Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 37
CHAPTER THIRTY-SEVEN
"Hay, ang ganda ganda ng mga bulaklak mo te, namumukadkad gaya mo" pambobola ni Juliet na ikinairap ko. Buhat-buhat niya si Kairo at panay asar sa akin habang abala ako sa paglilinis at pagdidilig ng mga halaman.
"Blooming ang mga bulaklak dahil sagana sa dilig,ikaw kaya te? Bakit ka blooming ngayon?" nakangisi niyang ani kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Tigil-tigilan mo 'ko Juliet at baka ikaw ang itanim ko rito" pagbabanta ko na ikinahalakhak lamang niya. Kahit kailan talaga at napakahalay ng babaeng 'to.
May ibinigay na buto ng mga sunflower si Aling Marie kaninang umaga at eksakto namang holiday ngayong araw at sarado ang station kaya napagpasiyahan kong itanim ang mga iyon sa harap ng aming bahay. Maraming bulaklak roon ngunit may isang bakante pang espasyo para sa panibagong mga bulaklak.
Napatingin ako kay Juliet nang bigla siyang namula at tila nataranta.
"Naku te, ayusin mo mukha mo dali! Nandiyan prinsepe mo" humagikhik siya bago laruin ang batang karga-karga niya siguro ay para itago ang hiya.
Napatingin naman ako sa labas ng aming bakod at nakita si Von na papalapit. Nakasuot ito ng itim na tee shirt na medyo hapit sa kanyang maskuladong katawan , shorts at may itim na sunglasses pang suot. Agaw pansin tuloy siya sa mga kapitbahay at napapatingin pa ang mga taong napapadaan malapit sa amin.
"Good morning" bungad niya at pasimpleng sumandal sa gawa sa kahoy naming bakod na hanggang bandang tiyan niya lang. Rinig ko ang impit na tili na pinakawalan ni Juliet sa aking likod na ikinaikot ng mga mata ko.
Kahit kailan talaga at napakaano ng babaeng 'to. Nang mapatingin ako sa kanya ay pasimple lamang itong umiwas at simipol. Naiiling ko na lamang na ibinalik ang atensiyon sa tinatanim.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko nang hindi siya binabalingan. Inabala ko ang aking sarili sa pagbungkal ng lupa upang matapos na agad ang ginagawa ko.
Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa lalaking nakasandal sa aming bakod na alam kong nakatingin lamang sa mga bawat kilos ko. Halos mamula ang aking buong mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko akalaing muntik na akong bumigay sa kanya.
"I just wanna see you" mahinahon niya at walang kahirap-hirap na tumalon sa bakod upang makapasok sa aming lote. Napaangat ako ng tingin sa kanya bago sa kanyang sapatos.
Natapakan niya ang isa sa aking mga bagong tubo na bulaklak kaya agad siyang nakatanggap ng isang masamang tingin mula sa akin. Nanlumo siya nang mapagtanto kung saan ako nakatingin.
Nagpapasensiya naman siyang tumitig sa akin bago yumuko at inayos ang pagkakatayo ng nabaling bulaklak. Sinubukan niyang patayuin muli ito ngunit dahil sa pagkakabali ng manipis na katawan ay paulit-ulit lang itong bumabagsak sa lupa.
Sa huli ay kinakabahan siyang bumaling sa akin at maamong ngumiti.
"Papalitan ko nalang" mabait niyang sambit bago lumapit sa kinaroroonan ko. Hindi pa talaga siya nakontento at idinikit pa ang braso sa akin - marahil ay pinipigilan ang sarili na yumakap sa akin.
"I'm sorry" bulong niya nang makalapit na narinig din naman ni Juliet na parang timang na nakikisosyo sa aming dalawa. Humahaba pa ang leeg ng gaga upang mas maayos kaming marinig.
"Naku pogi, okay lang yan. Ikaw pa, anlakas mo kaya kay Beauty" mahangin nitong ani at humalakhak na pinaniwalaan naman ni Von. Ngumiti ito at tumango sa aking kaibigan bago masayang bumaling sa akin.
"Hindi, palitan mo yan" ani ko na ikinabagsak ng mukha niya. Tumayo ako at tumayo naman din siya at sumunod sa akin na para bang isang masunuring aso na gustong magpa-impress sa amo.
"Let me help you" positibo niyang ani nang mapansing iniisa isa kong ilagay ang mga maliliit na halaman sa lupa. Iniwas ko iyon dahil gustong kong ako na ang gumawa ngunit dahil mas mahaba ang kanyang mga braso ay mabilis niya itong naagaw mula sa akin.
"Huwag--" hindi na ako nakapalag nang kunin niya sa akin ang mga yun at siya na mismo ang nagtanim nun sa lupa. Kunot-noo ko siyang tiningnan lalo pa't siguradong-sigurado akong wala naman siyang alam sa mga ganitong mga bagay.
"Tama ba 'to?" tanong niya na simple ko na lamang na tinanguan. Ginaya lamang niya kung paano ko itinanim ang mga nauna kaya mabilis din siyang natuto. Napabuntong hininga ako muli at tiningnan siya sa kanyang ginagawa.
Seryoso ang kanyang mukha at hindi alitana ang nadudumihang mga kamay.Hindi kasi siya naka-gloves at walang kaarte-arteng humahawak ng lupa. Taliwas sa Von na nakilala ko anim na buwan na ang nakalilipas.
Maya-maya pa ay isang magarang kulay asul na kotse ang huminto sa harap ng bahay namin. Sabay kaming bumaling rito. Iniluwa nito ang isang maputing lalaking may kulay asul na buhok. Mayabang itong bumaba at nakangising sumulyap sa aming bahay. Nagmumukha siyang bida ng isang pambatang cartoons sa itsura at ayos niya.
Nalukot ang mukha ko nang makitang kulay asul din ang kanyang sunglasses na suot, kulay blue din ang damit at ang ternong sapatos. Umaapaw ang kanyang confidence habang naglalakad papalapit sa amin.
Nang makalapit ay mayabang nitong hinubad ang salamin at nakangising tumitingin kay Von na abala sa pagtatanim ng mga bagong halaman ko. Inilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng aming bahay bago magsalita.
"Akala ko ba hahanapin mo si Berto? Mukhang iba ang nahanap mo ah" nakangisi niyang ani kay Von bago tumingin sa akin. Naantig ang aking tenga nang marinig ang pangalan ng aking ama. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Mas lumawak naman ang kanyang ngisi bago iginaya ang tingin sa aking likod.
"Ouy? Anak mo?" feeling close nitong tanong kay Juliet na agad ikinairap ng babae. Hindi siya nito pinansin kaya nawala ang kaninang malawak na ngisi nito.
Malamig namang bumaling ang abalang si Von sa lalaki bago balewalang bumalik sa ginagawa.
"Why are you here Blue?" walang kabuhay-buhay nitong ani sa lalaking si 'Blue'.
"Wala lang,I just wanna check you out" natatawa nitong ani at matagal na tumitig sa akin. Hindi ko tuloy napigilang taasan siya ng kilay kaya agad ding sumilay ang isang namamanghang ngiti sa kanyang mga labi.
Sumingkit ang kanyang mga mata bago malakas na tumawa.
"Beauty right?Seriously dude? Anak pa talaga ni Berto ang pinikot mo?" natatawa niyang ani habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Namumuro na talaga ang lalaki at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Itay.
Napatayo naman si Von dahil sa narinig bago tumalon muli sa bakod upang makalabas at makalapit sa lalaki. Walang awang niyang hinila ang lalaki gamit ang maduming mga kamay.
"Hey! Bagong damit ko 'to!" reklamo ng lalaki nang mapansin ang kamay ni Von na may mantsa ng lupa. Nagpumiglas ang lalaki habang patuloy siyang hinihila ni Von patungo sa di kalayuang puno.
Lumayo sila kaya naiwan kaming dalawa ni Juliet na naguguluhan sa mga nangyayari. Nagkatinginan kaming dalawa at pilit na iniintindi ang aming sitwasyon.
"Kaano-ano niya yun te?" tanong ni Juliet nang makalapit sa akin.
"May itsura din ah, kaso mukhang tae yung buhok" dagdag pa niya habang nakabusangot ang mukhang nakatingin sa dalawa.
Umiling ako at sinabing hindi ko alam kaya sabay kaming napabaling sa dalawa. Kailanman ay hindi ko nakita ang lalaking iyon sa bahay ni Von o maski noong nagtungo kami ng Maynila pero iisa lamang ang alam ko, may alam siya tungkol sa totoong kasalanan ni Itay kay Von.
Isang malakas na kalabog ang aming narinig. Namataan namin silang dalawa na animo'y mga bata na nagtatalo sa ilalim ng isang puno. Gusto man namin silang puntahan at suwayin ngunit makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahan silang bumalik sa aming pwesto na para bang wala lang nangyari.
Ilang minuto rin sila doon bago napagpasiyahang bumalik.Lumapit pa sila pabalik sa kinaroroonan namin at halos mamilog ang mga mata ko nang makita ang isang maliit na pasa sa gilid ng mga labi nung Blue. Dumadaing din siya at paminsan-minsan ay minamasahe ang kanyang panga.
Taka ko siyang tiningnan at agad naman niyang napansin iyon. Batid kong alam niya na agad na nagtataka ako sa kanyang pasa at kung bakit siya nagkaroon ng ganun.
"Wala lang 'to Miss Beautiful" naiiling niyang ani.
Sinaktan ba siya ni Von? Kung ganun man ay bakit naman iyon gagawin ng lalaki?
Lumapit si Von sa aking tabi at sinamaan ng tingin si Blue.Maamo namang tumingin sa akin ang lalaki na para bang humihingi ito ng saklolo. Bumaling ako kay Von na mabilis ding umiwas ng tingin kaya alam ko na agad na siya ang may kagagawan ng pasa ni Von sa labi.
"You should tell her the trut--" halos mapasigaw ang lalaking may asul na buhok nang bigla bigla na lamang tinapakan ni Von ang kanyang kaliwang paa.
Tumalon-talon siya upang maibsan ang sakit ng kanyang mga paa. Napanganga naman si Juliet sa aking tabi habang hinehele ang umiiyak na ngayong si Kairo.
"Shut up Blue" madiin na ani ni Von na halatang may hindi gustong sabihin ang kakilala. Batid kong may tinatago silang dalawa at batid ko ring may kinalaman ito sa aking ama.
"But-- I said shut up!" muli ay pinutol ni Von ang kung ano mang gustong sabihin ni Blue.
Doon ay napagpasiyahan kong makialam na sa kanila. Hindi ko alam ngunit may parte sa akin na gustong malaman kung ano talaga ang gustong sabihin ng lalaki.
"Von, hayaan mo siya" ani ko na bahagyang ikinatigil niya. Bumaling ako sa lalaking ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit ng kanyang mga paa at sinenyasan na sumunod upang makapag-usap kami sa loob. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat