Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 24
CHAPTER TWENTY-FOUR
Kinabukasan ay tamad akong nagluto ng almusal. Buhaghag ang aking buhok at balot na balot ng malalaking eyebags ang aking mga mata dahil sa puyat.
Pinilit ko mang matulog kagabi ay hindi pa rin ako nakatulog nang maayos. Pabaling baling lamang ako sa aking kama at paminsan minsan ay tumitingin sa bintana.
"Morning" tipid na ani ng bagong ligong si Von nang makalabas sa kanyang kwarto. Nakaputing t-shirt lamang siya at shorts.
"Wala kang trabaho?" tanong ko habang hinahain ang lutong itlog na may halong chorizzo.
"Wala at may pupuntahan tayo mamaya so fix yourself. Magbaon ka na rin ng iilang damit" ani niya bago sumandok ng kanin. Napatango man ako at medyo na excite sa aming pupuntahan.
Nakangiti akong sumandok ng kanin ngunit agad din itong napawi nang mahagip ng aking mga mata ang kanyang mapupulang mga labi.
Agad na gumapang ang kakaibang hiya sa aking katawan. Ramdam ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi habang pasimpleng nag-iiwas tingin.
Mabilis pa sa alaw kwatro akong sumubo ng pagkain upang mas mabilis akong matapos. Napatingin pa siya sa akin nang mapagtantong halos punong-puno na ng kanin ang aking bibig.
"About the kiss last night--hey!" panimula niya kaya hindi ko napigilang maluwa ang pagkain. May tumalsik pang iilang kanin sa kanyang mukha na ikinamilog ng mga mata ko.
Masama niya akong tiningnan kaya napayuko ako. Uminom ako ng tubig bago tumayo at nilinis ang kalat.
Hindi ko napigilang sabunutan ang sarili dahil na naman sa panibagong katangahan.Pero bakit naman kasi inoopen-up niya yung ganun? Kumakain kami e!
Nang makabalik sa kwarto ay agad akong nag-impake ng iilang damit. Dalawang pares lang ang dinala ko dahil mukhang hindi naman kami magtatagal kung saan man kami pupunta dahil may trabaho si Von.
Lumabas na ako dala-dala si Bonbon at naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Tahimik akong lumapit, sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Esmael. Napangiti ako nang makita siyang fresh na fresh sa kanyang bagong gupit na buhok.
"Tss" napabaling ako sa katabi nang marinig iyon.
"Esmael will look for your cat. Ibigay mo na sa kanya" seryoso niyang utos na ikinatango ko. Hinalikan ko ang ulo ng pusa bago ibigay kay Esmael.
"Alagaan mong mabuti Esmael ha" bulong ko na ikinatango niya. Napapitlag pa ako nang pabiro niyang ginulo ang aking buhok.
"Okay, Mag-enjoy ka" nakangiti niyang ani na saglit kong ikinatulala.
Kung hindi ko lang alam na bakla si Esmael ay marahil matagal na akong nagka-crush sa kanya. Gwapo kasi ito, maputi, maarte lang minsan pero maaasahan.
Ngumiti ako nang napakatamis bago bumaling sa kinaroroonan ni Von. Halos mapaatras ako nang mapansing nasa likod ko na pala siya at mariing nakatayo. Madilim ang kanyang mukha at magkasalubong na naman ang kilay.
"Tara na" malamig niyang ani bago ako hilahin palabas.
"Bye Esmael, Bye BonBon!" pahabol kong sigaw bago sumara ang pinto.
"Bye Esmael, Bye Bonbon..parang tanga" halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ang nang-uuyam na tinig ni Von.
"Nagpapaalam lang naman ako" hindi ko napigilang isumbat habang nakasakay kami sa elevator.
Malamig naman siyang tumingin sa akin bago inis na bumaling sa harap.
"You never say that when I leave for work" mapait niyang ani na sunod-sunod na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Nagseselos ba si Von? Napailing ako agad nang maisip iyon. Impossible.
"A-ah hayaan mo palagi na kitang sasabihan ng Bye Von tuwing aalis ka" nahihiya kong ani na ikinatingin niya sa akin.
Pinaghalong inis at pagkamangha ang nasa kanyang mga mata. Nakita ko ang simpleng pag-awang ng kanyang mga labi tanda na mayroon soyang gustong sabihin ngunit hindi niya ito tinuloy. Sakto namang bumukas ang elevator at sabay kaming bumaba patungong parking lot.
*
"Mr. De Laville!" masayang pagbungad ng isang may kaedarang lalaki kay Von nang makarating kami sa isang Resort. Kalahating oras kaming bumyahe gamit ang helicopter at rito kami napadpad. Hindi gaya sa tinitirhan namin sa Maynila, di hamak na mas maaliwalas ang hangin rito. Kulay Puti ang buhangin ng malasuplang dagat.Naalala ko tuloy sila Aling Cora at Erika sa mansion ni Von.
"Mr. Enriquez" seryosong ani ni Von at pormal na nakipagkamay sa lalaki. Napatingin naman ito sa akin na nasa tabi lang ni Von bago ngumisi sa lalaki.
"This must be your wife, Welcome Mrs. De Laville" nakangiti niyang ani. Nag-init ang aking pisngi sa kanyang naging tawag at nahihiyang tinanggap ang kanyang kamay.
"Uhm..Thank you Sir." mahina kong ani na bigla nalang niyang ikinatawa.
"Oh please, call me Tito Andres" masaya niyang ani.
"Uh T-Tito Andres, Beauty nalang din po sa akin" naiilang kong ani. Ngumiti naman ito nang napakalawak.
"Your name suits you well Beauty" nakangiti nitong ani na ikinatikhim ng kasama ko. Muli, natawa ang lalaki bago kami iginaya patungo sa aming magiging kwarto.
"I've picked the best spot para maappreciate ninyo ang view. Feel free to roam around. Tawagin niyo nalang ang staffs kapag may kailangan kayo." ani ni Mr. Enriquez na personal pa kaming hinatid sa aming magiging kwarto. May pinag-usapan pa sila ni Von bago ito nagpaalam na aalis muna. Naiwan naman kaming dalawa.
"Magpahinga muna tayo" seryosong ani ni Von habang niluluwagan ang suot na necktie. Halos umusok naman ang pisngi ko nang mapagtantong nasa iisang kwarto lang kami!
"Dito ba tayo magpapalipas ng gabi?" kinakabahan kong tanong.
"Yes, I told you to pack some clothes right?" kunot-noo niyang sagot at hinubad ang sapatos.
"Tabi tayo?!" hindi ko mapigilang maging hysterical habang gulat na nakatingin sa kanya.
"Yes, you're my wife it would be very suspicious if hindi tayo tabi matulog tss" inis niyang ani na para bang obvious naman ang sagot. Napasimangot ako at napatingin sa king size bed na kama.
Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo. Atsaka, malaki naman ang kama at kasyang-kasya kaming dalawa diyan kahit gumugulong gulong pa kami.
Wait? Gugulong? Bakit naman kami gugulong?
"What are thinking this time?" pagpukaw niya sa aking atensiyon. Sumalpak ito sa kama at pagod na humiga.
"W-wala!" taranta kong ani habang nakatayo lamang sa gilid ng kama.
"Are you afraid of me? Every girl dreamed of having me in their beds but here you are..tss I can't believe you're this naive" inis niyang sermon na ikinanguso ko.
"H-hindi ako takot!" nauutal kong ani.
Oo hindi ako takot kasi I'm scared?
"Hindi lang ako pagod at gusto ko nang mamasyal" pagpapalusot ko bago tumingin sa asul na karagatan sa labas ng bintana.
"Fine.You can't wait? Take your phone and go.I'll give you 30 minutes. Tatawagan kita kapag kailangan mo ng bumalik" pagod niyang ani at hinagis ang bagong cellphone sa kinaroroonan ko..
Mabuti nalang at mabilis ko iyong nasalo kundi goodbye 500k na talaga!
"Okay!" mabilis kong ani at kumaripas nang takbo palabas.
Saka na lamang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas. Wala sa sarili kong sinapo ang aking dibdib bago nag-umpisang maglakad palakad.
Namangha ako sa sobrang ganda ng disenyo ng Resort na tinutuluyan namin. Napakaaliwalas ng paligid at napakalinis.
Napangiti ako nang matanaw ang asul na asul at marahas na dagat. Mataas pa ang sikat ng araw ngunit napakarami pa ring nagbababad sa maalat na tubig. May iilang magkapamilya na nakaupo sa napakaputi at pinong mga buhangin.
Mabagal akong naglakad-lakad sa gilid at dinadama ang marahang pag-ihip ng hangin. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa iilang souveniers na binebenta ng iilang mga bata. Hanggang tingin nga lang ako kasi wala naman akong dalang pera.
"Ate, bagay po ito sa inyo" nakangiting ani ng isang bata at ipinakita ang isang hugis rosas na hairclip. Umiling ako ngunit ipinilit niya ito sa aking tenga. Natabingi iyon kaya wala na akong nagawa kundi ayusin iyon sa buhok ko.
Kuminang naman ang kanyang mga mata at namamangha ako tiningnan.
"Ang ganda niyo po,para kayong princess" inosente niyang ani at niyakap ako.
"Gusto ko pong makakita ng princess at gusto ko pong maging princess!" puno ng galak niyang ani na humaplos sa puso ko.
"Eya!" napabaling kami sa isang batang lalaki na humahangos na tumakbo papunta sa amin.
"Ate,ginugulo ka ba nitong si Eya? " ani ng bata at bumaling sa akin. Ngumiti ako at umiling. Napatulala naman ito at namula.
"S-sorry ate, makulit po talaga itong si Eya" nahihiya niyang ani at kinuha ang panindang hawak ni Eya.
"Eya,hindi ba't sinabi kong hintayin mo ako doon sa entrance kasi iihi lang ako?" pangangaral niya sa batang babae.
"Ate ako nga pala si Vin, kapati ko si Eya. Pasensiya na po" kamot batok nitong ani.
"Okay lang,nakakatuwa nga itong kapatid mo"marahan kong ani. Napaiwas ito ng tingin at hindi na muling nagsalita.
"Ah nga pala,itong hairclip..wala kasi akong dalang pera" nahihiya kong ani at maingat na kinuha ang hairclip sa buhok ko.
"Okay lang ate, nandito lang naman kami lagi..bayaran niyo nalang kapag nagkita tayo ulet" masayang ani ni Eya. Umiling ako at inilahad ito sa kanyang kamay.
"Huwag na,tsaka nalang ako bibili kapag nagkita tayo ulit, sayang kasi at baka may gustong bumili niyan ngayon" nakangiti kong ani. Nakanguso namang tumango ang batang babae.
Sa huli ay nagkahiwalay kami sa magkabilang direksiyon. Tumawag si Von at kailangan ko ng bumalik. Kumaway ang dalawang bata bago tuluyang tumalikod.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat