Chapter 19;

"Gaano tayo katagal dito, Ray?" Nag-tatakang tanong ni Zero habang nakasilip sa bintana.
Tingnan mo tong tangang to, kanina ko pa sinasabing wag sumilip dahil may sniper nga sa labas.
"Lumayas ka nga dyan, lapitin ka pa naman ng disgrasya." naiiritang sambit ko rito, paulit-ulit kasi, hindi nakikinig.
"Paano ko malalaman pag nakita nya na ko?"
"Ewan ko, siguro pag butas na mata mo."
Natawa ito sa aking sinabi.
Sige tawa ka lang dyan, mamaya nabaril ka na.
Ayan ba ang tinatawag na huling halakhak?
Lumapit ako sa bintana at sinara ang kurtina.
He looks a bit happy..a bit normal.
Siguro hindi pa sinasabi ni Ren sa kanya ang mga nalaman namin.
"Remember when I told you na nagugutom ako? Pabalik palang ata tayo non dito."
Ah, yung ayaw nya kumain ng strawberry biscuit?
Tumango ako rito, anong point nya? na mula kanina hanggang ngayon nagugutom parin sya?
"I wasn't craving for foods like that, I was in fact craving for meat.." napahinto ako sa pag-ayos ng kurtina at tinitigan si Zero na seryoso na ngayon.
"..to be exact, human meat." Nilingon rin ako nito.
"I was bitten, right? Hindi ko kinain yung tao dahil ito ang sinasabi ng katawan ko, hindi dahil sa nakagat ako at ngayon kagaya na rin nila ako, kinain ko to dahil gusto ko, it was a choice weirdly chosen by me. Para bang sanay na sanay akong gawin to, parang matagal ko nang ginagawa..I consciously dit it, I was hungry for something.. human."
Anong ibig nyang sabihin?
Akala ko kaya nya kinain..ang taong iyon ay dahil sa nag-sisimula na itong maging bot.
"Nasa tamang pag-iisip ako, I remember seeing you and calling your name while you walked backwards because you're scared.."
Oh, he does?
Sino bang hindi matatakot..
"I also remember your warmth, I remember how we hugged each other here.."
Tila ba hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, shit, oo nga pala!
Bakit ba binanggit nya pa?
Dapat nakalimutan nya na yon.
I hope hindi nya naalala--
"Remember what I said when it's just the two of us?" AYAN NA NGA, NAALALA NYA NA, WALA NA.
Sana maiba na ang topic namin, ang awkward na tuloy, kainis.
"What d'you say? It's only the two of us, now."
Napalunok ako sa sinabi nito.
GAGO!
Epekto ba yan baril at kagat?
"I was just thankful--"
"You're thankful, huh? then kiss my brother so he'll also feel how grateful you are."
"Ano..uhm, nevermind." natatawang sambit nito at sumilip na naman sa bintana.
Jusko, ayan na naman sya!
Tinitigan ko ito ng masama at sinara nya na ang kurtina, as he should.
"Sinabi mo ba sa kapatid mo na kumain ako ng tao-"
"Hindi, manahimik ka nga.." lumapit ako rito at hininaan ang boses ko.
"Itago nalang natin yon, let's forget it didn't happened and the guy you ate should die anyway."
It's not like I don't trust Ren, pero mas ayos na kung kaming dalawa lang ni Zero ang nakakaalam nito.
"Paano kung makaramdam ulit ako non? What if I crave human meat again? What if I'll end up killing all of you--"
"Hindi ko alam, bakit ba ako tinatanong mo?"
If he craves again, Hindi ko na alam ang gagawin pa.
Halata sa itsura nito ang pag-aalala.
"I don't want to end up like those bastards did." Itinuro nito ang mga bots sa labas.
Nobody wants, Zero.
"Even those bastards you call didn't want to end up the way they did. They just don't have a choice."
"But I have, I have a choice, Pipigilan ko nalang."
Tingin nya ba ganon yon kadali?
"Tingin mo mapipigilan mo porket gusto mo lang? The easier you think it is, the harder it really is."
Tinitigan ako nito ng masama, back to normal, hindi na naman kami nag-kakasundo.
Looks like we don't share the same opinion, but we always help and save each other.
Oo nga pala, I was the reason he was bitten, I'm thankful he's still alive.
"Isa pa nga pala, can you please promise me something?" Nawala ang pag-kairita nito sa mukha at napalitan ng pag-tataka.
"Don't save my life again."
"Then promise me the same thing, I'll stop saving your life once you stop saving mine."
Nililigtas ko ba sya?
Pakiramdam ko nga lagi nalang akong pa-save.
"Kinausap ako ni Ren kanina tungkol sa nalaman nyo, about the book of numbers, about me.."
SHOCKS, ALAM NYA NA PALA.
Hindi ko maintindihan kung anong ekspresyon ang pinapakita nya.
Galit ba sya?
Malungkot?
Pero bakit parang nakangiti sya?
This guy is indeed, creepy.
Hindi ko lubos maisip kung ano mang nararamdaman nya ngayon.
I feel sorry for him.
"Now that you know what happened to you, ano nang plano mo?" Nag-tatakang tanong ko kay Zero at tinitigan pa ito.
He looks..kind.
I think he's a kind person before he was-- before that happened to him.
"Then I'll make them pay."
But how? Tingnan mo nga, bali-bali na ata mga buto nya.
"..at gagawa ako ng paraan mabalik lang ang mga memories ko. I don't wanna die without knowing who I really am."
"Sounds like a good plan, Mag-pagaling ka muna please."
He was bitten and shot, yet he's still alive.
Dahil ba nakagat na sya, ibigsabihin pag lumabas sya at nakakita ng mga bots ay hindi na sya kakagatin ng mga to?
"Anong feeling ng nakagat?"
Napabuntong hininga ito bago sumagot.
"Hindi ba dapat maging bot na rin ako? Kumain ako ng tao pero ginawa ko yon hindi dahil sa nakagat ako, it just triggered my desire.. but like I told you, I was craving human meat since we entered that cave, nahilo ako, masakit yung katawan ko, lalo na yung paa ko nang makagat ako, then I feel numb, but I didn't turned, eto pa tingnan mo.." Nag-mamadaling pag-kwento nito at tinaas pa ang pants nya upang makita ko ang paa nya, ang sugat kung saan sya kinagat.
Instead of seeing the bite mark, I saw his chain marks, it was obvious that he was chained.
Huminto sa pag-sasalita si Zero and it was like he was frozen dahil hindi na sya kumilos pa.
Napansin kong palingon-lingon ito sa akin na para bang naiilang.
Maybe he feels awkward dahil nakita ko ang mga markang yon.
Dahan-dahan nitong inayos ang pants nya at tuluyan nya nang tinakpan ang mga marka.
"I..ehem." Naubo pa ito at umiba ng tingin.
Nahihiya ba sya?
Nahihiya sya sa mga ganyan nya?
But, I've seen them all.
"Naka..bandage na pala, pero papakita ko sana na sugat lang talaga sya, hindi naman ano.." Naiilang parin ito.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin, should I just leave?
No, that's rude.
"I'm.. glad na ganon lang at hindi lumala."
Tumango lamang ito sa akin.
"You know what, Zero? Why don't you take a rest, mag-pahinga ka muna, ipahinga mo yung katawan at isip mo, andon si Ren sa kwarto, komportable naman don."
Pahinga.
Ayan ang kailangan nya.
"Pano ka?"
"I'm fine here, kung nagugutom ka, andon yung kapatid ko.." Wait, ano?
Mukhang nag-pipigil na ito ng kanyang tawa.
"I didn't mean na kainin mo ang kapatid ko, please don't harm him, I mean he has plenty of foods, eat normal foods, not human meat."
With that, he entered the room space that was for us.
I hope he gets the rest that he needs, that he deserves.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa gilid ng bintana bago pumasok sa kwarto kung nasan sina Ren.
Tabi pa sila sa higaan.
Naka-lagay pa talaga ang kamay ni Ren sa mukha ni Zero, it looks like he was comfortable with him.
Medyo malamig rin pala dito, ngayon ko lamang naramdaman.
Nag-bukas ako ng isang cabinet and thankfully, may dalawang kumot na andito.
Kinuha ko ang mga kumot na ito para sa kanilang dalawa.
Medyo butas yung isang kumot sa bandang paahan at medyo masang-sang rin ang amoy, habang ang isa naman ay mabango at maayos pa.
Kinuha ko ang magandang kumot at ikinumot kay Ren.
Ang isang kumot naman ay hinagis ko kay Zero, ayos na yan.
Syempre sa kapatid ko yung maayos na kumot.
Dinampot ko nalang ang isang sapin sa ilalim ng cabinet at nag-tungo na palabas ng kwarto.
Sleepwell guys, baka last sleep na yan.
Nakasara na rin ang pintuan nila Lex.
Tulog na rin ata sila.
Ayokong matulog sa kwarto, kung andito man yung mga tauhan ng Cyber City, o yung mga bots, o kahit yung sniper pa, I should be the first one to know.
Buti na lamang ay may mahabang desk dito, ayos na yan, dito nalang ako sa sahig matutulog, sa ilalim nito, para kumportable.
Pinagpag ko lang sandali ang sahig at nahiga na.
Please..make tomorrow a better day for us.
Less running..less worries..
Antok na antok na ako, pagod na pagod ngayong araw.
I also hope that I get the rest that I deserve..
-
"Ayoko nang katabi yang kapatid mo, nambubugbog pag tulog, pakiramdam ko nakipag-laban ako." Pag-rereklamo ni Zero habang minamasahe ang kaliwang braso nya.
"Sino bang nag-sabi sayong tumabi ka, nagulat nga ako pag-gising ko, nakita ko mukha mo, tas nakayakap ka pa sakin, yuck..gross." Diring-diring sambit ni Ren.
Kagigising lang nila, puro reklamo na agad.
"Tsaka isa pa, hindi ko alam kung sinong mabaho, yung kumot ba o ikaw."
Hindi ko na napigilan ang tawa ko sa sinabi ni Zero.
Mukhang offended na si Ren ha, Zero, one point!
Parang tanga naman kasi tong dalawang to, nagising ako at sinilip sila, halos mahati na ang kumot dahil sa pag-hihilahan nila, at yung magandang kumot? Andon nasa sahig, nahulog na, hindi pa napakinabangan.
"Hindi pa yon ha, nag-sasalita pa sya ng tulog.." natatawang sambit ni Zero at lumapit sa akin para mag-kwento. "Pambihira, para akong may kasamang nasasapian, malapit na akong matakot eh." dagdag pa nito at natawa ulit ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ikinuwento na kay Zero ang nangyari dati.
"Ganyan talaga yan, nag i-sleep walking pa nga yan dati eh, pupunta sa kwarto ko tas sasabihin sakin na patayin ko na daw yung ilaw sa pool, eh wala naman kaming pool??"
Napalakas na ang tawa ni Zero at paulit-ulit pang hinampas ang balikat ko, tuluyan na talaga akong natawa dahil sa kwento at sa ekspresyon nito.
HAHAHAHAHHAHAHAHA naalala ko na naman.
Napaupo na si Zero sa sahig dahil sa kakatawa.
Bakit parang ang saya nya?
He looks pretty whenever he smiles, whenever he laughs.
It suits him.
Napatingin ako kay Ren at napahinto sa pag-tawa, mukhang naiinis na ito sa amin.
Pinipigilan ko nalang ang pag-tawa dahil nakatingin sa akin ang kapatid ko.
Nabalin ang pansin ko kay Lex na nag-mamadaling lumabas ng kwarto.
"Do you guys feel that?" Nag-tatakang tanong nito sa amin.
Anong ibig sabihin nya?
"Feel what?" pabalik na tanong ko rin rito.
"Look.." napatingin ako sa tinuturo ni Zero at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
Dahan-dahang nag ka-crack ang sahig papunta sa mga pader hanggang sa kumakalat na ito.
Napatayo na rin si Zero sa kanyang nakita.
"A-ano yan?"
Ano nga ba yan?
Bakit nag ka-crack ang sahig at mga pader.l?
Bigla akong nahilo, parang may kakaiba.
Para bang gumagalaw ng dahan-dahan ang kinatatayuan ko.
Nilingon ko si Ren na napakapit sa desk at muntik na nga itong matumba.
Shocks..
Is this--
"Earthquake?"
Lumakas pa ang pag-galaw ng sahig, oh shit, Lex was right!
Palakas ng palakas ang lindol hanggang sa bumagsak na ako sa sahig.
Ah shocks! Tumama pa talaga ang likod ko..
"Te sa ilalim ng lamesa!" Sigaw sa akin ni Ren na gumagapang na palapit sa ilalim ng lamesa kung saan ako natulog.
Good idea!
Nag-mamadali rin akong gumapang papunta rito hanggang sa makarating na rin ako.
Nag-kakahulugan na ang mga gamit sa paligid at nag-mamadali namang tumakbo si Lex patungo sa mga kasama nya, siguro nga ay tulog pa sila.
Lumakas pa lalo ang pag-lindol kaya't napakapit ako sa kapatid ko bilang support.
Ano to?
Bots..
Hinahabol ng tauhan ng Cyber City..
Tinatarget ng sniper na hindi namin alam ang dahilan.
At ngayon naman lindol??
"Te.." pag-tawag sa akin ni Ren at kinalabit pa ako upang makuha anga atensyon ko.
Tinuro nito si Zero na may red dot sa ulo.
"Ano?" nag-tatakang tanong sa amin ni Zero bakit kami nakatitig sa kanya.
Shit, the sniper..

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Lander Refuerzo

    awn lang

    07/06/2025

      0
  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07/2024

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    12/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo