CHAPTER 35

CHAPTER THIRTY-FIVE
"Von hindi ng pwede" paulit-ulit kong ani habang nasa loob na kami ng maliit na opisina sa refilling station.
"Why? I'm qualified and very competent for the job" giit na niya na mas lalo kong ikinastress. May mas kukulit pa ba sa lalaking ito?Sinabing hindi pwede e. Kanina lamang ay walang tabas niyang sinungitan si Julio tapos ngayon ay bigla-bigla siyang mag-aapply bilang isa mga taga refill? Anong alam niya sa mabibigat na trabaho e sanay siya na nasa opisina lang lagi?
"Yung totoo? Wala ka na bang magawa sa buhay mo at nanggugulo ka ng buhay ng may buhay?" inis kong asik habang pilit na pinagtutuonan ng pansin ang listahan ng mga orders ngayong araw. May karamihan iyon at kinakailangan maihatid on time.
"What do you mean? Ginugulo ba kita?Naga-apply lang ako ng trabaho" patay malisya niyang ani at sa inis ko ay halos batuhin ko na siya ng notebook. Mapanghamon naman niya akong tiningnan.
"Osige na nga! Magsimula kana,labas!" pikon na pikon kong ani na siya namang ikinangiti niya. Masaya itong lumabas at tsaka lamang ako na kumalma.
Pakiramdam ko ay aatakihin ata ako sa puso dahil sa inis. Mabuti na lamang ay lumabas din ito sa wakas. Hindi ko alam na napakakulit pala ng lalaking yun. Ni-minsan ay hindi ko siya nakitang ganito kaya hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin talaga ako kung ano ang kailangan niya sa akin.Hindi ko man alam ang nga pinaggagawa ni Von sa labas ng opisina ay mas minabuti kong ayusin lahat ng orders. Marami akong trabahong dapat tapusin kung kaya't kailangan ko munang isawalang bahala ang pangungulit ng lalaki.
Halos isang oras rin ang ginugol ko para roon. Mabuti na lamang at dumating na si Juliet - isa pang kapatid ni Julio na kasamahan ko sa bukid noon - upang bantayan si Kairo.
"Kyaaa" impit na tili ni Juliet nang makapasok sa maliit na silid opisina. Sakto ring natapos ko ang aking mga gawain. Kunot noo akong tumingin sa kanya nang mapansin ang kanyang pamumula habang akay-akay ang aking pamangkin. Tumitili din siya na parang baliw.
"Te, ampogi ng bagong empleyado ha" kinikilig niyang ani at nagmi-mistulang uod na binudburan ng asin.
Lihim naman akong napairap nang marinig iyon. Talagang pinanindigan ng lalaking iyon ang pagtatrabaho.
"San mo ba yun nakita te? Nag-apply?" kuryoso niyang tanong na halos hindi kumukurap habang nag-aantay ng sagot.
Tumango ako na ikinatili niya. Nagulat tuloy ang akay akay niyang bata at halos umiyak.
"Te! Ikamamatay ko kung hindi mo'ko ipapakilala dun sa fafi na yun" sobrang OA niyang ani. Kulang nalang ay lumuhod siya sa aking harapan para lang mapakilala ko siya kay Von.
Naiiling ko siyang binalingan bago tumayo at lumabas.
"Te, pakilala mo'ko ha!" pahabol niya bago ko naisara ang pinto. Nadatnan ko sa labas si Julio na nakatayo sa may mga galon habang si Von ang nagbubuhat ng mga yon pasakay sa maliit na carrier.
"Julio" pagtawag ko sa kay Julio at mabilis naman itong lumapit sa akin.
"Beau, pasensiya na ayaw akong patulungin ng bago mong empleyado" kamot batok niyang ani at sabay naming pinagmasdan ang pawis na pawis na si Von na nagbubuhat ng mga container.
May iilang kababaihan ding nakapaligid sa kanya. Ang iba kung hindi kumukuha ng litrato ay panay kausap sa kanya kahit hindi naman niya ito pinapansin.
"Bakit daw?" naguguluhan kong tanong at bumaling pabalik sa kanya.
"Mukhang nagpapabilib ata sayo" natatawa niyang ani. Napatingin naman ako kay Von na nakatingin na din pala sa amin.
Salubong ang kanyang kilay nang lumapit sa aming pwesto.
"Bakit ayaw mong patulungin si Julio?" bungad ko nang makalapit siya. Nakapameywang ako sa kanyang harapan nang taasan niya ako ng kilay.
"Madami ang mga container kaya mas mainam na kayong dalawa ang magdekarga ng mga iyan" dagdag ko pa.
Hindi siya sumagot, sa halip ay pinagmasdan niya ang aking katabing si Julio mula ulo hanggang paa habang may sarkastikong ngiti na nakaplastar sa mga labi.
"He's too thin. Nagmamalasakit lang naman ako baka mabali ang patpating empleyado mo" walang emosyon nitong pang-iinsulto na ikinanganga naming dalawa ni Julio. Mayabang itong nagtungo pabalik sa dating pwesto at nag-umpisa muling magbuhat ng container.
Naiwan naman kami ni Julio na gulat na gulat sa kawalang modo ng lalaking yun.
"Ang yabang" hindi ko napigilang masambit.
Alam ko naman na may kalakihan ang mga muscle niya at halatang nag-gy gym siya pero hindi pa rin magandang ginaganun niya si Julio! Porket mas mapayat lang sa kanya ng konti hmp.
Nagpapasensiya naman akong tumingin kay Julio.
"Pasensiya kana Jul,hayaan mo at pagsasabihan ko iyon. Magmeryenda ka muna" ani ko at iginaya siya sa mesa na may mga nakahandang snacks.
"Naku, nakakahiya naman at hindi pa tapos ang oras ko sa trabaho" nahihiya nitong ani nang makita ang mesang puno ng mga pang-meryenda.
"Ano kaba, ayaw kang patulungin ni Von edi hayaan mo siya." ani ko kaya napilitan siyang umupo at kumuha ng baso para magsalin ng juice.
Binalikan ko naman ang pwesto ni Von na halos pinagkukumpulan ng mga babae. Naabutan ko siyang pinapainom ng isang bottled mineral water ng isang babae na obvious namang patay na patay sa kanya.
"Von, pagkatapos mo riyan, magmeryenda kana" tipid kong ani bago bumalik sa opisina. Hindi ko na inatupag ang sagot niya kahit pa rinig ko ang kanyang pagtawag. Hinilot ko ang aking leeg at muling nagtrabaho.
**
"Te,papasyal muna kami ni Kairo sa park ha? Mukhang busy pa sa work si Pogi eh hihi" nakabungisngis na ani ni Juliet na agad na binuhat ang pamangkin ko. Alas kwatro na ng hapon at halos nadeliver na rin lahat ng orders namin sa araw na ito.
Bumukas ang pinto na siyang ikinabaling ko roon. Bumungad na naman sa akin ang nakasimangot na mukha ni Von. Pagod siyang lumapit at umupo sa upuang kaharap ng mesa ko.
"Damn, I am so tired" ani niya bago sumandal sa sandalan ng upuan. Napataas naman ang kilay ko roon.
"Pagod ka na naman pala, bakit hindi ka umuwi?" masungit kong ani at bumaling sa mga listahan ng mga nadeliver na mga tubig sa araw na iyon.
Hindi man nakatingin ay ramdam ko ang kanyanv pagnguso bago inilapit ang mukha sa aking mesa habang diretsong nakatingin sa akin.
"Pagod lang ako sa trabaho pero hindi sayo, I will never get tired of you baby" seryoso niyang ani na ikinabilis ng pagrehistro ng puso ko. Ramdam ko ang kakaibang tensiyon sa aking tiyan na tila ba may nagliliparang mga paru-paro sa loob noon.
Hindi ko maiwasang mamula nang magkasalubong ang aming mga mata.
"Tigilan mo ako Von, baka gusto mong sisantehin kita" pagbabanta ko upang maitago ang tunay na nararamdaman. Nagpakumbaba siya at maamong isinandal ang ulo sa mesa - sa itaas na bahagi ng mga papel na inaasikaso ko.
"You're really cruel, Pasalamat ka---" papahina niyang ani at lumipas ang iilang saglit ay hindi na muling nagsalita pa, sa halip ay narinig ko ang kanyang mahihina at mumunting hilik tanda na nakatulog siya sa mismong mesa ko.
Hinayaan ko siya pagka't batid ko ang pagod sa kanyang ginawang trabaho. Nagbuhat lang naman siya ng maraming container ng tubig at hindi pa niya pinatulong si Julio.
Ilang minuto rin ang lumipas nang makaramdam ako ng gutom kaya napagpasiyahan kong lumabas at kumuha ng meryenda. Pinili ko ang aking mga paborito na turon at bananacue. Wala sa sarili akong kumuha ng tig-da dalawang piraso ng mga ito nang maisipang hindi pa nagmemeryenda ang lalaking mahimbing na natutulog sa opisina.
Nang makabalik sa silid ay ganun parin ang posisyon ni Von. Nakaunan ang kanyang ulo sa mga brasong nakasandal sa mesa. Mapayapa at mahimbing ang tulog nito na para bang magiging malaking kasalanan kapag ginising mo siya.
I stared at his face unconciously, Ni-hindi ko na namalayang napatitig na pala ako sa kanyang perpektong mukha. Nakakamiss din palang makita araw-araw ang makinis niyang mukha. Mula sa makakapal niyang kilay at matangos na ilong hanggang sa kanyang pulang-pula na mga labi. Ang ugali lang ata siguro ang may deperensiya sa lalaking ito.
Pansin ko ang isang maliit na nunal sa gilid ng kanyang mata na siyang nakakadagdag akit sa kanyang kabuuang mukha. Ngayon ko lamang napansin iyon dahil sa hindi iyon masyadong nakikita kung hindi sa malapitan. At hindi iyon basta-bastang napagtutuonan ng pansin.
Umusog ako ng konti upang kompirmahin ang nunal na iyon. Napangiti ako nang marinig ang kanyang mahihinang hilik dahil nga sa aking paglapit. Minsan tuloy naiisip ko na sana palagi lang siyang tulog para palagi siyang mabait.
"Lei" namilog ang aking mga mata nang marinig ang aking pangalan mula sa kanya. Tiningnan ko siya kung tulog pa at halos napatalon ako nang biglang dumilat ang kanyang mga mata.
"A-anong--"
Napapitlag ako nang mabilis niyang yapusin ang aking beywang upang hindi makawala. Napakandong ako sa kanyang harapan habang wala sa sarili kong naitukod ang aking kanang kamay sa kanyang dibdib.
"What are you doing?" naningkit ang kanyang mga mata habang tinatanong ako. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong nahuli niya akong nakatingin at lumapit upang pagmasdan ang kanyang mukha.
"M-may t-tinitingnan lang ako" nauutal at mabilis kong ani na ikinangisi niya. Nagpumiglas ako at sinubukang makawala ngunit mas hinigpitan lamang niya ang kanyang pagkapit.
"Von bitaw" mariin kong utos ngunit tinatawanan lamang niya ako.
"Why would I? Ikaw mismo ang lumapit kaya bakit pa kita papakawalan?" nakangisi niyang ani at ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko. Hindi ko alam kung mabuti na nga rin bang nakasandal ako sa kanyang harapan o mabuwal na lang sa semento . Sobrang awkward ng aming posisyon na kahit sinong makakakita sa amin ay paniguradong iba ang iisipin.
"Von bitaw sabi e!" inis kong ani ngunit muli, tumawa lamang siya at ngumuso.
"Kiss muna" mapaglaro niyang ani kasabay ng pagbukas ng pinto.
"Te nan-AY KABAYO!"

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    이지이

    ang ganda sobra

    06/06

      0
  • avatar
    Margielyn Mojado Gucotano

    please write more ☺️☺️

    06/03/2025

      0
  • avatar
    Sildo TorremochaRheza

    Ang ganda super nice story.

    07/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata