Homepage/GLITCH: Cyber City/
Chapter 12:
"Is Zero your name or something you just made up?"
"Something I made up."
Oh.
I hope kaya ko ring palitan ang pangalan ko.
"So bakit wala kang pangalan?" I know ang pakeelamera ko na pero nag-tataka lang talaga ako.
Hindi ba sya mahal ng mga magulang nya to the point na hindi sya bigyan ng pangalan ng mga to? Maybe that's too much.
"I-I have a name, Hindi ko lang maalala kung ano." mahinang sagot nito habang patuloy na gumagapang papunta sa ibang pwesto.
Oh, so he don't remember his name, huh?
Ngayong nasagot na ang tanong ko kung bakit wala syang pangalan, panibagong tanong naman ang iniisip ko..
Bakit hindi nya maalala yung sarili nyang pangalan?
Amnesia?
"Sa kaliwa ka humawak, may pako sa kanan."
Tumango lamang ako sa kanya kahit hindi nya ako nakikita, patuloy itong gumapang palayo at sinundan ko nalang sya.
Napahinto ako nang makaramdam ng pag-tusok sa kanang kamay ko.
"Aray.."
May pako pala dito, dumudugo pa yung daliri ko.
"Kaya nga sabi ko sa kanan ka humawak kasi may pako sa kaliwa." Nilingon pa ako nito upang bigyan ng sermon.
"Kaya nga, sa kanan!"
Sa kanan naman ako humawak eh.
"I mean sabi ko kanina sa kaliwa ka humawak kasi may pako nga sa kanan."
"Pero sabi mo ngayon, kasasabi mo lang na sabi mo kanina sa kanan ako humawak kasi yung pako nasa kaliwa."
Kasasabi nya lang ha.
"Nag-kamali lang ako, ang sinabi ko nga sa kaliwa dapat humawak kasi nasa kanan yung pako!" Tumataas na ang boses nya ah, nafu-frustrate na ba sya kausap ako? Kasi same.
"Hindi ba ang sabi mo nasa kaliwa yung pako? Edi sa kanan ako humawak!"
"Tanga! Ang sabi ko sa kaliwa ka humawak, sigurado ako kasi ako ang nag-salita."
Wow, Tanga.
"Well, talaga? Kaya pala mali yung sinasabi mo kanina ha."
Nakakairita kausap.
Tsaka anong klaseng pag-aaway to, dahil sa pako?
Bakit kasi may pako dito?
"Nag-kamali lang ako ng isang beses--"
"Who cares kung ilang beses kang nag-kamali?" Please, sana matapos na ang walang kwentang pag-uusap na to.
Dalawang tao, nag-away dahil sa pako.
"Alam mo, wag nalang tayong mag-usap." He sounds so frustrated, buti nga wag nalang mag-usap.
Bago pa sya mag-patuloy ay nag-salita pa sya.
"Balutin mo yang daliri mo, naaamoy ng mga bot sa baba."
Tinitigan ko ang daliri ko at ang mga bot, hindi nga kami napapansin nito.
Mukhang hindi naman nila naaamoy, tsaka wala akong pambalot, well, yung tela ng damit ko pala pwede.
"Di na kailangan, wala naman silang pake."
Lumapit na ako sa lalaki--ibig kong sabihin kay Zero.
"Alright, pag tayo namatay dahil sa isang pirasong pako--"
"Akala ko ba wag na tayong mag-usap?"
Napapagod na ko.
Nakakastress ang araw na to.
Isang araw lamang pero parang ang dami na agad nangyare.
At eto ako ngayon, nakikipag-argue na naman sa kanya.
Hindi ko nalang ito pinansin, I hope my brother's doing fine out there, I also hope na hindi nya kami iniwan dito.
This day has been so rough.
I met and lost people.
So Shawn was the only who survive, huh?
I'm thankful he left, hindi sya nadamay.
I looked back at the area where they died.
Hindi ko na sila makita dahil madilim-dilim na rin.
I hope they all rest in peace, may their souls reach the heaven and sky.
Sinubukan kong hindi maging emotional, this is not the time to cry, no time for spilling tears.
I gotta pull myself together and I'm glad I did.
"Got any plans?" he asked as soon as we reached the end.
Gabi na pala, madilim na ang paligid, walang kailaw-kailaw.
Nilabas ko ang cellphone ko at flinashlight ito upang makita ang baba kung may mga bot pa, buti naman ay walang bot sa lugar na to, glad we're safe.
Ang dilim.
I hope Ren was doing fine outside.
"Baba na tayo." sagot ko sa kanya bago itago ang cellphone sa bulsa ko.
Hindi naman gaano kataas ang pwesto namin kaya makakababa kami ng safe.
Pumwesto na ko at inihanda ang sarili ko upang bumaba.
Tatalon na sana ako ngunit bigla itong nag-salita.
"I think I almost killed you when we were inside the Cyber City."
Oo nga pala, buti nabanggit nya.
He almost feed me to the bots and he actually smacked me back there, ang sakit kaya!
"Oo nga eh, you almost killed me when all I did was just give you the water you asked for."
Kung alam ko lang na gagawin nya yon sakin, sana ininom ko nalang yung tubig sa harapan nya.
"Sorry." Mahinang sambit nito but still enough for me to hear.
"I did the same, I was actually amazed when I saw you still alive after kitang iwan sa mga bots na yon, you're tough."
Paano sya nakaligtas don?
His skills was so inhuman.
"Then if you feel sorry, why don't you apologize?"
What does he mean?
Nilingon ko ito.
Halos hindi ko na sya makita, but I know his eyes were staring at me, especially the black one, it feels so eerie.
"To whom, to you? Why would I? Who says I was sorry, anyway?"
That was the last thing I said before jumping down.
He deserves it, we're good now but that doesn't change the fact that we both tried to kill each other earlier.
No need to say sorry nor apologize.
No need to ask for forgiveness or to be forgiven.
I don't believe in those stuffs.
Sometimes I do, mostly I don't..
As soon as my feet landed on the floor, tumingin-tingin agad ako sa paligid.
Ang dilim talaga.
I need my phone.
"San yung labasan?" I heard him speak as he jumped down. "Bakit may ilaw?"
"Ha?"
Anong ilaw?
Napalingon ako sa harapan namin nang may makita kaming ilaw banda sa pintuan, so eto na pala ang isang pintuan.
Seems like someone's approaching, I hear footsteps, If I'm not mistaken, those were lights from a flashlight.
"Bots?"
"Human." I replied.
"Tago.." Hindi ko makita ang lalaki pero naririnig ko ang mga yapak ng paa nito, papunta sya sa kanan.
"Hoy..Zero.." mahinang tawag ko upang hindi kami marinig.
Bakit naman bigla itong humiwalay.
"SINO KAYO?" My body froze as soon as I heard someone's voice, it was a man, hindi ito boses ni Zero.
Ako ba kausap? Kami ba? Madilim kaya baka hindi naman kami nito nakikita.
Dahan-dahan pa akong nag-lakad papunta sa kanan ngunit huminto ako nang may mabanggang tao, it wasn't a wall, I'm sure it was a person.
"HANDS UP!"
Light, there were lights everywhere.
Napapikit pa ako dahil sa itinututok sa mukha ko ang flashlight.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko upang tingnan kung sino ang nabangga ko.
Oh, just Zero.
Nilingon ko ang nag-tututok sa amin ng flashlight.
Sandali, naka military uniform to ah!
"Sir, tao po kami!" Natutuwang sambit ko at pinipilit pang itaas ang kamay ko.
"Bitten?"
"Hindi po, pwede nyo kaming I-check.." sagot ko pa at tumango-tango sa kanya, like convincing him to trust us.
Tinanggal nito ang tutok ng ilaw sa aking mga mata at itinapat naman sa mukha ni Zero.
Ngayon ko lang napansin na ang puti pala nya, he looks so..pale.
Kakaiba talaga ang mga mata nito, ang isang mata nya ay pula ang eyeball parang sa mga bot, ang isa naman ay pure black, lahat ay black, walang puti, walang kahit anong kulay kundi itim.
He doesn't look normal..
Mukha itong taga Cyber City.
"Ikaw, anong nangyari sa mata mo?" tanong ng sundalo kay Zero.
SHOCKS.
"Ganyan lang po talaga ang mata nya, kapatid ko po yan, pinanganak po syang ganyan, normal lang yan sa kanya, Sir!" singit ko pa at pilit na humaharang sa harap ni Zero upang hindi ito masyadong makita.
"NAKAGAT KA BA!? O TAUHAN KA NG CYBER?" bahid ng takot at pag-tataka ang boses ng sundalo, tinutukan pa nito ng baril si Zero.
"HINDI SYA NAKAGAT, Kapatid ko sya, ganyan lang talaga yang mata nya, tao sya, tao yan, ibaba nyo po yung baril nyo!" Natataranta na rin ako, I don't know how to convince him anymore.
Napansin kong may kinuha ang sundalo sa tagiliran nito, parang telepono nila.
"We have one Cyber human here on the first floor, quick!" He's calling for back-up.
"WAIT LANG, HINDI NGA--"
"WAG KANG KIKILOS MISS, KUNG AYAW MONG PATI IKAW MADAMAY!"
Pati ako ay tinutukan na ng baril nito, ba't naman pati ako papatayin?
Dahan-dahan akong lumalapit sa sundalo..
"Miss, ano bang ginagawa mo? Hindi ako mag-dadalawang isip na patayin ka.."
"Sir..kalmahan nyo lang po, hindi sya kalaban.."
Natatakot ako sa baril nya, isang tama lang nito sakin feeling ko patay na ko.
"Hindi po sya--"
Napahinto ako sa aking sinasabi nang may marinig kaming parang kung anong bumagsak banda sa aming gilid.
Ano yon?
Ang dilim pa naman, wala kaming makita.
Agad na flinashlightan ng sundalo kung saan nanggaling ang tunog at bigla naman akong nakarinig ng mga yapak na tumatakbo.
Zero..
"Ray!" his voice.
Bumalik ang tingin sa amin ng sundalo at mag-isa na lamang ako dito, nakita kong nag-mamadali nang tumatakbo si Zero palayo.
"HOY! BUMALIK KA DITO!" sigaw nitong sundalo, nag-mamadali pa syang tumakbo upang sundan si Zero.
Bakit hindi manlang ako hinintay ng lalaking iyon?
"Sorry po!" sigaw ko bago hilahin ang sundalo palayo at itulak ito hanggang sa matumba sa sahig.
Buti nalang hindi kalakihan ang katawan nya kaya't hindi ako nahirapan.
"Zero!"
Ang dilim ng paligid, hindi ko alam kung saan ito hahanapin, saan ba sya dumaan?
AH, SA KANAN!
Nag-mamadali akong tumakbo papuntang kanan, dito sya nag-punta eh.
Ang dilim, jusko!
"Hoy Zero!"
Asan na ba yon?
Hindi nya naman ako iniwan dito, diba?
Sisigaw na sana ulit ako ngunit nakarinig ako ng mga yapak, mga mabibilis..
Mga nag-raragasang mga yapak.
Sandali, hindi ito sa tao.
Hindi pa nag-tagal ay nakarinig na rin ako ng mga daing..
Malalakas ito, kasabay ng mga yapak nila.
Mga bots!
Hindi ko alam kung nasan ako at wala rin akong makita.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko upang gawing flashlight pero nang dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon ay nahulog ko ang cellphone.
Ang lakas ng pag-bagsak nito, hindi naman siguro yon narinig ng mga bots, diba?
Agad kong dinampot ang cellphone..
Damang-dama ko ang panginginig ko.
Teka, bakit hindi bumubukas ang cellphone?
Hindi pwede..
"Bumukas ka na, please.."
Sinubukan ko pa itong ipukpok sa kamay ko pero hindi parin bumubukas..
AAHHHH, ANO BA NAMAN YAN!!
Bumukas ka na oh..
BAKIT AYAW PARIN?
Ang sarap mong durugin, alam mo ba yon?
Palakas ng palakas ang mga yapak na ito, wari ko'y parami rin ito ng parami.
Mabilis kong tinago ang cellphone sa bulsa ko at tumakbo ulit.
Shit, hindi ko alam kung asan ako.
Dahan-dahan akong nag-lakad papuntang kanan upang makahanap ng kakapitan..
Kinapa-kapa ko ang paligid hanggang mahawakan ko ang pader.
Gumaan ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ito.
Hindi ko na alam ang gagawin..
Tatakbo?
Mag-tatago?
Hahanapin si Zero?
Binilisan ko ang pag-lalakad habang patuloy na kinakapa ang pader.
Nagulat ako nang bigla akong may naapakan at malakas itong tumunog.
SHOCKS, ANO YON?
Umiilaw-ilaw pa ito..
ANO NAMANG GINAGAWA NG LARUAN DITO?
Lalong lumakas ang mga daing at yapak na naririnig ko, papunta pa yata ang mga ito sa akin.
Dinampot ko ang bola at hinagis ito patungo sa aking likuran, palayo sa akin.
Nag-mamadali naman ang mga bots na pumunta rito.
Tama nga si Ren, attracted sila sa sounds.
Ang dami nila, they keep coming just for that sound.
Hindi na ako nag-sayang ng oras manood, dali-dali na akong tumakbo palayo.
Hindi ko alam kung saan pupunta, bahala na..
Naka-kapa ako ng isang pintuan, ito na ata ang labasan.
Dahil madilim ang paligid, wala akong makita kahit ano kaya't binuksan ko nalang ang pintuan.
"AHHH!"
Nagulat ako nang makaramdam ng mabigat na pwersang pumaibabaw sa akin.
Rinig na rinig ko ang mga daing nito na pilit inaabot ang tenga ko.
May mga yapak pang papalapit sa pwesto ko.
Tanga!
Maraming bot sa pintuan na nabuksan ko, bakit ba hindi ko naisip yon?
Hindi ko makita ang bot na ito ngunit pinipilit nya akong kagatin, ang ingay rin nito kaya't nilalapitan pa kami ng iba.
Pinilit ko itong itulak palayo at nang mahiwalay ito sa aking katawan ay napagapang nalang ako palayo sa kanya.
Akala ko'y hindi nya na malalaman kung nasan ako dahil madilim ngunit bigla ulit ako nitong sinunggaban.
Kailan ba matatapos ito?
Hinarang ko ang aking kamay sa leeg ng bot upang hindi dumikit ang ngipin nito sa aking balat, habang kinakapa ng aking isa kong kamay ang kanyang katawan upang malaman kung may magagamit ba ako para patayin siya, pero wala.
Napakapit ako sa ulo nito, mahaba ang buhok nya, siguro babae ito, hinila ko ang buhok ng bot patalikod at sinipa sya palayo.
Nag-mamadali akong tumayo at hindi agad tumakbo palayo..
Narinig ko ang mga daing ng babae, at nararamdaman kong palapit na sya akin.
Hindi ko alam kung asan sya..
Pakiramdam ko ay nag e-echo ang boses nito at pinapaikutan ako, hindi ko alam kung asan ang pwesto nito..
Sa harap?
Sa gilid?
Nasan ka ba?
Asan na yon?
Tumayo ang mga balahibo ko nang makaramdam ng malalim na pag-hinga sa aking likuran.
SHIT, NASA LIKOD!
Agad akong humarap upang salubungin ito, ngunit wala.
Bakit parang may isip sya?
Lalo lamang akong kinakabahan dito, hindi ko alam kung tatakbo na ba ako.
Pakiramdam ko ay pinag-mamasdan lamang ako nito, para bang may mga matang nag-mamasid sa akin sa madilim na lugar na ito.
Ayan na naman, ang mga daing nya..
Nakarinig ako ng mabibilis na yapak sa aking kanang gilid kaya't mabilis akong humarap dito at nakaramdam ako ng mga kamay na kumapit sa aking balikat, buti na lamang ay nahawakan ko rin ang balikat nito upang hindi nya ako lubusang malapitan.
Napaatras ako hanggang sa dumikit na ang likod ko sa pader.
Pinipilit abutin ng babae ang aking balat, ang aking mukha..
Napaka-agresibo nya, ang lakas pa nito at nag-iisip sya.
Ginamit ko na ang buong lakas ko upang itulak ito palayo sa akin at nang maging successful ang plano ko ay patuloy parin itong tumakbo palapit sa harapan ko.
Agad akong gumilid upang mauntog ang babae sa pader, nang mauntog nga ito ay nilapitan ko sya upang hawakan ang ulo nya patalikod at pilit na diniin sa pader.
Nandidiri ako sa tuwing ginagawa ko ito, ngunit wala akong choice, just as how much she wanted to eat me, I also wanted to survive.
Nag-lakad ako papunta sa harapan habang patuloy na ikinikiskis ang mukha nito sa pader, she's trying to move away, does it hurt her?
Ang likot ang aggressive nito.
Binilisan ko ang pag-lakad kaya't patuloy din ang pag-daing ng babae, palakas ng palakas, nasasaktan ata ito, nakakaramdam sya ng sakit? Pero ang ibang bot ay wala namang pakiramdam, kakaiba nga ito.
Napahinto ako nang maramdaman may nabangga akong malaking bagay, parang isang basurahan.
Hinawakan ko ito at metal ang trash can, wala pa itong takip.
I traced the metal with my own fingers.
It's sharp..
Maybe this will end this.
For the last time, kiniskis ko ang mukha ng bot sa pader at narinig kong sumigaw ito, damang-dama ko ang sakit na nararamdaman nya sa kanyang mga tili.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napangiti.
I hear two screams.
Her scream of pain and,
the scream of pleasure inside my mind.
I'm lying if I said I don't enjoy this, but hell, I do.
This is sick but I feel a twisted pleasure in my stomach as I keep hearing her cries, eto ang hinahanap ko sa bot na pinatay ko kanina sa harap ng university, the sound of pain.
Bigla akong natauhan nang manlaban ang babae kaya't dali-dali kong ibinagsak ang ulo nito sa basurahan, diniinan ko pa ito to make sure na matamaan talaga ang kung ano mang dapat matamaan sa leeg nya upang mamatay.
Naramdaman ko na pahina nang pahina ang kilos ng babae hanggang sa hindi na ito gumalaw pa.
Agad ko syang binitawan nang marealize kong patay na ito.
I killed another one..in a brutal way again.
Asan na ba ako?
Pinunas ko ang kamay ko sa aking damit at nag-simula na ulit tumakbo.
Marami pa akong daing na naririnig ngunit hindi ko alam kung asan.
The mall was too big, nag e-echo ang mga daing na ito kaya't hindi ko matukoy kung malapit ba ang mga bot sa akin, hindi ko na rin alam ang ginagawa ko, basta tumatakbo lamang sa kung asan, palayo at palabas.
Binilisan ko pa ang pag-takbo at halos mapasigaw na nang maramdaman kong may mabangga ako.
Hindi ako agad nakaatras at naramdaman ko ang kamay nito nang hinawakan ang balikat ko.
Malamig ang kamay nya..
Sandale..
"Zero?" mahinang sambit ko at hinawakan ang braso nya, maybe this is him, ganito sya kalamig.
"Ray?"
Shocks, this is actually him!
Binitawan ko ito at itinulak kaya't napabitaw rin sya ng pag-hawak sa aking balikat.
Bakit kasi kailangang tumakbo mag-isa?
May tinaas itong isang umiilaw na baril, laruang baril.
"Tara na, andyan na sila.." Tumakbo na naman ito at sinundan ko na agad sya, baka mag-kahiwalay na naman kami.
Pasalamat nalang sa laruang ito, nag-kakaron kami ng kaunting ilaw kahit papano.
"Ang dami, balik!"
"Ano?" Sinilip ko muna ang pintuan sanang dadaanan namin kaso ang dami ngang mga bots dito.
Bumalik kami sa dinaanan namin pero may mga bots na rin dito.
"Tara, sa taas!" Nauna ako ritong tumakbo palapit sa Escalator.
Hindi ito gumagana kaya't tinakbo nalang namin ito, kahit naman gumagana pa ito ay hindi naman kami mag-hihintay na parang tanga.
Hinintay kong maka-akyat si Zero bago kumilos, wala akong makita, at least sya, may dalang ilaw.
Inikot nito ang paligid upang ilawan at wala naman kaming nakitang kahit ano, kahit isang bot.
Wala ring mga yapak dito.
Halos parehas kaming nagulat nang makarinig ng mga putok ng baril.
"Ano yon?" tanong nito sa akin at sinubukan pang sumilip sa baba.
Hinila ko naman ito bago pa tuluyang sumilip.
"Mga sundalo yon, wag ka nang mag-pakita.."
Pero ano kayang balak nila kay Zero? Kukunin ba nila? Papatayin?
Who is this guy?
"Mag-hanap na tayo ng safe na daanan palabas." tumango lang ako sa sinabi nito at sinundan na syang mag-lakad.
Sinusubukan kong kapain ang gilid at baka may mapansing pintuan o bintana palabas.
First rule pag madilim, wag agad mag-bubukas ng pinto, I learned it in a hard way.
"Hoy, dito." pag-tawag ko sa kanya nang may makapang doorknob.
Palapit na ito sa akin nang biglang bumukas ang mga ilaw sa mall.
Halos napapikit ang aking mga mata dahil sa biglang liwanag.
Bakit bumukas ang mga ilaw?
May kuryente pala?
Nakarinig naman ako ng pag-bagsak kaya't pinilit kong imulat ang aking mga mata at nakita ang laruan na hawak ng lalaki--ni Zero na nasa sahig na.
Ang sakit sa mata ng mga liwanag na ito kaya't napapikit ulit ako at dahan-dahang sumandal sa pader upang maupo sa gilid.
Hindi ako pwedeng mag-tagal ng ganito.
I rubbed my eyes using my hands to cope with the sudden light, kailangan kong kumilos.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakitang nakasandal si Zero sa pader at nakapikit.
Tumayo pa ako at nag-mamadaling tumakbo palapit sa kanya.
Onti-onti na ring nasasanay ang mata ko sa liwanag.
Siguro ang mga sundalo ang nag-bukas nitong ilaw, sigurado akong hinahanap na nila si Zero.
"Tara na, dumilat ka.." Sambit ko rito at nag-lakad na ako palayo ngunit hindi parin sya gumagalaw kaya't binalikan ko ito.
"Tara na, pilitin mong dumilat, kailangan na nating umalis." Pinipilit kong hilahin ang jacket nito ngunit andun parin sya sa kinatatayuan nya at halata na pilit nitong sinasara ang mga mata nya.
"Hoy.."
"W-wala akong makita.." mahinahon ang pag-kakasabi nito ngunit may bahid ng pagka-taranta.
"Ano bang sinasabi mo?" nag-tatakang tanong ko dito.
"Ray, wala akong makita-"
"Malamang, naka-pikit ka!" Naiiritang sigaw ko rito, ano bang ibig nyang sabihin? Bakit hindi sya dumilat?
"H-hindi kasi yon!" sigaw nito pabalik sa akin at binuksan ang mga mata nya upang titigan ako ng masama.
Nagulat ako na dumudugo ang mata nito, ang isa nyang mata, dumudugo yung kulay itim na mata ni Zero.
Anong nangyari yan?
Nakagat ba sya?
Parang hindi naman ah.
Dahan-dahan itong tumingin sa taas upang titigan ang ilaw at pinikit ulit ang mga mata nya kaya't lalong tumulo ang dugo sa isa nitong mata.
"Dumudugo yung mata mo.." pinilit kong hawakan ang braso nya para tanggalin ito sa mukha nya pero umatras ito palayo sa akin.
"Buksan mo yang mata mo, umalis na tayo!" Nauubos na ang pasensya ko sa kanya, ano bang nangyayari dito? Bakit dumudugo ang itim na mata nito? "Hoy!"
Binuksan ulit nito ang kanyang mata at lumalala lalo ang pag-dudugo, tila ba umiiyak ito ng dugo.
Ang isang mata nya ay ayos naman, ito lang talagang itim.
"Tara na.." mahinahong sambit ko at hinila ang braso nito upang tumakbo palapit sa fire exit na nakita ko.
Hinihila ko lamang sya dahil hindi sya tumatakbo, nakapikit lamang ang mga mata nito na para bang takot na takot.
"Bakit ba hindi ka dumidilat?" Nag-tatakang tanong ko rito.
"Ayoko ng..liwanag." halos hindi ko na marinig ang boses nito sa sobrang hina ng pag-sabi nya, para bang ayaw nya ring iparinig ito sa akin.
Dumadami ang dugong tumutulo sa mga mata nito na halos pumapatak na sa sahig.
Huminto ako sa pag-lalakad nang maramdaman ang panginginig ng kamay nya, ang lamig-lamig nito, parang isang bangkay, namumutla rin sya, damang-dama ko ang takot nito dahil pilit na pilit ang pag-sara ng mga mata nya.
Bakit ayaw nya ng liwanag?
"Hoy, buksan mo yang mata mo, lalong dumudugo kasi pinipilit mong isara.."
"A-ayoko nga!" sigaw nito at hinila ang braso nya palayo sa akin.
"So anong gagawin mo--"
"Hindi ko alam!" sigaw nito sa akin at para bang tinatakpan nito ang kanyang tenga.
Good, siguro narinig na kami ng mga sundalo at papunta na sila para hulihin sya.
"Hindi ko alam.." Inulit ng lalaki ang kanyang sinabi ngunit sa mas mahinahon na tono, para bang pinipilit nya lang ikalma ang sarili nya.
He's acting weird..
Mag-sasalita na sana ako ulit ngunit nagulat ako nang bigla itong sumigaw..
"PLEASE STOP TALKING!"
Ano bang sinasabi nya?
"Hindi naman ako nag-sasalita!" naiinis na ring sigaw ko sa kanya.
"H-hindi naman ikaw."
Ha?
Ano?
Napalingon ako sa paligid at tila ba nag-ta-taasan ang mga balahibo ko sa katawan, wala naman ibang tao dito and..
"Wala namang nag-sasalita.." mahinahong sambit ko at tinitigan si Zero.
Kaming dalawa lang naman ang andito.
"Meron..there are voices.. everywhere."
Natatakot na ko dito, ano bang sinasabi nya?
Tinitigan ko lamang ang lalaki ngunit nabalin ang aking tingin sa escalator kung saan nakarinig akonng mga yapak at pag-uusap.
Yung mga sundalo!
"Andyan na sila, wag kang maingay.."
Nag-mamadali kong hinila si Zero papasok sa isang area dito kung saan maraming mga nakalagay na damit.
Hera's Dress shop..
"Yuko.."
Tinulak ko si Zero papasok para mag-tago sa ilalim ng counter.
Pag-pasok nito ay sumunod na rin ako upang mag-tago.
Hinarang ko pa ang mannequin sa aking gilid para hindi makita.
I hope this is enough.
"You good?" tanong ko rito na nakapikit parin, yung mata nya, dumudugo parin.
Bakit ayaw nya ng liwanag?
Pero kanina maliwanag naman ah, I mean sa building sa Cyber City, maliwanag doon, pero mukhang ayos lang sa kanya.
Anong pinag-kaiba non sa ilaw dito sa mall?
Tsaka bakit dumudugo yung mata nya?
"Sir, may dugo papasok sa dress shop!"
Oh, shocks!
Yung dugo ni Zero.
"Hala.." natatarantang bulong ko at kinuha ang bakal na hanger na nasa harapan namin ngayon.
"Bakit?"
"Nakita nila yung dugo mo.."
"Ha?"
Jusko!
Madami sila, may mga baril at skilled.
Anong laban namin don?
Anong laban ko don?
Hinigpitan ko ang hawak kong metal hanger at pinilit itong ipitin hanggang sa mag-mukha itong stick.
"Sir, may nakakita raw sa babae dun sa 3rd floor!" narinig kong sigaw ng isang sundalo.
"Move forward!"
Narinig ko rin ang mga yapak na nag-takbuhan palayo.
Buti naman..
Napasandal ako sandali sa counter bago tumayo.
"Lumabas na tayo.." pag-tatawag ko rito ngunit hindi sya sumasagot, hindi rin sya kumikilos.
Napatingin ako sa aking gilid and something caught my attention.
Lumapit ako banda sa mga shades at salamin.
Kumuha ako ng isang shades at ng ilang mga bandana na nakasabit.
Bumalik ako sa counter at umupo sa harapan ni Zero.
"Buksan mo mata mo.."
"Ano ba, Ayoko nga.." halata na ang pag-kairita nya sa pamimilit ko.
Kinuha ko ang bandana at dahan-dahanan pinunas sa kanyang pisngi.
Fresh blood.
"Ano bang ginagawa mo?" naiiritang tanong nito sa akin at pilit na lumalayo sa akin.
Ang likot naman nito.
I held his chin up while he kept his eyes closed.
Napunasan ko ng onti ang pisngi nito at nabawasan ang dugo kahit papaano.
"Hands off."
Bago pa ako nito ipagtulakan ay mabilis kong nasuot ang shades sa kanya.
"Buksan mo yung mata mo, madilim makikita mo.." Pinilit kong gawing mahinahon ang aking boses kahit kinakabahan na ako baka bumalik ang mga sundalo at makita kami.
"Toying with me?" nagawa pa nitong maging sarcastic.
Iwan kita dyan eh.
"Wala ka bang tiwala sakin?"
"Wala." diretsong sagot nito, hindi manlang nag-dalawang isip.
"Well, ako rin." I replied.
"So what's your plan? Close your eyes forever para pag namatay ka diretso nakapikit ka na agad?" I added.
I stare at him..
Napansin kong hindi na masama ang itsura nito.
Well, hindi naman sa hindi masama, he kinda looks good..though.
Mukha lang talaga syang hindi normal.
"Oo nga noh.." Bulong nito at napansin kong bukas na ang mga mata nya habang suot ang shades.
I thought he don't trust me, why did he opened his eyes?
"Let's keep going." sambit nito at tumayo na upang lumarga ulit.
Sumunod naman ako dito.
Nag-tungo kami sa fire exit na nakita namin kanina.
Buti naman ay bukas ito kaya't nakalabas kami agad.
Madilim na ang kalye.
So, where's Ren?
"Yung kapatid ko.." nag-aalalang bulong ko habang lumilingon sa paligid.
"Andyan lang yan."
So asan dyan?
Please, keep him safe.
"Baka andon!" Tinuro ni Zero ang isang restaurant sa harapan ng mall, Bakit nya naman naisip na andyan?
Tumakbo si Zero patawid sa kalye at sumabay naman ako sa kanya.
Napahinto kami nang biglang may humintonh sasakyan sa aming harapan.
Sasakyan ng Military.
No,
We're doomed.
Dahan-dahan bumaba ang bintana ng sasakyan, hanggang sa makita namin ang nakasakay rito.
"What's up?"
"REN?"
Yung kapatid ko!
Nakauniform pa ito ng pang-sundalo.
"Wow, buhay pa kayo?" namamanghang tanong nito.
Boang.
"Gusto mo ba mamatay na kami?" I asked.
"Well ano.. baka masaktan ka pag sinagot ko yang tanong mo." sagot nito sa akin.
Wala kang kwentang kapatid..
Mukhang chill-chill lang to dito ah.
Napatitig si Ren sa aming likuran.
Anong tinitingnan nya?
"Yuko!" sigaw nito sa amin.
Bigla akong hinila payuko ni Zero at nagulat ako nang biglang mag-labas ng baril si Ren at pinag-babaril ang mga sundalo na nakatayo sa pinanggalingan namin.
Bubunot pa lamang sila ng baril ay tinadtad na sila ni Ren ng bala.
Ano yan?
Anong ginagawa ng kapatid ko?
"Ren, what the hell? Pumatay ka ng tao!"
Hindi perpekto ang pag-kakabaril ni Ren dahil kung saan-saan nya lamang ito pinapatama pero sapat na yon para matumba sila.
"Hindi yan tao, Cyber-human yan, mamaya ko i-eexplain.."
So Cyber-human ang kukuha kay Zero kanina? Bakit? Cyber-human rin ba sya?
"Bilis, pasok na!"
Sigaw sa amin ni Ren at nag-mamadali naman kaming lumapit sa pintuan ng sasakyan.
"Dito kayo sa harap!"
Nauna ako pumasok sa loob at sumunod si Zero.
Mabilis nitong sinara ang pintuan.
"Ren, drive!" sigaw ko sa kapatid ko sabay tapik.
When did he learned to use guns?
Binaba na ni Ren ang baril sa kanyang hita at nag-simula nang hawakan ang manibela.
Halos mapasigaw na sa gulat si Ren nang hilahin ng isang bot ang kanyang braso mula sa labas.
"Te!" sigaw nito sa akin, buti na lamang ay agad na nahila ni Zero ang kabilang braso ni Ren upang hindi dumikit ang ngipin ng bot sa kanya ngunit nakakapit parin ito sa aking kapatid.
Kinuha ko ang baril at tinapat sa bot.
Paano ba to gamitin?
Pindutin lang?
Dito?
Hinawakan ko ang trigger..
Pano to?
Nanginginig ang kamay ko sa kaba.
"Wag mong gawin yan, nakakabingi..masyadong malapit!" Sigaw ni Ren sa akin.
Ay, oo nga!
Masyadong malapit sa amin.
Hinawakan ko nalang ng mahigpit ang baril at mabilis na itinusok ang dulo nito sa leeg ng bot hanggang sa makabitaw sya sa kapatid ko.
Binaba ko ang baril sa lapag at binitawan na rin ni Zero ang kapatid ko.
"Now, drive..Baka kung ano pang sumulpot dyan."
- I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
awn lang
07/06/2025
0👍 good
24/07/2024
0this is good story
12/04/2024
0Tingnan Lahat