Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
SPECIAL CHAPTER III
SPECIAL CHAPTER - BABY GENDER-REVEAL
Mabilis na lumipas ang panahon at patuloy kong napapatunayan kung gaano ako kaswerte kay Von.
Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang ikasal kami ngunit tila hindi nagbago ang paraan ng kanyang pag-aalaga at pagmamahal sa akin.
Sa nakaraang mga taon, nasanay akong mamuhay ng payapa at wala ng kahit anong hinihiling pa maliban sa mabuti at malusog nakalusugan ng aking asawa at pamilya.
"Are you ready?" tanong ng aking pinakamamahal na siyang aking ikinatango. Ngumiti ako na siya ring ikinangiti niya.
Galing pa siyang Maynila kahapon para sa trabaho ngunit nagawa pa rin niyang isingit sa kanyang schedule ang araw na ito.
Sabay at magkahawak ang mga kamay kaming lumabas. Bumungad sa amin ang nakapagandang set-up sa gitna ng hardin sa harap ng mansiyon.
Naroon din sina Mang Lito, Aling Marie, si Juliet at Julia, si Ate at ang makulit na Kairo kasama si Eros na hanggang ngayon ay pilit pa ring kinukuha ang loob ni Ate Minerva.
Agad nila kaming binati ng makalapit. Sumunod na rin sila Aling Cora at Erika na abala sa paghahanda ng pagkain.
"Congrats Beauty! Von!" maligayang pagbati ni Juliet na sinundan na rin ng ilan. Daldal nang daldal ang magkapatid na siyang tanging maiingay sa kanilang lahat.
"Salamat" tugon ng aking katabi sa mga pagbati. Ngumiti ako at hindi na nagpatumpik tumpik pa. Iminuwestra ni Von ang isang lubid, hinigit ko ito ng dahan-dahan at unti-unting umangat ang kulay gintong kurtina sabay ng pagbungad ng makukulay na cupcakes.
Sa araw na ito ay napagpasiyahan kong ireveal ang kasarian ng aming panganay, syempre sa masayang paraan. Maski si Von na kahit panay kulit sa akin ay hindi pa rin nalalaman kung ano ang gender ng aming anak.
Pinakuha ko ito sa kanila isa-isa at agad naramdaman ang kanilang excitement para sa amin. Nag-unahan pa sila kaya hindi ko napigilang tumawa nang malakas, lalong-lalo na nung nag-agawan pa talaga si Mang Lito at Aling Cora sa nag-iisang hugis pusong cupcake.
"Yiiee Aling Marie at Mang Lito, bringing back the old days yarn" pang-aasar ni Juliet sa dalawa. Natawa kami lalo pa't namula ang mga ito sabay iwas ni Mang Lito at mataray na pag-ikot ng mga mata ni Aling Marie.
"Dahan-dahan lang guys" ani ko sa mga excited masyado kong mga bisita.
Marahan kong hinaplos ang umbok sa aking tiyan at napangiti. Hindi na ako makapaghintay na makita ang aming munting anghel. Ilang buwan nalang at lalabas na si baby.
Pati si Von na hindi pa alam ang gender ng aming anak ay nakikuha rin. Kitang-kita ko ang pinaghalong kaba at labis na kagalakan sa kanyang mga mata na siyang humaplos sa aking puso.
"Ready?" Ako naman ngayon ang nagtanong.
Tumango siya at tuluyan na nga silang nagpaikot sa akin. Ang mga cupcakes ay may cream sa loob na may dalawang kulay - blue at pink. At kung ano ang may pinakamaraming kulay sa sampung cupcakes ang siyang gender ng anak namin.
Hindi naman uso sa akin ang mga ganito ngunit nadala lang rin ako sa ideya ni Erika na nagsabing mas masaya daw kapag idaan ko sa paganito ang pag-reveal.
Naunang kumagat si Juliet. Dahan-dahan niya itong kinagat at kwela pang pinalaki ang mga mata. Ganadong-ganado ito ngayon lalo pa't wala si Blue na palaging umaasar sa kanya.
Tumili siya at pinakita sa amin ang kulay.
"Pink!" sigaw niya na ikinalundag nila Aling Marie at Aling Cora na gustong-gusto ng babae.
Sumunod naman ang kapatid nitong si Julia. Kinagat niya ang cupcake at napanguso nang makita.
"Pink pa rin!" aniya na siyang ikinahiyaw muli nila Aling Marie. Nag-apir pa silang dalawa ni Aling Cora.
Sumunod si Ate. Ngumiti siya at dahan-dahang kinain ang cupcake habang seryoso ang mga mata. Naramdaman ko ang kakaonting kaba ni Von sa katabi ko. Hanggang ngayon ay talagang natatakot siya sa ate ko kahit kaswal at botong-boto naman ito sa kanya.
Nakakaintimidate lang naman talaga ang mga mata ni Ate Minerva pero sobrang bait niya. Maagap kong pinagsiklop ang aming mga daliri ni Von. Napatingin siya sa akin at napangiti- kahit papaano ay naibsan ang kakaonting kaba.
"Blue!" Masaya niyang anunsiyo. Si Mang Lito naman ngayon ang todo sayaw habang napanguso si Aling Marie. Sayang nga lang at hindi nakapunta sila Mang Narding at mga barkada niya, nais ko pa namang makita ulit ang intermission nila.
Pumalakpak si Ate at ngumiti sa akin. She murmured 'congrats' bago lumapit at yumakap.
Sumunod si Aling Marie mabilis kinalahati ang cupcake. Nakita agad ang kulay ng cream ng sa kanya- ito ay blue.
"Paano ba yan Marie, 2:2 na!" nakangising ani Mang Lito at umamba pang nagdi-dribble.
"Nangangamoy new member sa aming basketball team ah" mayabang nitong ani na ikinabusangot ng kanyang asawa. Napailing tuloy sila Erika habang tinitingnan ang dalawa.
Sumunod si Aling Cora na may kulay pink sa cupcake. Si Erika naman ay nakakuha ng blue.
Papaunti na ang may hawak ng cupcake at nararamdaman ko na rin ang kasabikan nilang lahat.
Sopistikadong kinagat ni Eros ang cupcake na hawak-hawak. Pansin ko ang kakaibang kinang ng mga mata ng dalagang si Julia habang pinagmamasdan ang lalaki, napanguso tuloy ako lalo pa't halata namang may gusto ito sa ama ni Liit.
"It's Blue" kaswal na ani Eros at tipid na ngumiti. Nagdiwang naman sina Julia at Mang Lito na sabay pang humiyaw.
Napabaling naman agad ang lalaki sa anak pagkatapos.
"Yum! Yum!" sabay-sabay kaming napa-"aha" nang makita si Kairo subo-subo ang buong cupcake. Agad namang napigilan ni Eros ang kamay nito at yumukod upang mapantayan ang mukha ng bata.
"No kiddo, we have to look for the cream first" maingat nitong sambit sa anak na agad ding nilapitan ni Ate.
"Liit" malumanay na tawag ni ate at agad niluwa ng bata ang cupcake. Muntik pa itong nahulog sa lupa ngunit nasalo rin ng papalapit na si Ate Minerva. Samantalang si Eros na nakatukod sa harapan ng bata ay muntik ng mabuwal sa pagkagulat.
Natawa kami roon bago pinagpatuloy ang pag-ubos sa natitirang cupcakes.
"Kulay pink ang kay Kairo!" anunsiyo ni Ate na muling ikina-ingay ng mga kababaihan.
Si Mang Lito ang sumunod-kulay asul ang kanyang nakuha. Sunod ay ako na kulay pink ang nakuha.
Limang pink at Limang Blue, iyan ang kasalukuyang resulta at tanging cupcake na lamang ni Von ang natitira.
"Go Von! Forda reveal na yarn!" ani Juliet.
"Sana babae" pahabol ni Aling Cora
"Sana lalaki kamo" singit ni Mang Lito.
"No matter what the gender is, We are truly grateful and oath to love him or her in the best ways we can" aniya at hinigit ang aking beywang.
Napangiti sina Aling Marie at Aling Cora.
"Hindi ka nagkamali sa pagpili Beau, kahit anong gender ni baby. masayang-masaya kami para sa inyong dalawa" usal ng ginang.
"Bagay na bagay talaga kayo sa isa't-isa" gigil na pahabol nito.
Dahan-dahang kinagat ni Von ang pang-huling cupcake. Tutok ang lahat sa kanya lalo pa't iyon ang siyang makakapagtuldok sa lahat ng kanilang antipasiyon.
Ngumiti ako at maligayang ipinakita ang kulay ng cream sa loob. Namilog ang mga mata nila nang makita iyon.
"It's...Blue. I-It's a boy?" masayang-masaya aniya at nagkautal-utal pa sa sobrang kasiyahan. Tumango ako na ikinahiyaw ng lahat. Napasinghap pa si Ate at hindi napigilang mapatili.
Mabilis akong niyakap ni Von at hinalikan ang aking noo pababa sa aking ilong hanggang sa papunta sa aking mga labi.
"Thank you, thank you, thank you"paulit-ulit niyang bigkas habang pagtuloy sa pagpatak ng mumunting halik sa aking buong mukha.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat