CHAPTER 22

CHAPTER TWENTY-TWO
"I really hate this attitude of yours, so selfless"
Napabaling ako sa likod nang marinig ang boses na yun. Napaawang ang aking mga labi nang makita si Von na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kanyang opisina.
Naglakad siya patungo sa akin habang naka-ekis ang magkabilang braso sa may bandang dibdib. Kahit magkasalubong ang kanyang kilay ay parang gusto kong umiyak dahil sa saya. Sa wakas ay kinausap na niya ako.
"V-von" mahina kong ani at bahagyang napayuko.
"Sorry" buong puso kong sambit bago tumingin sa kanyang mga mata. Nagtaas ito ng kilay bago umiling.
"Do you think your sorry is enough? Make it up to me and I'll forgive you" marahan nitong usal na ikinakunot ng noo ko.
"Clean my office for now, I'll assign another staff for the Waiting and the Conference" dagdag niya bago tumalikod.
Napatayo naman ako nang tuwid dahil sa kanyang sinabi at mabilis na tinulak ang cart ng kasama ko pabalik sa Maintenance. Inabot ako ng ilang minuto bago makabalik at agad na pumasok sa opisina ni Von.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa na para bang may hinihintay. Yumuko ako bilang paggalang.
"Maglilinis na ako" pagpapaalam ko ngunit agad siyang sumenyas na lumapit.
"Let's eat lunch first" patikhim niyang ani at agad namang nanubig ang aking bibig nang makita ang isang chocolate cake sa tabi ng iilang pagkain.
Mabilis akong umupo paharap. Ngumiti ako at kinuha ang isang box na may lamang steak. Tamang-tama at gutom na rin ako, akala ko pa naman ay mahuhuli ang tanghalian ko ngayon dahil sa dami ng lilinisan.
" I also have to tell you something" panimula niya kaya napatingin ako sa kanya habang sinusubo ang isang kutsara na punong puno ng kanin.
"Starting tomorrow,you will be not working anymore" ani niya na ikinatigil ko. Bagsak ang mukha ko siyang tiningnan.
Nakakapanghinayang kasi at masaya naman ako sa trabaho kahit na nakakapagod at hindi kami magkasundo ng iilang kasama ko minsan. Atsaka, kakuha ko pa nga lang ng una kong sweldo.
"Dahil sa nangyari kahapon, I've finally decided that you'll stay at my condo for good and do your responsibilities as my wife" seryoso niyang sambit bago isinubo ang kutsara.
Gusto kong umangal at sinubukang magmakaawa sa kanya gamit ang mata ngunit nang makita ang seryoso niyang itsura ay wala na akong nagawa kundi tumango. Malungkot ko tuloy na inalala sila Daisy at kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanila.
"You can always visit me in case you'll miss me" dagdag niya kaya bigla akong nasamid. Napaubo ako at halos lumabas ang kanin sa aking ilong dahil sa pagkabigla.
Miss him daw?
Makahulugan ko siyang tiningnan nang makabawi.
"What?" masungit niyang asik nang mapansin ang aking naging reaksiyon. Mas pinili ko na lamang na manahimik dahil sa nakabusangot niyang mukha.
Pagkatapos mag-lunch ay naabutan ko ang malinis nang Waiting at Conference Room. Gusto ko mang magsaya ay hindi ko magawa dahil sa kaalamang panghuling araw ko nalang ito sa trabaho. Idagdag mo pa ang kaba kung paano ko maipapaliwanag kay Daisy ang nangyari.
Sasabihin ko nalang ba siguro na tinanggal ako? Tama, iyon nalang muna.
Dumiretso ako sa Maintenance Room ng Ground Floor. Naabutan ko roon si Ma'am Heather sa kanyang opisina. Simple naman siyang ngumiti sa akin bago ako nakalapit kila Daisy.
"Hoy te, hindi ka bumaba kanina? Pasensiya na nga pala kagabi. Lasing na lasing ako at hindi ko man ang namalayan kung kailan ka nakaalis" mahaba niyang lintaya at napakamot pa sa batok.
Ngumiti naman ako upang iparating na okay lang. Napatingin naman ako kay Andrew na busy sa pagkakalikot ng kanyang bag at kay Elmer na batid kong umiiwas sa akin. Nahuhuli ko siya minsan na tumingin at agad ding umiiwas sa tuwing nakakasalubong ang mga mata ko.
"Beau! Ito nga pala, Banana cake gawa ng Nanay ko para sa inyo" ani ni Andrew kaya napatingin kami sa kanya.
"Wow, para sa amin ba talaga o para kay Beauty lang?" nanunudyong ani ni Daisy na ikinatawa ng iilan pa naming mga kasama. Ilang naman akong natawa bago tanggapin ang isang may kalakihang tupperware.
"Naku, kung ako sa inyo huwag niyo nang pormahan si Beauty" singit ni Elmer na mas lalo kong ikinailang. Nagpapasensiya siyang tumingin sa akin na akin lamang na tinanguan.
Kanya-kanya kaming kuha ng tinidor upang tikman ang dalang Banana cake ni Andrew.
"Wow, ang sarap" ani ko nang matikman iyon. Nakangiti akong bumaling kay Andrew na namumula na ang mga tenga ngayon.
"Sabihin mo sa Nanay mo Andrew, Salamat" buong puso kong ani na mabilis niyang tinanguan.
"Makakarating Beau, mabuti at nagustuhan niyo. Di bale magdadala ako ulit niyan bukas" nahihiya niyang ani na ikinatigil ko.
Agad na napawi ang ngiti sa aking labi nang maalalang hindi na ako magtatrabaho rito simula bukas.
"Beau? May problema ba?" tanong ni Daisy habang nilalantakan ang cake sa kanyang plato.
"Ahh kasi...uhm... simula bukas ay aalis na ako sa trabaho" mahina kong ani na ikinatahimik nilang lahat. Dumagundong ang nahulog na tinidor ni Daisy sa sahig habang malungkot ko silang tiningnan.
"H-ha? 'e wala naman kaming natanggap na Memo, unless nalang kung ang mismong CEO ang nagtanggal sa'yo" ani ni Ma'am Heather sa likod kaya mabagal akong napatango. Naaawa niya akong tiningnan bago daluhan.
"I'm sorry Beauty" mahina niyang ani at niyakap ako. Ang mga kasama ko naman ay halos wala pa'ring sinasabi at tahimik lang na tinitingnan ako. Makahulugan naman akong tiningnan ni Elmer.
"Pero..kakasimula pa lang natin sa trabaho Beu, b-bakit ka daw tinanggal?" naguguluhang ani ni Daisy na para bang hindi makapaniwala na natanggal ako.
"Baka naman may ginawa ka sa CEO Beau, di kaya'y inakit mo o nagpapapansin ka!" ani ng isang janitress na kasabayan ko sa taas.
Mabilis akong umiling ngunit ngumisi lang ito sa akin.
"Eh, bakit ka natanggal? Painosente, nasa loob din pala ang kulo.Malandi" dagdag niya at agad nakatikim ng isang sampal mula sa kaibigan ko.
"Hindi ganyan si Beauty!" inis na ani ni Daisy na ikinagulat na'ming lahat. Agad silang inawat ng aming mga kasamahan at napakalma rin sa wakas dahil sa pagbabanta ni Ma'am Heather.
"Bakit naman magpapansin si Beauty sa asawa niya?" pagsingit ni Elmer kaya halos manlumo ako sa kinatatayuan. May ibang nagulat at may iba ring natawa.
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Elm!" natatawang ani ng babae ngunit seryoso na umiling si Elmer.
"Sabihin mo sa kanila Beau, hindi pupwedeng iniinsulto ka nila nang ganito" mariing ani ni Elmer ngunit mabilis ko itong inilingan.
Hindi nararapat na gamitin ko ang pangalan ni Von sa trabaho.Yun ang pinaniniwalaan ko. Natawa halos lahat ng kababaehan sa Maintenance Room na para bang isa sa pinakanakakatawang biro ang sinabi ni Elmer, maliban nalang siguro kay Daisy at Ma'am Heather na seryoso lamang na nakatingin sa akin.
"Elmer tama na, pabayaan mo nalang sila" mahinahon kong bulong na halos hindi niya ikinapaniwala.
"Beau, tinatawag ka nilang malandi sa mismong kompanya ng asawa mo"giit niya na mariin kong ikinapikit.
"Oo lasing ako kagabi Beau pero hindi ako nagkakamali. Si Mr. De Laville na mismo ang nagsabing asawa ka niya." dagdag niya pa.
Nagsilabasan na ang mga empleyado kaya kinuha ko na ang aking bag. Hindi pa'rin nagsasalita si Daisy ngunit agad nama siyang nagsorry sa babae at kay Ma'am Heather.
Sabay-sabay kaming lumabas mula sa lobby. Sumusunod pa'rin sa akin si Elmer at ginigiit ang nalaman niya kagabi.
"Ay nakita ko na naman ang malandi" walang preno-prenong ani na naman ng babae kanina nang makasalubong na'min siya sa may harap ng building.
"Self-proclaimed pa na asawa ng Boss na'tin, e tinanggal nga siya" natatawang dugtong ng isa sa kanila.
"Beau" ani ni Elmer na pinipilit pa'rin akong igiit na asawa ni Von.
Sa ngayon ay wala na namang silbi kahit isigaw ko pa iyon dahil alam kung wala namang maniniwala sa akin. Di hamak na isang janitress lamang ako nang pumasok sa kompanya kaya para sa iba ay impossible iyon.
"Siya pala yung sinabi nung isang receptionist dati na desperadang mapansin ng Boss na'tin. Akalain niyo nagdeliver lang ng ulam tapos kinabukasan, janitress na" natatawang lintaya ng isa.
Ramdam ko naman ang inis ni Daisy sa dalawa at ang pagpipigil ni Elmer na sumbatan sila.
"Hoy tumigil na nga kayo" saway ni Elmer ngunit tinawanan lamang siya ng tatlo.
"Oh, may goon pala siya e" ani ng isa na sa pagkakaalam ko ay isang employee sa Financial department. Di-hamak na mas mataas ang posisyon kaya tinatawanan lamang niya ang mga tulad namin. Mapangutya silang tumalikod sa amin at himarap sa kalsada habang nag-abang ng masasakyan.
Ganunpaman ay pasulyap-sulyap pa'rin silang tatlo at patuloy pa'rin sa paninira. Kung hindi lang namin hinihintay si Andrew ay kanina pa kami umalis roon. Napabuntong hininga na lamang si Elmer at hinarap ako.
"Beau, pasensiya na at wala akong nagawa kagabi upang iligtas ka ngunit ngayon, hindi ko na hahayaang insultuhin ka ng mga babae na yan" seryoso niyang ani na narinig ng mga babae kaya maarte silang humarap sa amin.
Umamba si Daisy na sumugod sa tatlo, mabuti nalang at mabilis ko siyang napigilan.
"Hay naku Elmer kahit janitor ka ay may itsura ka naman, sayang nga lang at nagpa-uto ka sa malanding yan!"asik ng isa na aminadong ikinasakit ng damdamin ko.
"Who told you to speak to my wife like that?!"

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    이지이

    ang ganda sobra

    06/06

      0
  • avatar
    Margielyn Mojado Gucotano

    please write more ☺️☺️

    06/03/2025

      0
  • avatar
    Sildo TorremochaRheza

    Ang ganda super nice story.

    07/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata