Homepage/GLITCH: Cyber City/
Chapter 8:
"Do you think Police station is still open?" my brother asked.
"Police can't help."
Tinuro ko ang lalaki na kasama namin na sinaksak sa leeg ang isang bot na pulis.
He aimed for the perfect spot.
"We should get going, Ren."
I pointed at the bots that were coming towards us.
Sa likod, sa kaliwa at kanan, tumatakbo sila papunta samin.
Kumakaripas ang mga paa, ang du-dumi nila at ang mga mukha nila, mukha silang normal na tao, just like us.
Kakaiba lamang ang mga mata nila, iba-iba ang kulay nito.
Habang tumatagal ang pag-titig ko ay napapansin kong halos lahat sila mukhang maraming pasa sa mukha, maraming dugo ang bibig nila at ganon rin ang mga damit.
Some bloods still look fresh, taken from a flesh.
"Pumasok tayo sa loob ng University!" hinila ang kapatid ko ang kamay ko at tumakbo kami patawid ng kalsada.
"Bakit pa natin kailangang pumasok don?mata-trap lang tayo sa loob." Pag-salungat ko sa ideya nito.
"It's better to be trapped inside than to die here."
Bumitaw ako sa kamay nito at dumiretso na lamang.
Sinubukan kong buksan ang gate ngunit hindi ito bumubukas.
It's locked.
Lumingon ako sa paligid, ang dami ngang bots na papunta, wala kaming choice kung hindi pumasok nalang dito.
But how?
It's locked!
"Akyat." sambit ng lalaki at tinuro ang gate.
"Ren, mauna ka."
Hindi sumagot ang kapatid ko kaya't hinarap ko ito, nakita kong nakatingin sya sa babaeng umiiyak at kinakain ng mga bots.
"Tara na, we can't help her, she's almost dead." tumango ng dahan-dahan ang kapatid ko like he's trying to force himself to believe in something.
Naunang umakyat ang kasama naming lalaki.
Matangkad ito ngunit hindi katangkaran, hindi rin malaki ang katawan nya ngunit hindi ito payat, mabilis sya kumilos, maliksi at malakas kaya't mabilis itong naka-akyat ng walang problema.
"Kilos na." Tinapik ko ang kapatid ko at dahan-dahan itong umakyat.
I know he's trying to be careful, pero pwede naman syang bilisan.
Nakarinig kami ng sigaw at agad naming nilingon kung saan nanggaling iyon.
Galing sa babaeng kinakain ng mga bot na tinititigan ni Ren kanina, she was crying..wailing.
Ang lakas ng iyak nito kaya't lalo syang nilalapitan at pinag-kakaguluhan.
If one day marealize ko na hindi ko na kayang masurvive pa ito, I'll just kill myself, dying with my own hands is way better than dying with their teeth.
Huminto ang pag-iyak nito at bigla syang naupo.
Why did she stop?
Nagulat ako nang bigla nyang abutin ang kamay nyang kinakain ng mga bots at kinain ito.
She's eating her own self.
Parang kanina lamang, ang lakas ng iyak nito, iyak ng isang taong humihingi ng tulong at ayaw mamatay, ngayon ganyan na sya, kinakain ang sariling katawan.
Bumalik ang paningin ko sa kapatid ko dahil narinig ko itong sumigaw.
May isang bot na humihila ng paa nito habang sya ay umaakyat.
I literally forgot, takot nga pala sya sa mata-taas.
Pilit ni Ren sinisipa ang bot na humihila sa paa nya pababa at buti na lamang ay hindi parin sya binibitawan ng lalaki.
Kinuha ko ang backpack ko at pinukpok ito sa bot, hindi ito tumitigil sa pag-hila sa kapatid ko.
May malaking bag ang bot na dala at may stick ito sa gilid, mukha syang galing lamang sa Hiking, Trekking or basta..
Hinila ko ang trekking stick nito at hinampas sa kanya.
Go for the neck, Ray, the neck!
Alam kong sa leeg dapat ito patamaan ngunit hindi ko kayang pumatay..ulit.
Nakuha ko ang atensyon nito at ako ang nilingon ng bot.
Dahan-dahan akong napapa-atras habang lumalapit ito sa akin.
Hinigpitan ko ang hawak sa trekking stick, nanginginig ang mga kamay ko at nararamdaman ko ang pag-tulo ng pawis ko.
"Umakyat ka na!" sigaw ko sa kapatid ko dahil napansin kong nakatitig parin ito sa akin.
Nag-mamadaling hinila ng lalaki si Ren.
Pabilis ng pabilis ang pag-lapit ng bot at lalo akong kinakabahan dito.
Take it easy, Ray.
"Shocks." bulong ko at nag-mamadaling tumakbo palayo.
"Te!"
"Ren, dumiretso kayo, kita tayo sa isang gate!" sigaw ko sa kapatid ko at tinuro ang isang gate na malapit lang sa amin.
Dahil sa sigawan namin ay tumakbo palapit sa amin ang mga bots.
Agad na sinunod nila ang ginawa ko at tumakbo sila sa taas ng gate makapunta lamang sa kabila.
Nag-mamadali akong tumakbo palapit sa gate na tinutukoy ko at napa-atras ako dahil maraming bot don.
Shit.
I should've just killed that bot when I had the chance.
Tumingin ako sa paligid at nakitang may nag-banggaang sasakyan doon sa kaliwa.
Mabilis akong tumakbo roon at nag-mamadaling umakyat sa sasakyan.
One of the bots pulled my feet back but luckily I managed to kick him away.
Hindi balanse ang inakyatan kaya't dahan-dahan akong tumayo rito.
Maraming bots ang nag-aantay sa aking mahulog, ang iba ay pinipilit na umakyat, ang iba ay naka-akyat na.
One more step at makaka-akyat na ako sa gate.
Just when I'm about to hit that step, I heard groans behind me at agad akong lumingon.
Yung bot na kinuhanan ko ng stick, how come he climbs up without even me knowing?
Tinalunan ako nito ngunit agad akong naka-iwas, unfortunately, I lost my balance and fell down on the road.
Ang lakas ng impact ng pag-kakahulog ko, ang sakit na ng buong katawan ko, nauubusan na rin ako ng dugo dahil sa bumubuka ang sugat ko sa tagiliran.
Pinag-tinginan ako ng mga bot at agad na tumakbo palapit sakin.
Mabilis akong gumapang papasok sa ilalim ng kotse.
Tumingin ako sa paligid at nakitang maraming mga bots ang nasa labas.
Gumapang ako palabas sa ilalim ng kotse at nang maka-labas na ako ay agad akong tumayo.
Hinawakan ko ang tagiliran kong damang-dama ko na ang pag-kirot.
Pahakbang na ako nang makaramdam ako ng pag-hila ng paa ko, agad akong napasigaw at hinila ang paa ko palayo.
Hindi ako binibitawan nito.
Sinipa ko ang ulo nito gamit ang isa kong paa pero wala namang epekto.
I don't wanna do this, but you leave me no choice.
I pulled my foot para lang mahila sya palabas sa ilalim ng kotse at mabilis na tinusok ng trekking stick ang leeg nito, naramdaman kong nawala na ang bisig nito kaya't hinila ko na ang paa ko.
Matigas ang katawan nya at nabali pa ang stick na hawak ko.
Kinuha ko ang kaputol na stick at tinitigan sandale ang sugat ko.
I'm losing blood, this isn't good.
Kaya nga ako napunta sa sitwasyong to dahil ayokong pumatay but I also ended up killing somebody.
Now, i'm lost, hindi ko na alam kung saan pupunta.
Napapalibutan na ako ng mga bots.
Oh God, I'm scared.
"Te!" I heard my brother's voice na nasa taas ng gate na malapit samin, kung saan kami mag-kikitang dalawa.
Kumaway-kaway ito at di pa nag-tagal, bumukas ang gate, nag-sipasukan ang mga bots papasok dito.
May sinesenyas ang kapatid ko, hindi ko sya maintindihan, maybe he's saying na I should take this chance to come to them.
Nakisabay ako sa mga bots at tinutulak ko nalang ang mga nada-daanan ko.
Hindi ako makakapasok sa gate dahil maraming bots roon.
"Umakyat ka!" sigaw ng kapatid ko at tinuro ang gilid kung saan walang bot.
Tinanggal ko ang backpack ko at hinagis sa kanya, pabigat lamang ito.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa isang kotse at nakita na nasa gilid ko lamang ang bot kung saan ko kinuha ang trekking stick
Susunggaban ako nito, buti na lamang ay naka-ilag parin ako, don't know if I'm lucky or not today.
Hinila ko ang buhok nya at inuntog-untog ang ulo nito sa kotse.
I hear shattering and his groans.
Onti-onting nababasag ang salamin ng kotse, tinitigan ko ang batok nito..
"Tapusin mo na yan!" sigaw ng kasama naming lalaki.
Why is he yelling at me?
Nata-tanga na ba sya sa ginagawa ko? Kasi ako, oo.
Pinag-sama ko ang trekking stick na naputol at tinusok ito sa leeg nya ng paulit-ulit.
Tumatalsik ang mga dugo nito sa mukha ko, sa katawan at sa kotse.
Matigas ang leeg nya, kailangan pala madiin ang pag-kakatusok, noted, kasi next time, I promise I won't hesitate to kill again.
Napapahamak lang ako sa kabobohan ko.
..and the feeling of killing, it's sickening but somehow it feels so satisfying, burying the weapon deep inside their body, parang may mali lang, parang may kulang..
The hell am I thinking?
I'm sick..sick in the head.
Binitawan ko ang katawan ng bot at bumagsak ito sa lupa.
"Kunin mo yung bag!" sigaw ni Ren sa akin.
"Ha?"
"KUNIN.MO.YUNG.BAG!" he even emphasized every words, akala nya siguro hindi ko sya marinig, well in fact hindi ko sya maintindihan.
Ginawa ko nalang ang sinabi nya.
Kinuha ko ang bag ng lalaki, galing nga tong trekking, ang bigat ng bag.
Jusko naman Ren, mamamatay na tayo, nag-nanakaw ka pa.
Sinuot ko ang bag at mabilis nang umakyat sa gate.
Inabot ni Ren ang kamay nya nang malapit na ako at kinuha ko naman ito.
"Sara mo na." nasa kabilang side ang lalaki at mabilis nitong sinara ang gate.
"Tara.." tinapik ako ng kapatid ko at nag-lakad sa gilid ng gate, palapit sa bintana sa isang classroom.
Habang nag-lalakad ako ay hindi ko mapigilang hindi silipin ang mga bots sa baba.
Nakakaawa silang tingnan pero at the same time, nakakatakot.
Dumaan sa gilid ng mga bintana si Ren and we followed him.
Isang pag-kakamalaking hakbang lamang ay mahuhulog ako sa kamay ng mga bots.
"Dinudugo ka." sambit ng lalaki sa tabi ko at tiningnan ang tagiliran ko.
"It's driving them crazy."
Sinilip ko ang mga bots sa baba.
He's right, sa bawat patak ng dugo ko ay nag-kakagulo sila.
"Dapat pinatay mo nalang agad yon."
"Alam ko, oo na, katangahan yung ginawa ko."
"No, I think that's bravery."
Nilingon ko ang lalaki, bravery huh?
"Is that a compliment? 'Cause I don't accept one." Bravery daw, I know that's foolishness.
"That's not bravery, that's kabobohan plus katanghan, equals ako." With that, I left him there and try to catch up with my brother.
Pumasok ang kapatid ko sa isang bukas na bintana.
"Ren, tingnan mo muna bago ka tumutuloy." hinampas ko ito at pumasok na rin sa loob.
Nilock ng lalaki ang bintana pag-pasok nito.
"Labas..labas!" sambit ng kapatid ko at hinila ang kamay ko.
SHIT!
ANG DAMI PALANG BOTS DITO, MGA ESTUDYANTE!
Bakit kasi hindi nya muna tiningnan bago pumasok?
Nag-mamadali kaming tatlo lumabas ng classroom, only to find out na mas marami pa pala sa labas.
"Tabi!" Napalingon kami sa lalaki na agad kaming hinila papuntang likod nya upang sya ang mauna. "Diretso lang.." papalapit ang mga bots sa amin at bago pa nito atakihin ang lalaki ay tinulak nya na ito palayo bago saksakin sa leeg
How come he's not even hesitating?
Sinubukan ni Ren buksan ang classroom sa harapan namin ngunit naka-lock ito at kahit na bukas ito ay wala ring tulong dahil may mga bots sa loob ng classroom.
Kumuha ng silya ang lalaki at patuloy na hinahampas ito sa mga bots na makakasalubong namin.
Mabilis kaming sumusunod sa lalaki, paakyat sya ng hagdan ngunit bigla itong bumalik at lumipat pababa..
"Bilisan nyo naman!" Hinawakan ng kapatid ko ang kamay ko at halos hinihila nya nalang ako.
Lalong sumasakit ang tagiliran ko at napapagod na ako.
Ayokong mag-pabigat sa kapatid ko kaya't sinubukan kong bilisan ang takbo.
Hindi ko alam kung saan kami patungo, paulit-ulit lamang, paliko-liko lang kami.
Napahinto kami nang may makasalubong kaming mga bots.
Inihanda ng lalaki ang kutsilyo nya.
"Patayin nyo!" oh wait, he's talking!
Tao sila!
"Tao kami." sambit ng kapatid ko at tinaas ang kamay nya.
Bakas sa mukha ng ilang estudyante ang tuwa, siguro dahil sa hindi kami bots.
May mga hawak silang walis at ang gu-gulo ng buhok nila, ganon rin ang damit, napupuno ng pawis, ang ilan ay parang may luha pa sa mukha.
It looks like they've been through a lot.
"Diretso pa.." Nauna ang kasama naming lalaki at sumunod na kami, sumunod rin samin ang mga estudyante.
Sa bawat daan ay sinusubukan naming buksan ang mga pintong nadadaanan.
Nanginginig ang kamay ko habang kinakatakot ang mga pinto.
"Dito.." sigaw ng isang estudyanteng babae at agad na binuksan ang pinto.
Papasok na ito sa loob ngunit hinila sya ng kasama naming lalaki palabas.
"Ano ba!?" Naiiritang sigaw nito.
Palapit na ang mga bots sa kaliwa't kanan namin, itong classroom na ito lamang ang pag-asa namin.
May isang bot sa loob at agad nitong sinunggaban ang lalaki hanggang mapahiga ito sa sahig, tumalsik ang kutsilyo nya malayo sa kanya.
"Hoy!" sigaw ko rito at hinagis ang trekking stick sa kanya, mabilis na sinaksak ng lalaki ang stick sa leeeg ng bot at tinulak ito palayo.
"Pasok na.." sambit ng estudyanteng lalaki, nag-mamadali silang pumasok, halos mag-siksikan na sa pintuan.
Pinauna namin sila ng kapatid ko.
"Tumabi ka kasi!"
"Bakit ka kasi nakisiksik?"
"So kasalanan ko pa kung mabagal kang kumilos?"
Nag-sagutan pa ang dalawang babae sa pintuan.
"Pwede bang mamaya na yan!?" sigaw ko rito at tinulak sila papasok upang makapasok ang iba.
Natumba ang isang babae sa sahig dahil sa pag-tulak ko sa kanya.
Papalapit na ang mga bots sa classroom.
"Bilis.." halos hilahin na ni Ren ang ilang estudyanteng halos hindi na makakilos sa takot.
Nasa pintuan lang kaming dalawa ng kapatid ko.
"Who the hell are you to push me?" Nakaramdam ako nang mahinang pag-hila ng buhok ko mula sa likod.
Yung babaeng natulak ko kanina.
Hindi ko naman sinasadya eh.
Hindi ko nalang sya pinansin at hinila ang kapatid ko papasok bago sya maabot ng isang bot.
Pag-pasok ni Ren ay sumunod na rin ako, sinara ko ang pintuan at hinarang naman agad ng ilang estudyante ang mga upuan.
Oh, are we safe now?
Napaupo ang ilang estudyante sa sahig at napasandal nalang sa pader.
Ang kapatid ko naman ay naupo nalang sa isang upuan at tumungo.
Nilapitan ako ng isang estudyanteng babae, naka wolf cut ang buhok nito at hindi sya katangkaran, napatitig ako sa labi nya, may pasa sya ah.
"I'm sorry to ask this but are you a prisoner?"
Siguro'y natanong nya ito dahil sa damit kong pang preso.
Napatingin sakin ang lahat ng estudyante.
"Hindi." pag-sabat ng kapatid ko. "If you're talking about the shirt, nakuha lang namin yan." dagdag pa nito at nginitian sila.
Tumango lang ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Why are you bleeding?"
Lalo nila akong tinitigan.
Umatras pa ang mga ito sa akin, punong-puno ng takot ang mga mata nila.
"Wala yan..H-Hindi yan kagat."
Hindi ko alam kung bakit ako nauutal, alam ko namang hindi to kagat.
Nilingon ako ng kapatid ko at umiling ako sa kanya.
"Hindi sya nakagat, ganyan talaga yan bago pa mangyari tong mga to." Ginatungan ni Ren ang sinasabi ko kahit na hindi nya alam kung saan ito galing.
"Labas."
"Ano?" tanong ng kapatid ko sa lalaki na nakatayo sa harap ng pintuan.
"Hindi nga to kagat! May sugat lang ako at bumukas to nung--"
"Lumabas nalang kayo para walang gulo."
Hinawakan ng ilan sa kanila ang mga upuan na para bang sasaktan kami.
Hinila ako ni Ren papunta sa likod nya at tinitigan ang mga estudyante
"Hindi kami lalabas dyan, she wasn't bitten--"
"GUSTO NA NAMING MAG-PAHINGA!" Sigaw ng babaeng nagalit sakin kanina dahil tinulak ko sya.
Pagod na pagod at puno ng takot na ang boses nito, It is obvious that she's seeking for safety right now but she irritates me.
"Hindi nga sya nakagat--" halata sa boses ng kapatid ko ang stress at frustration, he's just about to snap.
"We're not sure about that just get the hell out of here so we can finally rest in peace!"
"YEAH, I HOPE YOU REST IN PEACE!" sigaw ko sa babae at pinandilatan nya naman ako.
Dinampot nito ang makapal na libro sa isang desk at nag-lakad palapit sa akin.
Nasa paahan ko lamang ang kutsilyo ng lalaki kaya't mabilis ko itong dinampot at tinapat sa kanya.
Napuno ng takot ang ekspresyon nito, Napahinto sya sa pag-lalakad nang mag-lakad ako palapit sa kanya.
"Lumapit ka, baka ibigay ko sayo ang pahingang hinahanap mo!" sigaw ko sa babae at hinila naman sya ng ilan sa kanila, trying to calm her down.
"Pigilan mo yang kasama mo." sambit ng lalaki sa kapatid ko, referring to me.
"Ayoko." sagot ni Ren.
Yes this is us.
I know it's toxic, but even if it's not right, we'll always have each other's back.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
awn lang
07/06/2025
0👍 good
24/07/2024
0this is good story
12/04/2024
0Tingnan Lahat