Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER - WEDDING
"Kiss! kiss!" panunukso nila Juliet na siyang agad na ikinamula ng aking buong mukha.
Kasalukuyan kaming kinukunan ng litrato ng photographer sa tabing dagat sa likod ng mansiyon.Kahapon lamang ay nasa paboritong kong burol kami tapos ngayon ay nasa Mansiyon ni Von para sa pre-nup.
Noong una ay tinanggihan ko si Von tungkol rito. I don't find ut necessary pero talagang mapilit siya. Ang katwiran niya, gusto niyang maranasan ko ang ganito lalo pa't isang beses lamang ang kasal.
Nakaramdaman ako ang paunting paghapit ng kanyang mga kamay patungo sa aking beywang. Nasa likod ko siya habang magkadikit ang aming mga pisngi.
"You heard them, kiss daw" pilyo niyang bulong sa aking tenga. Natawa ako at pabiro siyang hinampas.
"Von!" asik ko bago siya tuluyang humalakhak.
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon, sa petsa na ito ay ang siyang huling araw ko bilang isang dalaga.
"Napakaganda!" singhap ni Ate Minerva nang matapos ang make-up artist sa pag-aayos sa akin. Ngumiti ako bago pinagmasdan ang aking repleksiyon sa kaharap na malaking salamin.
Hindi ako makapaniwala.
Maayos na nakaayos ang aking mahabang buhok na nilagyan pa ng kakaunting mga palamutina siyang kumikinang at mas lalong nagpapatingkayad sa brownish kong buhok. Pino at napakadetalyado rin ng disenyo ng suot kong puting gown ngayon na sinadyang pinacustomize at pinagawa ng Mama ni Von sa paborito nitong designer.
Bumukas ang pinto at iniluwa nun sina Aling Marie at Juliet na karga si Kairo. Halos maiyak ako nang makita ang naluluhang mga mata ni Aling Marie. Batid ko ang labis na kasiyahan niya habang pinagmamasdan ang ayos ko ngayon.
"Ambilis talaga ng panahon, dati-rati ay bumibili ka pa ng candy sa tindahan ko tapos ngayon ikakasal kana." naiiyak niyang ani bago ako yakapin ng mahigpit. Napapikit ako habang dinadamdam ang mainit niyang yapos.
"Maraming salamat po sa lahat Aling Marie" bulong ko na siyang ikinahagulhol niya.
"Naku si Aling Marie talaga, kung makahagulhol akala mo naman hindi siya isa sa mga excited na magpakasal na si Beauty" agad naman siyang kinantyawan ni Juliet na siyang nagpagaan sa buong kwarto.Natawa kami lahat.
Binati nila ako muli bago kami tuluyang binigyan ng instructions ng photographer. Masayang-masaya akong makasama sila bago kami tuluyang magtungo sa simbahan. Magkahiwalay kami ng sasakyan, agad silang kumaway sa akin at naiyak pa si Kairo dahil gustong-gusto nitong sumabay sa amin.
Huminto ang magarang puting kotse na aking sinasakyan sa tapat ng pinakamalaking simbahan rito sa aming lugar. Kasama ko si Ate Minerva na siyang Maid of Honor ko sa loob at sabay kaming bumaba.
Inalalayan niya ako sa aking suot bago kami tuluyang lumapit sa mga nakahilerang bridesmaids at groomsmen. Bumati sila sa akin bago tuluyang umayos upang masimulan na ang seremonya.
Isa-isang naglakad ang magkakapartner patungo sa loob. Papaunti na sila nang papaunti habang ako nama'y labis nang kinakabahan.
Hinawakan ni Ate ang namamawis kong mga palad. Napatingin ako sa kanya at agad naman niya akong ningitian.
"Walang salita ang makakapaglarawan kung gaano ako kasaya para sa iyo Beau. Buong buhay mo ay kami ang iyong laging inaalagan. Sa wakas, ngayon ay nakahanap ka na rin ng taong mag-aalaga rin sayo" aniya at sa huling pagkakataon ay mahigpit akong niyakap.
Naiiyak na ako habang papalapit sa entrada ng simbahan. At nang tuluyan na ngang tumapak ang aking mga paa patungo sa lalaking naghihintay sa harap, ay tuluyan na ngang sumabog ang labis na kagalakan na aking nararamdaman.
Mabagal na tila sinusulit ang mga pagkakataon, ganyan ang aking naging usad. Naglalakad habang diretsong nakatingin sa lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar, sa lalaking aking makakasama hanggang sa hangganan ng aking buhay.
"Salamat sa pagmamahal mo sa kapatid ko Von, alagaan mo siya lalo pa't mahal na mahal ka niyan , patay ka sakin kapag sinaktan mo yan" naiiyak na ani ni Ate ngunit nagawa pang magbiro sa dulo. Pumesto siya sa gilid habang tinatanggap ni Von ang aking mga kamay.
Sabay kaming nagtungo sa harap ng pari, punong-puno ng pagmamahal at buong-buo ang loob at desisyon.
Sa mga oras na palagi kaming magkasama, sa mga away, sumabatan at sisihan. Sa gitna ng mga hindi pagkakaunawaan, narealize ko na wala kailanmang isang perpektong relasyon. Mayroon at mayroong mga pagsubok na darating, ngunit tanging mahalaga ay ang matuto tayong makiramdam, magpatawad at resolbahin ang lahat.
Sa araw na ito, Ako, Si Beauty Asuncion, ay sumusumpang mamahalin at aalagaan si Von sa lahat ng aking makakaya. Sa hirap at ginhawa, ako ay mananatiling nasa tabi niya.
***
Hanggang sa matapos ang seremonya ay talagang hindi ako makapaniwalang kasal na ako kay Von. Magkasama kami patungo sa venue at naabutan namin roon ang nagsasayang mga bisita.
Si Mang Lito ay panay kulit pa kay Aling Marie ayaw sumayaw kasama siya sa gitna. Natawa nalang ako nang tuluyan na nga siyang nasapak ni Aling Marie sa sobrang inis. Naroon sina Juliet, Julia, Julio at ang mga magulang nito sa isang mesa. Ngumiti ako sa kanila bago bumaling sa katabi nilang mesa kung saan nadun ang mga pinsan ni Von.
Pansin ko ang panay titig ni Blue kay Juliet na nasa katabing mesa lamang kasama ang pamilya. Si Selena at abala sa kanyang anak at ang isang lalaki na sobrang hyper kanina sa simbahan ngunit ngayon naman ay seryoso lang na nakamasid sa buong lugar.
Saglit na nagtagal ang titig ko rito. Pamilyar ang kanyang mukha na hindi. Seryoso lamang ang mga mata nito at napako sa mesa kung saan naroroon ang kapatid ko at si Kairo.
Mabilis namang napansin ni Von ang aking titig. Yumakap siya sa akin at saglit na hinalikan ang aking pisngi.
"That's Soren, Selena's cousin. May kapatid siya si Eros pero hindi nakadalo, he's probably somewhere in Europe" anito na agad kong ikinatango.
Nag-umpisa ang programa at wala kaming naramdaman kundi kasiyahan. Makulit na sumasayaw ang mga bata sa gitna habang kumakain kami.
Nang oras naman sa pagpasa ng bulaklak ay si Ate ang nakasalo. Natawa pa nga kami nang tila napapaso niyang binitawan ang bulaklak. Hindi naman kasi siya sumali pero napalakas ata ang pagbato ko at lumanding sa mismong pwesto niya.
Sa garter naman ay ang pinsan ni Von na si Soren ang nakasalo. Binantaan kasi ng ate ko ang lahat ng groomsmen kaya walang sumalo, maliban nalang kay Soren na parang lutang kanina pa. Todo kantyaw tuloy ang inabot niya kay Blue.
Sabay kaming kinilig nang tuluyan na ngang pinalagay ng host ang garter sa paa ni Ate. Natawa nalang rin ako para kay Ate Minerva lalo pa't sobrang mas bata ni Soren sa kanya. Naiilang naman ang lalaki habang sinusuot iyon. Hindi pa nakaligtas sa aking pandinig ang pasimple niya bulong 'patay ako neto'.
Naiiling ko nalang siyang pinagmasdan. Siguro ay akala niya may boyfriend na si Ate dahil sa anak nito.
"Sayawan na!" nanguna si Mang Lito sa pagsayaw sa gitna ng dancefloor. Sumunod sila Mang Narding at mga barkada nito at napuno ng halakhakan ang lahat dahil sa inihanda nilang intermission.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat