Homepage/Beauty and her Gorgeous Beast/
CHAPTER 19
CHAPTER NINETEEN
Kinagabihan ay pagod na pagod akong sumalpak sa sofa pagkadating at pagkadating namin ni Nestor. Ni-hindi ako nakapagpasalamat dahil mabilis din naman siyang umalis.
Nang mapagtantong ako na lamang mag-isa at hindi ko na napigilang humiga sa napakalambot na sofa. Sakto namang bumukas ang pinto kaya mabilis din akong napaahon at bumaling roon.
Bumungad sa akin si Von na napatingin rin sa akin nang makapasok. Tiningnan niya ang naging ayos ko at sarkastikong ngumiti na para bang pinahihiwatig nito na "ginusto mo yan kaya panindigan mo".
Napanguso ako roon at pagod man ay pinilit kong magbihis sa kwarto at magluto. Simpleng adobong manok lamang ang niluto ko.
Inaantok ako nang umupo sa mesa. Alam kong masama iyon dahil nasa harap ako ng grasya kaso hindi ko talaga napigilang humikab habang hinihintay si Von. Napatuwid naman ako ng upo nang makita siyang papalabas na sa kanyang kwarto.
"How's work?" unang bungad niya habang hinihila ang upuang kaharap ko.
Ngumiti naman ako dahil kahit nakakapagod ay naging masaya at abala naman ako ngayong araw.
"Masaya" iyon ang aking naging kasagutan na ikinairap niya.
"Ofcourse, you're with that 'janitor boy' the whole day" sarkastiko niyang ani na ikinasingkit ng mga mata ko. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking 'to, siguro ay tinotopak na naman siya.
"Haha,oo nga" ilang kong tugon at dinugtungan pa ng pekeng tawa kaya nagkasalubong na naman ang kanyang dalawang kilay. Napailing ako roon.
Mas minabuti ko na lamang na pagtuonan ng pansin ang aking pagkain para makapagpahinga ako nang maaga. Nanatili naman ang kanyang 'tagos sa butong' titig na ikinailang ko.
Minsan ay nagkakasalubong ang mga tingin namin at agad naman akong umiiwas. Kung makatingin kasi ang lalaking 'to ay para bang may ginawa akong masama.
Lumipas ang isang linggo ay kahit papaano ay nakapag-adjust na rin ako sa aking mga gampanin at trabaho. Maaga akong nagpapahatid kay Nestor sa umaga at diretso uwi din ako sa hapon upang maghanda ng hapunan.
Yun na nga lang ay halos gabi-gabi rin ako inuusisa ni Von na pinaglihi sa yata sa sama ng loob. Palagi siyang nagtatanong sa akin tungkol sa trabaho at minsa pa ay kay Andrew! Minsan nga ay hindi ko mapigilang isipin na baka bakla si Von at may gusto siya sa katrabaho ko.
Naiiling naman ako habang nagma-mop nang maisip yun. Imposibleng bakla si Von. Lalaking-lalaki siya kung kumilos pero kasi si Esmael din naman?
Lalaki kung kumilos si Esmael atsaka kung hindi pa niya sinabing binabae siya ay aakalain ko talagang straight siya.
Naku, ano na ba itong mga pinag-iisip ko.
"Beau, pinapatawag ka ni Ma'am Heather" nabalik ang aking wisyo nang marinig ang isa sa mga kasamahan kong si Elmer.
Tumango at ngumiti ako sa kanya bago nagtungo sa opisina ni Ma'am Heather. Naabutan ko siya roon na nagbabasa ng mga papeles. Pormal akong kumatok at agad ko namang nakuha ang kanyang atensiyon.
"O Beauty,halika at may pagbabago sa pwesto mo" pagtawag niya kaya agad akong umupo sa upuang kaharap ng kanyang mesa.
"As you can see, natanggal sa trabaho ang isa janitress na nakapwesto sa taas, kailangan ng bago at ikaw ang napiling pumalit" pagpapaliwanag niya
Naguguluhan man ay pilit akong tumango.Ngumiti naman si Ma'am Heather sa akin.
"Thank you for understanding Beauty" nakangiti niyang ani at agad na tinawag si Elmer upang samahan ako.
"Nakakalungkot naman at ang layo ng magiging bagong pwesto mo" nakasimangot na bungad ni Daisy nang makasalubong ko siya sa may elevator.
Marahan ko namang hinaplos ang kanyang braso bago mahinang tumawa.
"Wala tayong magagawa dahil trabaho natin ito.Atsaka huwag kang mag-aalala at nasa taas lang naman ako, maari pa'ring bumaba para makapag-lunch" nakangiti kong ani kaya napanguso siya bago dahan-dahang tumango.
"Beauty, mamayang tanghali ha" pahabol ni Andrew mang makasakay kami ni Elmer ng elevator. Ngumiti naman ako at tumango.
"Boyfriend mo Beauty?" biglaang tanong ni Elmer kaya napatingin ako sa kanya. Agad akong umiling bago sumagot.
"Hindi,kaibigan ko lang si Andrew, Elmer" sagot ko na ikinatango niya.
"Akala ko boyfriend mo,magkasabay kasi kayo mag-apply atsaka palagi kayong magkasama" dagdag niya. Ilang lamang akong tumawa habang inaantay ang paghinto namin sa kung saang floor.
"Ah hindi Elmer, kaibigan lang talaga kami" natatawa kong ani.
"Ah, so w-wala ka pang boyfriend?" nahihiya niyang tanong kaya halos mabuwal ako sa kinatatayuan. Mabilis akong umiling at pinagmasdan ang kanyang naging kilos. Namula bigla ang kanyang tenga at napatikhim.
"E, g-gusto mo na bang magkaboyfriend? I mean wala bang magagalit?" kinakabahan niyang ani
Wala pa man akong naging boyfriend ay hindi na lingid sa kaalaman ko ang gusto ko niyang iparating. Kinakabahan akong tumawa upang balewalain ang kanyang tanong. Halos magdiwang naman ako sa saya nang bumukas na ang elevator - tanda na naroon na kami sa panibagong floor na magiging bagong pwesto ko.
Nauna akong lumabas kay Elmer at inilibot ang aking tingin sa modernong disenyo ng huling palapag.
"Ikaw ba yung kapatid ni Edna?" tanong ng isang may katandaan ng babae. Magalang akong tumango at nagpakilala.
"Opo,ako po si Beauty,Beau nalang po" nakangiti kong pakilala.
"Ah,Beauty mauna na ako,h-hintayin kita mamayang lunch ..yung tanong ko ha?" nahihiyang singit ni Elmer.
Pilit ko siyang binalingan at ginawaran ng isang hilaw na ngiti.
"Uhm, s-sige, Maraming salamat Elmer" tugon ko rito at tinanaw siya habang papasok na pabalik sa elevator.
"Mukhang may gusto sa iyo yun ha" manunukso ng matanda na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ah h-hindi naman po ata" kinakabahan kong tugon. Ngumiti naman siya at umiling.
"Ako nga pala si Nora, isa sa mga kasama mo rito sa 30th floor. May dalawa pa tayong kasama sina Lorie at Gema" pagpapakilala niya habang nakasunod lamang ako sa kanya habang tinatahak ang mahahabang pasilyo.
"Ang malaking opisina ni Sir, ang pinakamalaking Conference Room at iilang cubicle ng empleyado lamang ang narito sa floor na ito kaya apat lamang tayo" nakangiti niyang dagdag.
Medyo napangiwi naman ako dahil roon. Kahit naman iilan lang iyon at napakalawak pa'rin ng 30th floor. Halos kasing lawak nga ito ng ground floor pero doon ay tatlong-tigatatlo na janitors ang naroon. Siyam kung susumahin.
