Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 26
CHAPTER TWENTY-SIX
Kinabukasan ay nagising akong wala na si Von sa aking tabi. Pansin ko ang mataas na sinag ng araw na nanggagaling sa bukas na mga kurtina papuntang balkonahe.
Bumangon ako sa pagkakahiga at nakita ang aking cellphone sa ibabaw ng side table. Nay nakadikit itong sticky note.
'Good morning,I have an early meeting with Mr. Enriquez,your breakfast will be delivered there at 6:30. See you later'
Iyon ang pagkakabasa ko sa sulat na agad ko ring nilapag at nagtungo sa banyo upang mag-ayos.
Eksaktong ala sais y media ay dumating ang isang staff at ibinigay sa akin ang isang masarap na agahan. Nakangiti ko itong tinapos bago napagpasiyahang maglibot muli sa buong resort. Baka sakaling makita ko muli sina Eya at ang kuya niyang si Vin.
"Ate!" napangiti ako nang mahagip si Eya sa may pinakadulo ng resort. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ang nang mahigpit. Nakasunod naman sa kanya si Vin na napakamot na lamang sa batok habang pinagmamasdan ang kakulitan ng kapatid.
"Hindi kayo nagbebenta ngayon?" tanong ko nang mapansing wala silang dalang paninda. Umiling ang dalawa at malawak na ngumiti.
"May kuya kahapon binili lahat ng paninda namin kaya natuwa si Mama.Nabenta na kasi lahat ng gawa niya ngayong linggo kaya sa susunod na naman" nakangiting pagkwento ni Eya at umupo sa buhangin .
Napangiti naman ako nang marinig iyon. Mabuti naman at maraming mabuting tao rito. Balita ko pa, pribado man ang resort na ito ay pinapayagan pa rin nilang magbenta sa loob ang iilan sa mga karatig na nakatira sa gilid ng mga bakod nito.
Mabait talaga daw si Mr. Enriquez pero syempre may kondisyon ito ay iyon ay huwag kulitin o istorbohin ang mga guest or costumer.
Umupo ako sa tabi ng batang babae at sabay naming pinagmasdan ang malalakas na hampas ng alon ng dagat.
"Pwede ba kayong maligo sa dagat?" tanong ko at bumaling sa kanila.
"Sabi ng ilan okay lang daw pero ayaw ng Mama ko. Hindi naman daw kasi kami nagbayad rito e" ani ni Vin habang nakatingin parin sa karagatan.
"Pero gusto niyo ba?" tanong kung muli. Sa pagkakataong iyon ay napatingin silang dalawa sa akin.
"Oo naman ate!" masayang ani ni Eya na ikinangiti ko ng malawak. Kahit papaano ay may pera naman ako dahil sa isang buwang pagtatrabaho bilang janitress kaya maari ko silang bilhan ng damit rito. Dala ko rin iyong itim na card ni Von. Hindi ko alam kung magagamit ba iyon dito pero magtatanong ako sakali.
"Pero kasi sabi ni Mama" nag-aalinlangang ani ni Vin pero hindi na siya nakapalag pa nang hilahin ko silang dalawa papunta sa isang stall na may iba't-ibang binebentang panligo.
"Kasama niyo naman ako e" ani ko at iginaya sila papunta sa loob.
Agad na namangha ang kanilang mga mukha nang inilibot ang mga mata sa kabuoan ng lugar. Naalala ko tuloy ang sarili ko sa kanila. Ganyan na ganyan din ang mukha ko sa tuwing pumupunta kami sa mga mamahaling lugar na ni minsan hindi ko pinangarap na mapupuntahan ko.
"Pumili kayo ng damit panligo at pangbihis na rin" ani ko na agad nilang ikinamula.
"A-ate huwag na po nakakahiya" nahihiyang ani ni Vin pero mabilis akong umiling.
"Sige na, gift ko nalang ito sa inyo kasi ang ganda ng hairclip niyo kahapon" giit ko kaya wala silang nagawa kundi pumili ng kanilang gusto.
"Ate ito ang gusto ko! Princess Ariel!" masayang hiyaw. Ngumiti naman ako at tumango.
Ilang minuto rin ang ginugol nilang dalawa sa pagpili ng susuotin. May isang babaeng staff pa na sumaway sa kanilang dalawa ngunit nang makita ako ay agad ding nagpaumanhin.
"Pasensiya na Ma'am ha,akala ko kasi ilan yan sa mga batang ginugulo lang ang paninda namin"ani nito na agad ko ring tinanguan.
"Ito na ba ang lahat ng gusto niyo?" ani ko sa dalawa habang binabayaran sa cashier ang kanilang mga pinamili. Nahihiya naman silang tumango kaya agad kong binayaran iyon.
"Pwede na ba ito suotin agad?" tanong ng bata sa babae. Tumango ito kaya masaya silang nagtalon-talon.
"Ate, magbibihis na kami agad para masamahan ka naming maligo!" excited na ani ni Eya kaya sinamahan ko sila sa shower room pagkatapos.
"Wow" masaya kong ani nang makita silang dalawa na sabay pang lumabas kahit magkaiba ang shower room na pinagbihisan.
Si Eya ay kulay pink ang suot na may nakaprinta ang prinsesang si Ariel. Si Vin naman ay nakakulay asul na may nakaprintang transformers. Natawa tuloy ako.
"Ate pangit ba?Tinatawanan mo kami e" inosenteng tanong ni Vin kaya mabilis akong umayos at umiling.
Sabay kaming nagtungo sa isang cottage. Pinaiwan ko sa kanila ang iba pang pinamili at umorder ng pagkain sa isang staff na naglilibot sa buong resort.
"Tara na ate!" masayang ani ni Eya at hinila ako papuntang dagat.
"Woohoo!" humiyaw si Vin at masayang lumangoy. Nainggit tuloy ako habanf pingmamasdan sila. Ang galing galing nilang lumangoy.
"Eya huwag ka diyan sa malalim at baka malunod ka" paalala ko ngunit umiling ang bata.
"Ate,taga tabing dagat kami syempre po marunong kaming lumangoy atsaka po hindi po ako pupunta sa hindi ko na kaya" ani niya habang nakahilatang nagpapalutang-lutang sa ibabaw ng tubig.
Paano niya kaya ginagawa iyon.
"Ikaw ate? Hindi ka po marunong lumangoy?"natitigilang tanong ni Vin. Nahihiya akong umiling na sabay nilang ikinatawa.
"Bakit po?Matanda na po kayo" natatawang ani ni Eya na ikinanguso ko.
Tinalsikan naman siya ng tubig ni Vin.
"Hoy Eya ikaw talaga, baka hindi siya madalas sa dagat" ani ni Vin na ginantihan din ni Eya. Nagsabuyan sila ng tubig hanggang sa nasali na rin ako.
"HAHA tama na" tili ni Eya na ikinatigil namin. Sabay kaming natawa ngunit mabilis din akong napaahon nang mapagtantong hindi pala ako nakapagpaaalam kay Von.
"Teka lang Eya at Vin, may tatawagan lang muna ako. Huwag kayong pumunta sa malalim ha?" bilin ko at mabilis silang tumango.
Dumiretso ako sa cottage at agad na kinuha ang cellphone. Dinial ko ang kanyang number upang tawagan.
"You swim without me?" nagulat ako nang may magsalita sa aking likod.
Bumunga sa akin ang nakangising mukha ni Von. Nakataas ang isa niyang kilay kasabay ng pagtunong ng kanyang cellphone. Nakatropical shorts siya at polong puti na nakabukas lahat ang butones. Wala siyang suot sa loob ng polo kaya kitang-kita ang kanyang magandang katawan. Namula naman ako at umiwas.
Pansin ko rin ang iilang mga babae sa likod. Bumubungisngis ito habang pasimpleng sumusulyap sa kanya. Ang ilan ay nagpapanggap pa na umuupo sa kabilang cottage.
"Kasama ko lang yung mga bata.Pasensiya na hindi ako nakapagpaalam" mahina kong ani at bumaling sa pwesto kung saan naliligo ang mga bata.
Ngumuso naman siya bago yumakap sa akin. Napapitlag naman ako roon. Rinig ko ang iilang singhap ng iilang babaeng panay nakaw ng tingin da kanya. Hindi ko naman alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaunting saya dahil roon.
"Akala ko naman sino ang kasama mo" mahina niyang ani. Umiling ako bago bumaling muli kila Eya.
"Ate!" nakaahon na pala sila at naglakad patungo sa kinaroroonan namin.
"Hala Kuya!" masaya niyang ani at kumaway kay Von.
"Kilala niyo siya Eya?" takang tanong ko.
"Opo, binili niya po lahat ng hairclips namin kahapon. Salamat po Kuya" nakangiti nitong ani at umupo sa harap namin. Tumango naman si Von at hindi nagsalita. Bahagya ko siyang siniko upang makawala sa pagkakayakap sa akin.
"Boyfriend mo ate?" takang tanong ni Eya na ikinanlaki ng mga mata ng kanyang kuya.
"Asawa" tipid na ani ni Von bago inabot ang isang tuwalya sakin.
Napasinghap ang dalawa.
"May asawa kana ate?!" gulat na tanong nilang dalawa. Naiilang naman akong tumango.
"Bakit hindi ba halata?" nang-uuyam na ani ni Von kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sayang crush ka po sana ng kuya ko. Ang sabi niya bibilisan niyang lumaki para mapakasalan kayo hihi" kinikilig na ani ni Eya bago bumungisngis.
"Eya!" namumulang suway ng batang si Vin at nahihiyang tumingin sa akin.
"Dream on kid" walang preno prenong ani ni Von kaya hindi ko napigilang tapakan ang kanyang paa.
"Ah!" napadaing naman siya roon at bahagyang napalayo sa akin.
"Mukhang may gagawin po kayo ni Kuya ate,uuwi na siguro kami. Maraming salamat ate" ani ni Eya pero agad ko siyang pinigilan.
Ano namang gagawin namin ni Von?
"Kumain muna kayo atsaka may pagkain din para sa Mama at Papa niyo kaya hintayin niyo nalang" nakangiti kong ani. Ilang minuto pa ay inihatid na ito ng staff. May isang malaking bag rin na may lamang take out na pagkain.
"How about me?" bulong ni Von nang mapansing walang pagkain na para sa kanya. Wala pa kasi siya kanina noong nag-order ako.
"Von may kamay at bibig ka naman. Umorder ka doon" naiiling kong ani na ikinaawang ng kanyang mga bibig.
"Tss, so cruel" rinig kong bulong niya bago sumenyas sa isang staff. Nag-order siya hanggang sa sabay-sabay na nga kaming kumain.
"Ang sarap pala nito ate,nakikita ko lang sa picture ito e " masayang ani ni Eya habang nilalantakan ang isang inihaw na manok.
"Eya dahan dahan" suway naman ng kanyang kuya.
Sumapit ang hapon ay masaya akong kumaway sa kanilang dalawa.
"Maraming Salamat Ate Beauty!" buong lakas na sigaw ni Eya mula sa malayo. Ngumiti naman ako at tinanaw sila hanggang maghalo sila sa paningin ko.
"You like children huh?" napabaling naman ako kay Von na nakatayo sa gilid ko.
"Oo atsaka naalala ko lang ang sarili ko sa kanila" ani ko bago tumingin sa kalmadong dagat.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat