Homepage/GLITCH: Cyber City/
Chapter 14:
Tumunog ang tablet sa harap ng isang Madilim na kuweba.
So this is the way towards Cyber City.
At this point, hindi na namin madadala pa ang sasakyan.
We pack everything we could use, halos kunin na namin ang lahat ng baril, sa sobrang praning ng kapatid ko, dinala nya na lahat, may sarili itong bag laman ang mga baril at pagkain na nakuha nya.
Kahit si Zero ay kinuha na rin ang isang military bag laman parin ang mga gamit na pinalagay ni Ren, in short, pinag-bitbit nya lamang si Zero.
Buti na lamang pumayag ito.
"Te, pwede bang ilagay mo to sa bag m--"
"Di pa ba sapat lahat ng yan?" Ano na naman bang ipapadala nito?
"Akin na." biglang pag-sabat ni Zero at hinila ang pistol na inaabot sa akin ni Ren. "Kasya pa yan sa gilid."
Tinulak ni Zero patalikod ang kapatid ko at pilit siniksik ang pistol sa gilid nito.
Napatingin sa akin si Ren, mukhang nag-tataka sya sa kilos ng lalaki.
Alam kong deep inside gusto yan ni Ren, he wanted to have an older brother, but sadly, I'm a female.
Onti-onti na palang tumataas ang araw.
The sunrise was too beautiful for this cruel world.
But I still prefer the sunset more..
I don't think we deserve to see this beauty every morning.
"I prefer sunset more." sambit ng kapatid ko at pinapanood ang pag-sikat ng araw.
"Same." sagot ko rito sabay tapik sa likod nya.
I'm glad we have the same preference.
Napalingon ako kay Zero na nakatitig rin sa araw.
"Ikaw?"
"Sunrise."
Sunrise pala ang gusto nya.
"Bakit?"
"Sunset means we survive today while sunrise symbolizes another day."
Oh?
Bakit ang ganda nya mag-salita?
Mukha talaga tong matalino, I wonder what he does for a living.
So kaya nya gusto ang sunrise dahil mas mahalaga sa kanya ang kinabukasan..
Habang sa aming mag-kapatid, mas mahalaga sa amin na nakaligtas kami sa kasalukuyan.
Ilang minuto pa sa pag-papahinga ay nag-patuloy na ulit kami sa pag-lalakbay patungong Cyber City.
Sana tama tong tablet.
Madilim ang loob ng Cave, makipot ang daanan at masangsang rin ang amoy.
May hawak na flashlight si Ren kaya kahit papaano ay hindi kami kinakabahan dahil nakikita namin ang daanan.
"Malayo pa ba?"
"Ewan, basta sabi andito na daw eh."
"Andito na nga." sambit ni Zero na halos hindi na namin makita dahil malayo-layo na sya.
Nasa gitna ito ng mga matataas na damo.
Tumakbo naman ako papalapit sa kanya para makita kung anong tinitingnan nito.
Ang sakit sa balat ng mga damong to.
"Wow.."
Andito na nga talaga kami sa loob ng Cyber City.
We're here again.
Pero bakit..
Bakit ang dilim parin?
Umaga na ha.
Pero gabi parin dito.
Dahil ba yon sa mag-kaiba ang oras ng dalawang City?
Nakakamanghang isipin na nasa iisang mundo pero iba-iba ang timeslot ng bawat lugar.
Ever since na nakapasok akong Cyber City, hindi ko pa nadadatnan na may araw ang langit dito, puro lamang kadiliman.
"Saan tayo mag-sisimula?" tanong sa akin ni Zero at nag-simula nang mag-lakad papalapit sa mga nag-tataasan at hindi mabilang na buding rito.
"Building 25, andon naiwan yung tablet." sambit ni Ren at lumilingon-lingon sa paligid.
Parang may mali.
Napansin kong may kakaiba sa dinadaanan namin.
"Look, Ren."
Tinuro ko sa kapatid ko ang mga patay na bot na nakahiga sa lupa.
May mga tama sila sa leeg, mukhang mga tama ng baril.
Pansin ko ring
Lahat ata ng dinadaanan namin may mga patay na bot na nakakalat.
Whoever did this, he was a skilled sniper.
Walang ibang tama ng baril ang mga bot sa katawan, diretso talaga sa leeg, nakakamangha naman ito.
I hope maging ganyan rin ako kagaling balang-araw kung mabubuhay pa ko.
Patuloy lamang kaming nag-lakad patungong building 25, the closer we get, the creepier it becomes dahil parami ng parami ang mga bot sa paligid, sa gilid lamang kami dumadaan upang hindi kami makita.
Nakakatakot ring tingnan dahil mabibilis ang mga bots na andito, iba-iba rin ang kulay ng kanilang mga mata, ang iba ay halos labas na ang mga intestine sa katawan ngunit tumatakbo parin.
Nakakaawa man ngunit nakakakilabot parin.
"Dito, i-ready nyo yang baril nyo." Ren took the lead, nauna itong pumasok sa fire exit.
Nakasunod lamang kami ni Zero sa kanya ngunit napahinto kami ng huminto ang kapatid ko.
"Just don't hold the trigger yet, Napanood ko kasi sa isang movie na hinawakan nya agad ang trigger and nung nadulas sya, ayon nabaril nya yung sarili nya."
Nag-kwento pa talaga sya.
"Oo na, di naman kami nakahawak sa trigger eh." Tinulak ko pa ito upang mag-simula na syang mag-lakad.
Noted Ren, binitawan ko agad ang trigger nang tumalikod na ito sa amin at napansin kong nakatitig si Zero.
"Ano?" hindi ito sumagot at sumunod na lamang sa kapatid ko.
Nakita nya atang hawak ko mismo ang trigger haha.
—
"Malapit na ba?"
Please Ren, sabihin mong malapit na, hingal na hingal na ako.
Parang kanina pa kami umaakyat pero hanggang ngayon andito parin kami sa hagdan.
"Ren?"
My brother didn't answered, looks like he can't hear me due to the distance between us.
Seryoso ito sa pag-akyat ng hagdan.
"Gusto kong kumain.." sambit ni Zero out of nowhere.
Kinapa ko ang bulsa ko at inabot rito ang isang balot ng biscuit ngunit hindi nya naman tinanggap.
"Iyo na yan, meron pa naman ako sa bag."
"Ayoko nyan."
Wow demanding.
Napatitig ako sandali sa biscuit, ayoko rin nito eh, strawberry flavor kasi, nakakahilo.
Dahil sa ayaw naman ni Zero iyong strawberry biscuit, uminom na lamang sya ng tubig.
"Andito na, let's get the tablet at umalis na dito." binuksan ni Ren ang pintuan palabas ng fire exit at sinundan namin sya ni Zero, dali-dali ang kasama naming tumakbo papunta kung saan nag-kapalit ang tablet.
I hope it's still there.
"What do you mean by 'Umalis na tayo dito'?, saan tayo pupunta?" nag-tatakang tanong ko kay Ren.
"The other City of course, we're not safe here."
"Ha? how about your friends?"
We can't also guarantee our safety there.
"I lied."
Ano?
"Pinag-sasabi mo?"
Nilagpasan ko na ang kapatid ko upang sundan si Zero ngunit napahinto ako dahil sa sinabi nito.
"I said I lied, my friends were gone, namatay na sila nung sinubukan nilang tumakas, they died, shot in the head.."
Bakit ngayon nya lamang sinasabi yan?
I hope he's joking, tell me you're joking, Ren.
"Seryoso ko ba? So bakit pa tayo nag-punta dito?" onti-onti nang kumukulo ang dugo ko sa kapatid ko, bakit naman sya mag-sisinungaling?
"So I've been following and helping the guy I don't even know the whole time?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tinaasan na ang boses ko.
"Yes we're helping the guy we don't even know that YOU, yourself insisted to bring with us!" Diniinan pa nito ang salitang 'You'.
Hindi ko gusto ang tono ng pananalita nya, ayoko ng away pero bakit sya nag-sisimula ng mga bagay na pag-aawayan naming dalawa?
"Alam mo ba kung bakit ako nag-sinungaling? Kasi alam ko namang hindi ka sasama pabalik ng Cyber City kahit na alam mo na ikaw ang dahilan bakit kailangang bumalik!"
Ako?
Bakit naman ako sinisisi nya?
Bakit ba ang init ng ulo nito?
"Why is it my fault?" Nilapitan ko pa ito upang marinig ng maayos kung ano man ang sasabihin nyang masama laban sa akin.
"Kasi nakita mo na yung tablet na napalitan pero hindi ka parin nag-salita."
Nung nakaraan ko pa yon sinabi ha, bakit ngayon lamang sya nagagalit?
"Hindi ko naman alam, Ren--"
"Yun nga yung problema sayo lagi kang walang alam."
Naiirita na ako sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinulak ito palayo.
"Oh, baka gusto mo pang isisi sakin yung pag-kamatay nila--"
Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil sa biglang pag-sabat nito.
"Nino? Nila Earl? Nila Lisa? Siguro nga kasalanan mo talaga yon."
Napakunot ang noo ko sa mga sinabi ni Ren.
Wow, so ayan pala ang iniisip nya.
We travelled from there to here in Cyber City na ganyan ang laman ng utak nya.
So it's suddenly my fault now, huh?
"Sige isisi mo sakin lahat, tutal talent ko namang umangkin ng mga kasalanang hindi KO ginawa.." pag-paparinig ko dito at tuluyan na syang nilagpasan.
Ayoko na syang kausap, ayoko ng away, ayoko ring mag-bitaw ng mga masasakit at masasamang salita, kung hindi ko pa lalayuan ang kapatid ko, baka masabi ko na ang bagay na matagal ko nang tinatago.
"Isusumbat mo na naman ba yan? Hindi naman ako naninibago tutal wala ka namang ginawa kundi sumbatan ako--"
"Oh bakit, wala ka bang masusumbat? Syempre wala, kailan ka ba may ginawa para sakin? lagi naman ako, buong tao mo responsibilidad ko!" Sa huling pag-kakataon ay tinaasan ko pa ito ng boses bago nag-mamadaling pumasok kung nasaan si Zero.
I hear Ren saying something pero nag-papasalamat na lamang ako na hindi ko yon narinig.
Why is he acting grumpy at the same time?
Hindi naman sya galit sa akin, I feel like pinag-bubuntunan nya lamang ako ng galit.
Is it because of that blue haired woman that I met?
Yung sinabi kong namatay sa arena, dahil ba yon don?
Is it my fault that she died?
Should I blame myself, Ren?
Yun ba yung gusto mo, ha?
"Anong nangyari?" napalingon ako kay Zero na nakatitig lamang sa akin hawak ang isang tablet.
"Sibling's fight." maikling sagot ko lamang dito.
"Ayan na ba yung tablet?" pag-iiba ko pa ng topic kung sakaling mag-tanong pa sya, ngunit halata namang hindi sya interesado saming mag-kapatid..
Ngayon na hawak nya na yung tablet, wala na syang iba pang pakeelam kundi yon lang.
"Ano nang gagawin? Aalis ka na ba?" Syempre aalis na yan, maiiwan na nga lang ako sa kapatid ko, mag-kaaway pa kami ngayon.
"Not yet."
Why not?
What does he mean by 'Not yet'?
"So kailan ka hihiwalay samin?" nag-tatakang tanong ko rito, hindi naman siguro to sasama samin, marami pa syang balak at plano sa buhay nya, at kaming mag-kapatid, walang destinasyon sa buhay.
"Once you're both safe."
Anong sinasabi nito?
"I can't just leave the two of you alone here."
A token of gratitude, I guess?
"You can just leave us here, kaya naman namin yung sarili namin."
"I doubt that." he replied with a grin.
Oh? Wala ba syang tiwala samin?
"So ang ibig sabihin mo ba ay mahina kaming mag-kapatid?"
"Hindi ganon."
Of course we're scared, sino ba namang hindi matatakot sa mga bot na patay na nabubuhay, nangangain ng tao? nanghahabol nito, and worse, kinakain pa nila ang sarili nila?
"It's okay to fear those shits but remember that they were scared before dying too, so If you let your fear decide, you'll eventually end up like them."
Bakit ba ang ganda talaga nito mag-salita?
Siguro takot lang kami ngayon but that doesn't mean that we're scared forever.
I don't think I'll ever kill a bot without apologizing first.
I don't like killing.
I don't like hurting people, not when they don't deserve it.
"Umalis na tayo bago pa makapasok ang mga bot." alok ni Zero sa akin at tumango na lamang ako.
Palapit na ako sa pintuan nang bigla itong buksan ni Ren.
"Shh.." bulong nito at hinila ako pababa hanggang sa halos nakaupo na kami sa sahig.
Tinuro rin nito si Zero at sinenyasan na maupo, buti na lamang ay nagets rin nya agad.
Ano bang nangyayari?
"Urong, palapit don.." tinuturo nito ang likod ng isang malaking cabinet, kaya't dahan-dahan akong gumapang papalapit don at ganon rin silang dalawa.
Kinabahan ako nang makarinig ng mga yapak at boses ng mga tao.
"So the tracker?" boses ito ng isang babaeng siguro ay nasa mid 40's pa lamang.
"We're still working on it, Ma'am."
"Then work harder."
"What about the others?"
"We're currently searching for them Ma'am, especially him."
Nakakatakot at strikta ang boses nito, tila ba isang guro na galit na galit sa kanyang mga estudyante.
Teacher ko dati sa science be like:
Nang medyo nakalagpas ito sa kwarto kung nasaan kami, agad kaming lumipat ni Ren palapit kay Zero dahil maganda ang pinag-tataguan nito.
Titig na titig sya sa mga dumadaan, yung babaeng strikta, kulay asul ang buhok nya, nakatali ito ng mahaba at may itsura ang babae, actually maganda sya.
Ang ilan naman ay mga nakaputi, na para bang sundalo pero puti ang uniporme nila.
"Sa kanya ko nakuha yung tablet."
Napatingin ako kay Zero, edi baka sya yung tinutukoy ng babae.
"Maybe they are searching for you and the tablet."
"Anong tracker yung tinutukoy nila?" pag-sabat ng kapatid ko sa gilid ko.
Bakit to sumasali sa usapan?
Hindi naman kami bati.
"Siguro alam nila yung password.."
Don't tell me..
Tumayo si Zero upang puntahan sana ang mga dumaan ngunit agad namin syang hinila pabalik sa pwesto ni Ren hanggang sa mapaupo ulit ito sa sahig.
"Hindi ka nag-iisip, tingin mo ba sasabihin nila yon sayo?" naiinis na tanong ko rito, so anong balak nya, susugod lang, ganon?
Umiling ito sa tanong ko.
"Tingin mo ba kaya mo sila? ang dami-dami nila." bulong naman ng kapatid ko kay Zero.
Umiling lamang ulit ito.
"Oh diba hindi, kaya maupo ka nalang dyan." dagdag pa ni Ren at binitawan na si Zero.
"Saan sila pupunta?" Nag-tatakang tanong nito sa amin.
Nilingon ko rin ang mga dumaan, malayo-layo na ito sa amin at lumiko ito pakanan.
Siguro yung babae ay si 'N' , entitled as the president or leader of the Cyber City, para bang mataas ang rango nito kaysa sa iba.
Maybe that's their leader, so pakana nya lahat to?
They're looking for the tablet, and 'Others', 'Him'?
Siguro sya ang tinutukoy don, anong ibig-sabihin nitong iba?
Ang dami kong hindi maintindihan.
Gaya ni Zero, gusto ko ring malaman ang mga dahilan.
Tumayo ako at dahan-dahang lumabas ng pintuan.
"Ate.."
Hindi ko pinansin o nilingon manlang ang kapatid ko.
Alam ko namang susundan ako nito.
Sinuot ko ang tali ng baril sa akin at inayos ang bag sa likod ko bago patuloy na sinundan ang mga taong iyon.
Shocks, mayroong dalawang daan.
Kaliwa at Kanan.
"Sa kaliwa sila nag-punta." sumunod rin pala sa akin si Zero.
"Then sa kaliwa tayo pumunta." I took the lead as they follow me.
Nag-tungo kami sa kanan at nagulat ako nang makakita ng napakadaming bot sa daanan.
Agad akong napa-atras at hinila pabalik ang dalawa upang hindi kami makita.
Bumilis ang pag-tibok ng puso ko, dahil kung makita kami nyan ay hindi ko pa maiisip na mabubuhay pa kami.
"Ang daming bots."
Paano sila nakadaan dyan nang walang ingay?
Unless hindi sila dito dumaan.
Dahan-dahang sumilip si Ren upang tingnan ngunit mabilis rin itong bumalik sa kanyang pwesto.
"How did they get past through that?" Nag-tatakang tanong ni Ren.
Same question.
"Sure ka ba sa kanan dumaan?" tanong ko kay Zero dahil duda ako sa sinabi nya.
"Oo, nakita ko, even your brother saw it." tinuro pa nito ang kapatid ko at tumango naman si Ren.
So pano sila nakadaan dyan?
Nakarinig kami ng malakas na tunog na para bang nag-bubukas ng isang pinto.
Nag-tinginan muna kaming tatlo bago sumilip si Ren sa mga bots dahil sya ang pinakamalapit sa silipan.
"No way!" Halata sa boses nito ang pag-ka mangha.
Ano yang nakita nya?
Dahan-dahan rin akong sumilip at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
Shocks..
Bakit..
Bakit hindi sila inaatake ng mga bots?
Nag-lalakad lamang ito ngunit hindi sila pinapansin, pinupuntuhan sila oo, ngunit bakit hindi sila sinusugod? Bakit hindi sila kinakain?
"Cyber-human."
So Cyber Human ang mga taong ito, at pag Cyber Human ka ay hindi ka aatakihin ng mga bots.
So these bots were made to harm us, but not them?
"Kung Cyber human sila at hindi sila inaatake, it means you're human." sambit ng kapatid ko kay Zero, napansin ko namang lumiwanag ang mukha ng kausap nya, na tila bang masaya sya na isa syang tao. "Pero Cyber human ang mga sundalo doon sa mall, inatake naman sila."
Hala oo nga..
Yung mga tao dito sa Cyber City, ang mga doktor dito, Cyber human sila pero inatake rin, kinain pa nga.
"Tabi kayo, wag kayong mag-sasalita o kikilos." hindi ko alam kung anong plano ni Zero ngunit tumango ako sa kanya at tumabi lalo sa gilid.
Kumuha ito ng isang latang naka-kalat sa sahig at ipinagulong palayo sa amin ngunit banda lamang sa aming harapan.
Napaka-ingay ng latang ito kahit isang piraso lamang sya.
I think I know where this is going.
Hindi na kami sumilip pa at nakarinig ng mga daing at mga nag-raragasang yapak patungo sa amin.
Napakadaming bots ang lumabas sa daanan at nag-mamadali silang tumakbo palapit kung nasaan ang tumunog na lata.
Tinapik ako ni Zero bilang pag senyas na pwedw na kaming tumakbo.
Nauna ito sa amin at mabilis kaming sumunod ng aking kapatid.
Maingay ang pag-takbo namin at napansin kami ng mga bots.
Nilingon ko sila at nakitang nag-tatakbuhan na sila patungo sa amin.
Huminto si Zero sa harap ng isang malaking pintuan.
Sinubukan nya itong buksan ngunit ayaw naman nito mabuksan.
ANO BA YAN!
Papalapit na ang mga bot sa amin.
Inihanda ko na ang aking baril at nag-mamadaling itapat ito sa bot na papalapit na kay Ren.
Nanginginig pa ang kamay ko, natatakot akong i-pull ang trigger.
Ayokong pumatay, ayoko nang pumatay pa.
Nadi-distract na ako sa dapat kong gawin dahil sa panginginig ng kamay ko.
May paparating rin na mga bot sa kabilang side namin.
"We'll die." natatarantang bulong ko sa hangin.
Onti onti na kong nawawalan ng pag-asa at kusang bumababa na rin ang aking kamay.
What's the point of trying to live when there's actually no chance of it anyway?
Nang malapit ko nang tuluyang ibaba ang baril ay nakaramdam ako ng mga kamay na nakahawak sa kamay ko na sumusuporta mula sa likod ko.
"You won't." Napalingon ako sa likuran ko kung sino ang may gawa nito, I know it's him but I still want to know.
"Hold the trigger..and pull it." bulong sakin ni Zero at agad na sinuportahan ang kamay ko upang itapat ang baril sa bot na papalapit na sa amin.
The bot was so close and so were we.
Mahigpit ang hawak ni Zero sa nanginginig kong mga kamay.
I flinched when I heard the gunshots from the gun I'm holding.
"Sorry." dagdag pa ni Zero bago ipag-tuloy ang pag-baril sa mga bots na palapit sa amin.
He kept pulling the trigger, he has his own gun, bakit nya ba hawak ang kamay ko at gamit ang sa akin?
Is he teaching me right now?
Why do I feel so fluttered?
Padami na ng padami ang mga bots na papalapit sa amin.
Nagising ako sa sarili kong pag-iisip.
Why am I not doing anything?
Bakit ba ko umaasa sa kanya?
We pulled the trigger together but unfortunately, we ran out of ammo.
Shocks.
Napakalapit na nitong dalawang bots sa amin.
One more step and we're doomed.
"Zero, tabi." bulong ko dito bago sya itulak upang mabitawan nya ako.
Mabilis kong tinanggal ang tali ng baril at tinusok ang leeg ng bot gamit ito, nag-talsikan ang mga dugo nito sa katawan at mukha ko.
Sorry..
Hindi ko gustong pumatay, gusto ko lamang mabuhay.
Natumba ang bot na ito at hinugot ko agad ang baril sa leeg nito papunta sa aking kanan, kung nasaan ang isang bot na papalapit samin ni Zero.
Tinulak ko ang bot sa pader bago itusok sa leeg nya ang baril, kagaya ng ginawa ko sa isa.
Sandali, nasan ang kapatid ko??
Lumingon ako sa paligid at kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makitang nag-bubukas si Ren ng pinto, hawak pa nito ang maling tablet na nakuha namin, may binabasa at pinipindot ito.
"Ren, gaano pa katagal yan? We'll cover you." Tanong ko sa kapatid ko at pasimpleng sinisilip ang ginagawa nito.
"Hindi ko kasi maintindihan..numbers ang nakasulat rito, instead of letters."
Ano daw?
Hindi ko rin sya maintindihan ngunit hindi na ako nag-tanong pa dahil ayoko namang istorbohin sya.
Inabot ko ang bulsa ko upang kunin ang mga bala ng baril na tinago ko rito, paano ba ito ilagay?
Pinipigilan kong hindi matakot at hindi manginig kahit na alam ko namang hindi ko ito kaya.
"TE!" agad kong nilingon ang kapatid ko nang ito'y sumigaw. "Sa likod mo.."
Anong meron?
Lumingon ako sa aking likuran ngunit hindi ko napag-handaan ang pag-lingon ko.
Sinunggaban ako ng isang bot at mabilis na pinaibabawan ng ilan pang bot.
Pilit nilang inaabot ang balat ng katawan ko.
Sinubukan ko silang itulak ngunit masyado silang mabigat.
Nabitawan ko na rin ang hawak kong baril na ngayo'y nasa paanan ko na.
Kahit si Ren ay hindi na rin makakilos ng maayos dahil pinuntahan na sya ng mga bots.
Asan na pala si Zero?
Lumingon-lingon ako sa paligid habang pilit tinutulak ang mga bot.
"Ray!" Sinundan ko ang boses at nakitang nasa sahig rin si Zero at pinapaibabawan ng mga bots.
"Palit tayo!"
HA?
Anong palit.
Napansin kong dinikit nito ang paa nya sa baril nyang nasa bandang paahan nya kaya't nakakuha na rin ako ng idea sa kung anong gagawin nya.
"On three.."
I counted to three.
Nang makaabot na ako sa pangatlo ay sabay naming sinipa ang mga baril naming nasa paahan namin papunta sa isa't-isa.
He quickly reached the gun I passed him and I almost couldn't catch the gun he gave as it went farther than expected.
Buti na lamang ay naharang ito ng paa ng isang bot.
Nang maabot ko na nang tuluyan ang baril ay nilingon ko muna si Zero, he started killing the bots by stabbing them with the gun.
Kailangan ko na ring kumilos.
Tinulak ko palayo ang bot na pinaka-malapit sa akin bago ko iputok ang baril.
I flinched when I shot him.
Nandidilim ang paningin ko at tila ba nabibingi ako dahil sa sobrang lapit ng tunog ng baril sa akin.
May naririnig akong nag-sasalita, it was Zero, I can hear his voice saying something but I can't understand his words.
"Look..them in the eye..!"
Ha?
Napalingon ako sa bot na pinakamalapit sa akin.
Tumutulo na ang laway nito at sobrang itim ng kanyang mga mata.
Napa likot at agresibo nito..
Kahit na nahihirapan pa ako ay mabilis ko itong tinulak bago saksakin ng baril sa leeg.
Nang makalaya ang katawan ko sa hawak ng mga bots ay nag-mamadali akong tumayo upang barilin itong mga nasa paligid namin.
Dahil sa takot at panginginig ay hindi ko sila matamaan ng maayos.
Sa balikat..
Paa, at kamay ko sila natatamaan.
Hindi ko talaga alam paano gumamit ng baril kaya't ginawa ko na lamang ang mga ginawa ko kanina.
I stabbed them with the gun.
"Tara na!" napalingon ako kung nasaan si Ren, medyo malayo na rin pala ito sa akin.
Bakit ang layo ko na sa kanila?
Nakapasok na ang dalawa sa pintuan.
"Bilis te! Kusang sumasara to!"
SHOCKS!
Pag naiwan ako dito sa labas, wala na akong pag-asang mabuhay pa.
Nag-simula na akong tumakbo papalapit sa pintuan kung nasaan si Ren at Zero, lumiliit na ang bukas ng pinto.
Maabutan ko pa ba to!?
"YUKO!"
Yumuko ako ng mabilis habang tumatakbo at pinag-babaril naman ni Ren ang mga nasa likuran ko.
Not bad, he killed them with the first shots.
"Bilis te!" sigaw pa sa akin ni Ren at pilit pinipigilang sumara ang pintuan.
Natataranta na ako dahil onti na lamang ay hindi na ako mag-kakasya sa pintuan.
Napalingon ako sa likod upang tingnan kung ilang bots na ba ang humahabol sa akin, hindi ko na sila mabilang.
"INGAT KA TE, SA GILID MO!"
Lalo akong natataranta sa mga pag-sigaw ni Ren.
Lumingon ako sa gilid ko at nakitang napakalapit na ng isang bot sa akin, kayang-kaga na nito akong kagatin.
Napahinto ako sa pag-takbo sandali ngunit nagulat ako nang makitang matumba ito sa harapan ko na may kutsilyong nakatusok sa kanyang leeg.
Sandali, kay..
"Zero?"
"Tara Ray!" sigaw ni Zero at nag-mamadaling hinawakan ang kamay ko.
Kukunin ko pa sana ang kustilyo nya ngunit agad ako nitong hinila nang mabilis makalapit lamang sa pintuan.
Bakit lumabas pa ito??
Ano ba yang ginagawa nya?
"Bilis, pasok!" Sigaw nito sa akin nang huminto kami sa pinto.
Kasya pa ba kami dyan?
"Mauna ka na-" alok ko sana sa kanya ngunit nag-mamadali na ako nitong tinulak papasok sa loob.
Pinilit kong isiksik ang sarili ko mag-kasya lamang ako sa pintuan.
Sinipa muna ni Zero ang bot na pinakamalapit sa kanya upang mag-takbuhan sila.
"Zero..tara na." natataranta na naman ako dito, bakit hindi pa sya pumapasok?
Hinawakan ko ang braso nito at pilit na hinila papasok ng pintuan ngunit patuloy na itong sumasara at hindi na mag-kasya pa ang kalahati ng katawan nya.
"Hindi..na kaya.." mahinahon na sambit nito ngunit nadadama ko ang takot sa tono ng pananalita nya, tao rin sya, natatakot rin, pero pinipilit pa nyang maging kalmado.
Hinihila na nito ang braso nya sa pag-kakakapit ko upang tuluyan na syang makalabas ng pinto ngunit hindi ko parin sya binibitawan.
Hindi ko sya mabitawan..hindi ko kaya, ayoko nang makakita pa ng pag-kamatay ng taong naging malapit na rin sa akin kahit papano.
I remember Lisa and those students.
I will not let Zero die in front of me.
"Ray, bitawan mo na ko!" naiiritang sigaw nito sa akin. "Hawakan mo man ako o hindi, mamamatay rin ako!"
So i'm just choosing whether to let him die in front of me or while I hold him tight?
I chose none.
Pinilit ko parin itong hilahin papasok sa loob.
"Tama na, Ray!"
"Te!" Nilingon ko si Ren na may dalang kahoy at nag-mamadali kaming pinuntahan.
Ginamit nya ang kahoy pang harang at panandaliang pang-suporta sa pintuan upang makapasok na ang buong katawan ni Zero.
Gumana naman ito at nang halos isang paa na lamang nya ang nasa labas ay hinila ito ng bot mula sa labas.
Shocks!
ANO BA NAMAN TO!
Nawala sa balance ang pintuan at dahan-dahan ulit itong sumasara.
Natumba si Zero sa sahig at agad kong hinawakan ang kanyang kamay habang pinipilit hilahin papasok.
Nakarinig kami ng bala ng baril at hindi ko agad napansin na si Ren pala ang may gawa non.
Napabitaw ang bot kay Zero kaya't nag-mamadaling gumapang si Zero papasok habang hila ko ang kanyang kamay.
Napadaing pa ito nang maipit ang dulo ng kanyang paa.
Pinilit ko parin syang hilahin papasok kahit nasasaktan na sya dahil sa pag-kakaipit.
His left foot starts to bleed.
Bago pa man tuluyang sumara ang pintuan ay nahila ko na sya papasok.
Dumudugo ang isang paa nito dahil sa naipit sya ng pinto. Ang lakas ng pag-tagas ng dugo mula sa katawan nya.
Tinulak ko ito pasandal sa isang pader at tinaas ang pantalon nito sa paa.
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita at agad akong inatras ni Ren palayo kay Zero.
"May..." hindi ko alam kung paano ito sasabihin.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.
Halos nanlumo na ako nang makitang may kagat ito sa paa..
"Bakit?" mahinahong tanong nya sa amin, nag-katinginan kaming dalawa ni Zero at nakita ko ang pag-tulo ng luha nito sa kanyang nakakatakot na matang itim ang kulay.
His eye that proves he's a monster was spilling tears that proves how strong and sentimental he was.
Nanlaki pa lalo ang aking mga mata nang itutok ni Zero ang hawak nitong baril sa kanyang ulo.
Napapikit ako nang makarinig ng putok ng baril.
I..I didn't even think this could happen..
"Zero.."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
awn lang
07/06/2025
0👍 good
24/07/2024
0this is good story
12/04/2024
0Tingnan Lahat