Chapter 13

Sean POV
MGA ilang oras din ang lumipas ng magkayayanan ng umuwi. Parating pa lang daw ang mama ni Chescka. Sina Chincky naman ay hindi rin magtatagal dahil may gagawin pa raw sila. Si Jhayrone ay uuwi rin para ihatid sila. Si Cedrick at Chime ay uuwi na rin.
"Teka, sinong maiiwan dito kung lahat tayo uuwi?" Tanong ni Jessa.
"Oo nga," segunda ni Tyra.
"Ako. Hihintayin kong dumating si Tita, wala rin naman akong gagawin." Sabi ko.
Natigilan sila. Pasimple nilang sinulyapan si Claudia.
"Sige, basta 'wag kang aalis hangga't wala kang kapalitan." Bilin ni Jessa.
"Tumawag ka kung may kailangan." Sabi ni Chincky.
"Pare, mauna na kami. Ingatan mo si Claudia, ha." Si Cedrick.
Sa lahat ng mga sinabi nila ay puro tango lang ang isinagot ko. Saktong makalabas na silang lahat ay saka ko pa lang nilapitan si Chescka.
"Pwede n'yo na naman akong iwan. Parating naman na si mama, ayokong abalahin ka." Sabi ni Chescka.
"Okay lang, gaya ng sinabi ko. Wala akong gagawin. Kung mayro'n man ay pwede ko namang gawin hanggang gabi. Dito na muna ako," sambit ko saka ako umupo sa gilid niya.
Hindi niya ako sinagot, bagkus kinuha niya iyong cellphone niya. Mukhang magpapanisan kami ng laway.
Mga ilang minuto rin ang lumipas ng bitiwan niya ang selpon niya.
"Sean, nagugutom ako. Pwede ka bang bumili ng pagkain?"
"Sige, anong pagkain ba?"
Umakto siyang nag-iisip. "Basta iyong nakakabusog, wala ring halong hipon. Bawal ako sa hipon."
"Kaya ka na-confine dahil sa allergy?" Tanong ko.
Tumango siya. "Soup na lang ng chowking ang bilhin mo. Tapos siopao na rin," nakangiti niyang sabi.
"Sige, bibili na muna ako. Tawagan mo 'ko kung mayro'n ka pang gustong ihabol." Tumango naman siya.
Naglakad na ako palabas para makabalik din ako kaagad. Magtatanong na lang ako sa guard kung saan may malapit na Chowking dito. Tingin ko naman mayro'n dahil may Jollibee akong natanaw kanina.
.
.
.
.
Kasalukuyan na akong pabalik ng hospital. Walking distance lang ang layo ng chowking kaya naman nakabili ako kaagad.
***
Claudia's POV
Kanina ko pa hinihintay si Sean, sana nakabili siya ng makakain dahil gutom na talaga ako. Bakit ba kasi hindi ko naisip na humingi ng pagkain nang nandito pa sina Chincky, at bakit ba pumunta sila dito na wala man lang snack!
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon.
"Claudia!"
Nagulat ako kung sino ang pumasok saka mabilis na yumakap sa akin. Sa sobrang bilis wala na akong nagawa pa at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa higpit ng yakap nito!
"T-teka, hindi ako makahinga." Nahihirapan kong sabi.
"Ay! Sorry," saka siya lumayo. "Ikaw naman kasi hindi ka nag-iingat!" Panenermon pa nito.
"Iyong totoo, Mike? Umuwi ka ba para lang sermunan ako?"
Inirapan niya ako saka hinawi ang buhok niyang hindi naman mahaba. "Gaga! Umuwi ako kasi nalaman ko kay Tita na na-hospital ka nga at ilang araw ka ng walang malay. Ayokong umuwi ng ganito, mag-ingat ka sa susunod." Bilin niya.
Tumango-tango ako. Si Mike ay ang binabae kong kaibigan. Siya lang ang lalaking napakilala ko kina Mama dahil nga tagilid siya--- kwela rin naman kasi itong kasama si Mike kaya gusto siya ng family ko.
Sa US nag-aaral itong si Mike ngayon dahil iskolar siya ng tita niya. Magkaklase kami noong elementary days namin pero kahit na gano'n man, may contact pa rin naman kami sa kanya at kapag christmas, new year at vacation ay nandito siya sa Pilipinas.
"Tumawag ako kanina kay Tita, sabi niya nandito ka. Tapos sabi niya kung kaya kong makapunta dito ng maaga dahil mahuhuli siyang pumunta rito. Sabi kasi niya, nandito ang mga kaklase mo kaso uuwi rin kaagad kaya dito na ako dumiretso." Mahabang paliwanag niya.
"Salamat at pasensya na kung pinag-alala kita."
Inirapan na naman niya ako. "Hindi ka kasi nag-iingat at ang tigas pa ng ulo mo!"
Napasimangot ako. Nanenermon na naman kasi. Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto at si Sean ang niluwa no'n.
"Nandito na ako!" Nakangiti niyang sabi.
Napatingin si Mike sa gawi niya. Napansin kong biglang nalusaw ang ngiti ni Sean ng makita niya si Mike, sumeryoso rin ang itsura niya.
Lumapit siya sa amin. "Kumain ka na para malamnan iyang tiyan mo." Sabay patong niya ng pagkain sa lamesa.
"Ako na ang mag-aayos," presinta ni Mike saka lumapit din sa may lamesa.
Napakunot-noo ako. Imbes kasi na landiin ni Mike si, Sean... Ang nangyayari ay kumikilos siyang lalaki at wala iyong pilantik niya.
Tumango naman si Sean saka umupo sa mini-sofa. Lumapit naman kaagad sa akin si Mike ng maayos na niya ang pagkain.
"Say, ah baby." Nakangiting sabi ni Mike habang ako'y nakakunot-noo sa kanya.
Pinandilatan niya ako ng mata. "Ayan ka na naman. Dapat kumain nang kumain para gumaling ka kaagad." Tapos sinadya niyang palakihin ang mata niya na para bang sinasabi niyang makisama ako.
Napailing na lang ako saka ko sinubo iyong nakaabang na pagkain. Mukhang trip ni Mike si Sean sa paraang pagseselosin niya ito. Akala ko naman lalandiin niya si Sean kasi may pagka-maharot itong si Mike.
Mga ilang minuto rin kaming gano'n ni Mike. Halos kaming dalawa lang ang nag-uusap, kapag tumitingin naman ako kay Sean ay hindi ko matiyempuhang nakatingin siya. Tahimik lang siya.
"Dito muna ako habang wala si Tita," nakangiting sabi ni Mike. Medyo malakas pati ang pagkakasabi niya sakto na maririnig ni Sean.
"Ikaw ang bahala," tipid ko lang na sabi.
Inabutan ako ng tubig ni Mike. Saktong matapos kong uminom ay siya namang padabog na pagtayo ni Sean kaya naman parehas kami ni Mike na napatingin sa kanya.
"Mauuna na ako, Claudia may gagawin pa ako sa bahay. May kasama ka naman na kaya aalis na ako," sabi niya saka nagpalit-palitan ang tingin niya sa gawi ko at kay Mike.
"Sigurado ka? Sige. Salamat sa pagbili ng pagkain, nawala kasi sa isip ko na bumili gawa ng nagmamadali akong pumunta dito." Paliwanag ni Mike.
Tumango lang si Sean saka na naglakad palabas. Saktong pagsara ng pinto ay siya namang pagtawa ni Mike!
"Huy, nabaliw kana? Grabe acting mo kanina. Kaya mo naman pa lang maging lalaki---"
"He likes you." Nanunuksong sabi ni Mike.
Bigla atang wala akong masabi. Gusto ako ni Sean? Eh kaya nga kami may usapan ay dahil hindi pa nakaka-move on iyon sa ex niya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Pinagsasabi mo? Naawa lang iyon at may guilty kaya nandito iyon."
Nagkibit-balikat si Mike. "Let's see. Pero sure ako na may pagtingin iyon sa iyo dahil may kakaiba sa mga mata niya kapag nakatingin siya sa iyo."
Inirapan ko na lang si Mike. "Baliw kana."
Humagalpak naman siya ng tawa saka ako hinampas. Aba't nanakit pa!
Malabong magkagusto sa akin si Sean, ni hindi nga niya ako pinakinggan nang nag-away kami ni Chonna. Mas kinampihan niya iyong ex niya, pero sige. Tanggapin natin na gusto niya nga ako--- gusto niya ako bilang fake girlfriend niya, iyon lang 'yon.
Nang balingan ko si Mike ng tingin ay napansin ko kaagad ang nanunukso niyang tingin sa akin kaya naman hinilamos ko iyong kamay ko sa mukha niya. Nakakainis eh!
©J. O. Arandia

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    BarojaboErick

    sana makakoha ako ng diamond

    29/12

      0
  • avatar
    Princess Pis-an

    nice story I love it

    27/11

      0
  • avatar
    Vyella Cazrine San Pedro

    ganda ng storyyy

    07/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata