Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 23
CHAPTER TWENTY-THREE
Isang malamig na tinig ang aming narinig sa likuran kaya napatingin kami lahat roon. Halos literal na nahulog ang mga panga ng tatlo nang makita ang seryosong mukha ni Von. Gaya ng lagi nitong ayos ay magkasalubong ang kilay nito at malalamig ang kulay abong mga mata.
Naglakad ito papunta sa amin bago ako higitin palapit sa kanya at palayo sa tabi ni Elmer. Napansin naman ito ng lalaki kaya dahan-dahan na rin itong umusog palayo sa akin at palayo kay Daisy.
"S-Sir" halos hindi makapagsalita ang isa sa aking mga kasamahang janitress. Mabilis namang lumuhod ang dalawa niyang kasama at sunod-sunod na humingi ng tawad.
"S-Sir S-sorry po talaga" naiiyak na ani nang isa sa mga kasama niya. Napatingin naman ako kay Von na mariin lamang nakatingin sa kanila. Umigting ang kanyang panga habang binibigyan ng matatalim na titig ang tatlo.
Hindi ko na napigilang kunin ang kanyang atensiyon sa pamamagitan ng kaunting paghila sa kanyang suit nang mapansing tumaas ang kanyang kilay.
"Von, hayaan mo na. Umuwi na tayo" mahina kong ani ngunit alam kung narinig iyon nila Daisy na nasa tabi ko lang. Namilog ang kanilang mga mata bago mahinang tumikhim.
Matagal itong napatingin sa akin bago tumango at hinila ako paalis. Hilaw naman akong ngumiti sa tatlo at kumaway sa dalawa kong kasama. Mabilis ang aming naging paghakbang papuntang Parking Lot. Binitawan ako ni Von at sinungkit ang kanyang Cellphone sa kanyang bulsa. Lakad-takbo ang aking ginawa habang pilit na sinasabayan ang kanyang mabilis at mahahabang hakbang.
"Yeah, Fire them at siguraduhin mong wala nang mahahanap na bagong trabaho" huli niyang ani kaya mabilis akong napabaling sa kanya.
"Tungkol ba iyon sa tatlo? Von, baka may binubuhay ang mga yun" hindi ko mapigilang ani nang makarating kami sa gilid ng kanyang sasakyan.
"So?" balewalang ani niya na hindi ko ikinapaniwala.
"Von! Hindi mabuting matatangal lang sila dahil dun.Hindi kaya ng konsensiya ko. Okay lang naman ako at---" hindi ko na natapos ang aking punto nang sumingit siya.
"They deserve it so stop being selfless and get in" madiin niyang utos. Gusto ko pa sanang igiit na hindi tama iyon ngunit alam kung wala din naman akong magagawa upang baguhin ang kanyang desisyon.
Tahimik lamang akong sumakay sa passenger's seat bago niya pinausad ang sasakyan. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya at madalas naman ay nasa labas lamang ng bintana.
Napaayos ako ng upo nang mapansing lumiko at kotse at huminto sa tapat ng Mall. Maayos niyang ipinark ang sasakyan bago higitin ang aking kamay at sabay kaming pumasok.
Naiilang pa ako nang mapansin ang mga taong panay tingin sa amin sa loob. Sinubukan kong bawiin ang aking pulsuhan ngunit mas lalo lang niya itong hinigpitan.
Pumasok kami sa isang tindahan na puno ng mga gadgets. Taranta at mabilis namang ngumiti at bumati ang iilang tagabantay roon.
"Let me see your latest model" simpleng ani ni Von at luminga-linga sa buong sulok ng Store.
"Here's our lastest po ng tatlong best selling phone brands" ani ng babae at inilapag ang tatlong mamahaling cellphone sa salamin na mesa.
Napatayo ako nang tuwid nang bumaling ito sa akin.
"Pick one" ani nito kaya agad akong napatingin muli sa cellphone. Parang bigal akong ginapangan ng hiya at dahan-dahang kinuha ang isang kulay abong cellphone. Maingat ko itong sinuri dahil mahirap na. Mukhang mas mahal pa siguro ito sa dalawampung taon na sweldo ko.
"Ito nala---"halos matumba ako sa pagkakalula nang makita ang presyo nun.
Kalahating milyon para sa cellphone?!
Mistulang napaso ang aking kamay at mabilis na ibinalik ang cellphone. Napangiti naman ang babae habang kunot-noo akong tiningnan ng aking kasama.
"What's wrong?Hindi mo gusto?" taka niyang tanong. Mabilis naman akong umiling.
"Ah hindi, maganda siya pero kahit ano nalang sa'kin. Ikaw na pumili" pinagpapawisan kong ani at inilibot ang mga mata sa buong Store.
"No, you choose or pwede namang bilhin ko nalang yang tatlo, subukan mo nalang kung ano ang mas gusto mo" kalmado nitong ani na ikinatingin ko sa kanya.
Tatlong Cellphone? Nahihibang ba siya?
"Ah hehe, ito nalang" labag sa kalooban kong ani at kinuha muli ang cellphone na hawak kanina at tumingin sa kanya. Tumaas naman ang kanyang kilay bago magsalita.
"You don't seem happy" ani niya kaya mabilis pa sa kidlat akong ngumiti ng malawak. Nagmumukha tuloy akong timang sa lawak ng pagkangiti. Natawa naman ang babaeng attendant bago magalang na kinuha ang cellphone sa akin.
"Maganda po ito Ma'am, at sobrang tibay kaya sulit na sulit" nakangiti niyang ani at kumindat.
"Yeah, we'll take that" aburidong ani ng kasama ko kaya mabilis itong tinipa ang computer sa gilid.
"Girlfriend niyo Sir?" nakangiti niyang ani kay Von habang inaabot ang bag na may lamang cellphone.
"No, she's my wife" mabilis na sagot ni Von na halos ikinamula ng mukha ko.
Hanggang ngayon kasi ay naiilang pa'rin ako sa tuwing ipinapaalam niya sa iba iyon.
Nahihiya akong ngumiti bago kami tumalikod at lumabas ng tindahan. Si Von naman ay hindi nakapaghintay at talagang kinuha ang bagong biling cellphone sa bag nito at in-on.
"Oh, you have to charge it first"ani niya nang mapagtantong 1% lamang ang battery ng cellphone. Tumango ako at seryoso lamang na nakatitig sa kanya.
"We should have bought the charged ones" ani niya habang tinutukoy ang mga nakadisplay na roon. Nagkibit balikat lamang ako habang nakasunod sa kanya.
Napunta kami sa isang mamahaling kainan na ikinabuntong-hininga ko na lamang. Wala talaga siguro sa bokabularyo ng lalaking ito ang salitang 'mura' at halos ginto na ang kinakain.
Pumasok kami at agad naamoy ang mabangong aroma ng mga pagkain sa loob. May Reservation na si Von kaya mabilis kaming nakaupo at kumain.
"How's it?" tanong ni Von habang ganado akong kumakain sa masarap na pagkaing inorder niya.
"M-masarap" masaya kong ani.
Masarap at saktong-sakto ang pagkaluto at lambot ng karner. Ganito talaga siguro kapag pang high class na Resto.
Tumango naman siya at sopistikadong kumain.
"By the way,I'll charge your phone later and put my number on it. Call me whenever you want something or you need to go somewhere" mahaba niyang lintaya na seryoso kong ikinatango.
Alas nuebe na ng gabi nang makauwi kami sa Penthouse niya. Naabutan kong kumakain si BonBon ngunit wala si Esmael. Marahil ay umuwi na.
Pagod akong pumasok sa kwarto at naglinis ng katawan bago pabagsak na humiga sa kama. Gusto nang pumikit ng mga mata ko ngunit agad ding napabangon nang mapagtantong nasa kusina pa pala si Bonbon.
Inaantok man ay pinilit kong bumalik sa kusina. Naabutan ko roon si Von na kinakalikot ang kabibili lang naming cellphone. Nasa kandungan niya si BonBon na ipinagtaka ko. Mabagal akong lumapit at mapatingin naman siya sa akin.
"Your ugly cat is clingy" tipid niyang ani at sinipa ang pusa nang tumayo ito paalis sa sofa. Mabilis ko itong sinalo. Ngumiyaw naman ito at galit na iwinasiwas ang mga kuko upang kalmotin si Von.
"Aw,fvck!" daing ni Von nang makalmot ng pusa ang kanyang kanang kamay.
Mabilis kong sinuway ang pusa at binuhat ito papasok sa kwarto. Halos manlamig ako nang makita ang pagdudugo ng kanyang kamay kaya agad kong kinuha ang first aid kit.
"Von, sorry" kagat labi kong ani at nahihiyang lumapit sa kanya.
"Sorry? I'll throw that cat--" halos sunod-sunod ang kanyang mura at namumula na rin ang kanyang mukha.
Nagpapasensiya ko nalang siyang tiningnan at marahang kinuha ang kanyang kamay. Mabilis kong nilinis ang sugat at ginamot. Nilagyan ko na rin ng band aid at mahinang hinipan upang hindi gaanong sumakit.
Napansin ko naman ang pananahimik niya kaya taka akong nag-angat ng tingin. Naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa akin.
Bahagya akong lumayo at ibinalik ang mga ginamit sa loob ng kit. Babalik na sana ako sa aking kwarto nang higitin niya ako paupo sa kanyang kandungan. Halos mapatili ako roon bago lumapat ang kanyang malalambot na mga labi sa akin. Mabilis lamang iyon ngunit milyon milyong bulto ng kuryente ang aking naramdaman.
Mapungay siyang tumingin sa akin kaya halos maging kamatis sa sobrang pula ang aking mukha. Walang sinumang nagsalita sa aming dalawa at ramdam na ramdam ko ang mabibilis na tambol sa aking dibdib.
"Lei"mahina nitong bulong na ikinanindig ng mga balahibo ko. Mabilis ko siyang naitulak bago kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto. Marahas ko kong sinara ang pinto at humihingal na sumandal roon.
Wala sa sarili akong napahawak sa aking mga labi at pausdos na naupo sa sahig.
Totoo ba yun?!
Halos hindi ako makapaniwala at halos ayaw rin kumalma ng aking buong sistema. Naiiling akong sumampa sa kama at mabilis na binalot sa comforter ang aking buong katawan.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Von bukas. Pero siya naman ang humaluk hindi ba?Pero kasi walang hiya ang isang yun. Atsaka first kiss ko iyon, hindi man naging espesyal pero naiinis ako kasi nakakaramdam ako nang kung anong hindi ko maipaliwanag sa aking sarili.
"Baliw na ata ako" mahina kong bulong at mariing ipinikit ang mga mata at pinilit ang sarili na matulog.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat