Homepage/GLITCH: Cyber City/
Chapter 16:
"Ren, what the hell!?"
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng kapatid ko.
He killed our ally!
He killed him!
May kakaiba sa pustura nito, umiiling ito at tila ba naluluha ang kanyang mga mata.
"I..it wasn't me."
What does he mean?
Dahan-dahan kong binaba ang katawan ni Zero sa sahig at isinandal ito sa pader.
Even in his death, he doesn't look peaceful.
Humakbang ako ng onti patagilid at napansing may tao sa likod ni Ren.
It was the woman from earlier, yung parang leader nila, the one we followed, may nakatutok itong baril sa ulo ng kapatid ko.
"She killed him?" Naiiritang tanong ko kay Ren at tumango-tango naman sya habang tinititigan ang walang buhay na katawan ni Zero.
"You bitch!" Tinutukan ko ito ng baril at hindi ako nag-dalawang isip na iputok ito but unfortunately, wala na itong bala.
Bakit ba nawawalan ito ng bala kung kailan kailangan ko??
Inulit-ulit ko pa ang pag-pull ng trigger pero wala talaga, ano ba naman yan!
"Relax lady, hindi naman yan patay."
Tinitigan ko ang babae, anong ibig nyang sabihin na hindi pa patay si Zero?
"You see, our guns were built different, instead of hot ammo, it's a poison--"
"Wala akong pakielam kung saan gawa yang baril nyo!" sigaw ko rito, sinasayang nya lamang ang oras ko.
So Zero was still alive?
What a relief.
"Of course you don't care about anything but yourselves, that's what you, Normal City people were."
Hindi ko pinapansin ang mga pinag-sasasabi nya at tinitingnan ang kapatid ko kung komportable ba sya dyan na halata namang hindi.
"Hindi ko na papahabain pa ang usapan." Dapat lang. "I need him, give that boy back and I'll give your brother."
A trade?
Napalingon ako kay Zero at kay Ren.
"What would you do to Zero--to him?" nag-tatakang tanong ng kapatid ko sa babae.
"I'm afraid to say that I am prohibited to say such personal matters from our City to another one."
So Zero was really a Cyber-human huh?
He was from here?
I thought he was like us.
"I have the antidote to make him feel better, kung mag-tatagal pa syang ganyan, mamamatay sya." Itinaas ng babae ang isang kamay nya at may hawak nga itong injection.
"Is that it? The antidote?"
Tumango ang babae sa aking tanong.
"Yes, all I need is him and ayos na, while the two of you would be able to leave peacefully."
Should I give Zero?
Should I trade him for my brother?
"Time is ticking lady, he won't last a minute, would you rather let him die there and your brother or save the both of them?" Napalingon ako sa sa babae, would I really let him die if I don't give him back?
"..or you'll let the two of them live? Giving him with us is not a sacrifice but it was to keep him safe, you don't even know him and the monster beneath him."
'The monster beneath him' huh?
I've already seen him eat a human and yet he still recognizes me, with that, I don't think he's the monster she thinks he is.
Hindi ko alam kung anong gagawin, damang-dama ko na pinag-papawisan ako dahil sa hindi ako makapag-desisyon.
Of course I can't let my brother die and I just can't sacrifice Zero for the sake of saving Ren.
Isn't giving him to these people were like killing him already?
But I, I wanted to save my brother..
Why would I worry with someone na hindi ko naman kadugo?
Hinagis ko ang hawak kong baril sa sahig tutal wala naman itong silbi.
"Take him!" hindi ko manlang napansin na may dalawang lalaki pala sa gilid na nakasuot ng pang-doktor.
Kinuha nila ang katawan ni Zero at nilagay sa isang wheel chair, nag-mamadali naman itong tinurukan ng babae sa braso.
Maybe the antidote was real.
Wala parin itong malay, ngunit napansin ko na gumagalaw ang mga daliri nito at kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.
At least now, I'm sure that he was really alive.
I watched him as he was taken away from me.
Hinila ko ang kapatid ko palabas ng isang pintuan na napansin ko kanina.
"Thank you." sambit ng babae sa akin.
"I hope you won't break our deal." I replied before dragging my brother towards the back door.
Narinig ko namang nag-salita ang babae bago kami makalabas, Hindi ko ito masyadong naintindihan.
But it was like an order to take Zero to building 24.
The building beside the one we're staying.
Anong gagawin nila kay Zero?
Sya ba yung gumawa non sa kanya?
Sya ba yung dahilan bakit ganon ang katawan nya? Puro gapos, sugat at marka ng mga bagay na hindi kaaya-aya?
"Te." nilingon ko ang kapatid ko nang tawagin ako nito ngunit hindi na sya ulit nag-salita.
Buti na lamang ay hindi kami sinundan nung babae, at least they know how to keep their word.
Lumabas kami ng kapatid ko sa fire exit but instead ng pababa, pataas ako nag-punta.
Pinatalikod ko si Ren upang buksan ang bag nya at hilahin ang isang sniper gun.
"For what?" nag-tatakang tanong nito sa akin.
"I can't leave him there, Ren. I don't trust them." sambit ko sa kapatid ko at kumukuha pa ng ilang bala sa bag na suot nito.
Since may optic naman to, I think kahit papano hindi naman ako tanga-tangang gagamitin to.
"Then you're the one who's breaking the deal, te."
I know, I am aware how unfair I would be but it's also unfair to to leave Zero when he needed someone the most.
"I need you to go down, Ren."
"To get him back?"
You got it.
Tumango ako sa kapatid ko.
"Te, may nakita akong mga papel don and you won't believe what I found--"
"Mamaya na yan-"
Inabutan ako ng kapatid ko ng ilang mga papel, may libro pa nga sa ilalim.
Ano ba tong binibigay nya?
Sayang lamang sa oras.
Hindi ko na sana ito kukunin ngunit may napansin akong litrato dito.
Zero's picture with normal eyes.
Hindi pula at itim ang mata nya.
Normal lang din kagaya namin, dark brown.
So he was a human?
"Saan mo nakuha?"
"Doon sa likod, hindi lang yan, pati ito." Nag-mamadali si Ren hilahin ang isang libro at binuksan nya ito.
Wala akong maintindihan.
"Anong napapansin mo?" tanong sa akin ng kapatid ko.
"Mga numbers?"
"Tama and sinabi sakin ni Alisa na nag co-communicate sila in writing through numbers so instead of letters na ABC ang gamit nila ay numbers na 123."
HALA?
So lahat ng laman ng librong to at ng mga papel ay nag-lalaman ng words gamit ang mga numero?
How witty of Cyber City to write like this.
"So ang number 1 ay A ang 2 ay B, gets mo?"
Tumango ako sa kapatid ko.
"Pero kung mapapansin mo may mga gitling dito, you know why?"
Umiling ako rito at lumapit pa lalo si Ren at tinalikod ang picture ni Zero, may mga numbers ito sa likod.
At sa likod ng picture nya ay may picture nya rin ngunit iba na ang itsura nya, iba na ang mata nito at nawala na ang sigla at ngiti nito sa mukha.
Medyo humaba na rin ang buhok nya..
Tama nga si Ren sa dulo ng isang number ay may gitling na nakalagay.
"Para san tong mga to?" tanong ko rito at tinuro ang bawat gitling.
"Diba ang letters ay hangang 26 letters lang hindi kasama ang ñ at ng? So ang numbers na kakailanganin nila ay 26 lang din, nasusundan mo ba ako?"
Oo naman, hindi ako slow noh!
Tumango ulit ako sa kapatid ko.
"Ang one digit number ay hanggang 9 lang dahil pag-dating sa number 10, two digits na ito, so Letter A to Letter I is number 1-9 habang ang Letter J to Letter Z is number 10-26, nilalagyan nila ng gitling para hindi sila malito, gets?"
Malito?
"Kunware isusulat ko ang pangalan mo, RAY, 3 letters, R, A and Y, so sa numbers nito ay.." pumikit pa sandali ang kapatid ko na parang nag co-concentrate at nag-bibilang.
"Ang pangalan mo ay may three letters so syempre three numbers rin, ang letter R ay pang 18, ang A ay 1 ang Y ay 25."
So 18125 ang sulat ng pangalan ko sa Cyber City.
"Tas lalagyan natin ng gitling after 18 at after 1 at after 25 rin kasi para mahati ang bawat numbers at mabilis na malaman na ito ay letter R, ito ay A at ito ay Y. Dahil nga kung hindi lalagyan ng gitling ang pangalan mo ay 18125, iisipin nila na ang 1 sa umpisa ay letter A at ang 8 ay H, ang 1 ulit ay A ang 2 ay B at ang 5 ay E."