"Matagal na po ba kayo rito?" tanong ko kay Nanay Nora na kanyang ikinatango.
"Ah oo,isa ako sa pinakamatandang janitress rito. Singkwenta anyos na ako at bente anyos pa lamang at nagja-janitress na ako rito. Marami na nga ring inalok na benepisyo ang kompanya sa akin at pinayuhan akong magpahinga na ngunit wala naman akong magawa sa bahay" tumawa naman siya nang mahina nang ikwento iyon.
"Wala akong anak at tanging ang isa ko lamang na pamangkin ang aking pinag-aral. Nakapagtapos na at nag-ibang bansa kaya mag-isa ulit ako rito" mapait siyang ngumiti kaya agad akong nakaramdam ng awa para sa kanya.
"O siya, rito na ang magiging pwesto mo, ako ay nasa pinakadulo lang kaya kapag natapos ay dumiretso ka roon" bilin nito na agad ko namang tinugunan ng isang tango.
Nang makaalis ang ginang ay agad akong nag-umpisang magtrabaho. Mas pinabuti ko pa ang pagma-mop dahil alam kong halos malalaki ang posisyon ng mga tao sa floor na ito, baka magreklamo. Nalaman ko rin na nandito ang opisina ni Von kaya halos mabali ang aking leeg sa paglinga sa paligid.
"Salamat,tapos na rin" masaya kong bulong habang pinupunasan ang aking lagatak na pawis. Sinuyod ko ng tingin ang mahabang pasilyo na aking nilinisan. Halos kumintab na nga ito sa sobrang linis kaya abot abot na saya ang aking nakaramdaman.
"Yeah,Good job" rinig kong ani ng kung sino sa likod ko. Halos mapatalon ako nang makitang si Von iyon -prenteng nakasandal sa double door ng sa hula ko ay ang kanyang opisina.
"I-ikaw pala, Goodmorning Sir" pormal kong ani.
Sumimangot naman siya roon at tumayo ng tuwid.
"Come in, lunch break na" utos niya at niluwagan ang pagkakabukas ng kanyang pinto. Nakita ko roon si Esmael na may tinitipa sa kanyang laptop habang nakaupo sa isang mahabang sofa. Nakita ko ang pagnakaw niya ng tingin , ang pasimple niyang pag-irap at pagsenyas ng kanyang mga mata.
"Ah hindi na, sa baba ako maglu-lunch" nahihiya kong ani at mabilis na kinuha ang mop. Halos mapatili naman ako nang maramdaman ang kanyang paghila sa aking pulsuhan.
"No, you stay here and have your lunch with me" mariin niyang sambit bago ako hinigit papasok.
Wala na akong nagawa nang iginaya niya ako paupo sa sofa. Ilang akong tumabi palapit kay Esmael habang siya ay naging abala sa katawag.
"Yes for two... Yes" iyon lamang ang aking narinig bago niya ibinaba ang kanyang cellphone at matalim na tumingin sa akin.
"Usog" tipid niyang ani at umupo sa mismong gitna namin ni Esmael. Napaismid naman ako roon. Ang lawak pa ng pwesto at doon talaga siya sumiksik. May isang pang-isahan pa sa tapat kaya naiiling ko siyang tiningnan.
"What?" masungit niyang ani nang makita ang aking naging reaksiyon.
"Wala" hindi na lamang ako umangal pa at pinilit na sa kanyang opisina na lamang ituon ang atensiyon.
Puno ng mamahaling muwebles ang kanyang pinaghalong itim at abong opisina.
Ilang sandali pa ay isang katok ang aming narinig.
"Sir lunch" pormal nitong ani at may inilapag na dalawang malalaking paperbag sa maliit na mesa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (36)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda sobra
06/06
0please write more ☺️☺️
06/03/2025
0Ang ganda super nice story.
07/06/2024
0Tingnan Lahat