CHAPTER 55

CHAPTER FIFTY-FIVE
Sa kabuuan, naging maganda ang buong gabi namin kasama ang pamilya ni Von. Hindi ko kailanman inasahan ngunit labis akong nagpapasalamat sa mainit nilang pagtanggap sa akin.
Nang maging komportable sa Mama ni Von ay sa wakas naibigay ko rin ang aking regalo. Halos sumabog pa ang puso ko nang magustuhan niya iyon.
Ipinakilala na rin niya ako sa Papa ni Von na sobrang nakakatakot sa unang tingin ngunit kalaunan ay lumambot din ang ekspresiyon at halatang under pa sa kanyang asawa.
Alas dose na nang makauwi kami sa bahay. Nagpresinta pa nga ang mama ni Von na doon na lamang kami magpalipas ng gabi ngunit nagmatigas ang kanyang anak na halos buong gabing pikon na pikon kay Blue na panay asar sa kanya. Sakto ring susunduin pa namin sa Airport si Ate bukas kaya tumuloy na lamang kami sa pag-uwi.
"O Beau, maghanda na kayo at mag-a alas dos na" ani ni Aling Marie na abala sa pagluluto ng paboritong ginataang manok ng aking kapatid.
"Opo,maraming salamat Aling Marie" ani ko habang inaayusan si Kairo. Ngayong araw nakatakdang umuwi si Ate Minerva. Alas dos daw ay lalapag na sa Airport na ang kanyang sinasakyang eroplano kaya maaga kaming nagtungo doon.
"Ate!" hiyaw ko nang mamataan siya sa bukana ng Airport. Marami siyang bitbit na bags at hila-hila ang isang may kalakihang maleta.
"Beauty!" pabalik niyang sigaw at di na napigilang tumakbo papalapit sa amin. Sinalubong ko siya ng isang napakahigpit na yakap. Hindi ko rin napigilan pang maluha sa sobrang saya.
Miss na miss ko na siya.
Ilang buwan din kaming hindi nagkasama at talagang hindi kami sanay na ganun. Kailanman ay hindi kami nagkahiwalay nang ganito katagal kaya naman labis na pagtitiis ang aking ginawa nang mapagpasiyahan niyang mangibang bansa.
"Ang laki laki na ng anak ko!" naiiyak niyang ani at sunod na niyakap ang kanyang anak na medyo ilang pa sa kanya. Puno ng pagmamahal niya itong hinalikan sa magkabilang pisngi at masayang-masayang kinuha mula sa pagkakabuhat ni Juliet.
"Maraming salamat Juliet, Von" sambit ni Ate sa dalawang umalalay sa amin. Napangiti naman ako nang pasimpleng tumango si Von sa aking kapatid. Lumapit siya sa akin at agad inilingkis ang mga kamay sa aking beywang.
"Do you think your sister likes me for you?" hindi niya napigilang itanong na aking ikinatawa. Wala namang problema kay Ate Minerva kung tutuusin.
Malaki ang tiwala ni Ate sa akin kung kaya ay nasisiguro kong susuportahan niya ako sa aking mga desisyon.
"Ma-ma!" aliw na aliw na hiyaw ng pamangkin ko nang sa wakas ay nakilala na rin ang kanyang ina. Nawala ang pagka-ilang sa kanyang mga mata na alam kung dulot ng ilang buwan nilang pagkakahiwalay.
Iyak nang iyak ang kapatid ko kahit pa sa buong byahe habang ako naman ay panay alo sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi lalo pa't sa tuwing nagtatawagan ay panay kwento niya sa akin kung gaano kaiba sa ibang bansa sa kinalikahan naming nayon.
Nang makauwi sa bahay ay sinalubong agad kami nila Mang Lito na nasa isang lamesa sa harap ng aming balkonahe. Gaya ng dati ay may nakalatag na namang mga inumin sa mesa na siyang aming ikinailing.
Napuno ng tawanan at kantyawan ang bahay nang makauwi kami.Binibiro pa ng mga matatanda ang Ate kong nagbubukas ng iilan sa kanyang mga bagaheng may lamang mga pasalubong.
"Naku, Minerva nag-abala ka pa! Hindi naman ako nage-expect ng regalo" nahihiyang ani ni Mang Lito nang iabot sa kanya ni Ate ang isang box na may lamang mamahaling alak.
Natawa naman ang kanyang mga kasama sa inuman na may kanya-kanya ng supot ng tsokolate.
"Tumigil ka nga Lito. Kahapon lang sabi mo na sana magdala ng alak yung ate ni Beauty para makatikim ka naman ng mamahalin sabi mo!" pang-lalaglag ni Mang Narding na ikinatawa naming lahat.
Isang simpleng salo-salo ang idinaraos kinagabihan. Labis ang pagpapasalamat ni Ate kay Aling Marie na siyang nagluto ng halos lahat ng handa.
Hanggang ngayon ay nagkakatuwaan pa rin sila Mang Lito sa harap ng bahay. Iniinom nila ang alak na dala ni Ate at hindi pa nakuntento at pati si Von ay pinilit din nilang makisali.
Si Juliet at iilang bisita na kapitbahay lamang namin ay aliw na aliw sa paglalaro kay Kairo. Nakangiti ko silang pinagmasdan bago tuluyang nagtungo sa bakuran kung saan naroroon si Ate.
Yakap niya ang sarili at nakangiting pinagmamasdan ang malawak na palayan sa di kalayuan. Lumapit ako at bahagyang yumakap sa kanyang gilid.
"I miss you Ate" paulit-ulit kong sambit na bahagya niyang ikinatawa. Hinaplos niya ang aking buhok na tumatabon sa aking mukha bago ito inipit sa likuran ng aking tenga.
"Miss na miss rin kita Beau, araw-araw wala akong ibang hinihiling kundi ang makasama lamang kayo" nakangiti niyang ani bago gumanti sa aking yakap.
Tahimik lamang naming pinagmasdan ang madilim na palayan. Ang mga ilaw ng munting mga bahay sa magkatabing burol ay mistulang nagkinangan. Maayos ang naging panahon at maliwanag ang buwan na pinalilibutan ng kumikislap na mga bituin.
"Kamusta naman kayo ni Von? Kailan ang kasal?Balita ko sa paborito mong burol nagpropose si Von?" pagbasag niya sa katahimikan at ninguso ang malayong burol na tambayan ko noon.
Namula ako nang marinig iyon kaya agad akong nakatikim ng pang-aasar.
"Ate naman!" hindi ko napigilang suway na kanyang ikinahalalhak.
"Siguraduhin lang niya na hindi ka niya sasaktan okay? Dahil talagang.." maagas niyang ani na ikinatawa ko. Nagtawanan kami bago tuluyang pumasok sa loob.
Naabutan ko si Von sa may pinto. Tulala siya at halos mamutla nang makita kami ni Ate. Ngumiti si Ate at nagpaalam na mauuna na. Doon ay saka rin lang umaliwalas ang mukha ng lalaki.
Bahagya itong ngumuso at nagtungo sa akin.
"I was about to call you when I heard my name from your sister, what did she say? Does she likes me for you?" kuryoso niyang tanong kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Mabuti nalang at agad ko itong napigilan at sinubukang sumimangot.
Lumambot ang kanyang ekspresiyon nang makita ang aking naging reaksiyon. Napalunok niya at tuluyang yumakap sa akin.
"V-von" malungkot kong ani kahit pa gustong-gusto ko ng tumawa.
"She hates me?" nahihirapan niyang sambit at panay halik sa iilang hibla ng aking buhok.
"D*mn baby please tell me what to do to make her like me. I wanna marry you as soon as possible" anito na ikinamilog ng mga mata ko.
"Should I buy her an island then? I'll give it as a gift for your nephew. Sa ganun bibilib ang ate mo sa akin!" puno ng pag-asa niyang sambit.
Hindi ko napigilan pa ang aking pagtawa nang marinig iyon.
"Von nagbibiro lang ako,syempre naman gusto ka ni Ate at papayag iyong magpakasal tayo" natatawa kong ani ngunit nanatili siyang nakasimangot.
Bahagya kong kiniliti ang kanyang tiyan upang mapatawa siya ngunit nagkasalubong lamang ang kanyang mga kilay na para bang pinipigilan lamang niyang hindi matawa.
"You're playing with me!" asik niya ngunit imbes na matakot ay isang nakakabinging halakhak lamang ang nailabas ng aking bibig.
Iling-iling siya habang nanatili ang mariing titig sa akin.
"Ang seryoso mo kasi!" giit ko at kiniliti siyang muli ngunit sa pagkakataong ito ay hinuli na niya ang aking mga braso.
"Seryoso pala ha" mapanghamon niyang ani sabay kiliti sa aking kili-kili. Napatawa ako nang malakas at pilit na pumiglas upang mabawi ang mga braso.
"Von! Tama na HAHA!" natatawa kong pakikiusap ngunit patuloy siya sa pangingiliti. Tawang-tawa kaming dalawa na animo'y may sariling mundo sa harap ng bakuran.
Mabuti na lamang at abala ang lahat na nasa harap ng bahay dahil kung hindi ay baka kanina pa kami napagkamalang mga baliw.
Tumakbo ako papalayo nang makawala. Halos maiyak ako kakatawa habang si Von at ay halos mamula na rin.
"Von tama na! I surrender wala na!" ani ko habang pilit na lumalayo sa kanya.
"Okay fine, come here!" aniya bago ako ikulong sa aking mahigpit na yakap.
Marahan ko siyang hinila patungo sa isang duyan sa di kalayuan. Nakatali ito sa magkabilang ibinaon na kawayan. Humiga ako roon at siya naman sa aking tabi.
Nakangiti at sabay naming pinagmasdan ang mga tala bago ipinagsiklop ang mga kamay.
Kulang ang salitang paraiso upang ilarawan ang kinaroroonan ko ngayon. Higit pa sa isang paraiso ang kahit anong lugar kapag kasama ko si Von.
"I love you" malumanay niyang bulong sa aking tenga. Mistulan itong musika na banayad na dumaloy patungo sa aking tenga.
Bumaling ako kay Von na siyang nakatitig na rin pala sa akin. Matamis ko siyang ningitian.
"I love you too Von"
**
This is the last official chapter of the story. Ang susunod na mga kabanata ay tatlong SPECIAL CHAPTERS na lamang at ang EPILOGUE na isusulat in Von's point of view. Abangan!

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    이지이

    ang ganda sobra

    06/06

      0
  • avatar
    Margielyn Mojado Gucotano

    please write more ☺️☺️

    06/03/2025

      0
  • avatar
    Sildo TorremochaRheza

    Ang ganda super nice story.

    07/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata