pasok kayo ng kapatid mo. `Di bale, magiging maaga ang pag-uwi ng Daddy mo para makapag-bonding tayo." Ngumiti lang ako.
"Sige po, Mama. Paalis na rin po kami ngayon. Ingat po kayo riyan,"
"Okay baby girl. Take care. I love you."
Napatulala na lang ako ng marining ko ang end ring tone. Mabilis akong umiling, may pasok pa kami. Pokus, Claudia!
Nang sabihin ni Tyra na ready na siya ay tumawag na si Chincky sa guard house para ikuha kami ng taxi. Hindi rin kami nagtagal at nasa biyahe na kaming apat.
.
.
.
PAGKARATING namin sa school ay mabilis naming nakita ang kumpulan ng mga estudyante. Naroon din ang bulong-bulungan nila, may mga masasayang mukha ng senior high school at iyong iba naman ay malungkot. Palagay ko ay dahil iyon sa result nang exam.
"Ayan na pala siya. Tsk!"
"Paanong nakapasok ang isang iyan?"
Mga bulungan ng ibang estudyante. Nailang ako sa mga tingin ng estudyante sa paligid. Lalo na sa akin. Daig ko pa ang nagnakaw dahil sa mapa-husgang tingin nila.
"Hey, girls!" Bati ni Cedrick.
"Congrats, Claudia! Your in!" Masayang sabi naman ni Chime na may kasama pang pagkindat.
Pero teka, anong sinabi niya?
"May result na ba ng exam?" -Chincky
"Tara tingnan natin!" Sabi ni Tyra saka ako hinatak.
Nagulat ako pero mabilis din akong nakabwelo. Nakakaloka si Tyra, bigla na lang nanghahatak. Siya ang tumgin sa bulletin board habang naglalakad naman papunta sa amin sina Jessa, Chincky, Cedrick, Chime at nasa likurang banda naman si Jhayrone.
"Wow! Congrats, Claudia! Pasok ka sa section A!" Sigaw ni Tyra na siyang nakakuha ng atensyon ng ibang mga estudyante.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"A-anong---" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko at mabilis kong hinanap ang pangalan ko.
Pasok nga ako at pang top 18 out of 20 students.
"Yehey! Magkaklase na tayo!" Masayang sabi ni Chincky.
"Congrats," ani Jessa.
Kinurot naman ni Jhayrone ang pisngi ko habang ang dalawang lalaki ay nag-congrats din.
"Let's celebrate after class." Aya ni Jhayrone.
Napatingin naman ako sa tatlo kong kaibigan. Remember? Nasa iisang bahay lang kami.
"Nice idea, pare." -Cedrick
"Tara na, new classmate." Ngising sabi ni Chime.
Section A na ako. Ibig sabihin... Magiging kaklse ko na rin si Sean, tama?
Hinatak akong muli ni Tyra at nilingkis pa niya iyong braso niya sa akin na para bang may iniiwasan siya at ayaw niyang makipag-usap sa iba.
Magkakasabay na kami ngayon papuntang room nang Section A. Halos lahat ng estudyante na madaanan namin ay napapagilid at binibigyan kami ng madadaanan. Ganito ba ang laging nararanasan ng mga kaibigan ko? Isa rin kasi sila sa laging may honor pagdating sa academics.
"Talaga bang nakapasa siya?"
"Hindi ba `yan gumamit ng kodego?"
"Sus, ikaw ba naman, akitin ang may ari nang school talagang pasado ka kahit wala kang utak." At magkakasabay silang nagsitawanan.
Alam kong hindi lang ako ang nakarinig ng bulungan na iyon dahil napansin kong natigilan si Tyra sa paglalakad. Gano'n din naman ang iba ko pang kasama.
"Hindi ba mas nakakahiyang pag-usapan ang buhay ng ibang tao?" Nakataas ang kilay na tanong ni Tyra sa nakapulong na mga babae.
"Hindi lang naman kami ang nag-uusap tungkol sa kanya," sabay tingin sa akin nang babae. "Halos lahat ng estudyante rito, siya ang topic." Balik nitong tingin kay Tyra.
"Aba't---" pinigilan ko si Tyra ng susugurin niya ang babae. Tiningnan niya ako pero tinanguan ko lang siya.
"Nakakatuwa naman, sikat pala ako nang hindi ko nalalaman. Gusto mo ba ng autograph?"
Napansin ko ang pag-ngisi ng babae pati na rin ng kasamahan niya. "Why should I? And may I remind you. They talk about on how you flirt the owner of this school. Isn't amazing? Ms. Lower Section turn into a Higher section because of her dirty game." Nagtawanan ang mga nakarinig.
Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi nila. What kind of dirty game ang tinutukoy nila?
Mabilis kong hinablot ang buhok nang babae. Gigil ko siyang hinatak pababa kaya naman napasalampak siya sa sahig.
"Oh my god! Claudia, stop!" Narinig kong sabi ni Tyra.
"Claudia!"
"That b*th, ginalit niya si Claudia!" Narinig kong tarantang sabi ng mga kaibigan ko.
Bago ko pa masampahan iyong babae ay may humawak sa braso ko. Kusa akong natigilan ng maramdaman ang init ng kamay nito. Pamilyar iyon. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Sean. Blangko lang ang itsura ng mukha niya.
Inalalayan niya akong makatayo at gano'n din ang ginawa niya sa nakaaway ko.
"Kayong dalawa, go to the principal's office." May diin niyang sabi saka ako nilingon.
Wait, what? Bakit na naman ba!?
"No! Sean, siya ang nagsimula ng gulo. Bigla na lang niya akong sinugod." Sumbong ng babae.
Napamaang na lang ako. Ganito na lang ba lagi? Sa akin sinisisi?
Nakita kong nilingon ako ni Sean. "Niyurakan mo ang pagkatao ko kaya bagay lang iyan sa iyo." Sabi ko ro'n sa babae.
Tahimik lang sina Jessa. Pamilya ni Sean ang may ari ng school kaya palagay ko ay hindi sila sasali sa gulo pero kapag nagtawag ng testigo ay paniguradong mag-uunahan silang pumila.
"Nang dahil lang doon?" Gulat akong napatingin kay Sean. Lang? Hindi ba big deal sa kanya na alipustahin ako ng iba?
"Really, Sean? Lang? How could you!" Hinanakit ko sa kanya. Napansin ko namang lumambot ang expression ng mukha niya pero agad ding nakabalik sa dati.
"Sumunod kayo sa akin." Iyon na lang ang sinabi niya.
"Ayoko. Kayong dalawa mag-usap, magkampihan pa kayo." Sabi ko saka ko sila tinalikuran at naglakad palayo.
Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero tinaas ko lang ang kamay ko para kumaway. Badtrip. Dalawang araw na nang walang paramdam tapos ganito pa ang mangyayari?
Nakakasakit iyong hindi man lang niya ako pinagtanggol o pakinggan man lang ang side ko katulad nang nangyari sa amin ni Chonna noon.
Ang bilis mo naman yatang makalimot, Sean?
===
J. O. ArandiaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
sana makakoha ako ng diamond
29/12
0nice story I love it
27/11
0ganda ng storyyy
07/02/2025
0Tingnan Lahat