Sandale, naalog utak ko, pero nagets ko na rin naman ang tinutukoy nito.
"So instead of Ray ikaw na ngayon si AHABE. Dahil walang gitling, payag ka ahabe pangalan mo?" natatawa pa ito, parang timang.
Bale 18-1-25 ang pangalan ko at hindi 18125.
"Gets ko, bale ito.." tinuro ko ang nga numbers sa likod ng picture ni Zero.
"Ayan, ang ibigsabihin ng mga numerong iyan ay Experiment member #000 bakit 000? Hindi ko alam. Maybe sya yung pang una pero kung sya ang pang una dapat #001 yan o kaya #111."
"Pero Ren, baka nag i-start ang number ng Cyber City sa Zero?" Nag-katinginan kami ng kapatid ko.
"Naisip ko na rin yan but if their number really starts with Zero then Letter A should've been number '0' and not 1."
Oo nga noh?
Naisip ko lang na ang talino pala ng kapatid ko, ever since bata kami, humahakot to ng mga awards sa school. He's still smart.
Speaking of Zero, nag-susulat ito ng number zero sa kung saan at nang binanggit ko ang Zero ay tila ba parang pamilyar sa kanya ito.
Maybe because he was the experiment #000 kaya ganon ang reaksyon nya sa number na ito and he even called himself that.
"What do you mean by Experiment #000 Ren? Ineksperimentuhan sya ng Cyber City?"
"Yes, according sa isang papel na nabasa ko kanina, he was abducted from our City, tao sya, hindi sya taga-rito, balak nga nilang bilhin sa pamilya nya si Zero but of course tumanggi ang mga ito, hindi ko alam kung anong gusto nila kay sa kanya pero pinalabas nilang namatay na si Zero and they successfully abducted him."
Tao pala sya, hindi sya Cyber-human.
Pero yung mga mata nya, kakaiba ito, hindi ito normal na mata ng mga tao.
If Ren found out the reason about what happened to Zero, siguro nalaman nya na rin ang buhay nito.
"What about his real name, age? Family? Wala bang nakalagay na ganon sa nabasa mo?" nag-tatakang tanong ko rito at umiling ang kapatid ko.
Walang nakalagay? Na kahit ano tungkol sa buhay nya?
"Nope, No mention about his life, real name, age, relatives, job or university, wala, nakalagay lang don ay #000 and that serves as his name while he was being held captive by this city and..you won't believe what I found.."
Para bang isang scientist ang kapatid ko na nakatuklas ng isang kamangha-manghang science facts or invention kung mag-kwento.
May kinuha itong isang papel at hinarap sa kanya, it also contains numbers.
"Mahaba ang nakasulat rito pero papaikliin ko nalang dahil kailangan pa nating maabutan si Zero sa labas, so.." huminto ito sa pag-sasalita at huminga ng malalim.
Hindi ko gusto ang pakiramdam ko, feeling ko kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin nya.
"So ano?" Nacu-curious na ako dito pero hindi parin sya sumasagot.
Parang tanga!
"He was tortured for 5--"
"TORTURED? YOU MEAN WHO? ZERO?"
Napahawak ako sa bibig ko sa halos hindi makapaniwala sa narinig ko.
So those marks on his feet, his back and on his neck was because they tortured him?
Hindi ko sadyang maisip kung paano..bakit or..kung gaano katagal.
"5 ano? 5 times?"
5 times tinorture? In what ways??
"Not 5 times.."
So anong 5?
"Don't tell me he was tortured for 5 hours straight?"
Umiling ang kapatid ko, not 5 hours straight??
Hindi naman siguro 5 days??
"Wag mong sabihin na 5 days--"
"5 YEARS."
WHAT THE HELL?
ZERO WAS TORTURED FOR 5 YEARS?
That guy was tortured for 5 consecutive years?
Him?
That explains the marks, the chains, the whip, the collar.
I--I don't know what to say.
Sasabog na ata ang utak ko sa mga nalaman ko, hindi ako makapaniwalang tinorture sya ng limang taon!
Nag-tiis sya sa bagay na yon ng ganon katagal!?
SOBRAAAANG TAGAL!
"Why? Bakit nila ginawa yon sa kanya?"
What was the reason?
Masahol ba ang ginawa ni Zero sa kanila kaya masahol rin ang ginawa nila rito?
"Cyber City started the bots as they want to rule our Society and outrun humans, well hula-hula ko lang yon but maybe ayon yung dahilan, nakalagay rito sa isang papel na almost perfect na ang experiment nila kay Zero maging bot."
Tama sya!
I think Ren's right, maybe that was the reason why they started the bots, it's obvious that they started it, there's no point in denying it.
"They experimented him to turn him into the bots they wanted at yung mga bots na nakikita natin? Yung mga nangangain, mga failed experiments yon tas kumalat nalang, kailangan nila si Zero kasi..I think a cure? pero hindi eh."
I don't think it's because of a cure.
"Hindi yan cure Ren kasi 5 years syang tinorture..it's been 5 years since he was abducted, e kaka-umpisa lang naman ng mga to."
Tumango ang kapatid ko sa sinabi ko.
"Pero mag-kaiba ang oras ng City natin dito sa Cyber City, what if bots appeared 5 years ago at wala tayong kaalam-alam? hindi ko sinasabing ganon nga yon, may possibility lang kasi."
Bakit ba ang talino mag-isip ni Ren, may chance na matagal na ang mga bots pero dahil nasa ibang City kami, they kept it a secret, although hindi sigurado ang kapatid ko, maybe tama nga sya.
"Mamaya na tayo mag-usap tungkol pa sa ibang bagay, let's get him first."
Shit, oo nga pala, nakalimutan ko na.
Kwento kasi ng kwento to, I totally forgot about Zero.
"Sige, I'll shoot those guys and you go get him, dadalhin nila si Zero sa building 24, so as much as possible ilayo mo sya rito."
"Hindi ka pwedeng mag-paiwan Ate, puntahan mo agad kami, okay?"
Tumango ako sa kapatid ko at inihanda ang sniper gun na hawak ko.
"Careful, Ren."
"Ikaw din, sorry about earlier, sa mga nasabi ko--"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito.
"Ayos lang yon, let's move now baka nakalayo na yon."
Tumalikod na ko sa kapatid ko at tumakbo pataas.
The truth is I don't wanna talk about it anymore.
I hated arguing with people, especially with my brother, it makes everything awkward and emotional.
Isa pa, wala nang oras don, we get to talk about it and Zero will be gone.
About him, hindi ko talaga lubos na maisip na tinorture sya ng 5 years, they took him away from his family to torture him, to give pain, everyday.
I always ask myself about him the same thing over and over again: 'How come he's still alive?'.
He's strong, I guess?
Physically, emotionally and mentally.
One of a kind.
I opened the last door towards the highest, I went to the rooftop at inihanda ko agad ang baril ko incase na may ibang tao rito, but luckily, wala.
Agad akong tumakbo sa dulo at pumwesto.
Wag kang kabahan, Ray.
Wag kang manginig.
Please lang..
Itinapat ko ang mata ko sa optic at hinahanap ang kapatid ko sa baba.
Why am I searching for him instead of Zero?
I'm sure nag-tatago pa yang si Ren.
Hindi nakakatulong ang malamig na simoy ng hangin rito, kusang tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa sobrang lamig, madilim rin dito at nag-papasalamat na lamang ako sa mga bilang na bilang na streetlights kaya nakikita ko parin ang baba.
Oh, there!
I saw the guys pushing Zero's wheelchair.
Gising na pala ito, halos masira na ang wheel chair sa pag-pupumiglas ni Zero, tumigil lamang ito nang turukan ng isang lalaki.
Ano yang tinurok sa kanya?
Pang pakalma?
Tranquilizer?
Huminto si Zero sa pag-kilos at itinapat ko na ang baril sa isang lalaki.
Wala rito ang babae kanina, the one I made a deal with, buti nalang, she creeps me out.
Chill Ray..
I swear, ayoko talagang pumatay pero.. pero they leave me no choice.
I pulled the trigger quickly at bumagsak ang lalaki sa lupa.
One down.
Inilipat ko ang tutok sa isang lalaki na nag-labas ng baril at tumitingin-tingin sa paligid kung sino ang pumatay.
Malikot ang ulo nito at galaw sya ng galaw.
He keeps looking for me.
I pulled the trigger but I didn't shot him.
Shit!
Nilapit ko ang scope at inadjust ito upang lalo ko itong makita.
Focus, Ray..
Focus..
I pulled the trigger again and this time I shot him.
His body fell down and I like it.
I always keep telling myself that I don't want to kill, but when I do, I just don't want to stop sometimes.
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang nag-mamadali ang kapatid kong mag-tungo kay Zero upang kunin ang wheel chair nito.
Agad itong kinuha ng kapatid ko ngunit huminto sandali at tumingin sa kanyang kanan.
Why?
Nilipat ko ang atensyon ko kung saan ito nakatingin at nakitang maraming mga bot ang papunta sa kanila mula don.
I tried to shoot the closest one pero sobrang bilis nito, so I failed.
I tried again but I shot his arm instead of her neck kaya wala paring epekto.
One bot caught my attention, nasa gitna ito ng mga nag-raragasang katulad nya na papunta sa kapatid ko pero ang bot na ito ay kakaiba, nakatayo lamang sya at nakatingin-- I mean, nakatitig talaga sya sa akin.
Para bang nakikita nya ako, like he was staring right into my soul, at hindi sya nakikisabay ah.
I wonder why..
How weird.
Okay, like I said, FOCUS.
Hinanap ko ulit ang kapatid ko at nakitang tumatakbo na sya paliko sa building na ito.
Isinuot ko ang tali ng sniper gun at nag-mamadaling bumaba sa fire exit.
Kung bibilisan ko ang pag-takbo, maaari kong makasalubong si Ren.
Just the thought of being with Ren in times like this make me excited, who knows that I would be with my brother when apocalypse comes, Buti na lamang ay tumakas ako sa kulungan.
Hingal na hingal na ako ngunit hindi ako huminto sa pag-baba ng hagdan, I hate stairs, I hate it a lot.
Nang makarating ako sa dulong pintuan ay agad ko itong binuksan.
Halos mag-kauntugan na kami ng kapatid ko dahil saktong andito rin sya.
Gosh, I'm thankful he's here.
Pinag-papawisan na ito at kagaya ko, hingal na hingal na rin sya.
Halatang pagod na pagod na..
We've been running since like, yesterday, napapagod na rin ako..
"Maraming bots na nakasunod. We need to move." tinapik ako ng kapatid ko bago itulak ang wheel chair ni Zero.
Lumingon ako sa likuran namin at andyan na nga ang mga bots.
"Let's go as far as we can from building 25 and 24." alok ko sa kapatid ko at tinulungan itong itulak ang wheelchair.
Habang tumatakbo kami ay napansin kong onti-onti nang bumubukas ang mga mata ni Zero.
I'm glad he's fine, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag namatay to dahil sakin.
Zero looks weak, he looks drained, hindi maganda ang itsurs nito, he was bitten by a bot and was shot at the back, they injected him 2 times, kaya't hindi ko na lamang maisip na buhay pa talaga ito.
We need to find a safe place to treat his wounds.
My brother and I ran and ran.
Nauuna ito sa akin dahil sya ang nag-hahanap ng daan as I was the one trying to push the bots away from us.
Hindi ko alam kung saan na ba kami patungo, halatang walang destinasyon.
"DAMN IT, DEAD END!"
"ANO?"
Lumingon ako sa likod ko at nakitang malaking pader na pala ito, napakataas ng building at walang kahit anong butas o pintuan ang andito.
Shit, we're dying.
"Hindi na tayo pwedeng bumalik, makakasalubong lang natin yung mga bots.."
And speaking of the devil, here they are..
Natatanaw ko na sila at papalapit na lamang ito ng papalapit.
Wala na kaming matatakbuha ni Ren, dalawang pader ang nasa gilid at isa pa itong nasa likod namin.
If we go tries to go back, we'll die.
If we fight, we'll end up dying anyway, if only Zero was here baka kaya pa namin to, he was a skilled fighter, but now he was the one who needed to be saved.
Hindi naman pwedeng tumayo lang kami rito at mag-antay ng kamatayan, pero wala na kaming magagawa pa rito.
Papalapit na ang mga bots sa amin at nawawalan na ako ng pag-asa.
I held my brother's hand as tight as I can.
So this is how we die?
Nagulat kami nang biglang may bumagsak na lubid sa amin.
Gumagalaw-galaw ito, lubid na galing sa taas.
Nag-katinginan kaming dalawa ni Ren at napabitaw ako sa kanya upang i-check ito.
Sinubukan ko itong hilahin pababa at may nakita akong mga tao mula sa taas, sa isang mataas na bintana, hindi ko sila mamukaan but I'm glad they're here.
"Ren, itali mo si Zero, bilis!"
Tinulungan ko ang kapatid kong itayo si Zero at itali ang katawan sa lubid, wala na naman itong malay.
Is he still alive?
Nag-dudugo na naman ang mga mata nya.
Hindi na to maganda.
"TE, LOOK OUT!"
Binitawan ko si Zero nang lumingon ako sa likod ko upang ihampas sa bot ang baril na hawak ko.
They were too close.
"Ren, ingat ka."
Kinuha ng kapatid ko ang baril sa bag nya and he keeps trying to shoot the bots near us.
I'm glad marunong syang gumamit nito kahit papaano, alagang video games.
Napansin kong tinataas na ng mga tao si Zero.
"Ren, mahigpit ba yung pag-kakatali mo?" tanong ko sa kapatid ko habang hinaharang ang wheel chair sa harapan namin.
"Ha?A-ano.." Anong ano?
Bakit hindi sya sure?
Tinusok ko ng baril ang leeg ng bot na papalapit sa kapatid ko bago ito kausapin.
"Mahigpit naman yan, isipin mo, hirap na hirap tayo maligtas lang si Zero tas pag-hulog pala ikinamatay nya noh?" Natatawa pa ito sa sinasabi nya.
Joking about someone's death, huh?
Seems illegal to laugh.
Habang tinutulak ni Ren ang mga bots palayo sa amin ay napansin kong may Red dot na nakalagay sa damit nya, sinusundan nito ang bawat kilos ni Ren.
A sniper?
Kagaya nung kanina na kinain ni Zero?
Red dot yon, ito naman ay green.
"Ren, may sniper sa paligid, nakatutok sayo! Watch out." hindi ko alam kung ano bang 'Watch out' ang sinasabi ko, dahil hindi na maiiwasan pa ang ganitong baril, halata namang target based ito.
Humarang ako sa gitna upang sa akin mapunta ang dot at hinanap sa taas ang may ari nito
I saw someone above, naka itim ito, naka itim na mask, na damit at naka hood na jacket.
Lalaki siguro ito.
He was holding a sniper gun.
Ang mga nakikita namin na taga Cyber City ay nakaputi but he was wearing all black, are they just the same?
Is he and enemy or an ally?
Napansin ko sa scope na hawak nito ang trigger, shit, an enemy.
Hinila ko si Ren pababa upang maiwasan ang bala na papunta samin.
He tried to shoot us, he was clearly an enemy.
Wala na bang kakampi rito?
Bumaba na ulit ang lubid at mabuti naman nasa taas na si Zero.
"Ren, akyat bilis!" Tinulak ko pa ang kapatid ko palapit sa lubid.
"Aakyat ako habang may sniper na papatayin tayo? Ano ako, pain?"
"Bilisan mo, ako bahala!"
"Ako kawawa?"
Makikipag-talo pa talaga sya sakin ngayon oh.
"Sige ha, pag ako namatay, di ako papayag na di kasama."
"Oo na, bilis!"
Umakyat na ito sa lubid at hindi ako nag-dalawang isip na pag-tatadtarin ng bala ang pwesto ng sniper kaya't napatago ito nang wala sa oras.
Habang nag-tatago ito ay binalin ko naman ang atensyon ko sa mga bots na papalapit sa akin, nag-laan ako ng onting oras upang itulak at barilin ang mga bots dito sa gilid ko bago ibalik ang atensyon sa sniper na yon.
Bumalik ito at sumilip ulit, he looked quickly and yet, he shot the bot's neck perfectly that was standing in front of me.
It was a perfect shot.
He was really the sniper who killed the dead bots we saw earlier
Paano ako makaka-akyat rito kung andyan sya?
Kung nakahawak ako sa lubid at baril, mahihirapan ako, kung hindi ako lalaban, papatayin nya ako.
What am i supposed to do?
Nilingon ko ulit ang lalaki sa scope, pasilip ulit ito so I pulled the trigger, hoping to kill him but he dodge it and hid again.
He looks so skilled, I hate it.
Sandali, I can't go up if he keeps firing..pero kung hindi nya ako makikita, maaaring safe ako.
Itinapat ko ang baril ko sa streetlight sa gilid ko at binaril ito.
Sumabog ang ilaw ng mahina ay obviously, napundi.
I hope he can't see me the way I can't see my surroundings.
Lumapit ako sa pader at lubos ang aking tuwa nang maramdaman ang lubid na andito.
Isinabit ko ang baril sa katawan ko at agad na kumapit sa lubid.
Kahit na sobrang kabado pa ko ay nag-mamadali akong umakyat upang di maabot ng bot at di mahanap ng sniper na ito.
What does he want from us?
Zero?
He wants him?
Why does everybody want him?
Naramdaman ko ring hinihila ako pataas at napakalaking tulong na nito sa akin.
I'm thankful that someone helped us.
Paikli na ng paikli ang lubid at malapit na akong maka-akyat.
I tried reaching for the window but I reached someone's hand instead.
It was warm and soft..
Hindi ko pa nakikita kung sino ang may ari nito ngunit may kutob na ako, I hope it wasn't him.
But it was really him.
Halos parehas kaming huminto nang mag-tapat ang aming mga mata.
When he realized kung sino ako, naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak nito sa kamay ko.
His touch bring so much memories from our past that we didn't want to talk about.
So Lex was the one who saves us?
Napalingon ako sa likuran nito and I saw the people I didn't want to see ever again.
Kyla, his wife.
Lucy, someone I know.
Lucina, her mother.
And especially him, Lex, my ex-boyfriend.
"Ray, anong ginagawa mo rito?" Halata ang pag-tataka sa boses ni Lex, nakahawak parin ito sa kamay ko at ang higpit ng pag-kakahawak nya sa akin, para bang ayaw nyang bumitaw.
Naiirita ako, hindi ako natutuwang niligtas nya kami..
"Tara na..Ray."
ZERO!?
Hindi ko na napigilan pa ang pag-ngiti nang makitang andito si Zero sa gilid, mukhang nang-hihina pa ito pero nakakatayo na sya..
Nakasandal ang kamay nito sa bintana, I don't know if he was offering his hand or not but I reached for him.
Pinilit kong umalis sa pag-kakakapit ni Lex at ilipat ang kamay ko sa kamay ni Zero.
His hands were cold, too cold, but his hands feels safe.
Kahit nang-hihina pa ito ay pilit nya akong inakyat makapasok lamang.
He even held my waist up to easily pull me.
Hindi ko alam kung saan hahawak, sa kanya ba? sa balikat nya? sa bewang nya? ano? dito lang ba yung kamay ko sa gilid ko?
I know I'm safe now pero bakit kinakabahan parin ako?
Napakalamig ng kamay nito na tila ba balat ko mismo ang hawak nya.
Punong-puno ng dugo ang damit nito, ang buong mukha at halos ang buong kamay nya.
But his touch feels so peaceful.
He fights like a murderer.. so brutal and weird.
Looks like a killer.. two different eyes, Red and black.
Eats a human and was tortured for 5 years..
but his touch feels so gentle and safe.
He doesn't deserve everything he went through...
He deserves so much better.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya.
I hugged him as tight as I could.
It was weird, I know it was.
I feel sorry for whatever happened in his life, I can't imagine the pain he experienced everyday.
I thought he died when he was bitten, akala ko namatay na sya nang barilin ito.
I thought I won't see him ever again.
But he's still here.
It was a miracle he was still alive.
Napansin kong nakatingin na sa amin sina Lex at ang iba pa kabilang ang kapatid ko kaya dahan-dahan ko nang binitawan si Zero dahil ayokong kung ano pa ang isipin ni Ren dito, but I was taken aback when Zero pulled me again for a hug.
He pulled me closer but it wasn't a rough force, still gentle and soft.
His left hand holding my arm as the other hugs my back.
"How I wish I met you when the world wasn't at its worst."
Nagulat ako sa sinabi nito, Parang gusto ko nang bumitaw sa kanya, ngunit nag-salita ito ulit ng bagay na lalo kong ikinagulat..
"Alam mo Ray, if there's no one here with us, I might have kissed you already.."
??I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
awn lang
07/06/2025
0👍 good
24/07/2024
0this is good story
12/04/2024
0Tingnan Lahat