Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 53
CHAPTER FIFTY-THREE
Tanghali na nang magising ako mula sa napakahimbing kong pagtulog. Mataas na ang sikat ng araw kung kaya't mabilis akong bumangon upang mag-ayos ng sarili.
Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi. Napatulala ako sa salamin habang nagsisipilyo nang maalala ang nangyari pagkatapos ng tanong ni Von.
Namula ako nang maalala ang ginawa ko. Nang marinig ang naging tanong ni Von ay bigla-bigla na lamang akong namula at kumaripas ng takbo patungo sa aking silid. Hiyang-hiya ako at punong-puno ng naghahalong emosyon ang aking dibdib. Ni-hindi ko siya nasagot nang maayos!
Ilang minuto rin akong pabaling-baling sa kwarto bago naisipang lumaba. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at ang nakakagutom na amoy ng pritong ampalaya na may itlog ang bumungad sa akin.
Pasimple akong sumilip sa kusina at namataan si Von na seryoso sa pagluluto ng almusal. Bahagya siyang tumingin sa kinaroroonan ko kaya mabilis akong nagtago. Napapikit ako at wala sa sariling napahawak sa aking dibdib.
Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya! Mistulan akong teenager na pinagpapantasyahan ang crush niya. Pero hindi naman bawal iyon diba? Boyfriend ko siya kaya natural pwede ko siyang pagpantasyahan.
Halos masampal ko ang sarili nang mapagtanto ang aking mga pinag-iisip. Ano bang nangyayari sa akin.
"Baliw na ba ako?" wala sa sarili kong bulong.
"I don't think so?" sagot ng isang boses sa aking likuran. Napanatag ako roon ngunit namilog rin ang mga mata nang mapagtantong nasa harap ko na si Von - nakangisi at may hawak na spatula.
"A-Ah nandiyan ka pala" utal-utal kong ani at kabadong ngumiti. Ngumiti rin siya na halos ikinawala ng puso ko.
"Pupuntahan ko lang si Kairo!" taranta kong ani at tumakbo patungo sa kwarto ni Liit.
Rinig ko ang mahina niyang pagtawa na siyang ikinapikit ko nang mariin. Kalma Beau.
Buong umaga ay panay iwas ko kay Von. Panay palusot ko sa tuwing may sinasabi siya ngunit nang dumating si Juliet at sinabing ipapasyal nila si Kairo sa parke ay halos ayoko nang magpaiwan.
Hindi naman ako pwedeng sumama dahil hindi na ako kasya sa tricycle. Kasama kasi ni Juliet ang mga magulang at kailangan ko pa raw magpahinga kaya ayun. Napilitan akong maiwan sa bahay kasama si Von.
Nakaupo ako sa sala habang siya ay naglilinis sa kusina. Panay sulyap ako sa kanya na agad ring naiiwas tuwing nahuhuli niya akong nakatingin.
Ilang minuto pa ay lumapit siya at tumabi sa akin. Nanuyo ang aking lalamunan nang malanghap ang panlalake niyang pabango.
Diretso sa telebisyon ang aking naging tingin kahit pa ramdam ko ang tagos sa buto niyang titig.
"Stop ignoring me" demand niya sa malalim na boses na siyang aking ikinalunok. Tumingin ako sa kanya at ilang na tumawa. Hindi naman siya ngumiti o ano,sa halip ay nanatiling nakasimangot ang kanyang mukha.
"Dahil ba 'to sa tinanong ko kagabi?" tanong niya na hindi ko agad nasagot. Bumuntonghininga siya at tumayo.
Gusto ko siyang pigilan ngunit dire-diretso lamang ang kanyang paglabas. Halos kutusan ko tuloy ang sarili ko. Hindi ko dapat ipinaramdam sa kanya na naiilang ako pero anong magagawa ko? First time ko ito kaya ni-hindi ko alam kung papaano magre-react.
Buong tanghali kong hinintay si Von. Hindi na siya bumalik pa kaya labis ang aking pag-aalala. Narito pa rin naman ang kanyang kotse sa harap ng bahay kaya hindi ko alam kung saan siya nagtungo. Ni-hindi ako kumain dahil gusto kong sabay kami. Nang di makatiis ay agad kong kinuha ang aking tsinelas sa likod at naglakad patungo kila Mang Lito - umaasang naroroon siya.
Si Aling Marie ang una kong nakita sa kanila.
"Aling Marie nandito po ba si Von?" tanong ko nang makalapit. Kumunot ang kanyang noo at bahagyang nag-isip.
"Wala Beau pero nakasalubong ko siya sa sakahan kanina baka naroon" aniya na agad kong ipinagpasalamat. Dumiretso ako sa sakahan ngunit agad ding nabigo nang mapansing wala naman ni-isang tao roon.
Nawalan ako ng ganang maglibot pa. Hindi naman mainit ngunit malubak ang daanan at ilang daang-metro na ang layo ko sa bahay.
Pagod akong sumilong sa kubo habang lumilipad ang aking isipan. Simula nang magsinungaling ako kay Von ay naging madalas ang kanyang pagtatampo. Hindi ako sanay lalo pa't puro bangayan kami noon.
Napaupo ako sa kawayang upuan. Hindi ko na alam pa kung saan hahanapin si Von. Pagod na rin ako sa paglalakad kaya ang nais ko na lamang gawin ngayon ay magpahinga at umuwi na.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang mahagip ang isang puting kurtina sa may tuktok ng burok. Nanliit ang mga mata ko nang maaninag ang isang bulto ng lalaking may hawak nun.
May kalayuan ang burol na tambayan namin noon kung kaya't hindi ko agad nakilala ang lalaki. Nanlaki ang aking mga mata nang napagtantong si Von iyon!
Dali-dali kong nilandas ang maputik na sakahan. At ano namang ginagawa ng lalaking iyon doon? Litong-lito man ay pinilit kong mapabilis ang aking pagtungo sa burol. Nang sa wakas ay nasa paanan na ako ay bahagya ko siyang tinawag.
"Von!" sigaw ko upang marinig niya sa taas. Ilang segundo rin nang tuluyan na siyang dumungaw at napasinghap.
"Stay there!" sigaw niya pabalik kaya mas lalo akong naguluhan.
"Anong ginagawa mo diyan? Tanghali na!" ani ko ngunit ilang minuto pa ay hindi na siya sumagot. Napilitan nalang tuloy akong akyatin siya.
"Von!" pagod kong ani nang makaakyat sa tuktok.
Napaawang ang aking bibig nang makita kung ano ang pinagkakaabalahan niya roon. May isang bilugang mesa sa gitna habang mag parisukat sa gilid na may nakabalot na sa hula ko ay pagkain. May dalawang magkaharap na upuan at puno ng rosas ang nakalibot at kakalagay lang na kurtina.
"Uhm surprise?" kamot sa batok niyang ani na bahagya kong ikinatawa kahit pa hindi ko napigilan pa ang aking nga luha. Ngumiti siya at mabilis na lumapit sa akin upanh yaposin ako ng isang mahigpit na yakap.
"I've realized that you don't deserve an unromantic proposal like yesterday. I'm sorry, I want to make it up so---shh" agad ko siyang pinutol sa pamamagitan nang paglapat ng aking hintuturo sa kanyang mga labi.
"I'm sorry Von nagsinungaling ako sa'yo noon. And I'm sorry for being immature and insensitive, sa totoo lang ay gusto kong sagutin ang tanong mo kagabi ngunit naunahan lang talaga ako ng labis labis na emosyon" naluluha kong pagpapaliwanag.
"I love you Von...at papakasalan kita kahit ilang beses pa" buong puso kong ani at dinaan sa biro ang huli upang mapagaan ang sarili. Sabay kaming natawa bago niya hulihin ang aking kaliwang kamay. Iginaya niya iyon sa kanyang mga labi at hinalikan.
"I love you too..please say it again" bulong niya sa aking tenga.
"Mahal na mahal kita Von, hindi ko ma-imagine ang buhay na wala ka" malumanay kong sambit bago salubungin ang kanyang masuyong mga labi.
Napapikit ako habang sinusuklian ang kanyang mga halik. Ilang minuto ang nagdaan, tumigil ang mundo ko nang maramdaman ang isang singsing sa aking daliri. Natigilan ako roon at bahagyang humiwalay upang tingnang mabuti ang kamay.
Halos maluha ako nang makita ang singsing. Kumikinang iyon at may malaking diyamante sa gitna. May nakaukit ring V&B sa likod na siyang humaplos sa puso ko.
"You'll marry me" masayang-masaya at siguradong-siguradong ani Von bago ako halikang muli.
Buong maghapon ay nanatili kami sa tuktok ng burol. Sabay naming inayos ang buong lugar habang puno ng labis na galak at kasiyahan ang aming mga puso.
Inayos niya ang kurtina habang inihanda ko ang pagkain. Nang matapos ay nakangiti kong pinagmasdan ang nakakabighaning tanawin sa mula sa burol. Lumapit si Von sa akin at niyakap ako patalikod. Bumaling ako bahagya sa likuran. Nagkatinginan kami at sabay na ngumiti.
"I love you" malumanay niyang sambit sabay patak ng isang munting halik sa ibabaw ng aking ulo.
"I love you too" buong puso kong sagot at bumaling muli sa tanawin. Sinong mag-aakala na ang sa dating tambayan ko lamang noon ay dito rin pala ako makakatanggap ng singsing at makakasama sa panghabang buhay.
Dinamdam ko ang banayad na ihip ng hangin. Masayang-masaya at kontento na ang puso ko ngayon. Ang tanging ipinagdarasal ko na lamang ay sana hindi na ito matapos agad. Sana hanggang dulo ay ganito kami dahil buong-buo na ang aking loob at unti-unti nang naliliwanagan ang aking isipan.
I want to spend my life with Von.
Hindi ko na kayang isipan pa ang buhay na wala siya.Handa akong harapin lahat basta't narito siya sa tabi ko.
Nang dumilim ay agad na pinailaw ni Von ang nga mumunting hugis pusong ilaw na nakakabit palibot. Namangha ako at napalakpak.
Kanina, gusto ko mang manatili ay inaya ko si Von na umuwi para kay Kairo. Mabuti nalang at nasabi niyang alam nila Juliet ang kanyang plano. Tinawagan pa niya ito kaya abot-langit ang hiya ko nang tuksuhin ako ng mga ito hanggang sa matapos ang tawag.
"Narito na po ang pagkain niyo Sir, Ma'am" halos sumabog ako kakatawa nang makita si Blue na may dalang mga pagkain para sa amin. Nakasakay lamang siya sa hila-hilang nilatag na kawayan ng kalabaw ni Mang Lito.
"O siya,alas siete susunduin ko na kayo" ani ni Mang Lito at kumindat pa kay Von bago humalakhak.
Sabay kaming natawa habang pinagmamasdan silang pabalik sa mga kubo. Tanaw na tanaw namin ang mga nag-iilawang mga kubo at bahay sa halos kalahati ng buong nayon.
Nabusog ang aking mga mata sa paglilibot sa kabuuan ng mga iyon, ito kasi ang kauna-unahang nanatili ako rito ng gabi kaya hindi ko inakalang mas maganda pala ang tanawin rito kapag gabi.
"Let's eat" yaya ng aking kasama na nakangiti kong tinanguan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat