Chapter 15:

"A-Ayoko pa.."
That voice.
Binuksan ko ang aking mga mata at agad na nilingon si Zero na nakaupo parin sa sahig at nakasandal rito, his gun was still on the side of his head, nag-dudugo ang isang mata nito, the black one, again.
He's still there, still alive..
Para bang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan nang makitang buhay pa ito at nag-sasalita.
"I-I don't wanna die..yet." dagdag pa ni Zero at pinipigilan ang sarili nyang pag-iyak.
He was emotional.
Sentinemental.
Naaawa ako sa kanya, I can't stand watching another person die.
"You won't." Bumitaw ako sa kapit ng kapatid ko at nag-mamadaling lumapit kay Zero.
"Ate, nakagat na yan! He will eventually turn!" pilit akong hinihila ni Ren palayo kay Zero ngunit bumabalik parin ako.
"But look closely Ren, he's not turning, he looks normal-"
"Normal? Mukha ba yang normal? If he's not turning then he's not normal either."
Tinitigan kong mabuti si Zero, halos puro dugo na ang damit nito, dugo ng mga bot na pinatay nya.
Dumadagdag pa ang mga dugo na lumalabas sa mata nya.
Nakakaawa talaga syang tingnan.
Binuksan ko ang bag ko at tinanggal ang lahat ng laman nito ngunit hindi ko parin makita ang hinahanap ko.
"Andyan ba yung alcohol?"
Hindi ako sinagot ng kapatid ko kaya't nilingon ko ito, halata na natataranta sya sa kalagayan ni Zero.
Nakagat lang naman ito dahil sakin.
Kung sana nag-madali lang ako at nakapasok agad, hindi nya na kailangan pang lumabas para hilahin ako pabalik.
So if he dies, that's on me.
Responsibilidad ko si Zero ngayon.
Mag-sasalita na sana ulit ako ngunit hindi ko tinuloy dahil sa mga maiingay na tunog na narinig namin mula sa dulo ng kwarto.
Napaka-lawak ng kwartong ito, para bang isang laboratory, at may paliko pa sa dulo.
"Ren, mag-handa ka ng baril tas pumunta ka sa likod." Pag-utos ko sa kapatid ko habang hinihila ang bag ni Zero upang hanapin ang ilang bote ng alcohol na nakita namin kanina sa sasakyan.
"I'll check and secure the back, make sure he won't turn, if he does, alam mo na kung anong gagawin." bumalik na ang kapatid ko sa sarili nya at mukhang kahit papaano ay kumalma na sya.
Itinaas ni Zero ang kamay nyang may hawak ng baril at tinutok ito sa ulo nya.
"Bang." sambit pa nya at umarte na parang binaril nya na ang sarili nya.
I can see the small smile hiding on his face.
Sa lahat ng mamamatay, eto lang ata ang masaya, Kahit na sabi nya kanina ay ayaw nya pa.
Nakarinig ulit kami ng mga nag-babagsakan at kaluskos sa likod kaya't inihanda na ni Ren ang baril upang pumunta dito.
"Ren, ingat ka."
"Ikaw rin mag-ingat."
Ha?
"Kanino naman ako mag-iingat?"
Hindi ito sumagot at tiningnan lamang si Zero.
Mag-ingat sa kanya?
Feeling ko dapat nga.
Nag-lakad na ang kapatid ko papunta sa likod kaya't ibinalik ko na ang atensyon ko kay Zero.
Pakurap-kurap na ang kanyang mga mata at nang itaas ko ang kamay nya ay para bang wala na syang enerhiya, wala na syang lakas..parang isang patay.
Shocks!
Hinawakan ko ang mukha nito at mahinang itinapik upang makuha ang atensyon nya.
"Buhay ka pa diba?"
"Dyan ka lang ha, wag kang pipikit!"
Tumango lamang ito sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin, kanina ko pa hawak ang alcohol pero hindi ko alam kung saan ko ito ilalagay.
Sa paa nya?
Paano? Ibubuhos ko lang? Baka lalo syang masaktan.
Natataranta na ako kakaisip kung paano ko ba maliligtas si Zero, o kung maliligtas ko pa ba ito.
Mag-simula tayo sa cause.
Itinaas ko ang dulong part ng pantalon nya upang makita ng maayos ang kanyang sugat.
Pinunasan ko ang kagat sa kanya, hindi naman masyadong malalim ngunit grabe ang pag-dugo nito halos naliligo na ng dugo ang buong kanang paa nya.
Pinunasan ko ang sugat nito hanggang sa mapansin kong ang dami nyang gasgas sa paa..
Hindi ito gasgas..
Tila ba mga marka..
Parang marka ng pag-kakatali o kadena.
Parang isang sanrio na matagal mong nilagay sa kamay mo, kaya't nag-mamarka ito.
Hindi lang isa kundi madami.
Para syang kinadenang nag-pupumiglas makatakas.
I wonder kung bakit ganito?
Kung anong buhay nya at sino ba talaga sya..
Hinawakan ko ang sugat nito kung saan sya kinagat ng bot and I felt him flinched from my touch.
"Sorry.." sambit ko at tiningnan si Zero na nakasandal parin at nakatingin sa akin at sa ginagawa ko.
Ayos yan, wag kang pipikit.
"Lalagyan ko ng alcohol--" hindi ko na naitapos ang sinasabi ko dahil bigla itong lumapit upang ibuhos ang alcohol sa sugat nya.
Nang mabuhos ang laman ng alcohol sa sugat nya ay napasandal ito sa pader, napakagat rin sa kanyang ibabang labi upang pigilang hindi masigaw sa sobrang sakit.
"Pasensya na..Ayoko kasing nag-iintay.." sambit pa nito at dinidiinan ang pag-hawak sa baril para mabalin ang atensyon nya sa ibang bagay.
Hindi na ako nag-sayang ng oras pa at pinunasan ang sugat nya.
Bakat na bakat ang ngipin ng bot at tila ba nagiging isang malaking pasa ito.
Nilagyan ko ulit to ng alcohol bago mahigpit na tinalian ng panyo ang sugat.
"Anong nararamdaman mo bukod sa sakit?"
Tanong ko sa kanya habang palapit ako rito.
Kinuha ko ang baon naming tubig at binuhos sa isang panyong hawak ko.
"Anong ibig mong.. sabihin?" nag-tatakang tanong nito sa akin habang ginagalaw-galaw ang paa nya.
"Hindi ka ba nagugutom?"
"Ano?"
Napalunok muna ako bago sya sagutin.
"Hindi ka ba nag-c-crave ng tao?"
Nilingon ko ito at saktong nakatingin rin sya sa akin.
"Hindi.."
Mabuti kung hindi.
"..Hindi ko alam." napahinto ako sa sinabi nya.
Malumanay ang boses nito ngunit onti-onti na akong natatakot sa kanya.
Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman kong ito at pinunas sa dumudugo nyang mata ang panyong may tubig.
"Bakit hindi nalang alcohol?" tanong sakin nito habang lumilingon-lingon sa paligid.
I need to see everything he's doing, if he turns as a bot, I have to kill him.
"Masakit masyado yon and, besides hindi yon safe sa mata." sagot ko rito at nang napunasan ko na ang mga dugo sa mata nya ay napansin kong may hiwa ito sa mukha, parang isang tahi, sa gilid ng kanyang kanang tenga papunta sa chin nya. Hindi naman ito masyadong malaki sadyang mapapansin lamang kung lalapitan na sya, parang matagal na rin ito sa kanya.
Bakit ang dami nyang mga sugat-sugat?
May mga pasa rin ito sa bandang batok nya at parang may mga mahahabang sugat, parang nilatigo.
Siguro buong likuran nito may mga ganyan, pati ang leeg nya, may marka ng tali, parang collar, parang collar ng aso, medyo namumula pa ito, parang matagal syang tinali gamit nito ng sobrang ikli.
Ano bang nangyari sa kanya?
Bakit ganyan?
Huminto na ako sa kakatingin ng kung ano mang sugat nito sa katawan at binalot ko na lamang ng panyo ang itim na mata nito kung sakaling dumugo pa sya.
Tinali ko ito sa likod ng ulo nya upang mas mahigpit ang kapit.
Bumalik ako sa paahan nya.
Lalo lamang namamasa ang sugat, halos hindi ko na matukoy kung green ba ito, violet o yellow.
"Ayos ka lang ba? Alam kong hindi at wala namang nag-bago sa nagawa ko sayo pero--"
"Meron, mas umayos ang pakiramdam ko dahil nakatakip ang isang mata ko "
That's not what I mean, ang ibig kong sabihin ay ang kagat sa kanya.
"Do you feel something? Like nagugutom ka ba? Nauuhaw? Hindi ka nag c-crave ng tao? Hindi ba nangangalay yung paa mo? Hindi ba sobrang sakit? Yung paningin mo? Blurry ba--"
Napahinto ako nang hawakan ako nito sa balikat.
"Kalmahan mo lang ate.." natatawang sambit nito. "Hindi ako yung kapatid mo." dagdag nya pa at binitawan na ako.
Seryoso ako dito.
"Sabihin mo pag may kakaiba kang nararamdaman ha." sambit ko rito at iniscan ang katawan nya, baka kasi may iba pa syang kagat.
"Paano pag meron?" nag-tatanong pa ba sya?
Kinuha ko ang baril at itinutok sa kanya.
"Edi babye Zero." sarcastic kong sagot rito at binaba ko ang baril sa gilid ko, napansin kong may pulang dot sa balikat ni Zero.
Is this blood?
Ano ito? wala naman ito kanina ah?
Hinawakan ko ang pula sa balikat nya at nalipat ito sa akin.
A Laser.
Lumingon-lingon ako at tiningnan kung saang angle ito nakatapat.
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong lalaking may hawak ng baril.
OH SHIT!
"YUKO!" sigaw ko kay Zero at hinila ito payuko bago kami makarinig ng mga bala ng baril.
Hinawakan ko ang kamay nito ngunit napansin kong parang wala na naman syang energy.
"Zero?"
Hindi ito sumagot sa akin kaya't tinitigan ko ito.
BAKIT SYA NAKAYUKO?
Sinubukan ko syang pulsohan ngunit hindi ko mahanap ang pulso nya.
IS HE DEAD?
ALREADY?
"ZERO--" Napabitaw ako sa kanya nang makarinig ng mga bala ng baril.
That person was aiming at us.
Tuluyan ko nang naiwan si Zero na napahiga na sa sahig at tumakbo ako patungong kanan.
Nag-tago muna ako sa nakaharang na lamesa.
I hope Ren is doing fine back there, wala naman akong narinig na sigaw o kahit ano, so I think he's fine, I hope he is.
May nakakalat na bote rito sa gilid ko at agad ko itong kinuha upang ibato sa harap ko, nang mabato ko ito ay pinag-babaril ng kung sino man ang boteng iyon.
Mabilis akong tumayo upang tumakbo palayo ngunit nakaramdam ako ng pag-hila ng buhok ko mula sa likod.
Agad akong tinulak nito papunta sa mga box na nasa likuran nya.
Nag-bagsakan ang mga box na ito sa akin at agad kong tinakpan ang ulo ko.
Mabibigat rin ito dahil marami kaya't nag-mamadali akong gumapang palayo ngunit hinila namin ako ng lalaki palapit sa kanya.
Ikinaladkad ako nito palabas ng mga box.
Naka-kulay puting damit ito but his hair was black.
Binitawan ng lalaki ang paa ko at tinutukan ako ng baril.
He pulled the trigger and fortunately I pulled the bottle beside me at mabilis na hinampas ito sa baril upang mabitawan nya.
Dadamputin ko na sana ang baril sa gilid ko ngunit bigla nitong sinipa ang tagiliran ko.
Shit.
Napahawak ako rito dahil sa sobrang sakit.
Naaninag ko ang paa nitong pataas na upang sipain ulit ako kaya't binasag ko na lamang ang boteng hawak ko at mabilis na tinusok ito sa paa nya.
I flinched when I felt his blood rush.
Diniinan ko pa ito lalo bago sya itulak.
Natumba ito sa sahig kaya't hindi ko na lamang sya pinansin pa, binato ko ang bote sa sahig at tumalikod na upang puntahan si Ren..
Sandali..
si Zero nga pala.
Nasaan na sya??
Nag-mamadali akong tumakbo upang balikan si Zero, ngunit wala na ito rito.
Wala na sya pero andito pa ang mga dugo nya.
May mga patak ng dugo sa sahig, buhay pa nga sya.
Kasi kung patay na sya, sana andito pa ang katawan nya..
Sinundan ko ang dugo nito at parang bumalik lamang ako kung nasaan ako kanina.
Pakiramdam ko masusuka na ako dahil sa nakita ko.
Napahinto ako at halos hindi na makagalaw.
Hindi ko alam kung anong mas malakas, ang tunog ng tibok ng puso ko o ang pag-nguyang naririnig ko.
"Zero..." mahinang sambit ko but it's enough to make him stop.
Huminto ito at nilingon ako..
Blood..
It's everywhere.
Nag-katinginan kami ni Zero, marami itong dugo sa bibig, tumutulo pa ang mga ito sa sahig at pati ang kamay nya, naliligo na rin sa dugo.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko na hindi nya to dugo o matatakot na kumukuha sya ng dugo sa ibang tao.
Napaatras ako nang tumayo ito at dahan-dahang lumalapit sakin.
Nanginginig pa ako nang kinuha ko ang isang baril sa sahig at tinapat to sa kanya.
"Zero..andyan ka ba? I swear, I don't wanna kill you..don't make me.."
Hindi ito sumasagot, tanging nakatitig lamang ito at patuloy na lumalapit sa akin.
Tinitigan ko ang lalaking nakahiga sa sahig.
Lasob-lasob na ang katawan nito at halos hindi na makilala ang itsura nya dahil sa mga balat na nakuha.
I can't believe this shit.
Did he..did he really ate him?
Nilingon ko ulit si Zero na pabilis ng pabilis na nag-lalakad palapit sa akin.
Nang maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko, I realized I was doomed.
Hindi na ako tuluyang nakagalaw pa nang tumakbo na talaga ito palapit sa akin hanggang sa sobrang lapit nya na, na isang kagat na lamang ay katulad nya na rin ako, isang bot.
Instead of biting me, he held my chin up and I didn't even flinched, I was too afraid to flinch.
Punong-puno ng dugo ang bibig nito, tumutulo pa nga ito sa kanyang damit.
Halos hindi ko na sya makilala.
I felt goosebumps when he smiled.
Bakit sya ngumingiti?
"Ray..."
Ha?
He-he's alive?
I mean..
Bakit sya nag-sasalita?
"Zero!" Tuwang tuwa kong sigaw nang marealize na andito pa ito ngunit ang kasiyahan na iyon ay hindi nag-tagal nang makarinig ako ng putok ng bala ng baril at bumagsak si Zero sa balikat ko.
W-why?
Napahawak ako sa likuran nya upang suportahan sya, nakaramdam ako nang dugo dito.
He was shot.
"Hoy, gumising ka..."
Hindi ito gumagalaw at halos ako nalang ang suporta nya sa katawan nya.
Zero..
Nilingon ko kung sino ang bumaril sa kanya and ..
I saw my brother, Ren.
He killed..Zero?

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Lander Refuerzo

    awn lang

    07/06/2025

      0
  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07/2024

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    12/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata