Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 28
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Natapos ang gabi na magaan ang aking pakiramdam. Hindi man tuwirang sinabi ni Von ang kanyang nararamdaman para sa akin ay masaya pa rin ang aking puso pagkat pinaparamdam niya sa akin na gusto niya rin ako sa pamamagitan ng kanyang mga kinikilos.
"Good morning" malumanay niyang ani habang nakayakap sa aking beywang. Ngumiti ako bago naramdaman ang kanyang malambot na labi sa aking pisngi.
"M-magandang umaga" namumula bahagya kong ani bago bumangon ngunut halos mapatili rin nang hilahin niya ako muli upang makahiga.
"It's too early, let's sleep more" mahina niyang ani at sumiksik sa aking leeg. Natatawa ko naman siyang tinulak paalis roon.
"Von, mataas na ang sikat ng araw atsaka baka may meeting ka pa?" ani ko habang nakatitig lamang siya sa akin.
"This is our last day here, I told Mr. Enriquez that'll spend my day with my wife" giit niya at humigpit ang pagkakayakap sa akin. Napailing nalang ako at wala ng nagawa kundi hayaan siya.
Tsaka lang kami nakabangon nang dumating ang aming almusal. Nagpasalamat kami sa staff bago nilantakan ang mga pagkain.
"So what do you want to do today?" tanong niya sa gitna ng aming pagkain. Napaisip naman ako roon.
"Hindi ko alam, ikaw anong gusto mong gawin?" tanong ko bago pagtuonan ng pansin ang aking pagkain.
"Oh, you shouldn't ask me. You definitely won't like what I want us to do today" nakangisi niyang ani kaya kunot-noo akong nabaling sa kanya. Natawa naman siya na ikinanguso.
"You're really naive" natatawa niyang ani bago umiling-iling. Namula naman ako nang mapagtanto ang kanyang sinabi.
"Gusto ko na pala pumunta sa dagat at sumakay ng banana boat" mabilis kong ani na mas ikinahalakhak niya.
"Anong nakakatawa dun?" hindi ko napigilang itaas ang aking kilay nang mapagtantong puro nalang siya tawa.
"Wala, are you sure you want to ride that stupid boat?" tanong niya bago inilapag ang kanyang mga kubyertos.
"Oo" mabilis kong ani na paunti-unti nang naiinis.
"Fine,if that's what my wife wants" ani niya bago tumayo at nagtungo sa likod ko. Niyakap niya ako patalikod na halos ikinasamid ko habang umiinom ng tubig.
Simula nang umamin ako kagabi ay ibang-iba na talaga ang naging tungo ni Von sa akin. Masyado siyang madikit at palaging yumayakap sa akin kaya palagi ring tumatambol nang mabilis ang puso ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pahinga ay nakangiti na ako habang palabas kami ng hotel. Masaya kong tinanaw ang napaka-asul na dagat at ang mga taong kanya-kanyang enjoy sa napakaraming water activities.
"Ayon yung saging Von!" ani ko at hinila siya habang tinuturo ang isang hugis saging na nakakonekta sa isang bangka. Natawa naman siya bago nagpatinaod sa aking paghila.
" Good morning Ma'am,Sir" nakangiting ani ng isang may katandaang lalaki na nagbabantay.
"Magandang umaga rin po" ani ko habang inaabit ang isang life jacket sa akin. May inabot rin kay Von at sabay kaming sumampa sa may bandang dulo ng banana boat. Si Von ang nasa pinakahulihan habang ako naman ang nasa harap niya. May isang babae sa harap ko at lima lamang kaming lahat.
"Kumapit ka nang maayos" bulong ni Von sa aking tenga na agad ko naman ikinatango. Excited ako nang mag-umpisa nang hilahin ng bangka ang banana boat.
"Ahh!" hindi ko mapigilang tumili nang mapansing bumibilis na ito.
"Relax, ang hina pa natin!" malakas na ani ni Von sa likod. Napairap naman ako.
"Eh sa bumibilis na nga e-AHH!" halos mabitawan ko ang kapitan nang bigla itong bumilis. Mabuti nalang at si Von ang nasa likod ko.
"Kumapit ka nga nang mabuti" ani niya na ikinanguso ko.
Ilang libot at balik din ang ginawa ng sinasakyan namin bago ito tuluyang bumalik sa pwesto nito kanina.
"Ho!" ani ko nang makababa. Napatingin naman ako kay Von na wala namang iba sa itsura. Mukhang hindi naman siya nag-enjoy at normal pa rin ang kanyang mukha.
Sunod ay nagtungo kami sa may bandang dulo ng resort. Naroroon ang iba't-ibang jetski. Kuminang ang aking mga mata nang makitang sumakay si Von sa isa.
"Dali na" pagtawag niya kaya nagmistulan akong naging bata na excited makasakay ng isang jetski.
"Marunong ka ba nito hmm?"nagdududa kong ani nang umandar na ang sinasakyan.
"Sasakay ba ako kung hindi?" nakangisi niyang pamimilosopo na ikinalobo ng pisngi ko.
Nasa likod lamang niya ako at mistulang tuko na pinakapit sa akin. Hindi naman ako OA kumapit pero kasi pinipilit niyang ganoon raw kumakapit ang sakay sa likod nito.
"Kumapit ka nang mabuti o mahuhulog ka at hindi kita hahanapin" ani niya na ikinaawang ng mga labi ko. Akala ko ba okay na kami?
"Talaga? Edi wag" pairap kong ani na bahagya niyang ikinatawa.
"Just kidding, kumapit ka nga" naiiling niyang ani at walang paalam na pinausad ang jetski. Muntik pa akong mahulog,mabuti na lamang at nakakapit ako kaagad sa kanya. Ramdam ko ang bahagyang pag-taas baba ng kanyang balikat tanda ng kanyang pagtawa kaya wala sa sarili akong napairap.
Pinagmasdan ko ang nahahating tubig sa tuwing dumadaan ang jetski. Sa sobrang galak ay hindi ko napigilang ibabad ang isa kong kamay sa tubig.
"WOHOO!" hiyaw ko nang swabeng lumiko ang aming sinasakyan sa tubig. Marahas na iniihip ng malakas na hangin ang aking mahabang buhok ngunit hindi ito naging hadlang upang ma-enjoy ko ang aming sakay.
"Von, liko ulit!" ani ko na agad naman niyang sinunod. Sa huli ay masaya naming sinubukan lahat ng water activities sa resort. Tanghali, bandang alas dose ay tsaka lamang namin napagpasiyahang magpahinga.
Kontento at masaya akong sumandal sa balkonahe pagkatapos mananghalian. Napapikit ako nang maramdaman ang pagsunod ni Von sa akin at ang kanyang pagyakap mula sa aking likuran.
"Nag-enjoy kaba kanina?" mahina niyang tanong na aking ikinatango.
"Oo Von,Maraming salamat" buong galak kong ani dahil totoong puno ng pagsasalamat ang damdamin ko.
Kung hindi dahil kay Von ay alam kung hindi ko kailanman mararanasan ang mga bagay na iyon. Sa buong buhay ko sa amin ay tanging pagtatrabaho lamang para sa aking pamilya ang aking inaatupag. Ni-hindi ko akalaing masaya rin palang magpahinga paminsan-minsan.
Humigpit ang kanyang yakap sa akin bago isiniksik ang mukha sa aking leeg.
"Uuwi na tayo bukas" ani niya. Muli ay tumango ako at tumitig sa karagatan.
How I wish na sana manatili kaming ganito. Gustong-gusto ko ang Von na kasama ko ngayon. Hindi ko rin alam kung nagiging makasarili na ba ako pero iniisip ko na sana totoo nalang ang kasal namin. Sana totoo pagpapakasal ako sa kanya.
"What are you thinking this time hmm?" malambing niyang ani habang maimtim na tinitignan ang aking mukha.
Napalunok ako bago sinalubong ang kanyang mga nakakalunod na mga mata.
"V-Von, pag-uwi ba natin ay babalik na tayo sa dati? M-magsusungit ka na naman ba?" diretso kong tanong sabay iwas ng tingin.
Ramdam ko pa rin ang kanyang pagtitig ngunit bahagya akong napapitlag nang sapuin niya ang aking panga at pinaharap sa kanya.
"We'll stay like this like you wanted. Let's start over Lei, I'll make you happy from now on" seryoso niyang ani na halos ikinabuwal ko sa aking kinatatayuan.
Masyado akong natigilan at hindi na nakapagsalita. Nanatili lamang ako sa pagtitig sa kanyang seryosong mukha na walang anumang bahid ng pagbibiro.
Idagdag mo pa ang kanyang malumanay na pagtawag sa aking second name na siyang ikinadouble ng kaba sa dibdib ko.
"V-von seryoso ka ba?" ni-hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Ngumiti siya bago ako yakaping muli.
"I'm damn serious Lei" mariin niyang ani na halos ikinaiyak ko. Masayang masaya ako.
Suminghot ako na siyang ikinataranta niya. Sa sobrang saya ay hindi ko na napigilang umiyak. Ganito pala talaga siguro ang pagmamahal na tinutukoy ng kaibigan kong si Melissa noon.
"Hey hush" pagpapatahan ni Von at marahan akong pinaharap sa kanya. Masuyo niyang pinatakan ng isang halik ang aking noo at dahan-dahang pinalis ang aking panibagong nagbabadyang mga luha.
"Sorry, masaya lang ako" natatawa ngunit patuloy ang pag-agos ng luha kong ani.
Sa huling araw namin sa resort ay mas pinili naming sulitin iyon sa pamamagitan ng pamamasyal at pagkain ng mga gusto kong kainin. Ramdam na ramdam ko ang pagkakaiba sa pakikipagtungo ni Von sa akin noon at ngayon. Ramdam ko ang kanyang pag-iingat at pag-aalaa ngayon kaya wala na akong mahihiling pa.
"Maraming salamat sa pagbisita, Mr. and Mrs. De Laville. You can always come anytime you want" nakangiting ani ni Mr. Enriquez na hinatid pa kami hanggang sa tapat ng sasakyan. Tumango si Von bago makipagkamay sa lalaki at sunod naman ako nitong tiningnan. Saglit din kaming nagkamayan bago pumasok sa kotse.
Masaya kong tinanaw ang entrada ng resort nang makadaan kami roon. Talagang babalikan ko ang lugar na ito pagkat espeyal ito sa akin. Dito ko ata unang nailabas ang tunay kong nararamdaman sa taong mahal ko.
Napabaling ako nang maramdaman ang pagkuha ni Von sa aking kamay at ang pasimpleng paghalik niya roon. Seryoso lamang siyang nagbabasa sa kanyang Ipad bago bumaling sa akin at ngumiti. Namumula akong umiwas dahil don at wala sa sariling napatingin sa driver na seryoso lamang sa pamamaneho.
Pagkapasok at pagkapasok namin sa condo ni Von ay bumungad sa akin ang pusa kong si Bonbon na nagkaupo sa mismong harap ng pinto. Napatingin naman ako sa nakapajamang si Esmael na kakabangon lamang galing sa sofa.
"Welcome back Mr. De Laville, Ms. Beauty" ani niya at bahagyang yumukod.
"It's Mrs. De Laville for you Esmael" ani ni Von habang hinuhubad ang relo bago dumiretso sa kwarto. Namilog naman ang mga mata ni Esmael na tumingin sa akin. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat