Homepage/GLITCH: Cyber City/
Chapter 9:
"KUNG HINDI KAYO TITIGIL, BUBUKSAN KO TO AT LAHAT TAYO MAMAMATAY DITO!"
Hawak ng isang babae ang doorknob ng pintuan.
"Lisa, ano bang ginagawa mo!?"
"Tumigil na kasi kayo! Mukha namang hindi sila nakagat eh, we wouldn't be here right now kung hindi sa tulong nila so please tumanaw naman kayo ng onting utang na loob."
Nag-katinginan kami ng babaeng nakasagutan ko at tumango ito sa akin.
I don't know what it means so I just copied her.
—
"Aray.."
"Sorry, Miss."
Napahigpit ang hawak ko sa librong nasa gilid ko nang maramdaman ko ang huling patak ng alcohol sa tagiliran ko.
Ginagamot ako ng babaeng nag-ngangalang Lisa, the one who said she'll open the door if we don't stop arguing, she seems nice, well she is nice and pretty, with a long curly black hair.
The guys seem pretty nice too.
It looks like my brother's also a part of them.
Naka-paikot sila sa sahig at nagku-kwentuhan, laughing about random things.
"Pano sila nakakatawa sa ganong sitwasyon?" sambit ng babae at dahan-dahang nilagyan ng bandage ang sugat ko.
"Well.." may biglang sumulpot na babae sa gilid namin. "Well, sabi nga ni Dumbledore 'Happiness can be found in the darkest of times, if only remembers to turn on the lights.' "
"I don't think that's the exact thing he said."
"At least it's near." she looks goofy and fun to hang out with while Lisa is intimidating and serious.
"Gamutin ko rin ba ang sugat ng kasama nyo?" tanong ni Lisa sa akin.
Ibinaba ko ang damit ko at agad na tumayo.
It still hurts but I feel a lot way better now.
"Wala namang sugat ang kapatid ko."
"I mean, him." tinuro nito ang lalaking kasama namin. "Yung mata nya--'
"Normal yang mata nya, hindi yan sugat, he's fine just let him be." nakatitig parin si Lisa sa lalaki.
"Thank you, nursing student ka ba? Ang ayos ng pag-kakagawa mo, looks like you're in the field of medicine." sinubukang kong ibahin ang topic and gladly it works.
"No, ate ko ang nursing student, Criminology ang course ko, hindi lang halata kasi matatakutin ako.." Nililigpit nito ang mga bulak at alcohol na ginamit at tinulungan ko naman sya sa pag-pulog ng mga ginamit na bulak.
"I'm not sure but according to my observations, you stabbed yourself, right?"
Tumigil ako sa pag-ligpit nang mag-salita ito.
"The knife was pointed towards you but the impact shows like no one stabbed you other than yourself."
Hindi ko mapigilang hindi mapangisi sa sinabi nito, she- she's so smart.
"And now, you really looks like a Criminology student."
She smiles at me, she's even prettier when she smiles.
"Puntahan ko lang mga kasama ko." paalam nito sa akin.
"Wait." agad itong lumingon nang tawagin ko.
"Hmm?"
Hindi na ako nahiya at dineretso sya.
"May boyfriend ka ba? I can introduce you to my brother, you're his type."
She chuckles a bit before answering.
"No thanks, I like girls."
Oh.
"I bet girls like you too." I replied.
"Not sure about that, do you like me?"
"Yes, I do."
Our conversation went smoothly and fast, tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa.
She even smirks before turning around at pumunta na sa mga kaklase nya.
Gosh, how pretty.
If I were a boy, she's exactly my type.
Nagulat ako nang biglang may mag-salita sa gilid ko.
"Yung tablet."
It's just him.
Binaba ko ang backpack ko sa lamesa, I can't believe na kanina ko pa ito suot.
Binuksan ko ito at iba ang laman, mga pagkain ang laman ng bag.
Nag-katinginan kami ng lalaki at parehas nanlaki ang mga mata namin.
"Hindi yan yung bag."
"Hindi ito."
Sabay naming sambit, Oh shocks, this isn't my bag, wala dito ang tablet!
Mabilis kaming nag-lakad ng lalaki palapit sa kapatid kong nakikipag-kwentuhan sa mga estudyante.
"Asan yung bag ko?" Sinubukan kong hindi kabahan at pinilit ikalma ang sarili.
WAG KANG MATARANTA RAY, ANDYAN LAMANG YAN.
Nag-tataka akong tinitigan ng kapatid ko.
"Anong bag? bag mo? edi nasayo.."
HA!?
Hinampas ko ang kapatid ko sa balikat.
Hindi naman siguro namin naiwan o nawala diba?
Hindi kaya't nabitawan ito habang tumatakbo kami?
"Binigay ko sayo, Ren! Hinagis ko bago ako umakyat ng gate!" sigaw ko rito at pinag-tinginan na kami ng mga kasama namin.
"Nasan na?" halata sa boses ng lalaki na masama na rin ang kutob nya sa nangyayari.
Pinandilatan ko si Ren at umiling lamang ito, WALA SA KANYA?
"BINIGAY KO YON SAYO, SINALO MO NGA EH!" sigaw ko pa rito at pinalo sa ulo, kabobohan mo Ren!
"HINDI KO NGA ALAM, WALA SA AKIN!"
Nakatingin lamang ito sa aming dalawa ng lalaki at biglang tumawa.
Anong nakakatawa?
Nakakatawa ba kapabayaan nya?
May kinuha ito sa baba ng upuan.
"Charan.." natatawang sambit nito at nilabas ang bag ko. "Issaprank!"
Tawang -tawa ito sa kalokohan nya at nakitawa rin ang mga estudyante, even the girl na kaaway ko kanina ay tumawa.
KINABAHAN AKO DON!
"Nakakapikon ka.." bulong ko at hinampas sa kanya ang librong nasa gilid.
Kinuha ko naman agad ang bag ko at lumayo sa kanila, nakasunod parin sakin ang lalaki hanggang sa ibaba ko ang bag sa desk at kunin ang tablet.
"Akala nya siguro nakakatawa yung ginagawa nya.." bulong ko bago iabot sa lalaki ang tablet.
"Nakakatawa nga.." Nilingon ko ang lalaki na nag-pipigil ng tawa.
Oh, so he can laugh, huh?
"Pero kinabahan ka rin.." sambit ko rito.
Oo nga pala, may mga pagkain doon sa bag na nakuha ko, sa bot na galing sigurong hiking.
Nagugutom na rin ako, thanks for that bot, may pagkain na kami.
Maybe it's one of the reason bakit parang hinang-hina na ako kanina, Simula nang makatakas ako, hindi pa ako kumakain.
Nag-punta sa bag na iyon at nag-kalkal kung anong mga laman.
"Galing ko talaga, buti nalang nakinig ka sakin, diba, sabi ko sayo kunin mo.." Nag-mamayabang pa ang kapatid ko na kung hindi nya ko inutusang kunin ito, ay wala kaming makukuhang pagkain ngayon.
Tumabi ito sa akin at naki-kalkal.
"Oo nga e, buti nalang may dugong mag-nanakaw ka." sagot ko rito habang nilalabas ang mga biscuit.
"Pwede bang.." Napalingon kami ni Ren sa harap namin, yung mga estudyante nakatingin sa amin, well more like sa pagkain.
Nanghihingi ba sila?
"Nakakahiya ka, wag kang manghingi!" sambit ng isa.
Tinitigan ko sila.
Tatlong babae at Limang lalaki.
Mukha namang close sila sa isa't-isa.
"Ilang araw na tayong hindi kumakain, taas-taas parin ng pride mo!" sigaw ng lalaki.
Ilang araw na sila dito?
"So you guys were trapped in here for how many days without any food?"
"Yup, nung nakasalubong namin kayo, yun yung naisipan naming umalis na..and..unfortunately, nabawasan kami ng dalawa.." sagot sakin ng isang Lalaki at halata sa mga mukha nila ang lungkot, oh so two of them died.
"Carl, catch!" sambit ng kapatid ko at hinagisan ng biscuit ang lalaking nanghihingi.
"Hoy, kami rin!"
"Pahingi!"
Nag-kakagulo na sila at hinayaan ko lang ang kapatid kong mag distribute.
Thanks for that bag but I don't thank the bot who carried it.
Buti na lamang ay may dalawang litrong tubig sa loob at pinaghati-hatian namin yon, using the plastic cups na nakadisplay sa classroom.
Hindi manlang lumalapit samin yung kasama naming lalaki ni Ren.
Hindi ba sya nagugutom?
Kumuha ako ng isang basong tubig at isang pack ng biscuit, baka nahihiya lamang sya.
Nilingon ko ang paligid upang hanapin kung nasaan sya at andon sya malapit sa bintana, nag-iisa at malayo sa amin, hawak nya parin ang tablet.
Ano kayang laman non?
Parang mahalaga sa kanya, hindi lang sa kanya, dun rin sa mga Cyber people.
Nag-lakad ako patungo sa lalaki upang bigyan ito ng pagkain at tubig.
"Excuse me.."
Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sakin, it was her, the girl I argued with.
Ngayon ko lang napansin na puno ng dugo ang uniporme nito.
"Oh." She stretched her hands like she was offering something.
A candy?
"Do accept this like a Token of apology."
Binaba ko ang tubig sa lamesa upang kunin ang Candy, binigyan nya ko ng Candy na galing rin samin.
Napatingin ako sa pwesto ko kanina na maraming balat ng candy, Kanina pa ako kumakain nyan, Should I say thank you?
"Thanks."
"Pag nag-aaway kami ng kaibigan ko, binibigyan ko sya ng kahit ano, I hope you get what I mean."
What does she mean?
It's impossible for her to treat like a friend so easily.
"I get what you mean, I apologize for pushing you and sa pag-tutok ng kutsilyo sayo." Humingi nalang rin ako ng tawad sa kanya.
I just want this to end peacefully.
"I hate you earlier because you reminds me of my friend."
She smiles and I saw the bitterness and sadness in her eyes.
"I hope she's still here."
Oh.
"Nag-transfer sya ng school?"
"Nope, she died." That's unexpected, akala ko lumipat lang ng University. "Wanna know how?" It's eerie.
Tumango ako sa babae, I wonder how, maybe car accident?
"I killed her."
"Ha?"
She did?
Tumango-tango ito like trying to convince me that she's saying the truth.
"I had no choice, she was bitten.."
Ah, nakagat, so pag nakagat nga talaga nagiging kagaya nila.
Parang zombie sa mga palabas but these- these creatures were different, nakakapag-isip ang iba sa kanila, yung lalaking kumakain ng paa sa Cyber City nag-sasalita pa.
Kakaiba lang sa mga ito ay kinakain nila ang sarili nila, iba-iba ang kulay ng mata at may utak sila..may pag-iisip.
"..kaya pinatay ko nalang sya."
"If she was bitten then you didn't killed her, she died the moment she got bit, hindi mo sya pinatay.." Hinawakan ko ang balikat nito.
"Maybe she's thankful you did that, I mean it's better for her to sleep rather than let her wander around like the thing that killed her."
I don't know if I'm being insensitive or convincing.
"Thank you and Sorry talaga."
Umalis na agad ito at bumalik sa ibang estudyante.
Na-Offend ata sya sa sinabi ko, pero wala namang nakaka-offend?
Ewan ko.
Bumalik na ko sa gawain ko at lumapit sa lakaking nakatingin sa bintana hawak ang tablet.
"Tubig at biscuit." sambit ko at inaabot sa kanya ang mga ito.
"Hindi ko kailangan nyan."
Ha? May tao bang hindi kailangan ang tubig?
"Kunin mo na, lagay ko dito ah." Binaba ko ang tubig at biscuit sa gilid ng bintana.
"Alisin mo sa harapan ko yan."
Nilingon ko ang lalaki, bakit para syang galit?
Hindi maganda ang tono ng pananalita nito kaya't tinalikuran ko na lang sya.
Parang kanina lang natatawa sya.
Hindi pa ako nakakalayo sa lalaki ay nakaramdam na ako ng kung anong bagay na tumama sa likod ko, nakaramdam rin ako ng tubig.
Did he just..
Binato nya ba ako?
The moment the cup fell on the floor, I realized na binato nya nga talaga ako, Ano bang problema nya?
Hinarap ko ang lalaki at mabilis na tinulak ito hanggang mapasandal sya sa bookshelves at nag-kahulugan ang ilang mga libro.
"Ano bang klaseng ugali meron ka!?" Naiiritang sigaw ko rito.
"Hands off." Tinulak ako nito palayo at napa-atras ako.
Pinag-pag ng lalaki ang damit nya at lalo na sa part kung saan ko sya hinawakan.
Nananadya ba sya?
Kumulo ang dugo ko sa ginawa nya, Do I look dirty?
"Wow!" with a bit of sarcasm, tinawanan ko sya. "Makapagpag ka, tingin mo malinis ka? Hindi ka nga mukhang tao."
The moment I said those words, agad nitong hinawakan ang mag-kabilang balikat ko at hinarap ako sa kanya.
His grip was so tight, damang-dama ko ang galit nya.
"Care to repeat what you said?"
I used all my energy to push him away from me.
"Hindi ka mukhang tao, nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin, tingnan mo itsura mo, may problema yang isang mata mo, Mamamatay tao ka pa, nakita ko yung ginawa mo sa Cyber City, kung paano mo pinatay yung doktor sa eskinita, galit ka sa kanya, maybe kaparehas mo nga sya eh!" Sigaw ko rito at sa buong pag-sasalita ko ay masama ang tingin nito sa akin.
"Ba't ka natahimik? nafigure out mo na ba na kagaya ka lang rin nila?"
"TAO AKO." Madiin nitong sambit, trying to emphasize those two words.
"San banda? You don't look like a human!"
Paiba na sana ito ng tingin ngunig bumalik ang atensyon nya sa akin.
"You don't even act like one-"
Napahinto ako sa pag-sasalita ng hilahin ng lalaki ang kwelyo ng damit ko at hinila ako palapit sa kanya.
Nakatitig lamang ito and I stare back.
Mas nakakatakot ang mata nito sa malapitan.
Hindi sa wala syang eyeball eh, I think buong mata nya, Itim talaga.
He exactly look like one of the Cyber people.
Tinitigan ko ang mata nito at umiba ng tingin ang lalaki.
"Woah, ano yan?" Oh, so my brother's here na pala.
Patuloy ko lang tinititigan ang isang mata nya and he looks so uncomfortable, it satisfies the inner me.
"Let her go.." mahinahon na sambit ng kapatid ko at hinila ang kamay ng lalaki paalis sa kwelyo ko.
Mabilis kong inayos ang damit ko at tinitigan ang lalaki na ngayon ay nakatingin sa malayo, Nice, parang walang nangyari ha.
"Anong nangyayari?"
"You ask him, inumpisahan nya."
Ayos naman kami kanina, bigla nalang syang nagalit.
The whole room was filled with silence bago kami nakarinig ng pag-bagsak.
Of course it was him again, hinagis nya ang tablet sa sahig.
Tinitigan ko ulit ang lalaki, ano ba talagang trip nya?
Hirap na hirap ata sya kunin yan tas hinahagis-hagis nya lang ngayon?
"Hindi yan yung tablet." sambit nito at hinawakan ang buong mukha nya, like he's trying to calm himself down
ANONG HINDI?
Dinampot ng kapatid ko ang tablet, binuksan nya ito, buti nalang buhay pa ito, may basag lang sa gilid.
Kinuha ko ang tablet at napansing magaan ito, hindi kagaya nung una ko itong nahawakan.
Yung wallpaper nya hindi rin ganito, yung tablet na pinag-aagawan nila ay password agad ang hinahanap pag-bukas, eh eto, bukas na pero iba ang nakalagay.
"Eh, san to galing? Nasan yung totoo?" nag-tatakang tanong ng kapatid ko at mino-monitor ang gilid ng tablet.
Sandale..
Ah, tama!
"Sa office, yung nahulog yan, may isa pa ron na kagaya nya.." bulong ko at nag-iisip pa kung anong idudugtong.
Sa office, nung paalis kami at hinila ata ng bot ang lalaki..ah basta.
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip.
"I think iba ang nakuha nya..kaysa yung totoo, nakuha nya ito." tinaas ko ang tablet.
SHIT, SO SINAYANG LANG NAMIN ANG ORAS NAMIN.
Naupo ang lalaki sa desk na malapit sa kanya at tumingin sa amin.
"So, ano na?" tanong ng kapatid ko.
'Ano na?' Edi wala.
"We go back." sambit ng lalaki.
HA?
Baliw, baliw na sya!
Hindi ako pupunta ulit don!
"No, hindi na ako--I mean kami, sasama, you go back yourself but we're good." Out na kami dito ng kapatid ko.
Bahala sya, kung gusto nya, Go!
Hindi kami babalik sa Impyernong yon!
"Te.." hinawakan ni Ren ang balikat ko at hindi pa sya nag-sasalita, alam ko na sasabihin nya.
"No Ren, hindi tayo babalik."
"Bumalik tayo.." Hindi ko alam kung bakit nagulat parin ako sa sinabi ng kapatid ko kahit ineexpect ko na rin naman kung ano to.
Umiling ako sa kanya ngunit tumango lang ito sa akin.
No..
Tumingin ako sa pintuan, maraming mga bots sa labas nito, napapaligiran rin ng bot ang buong eskwelahan, We wouldn't make it out alive.
We'll die.. and gusto pa nilang bumalik.
This is crazy, they are crazy.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
awn lang
07/06/2025
0👍 good
24/07/2024
0this is good story
12/04/2024
0Tingnan Lahat