logo text

Chapter 84: Perfectly Fool

"T-teka, bakit ka nandito? Akala ko ba mag-eexam ka na."
"Sabay na tayo."
"P-pero... Hindi ko kaya Raven, ibabagsak ko rin 'yon." Hindi niya ako pinansin at hinila niya lang ako papunta sa room niya. Nakita ko ang lalaking professor na nakaupo sa harapan.
"I'm sorry Professor Zamora. I know, that I've done so many things that caused you headache but can I ask you a favor? Please?" tanong ni Raven. Napatingin siya sa 'min pati sa kamay ni Raven na nakahawak sa braso ko. "Sure, what is it?"
"She's from CHMT. Her professor didn't give her an english exam without any valid reason, so pwede bang dito siya mag-exam, kasabay ko?"
"Wait, I'll ask about it to our dean. Wait for me here." Nakita kong kumindat 'yung Professor Zamora kay Raven. Inay ko, kadiri.
"Ang laki na ng utang mo sa 'kin." Umupo na kami. "Hindi ko akalaing, hihingi ako ng pabor sa baklang 'yun." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Grabe ka! Wala kang galang!" sigaw ko.
"Wala naman siya, okay lang 'yun."
"Pakitang tao ka. Walanjo Raven, ang sama mo."
"Masama ba 'tong ginagawa ko? Tinutulungan na nga kita." Tumahimik na lang ako. Kinakabahan pa rin ako, paano kung hindi pumayag 'yung dean? Bagsak na talaga ako. Kahit na mag-exam ako, babagsak rin ako. Huwag na lang kaya akong mag-exam, ganun din naman ang resulta.
Tumayo na ako. "Oh saan ka pupunta?" tanong niya.
"Raven, ganun din naman ang resulta. Mag-exam o hindi, babagsak ako kaya bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko 'di ba?"
"Ang galing mo naisip mo 'yan?" sarkastikong sabi niya sa 'kin. "Akala ko wala kang isip pero wala ka pala talagang isip. Biruin mo, naisip mo 'yan, 'di ko kasi naisip 'yan." Pinanliitan ko siya ng mata. Galing-galing mang-asar.
"Paano mo nalamang babagsak ka? Hindi ka pa nga nag-eexam, kaya nga nag-eexam para malaman mo 'yung progress mo. Kung babagsak ka, parang sinabi mo na ring katulad ako ng professor mong hindi magaling magturo." Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo.
"Eh hindi nga ako nakapag-review. Anong isasagot ko?"
"'Yung alam mo lang. 'Wag mong piliting sagutan kung 'di mo alam." Magsasalita pa sana ako nang makita ko sa pintuan si Professor Zamora.
"Okay, we should start now." Ngumiti siya sa 'kin tsaka siya pumunta sa table para kunin 'yung test paper. Inabot niya 'yun sa 'kin.
"What's your name again?"
"Heather Jean Duerre po." Tsaka ko inabot 'yung test paper. Binasa ko ang direksyon. Shems, kinakabahan ako. Pakiramdam ko, hindi ko maiintindihan.
"Alalahanin mo lahat ng tinuro ko sa 'yo. You'll never know if you'll never try," mahinang sabi sa 'kin ni Raven. Tumango lang ako pero hindi ko siya tiningnan. Kailangan kong mag-focus, wow sa'n ko nakuha 'yun?
Natapos ang exam na may hindi ako nasagutan, 'yung sa essay. Lagot na, bagsak na ako pustahan. Ibibigay ko na sana ang papel ko kay Professor nang kunin 'yun ni Raven.
"Ako na."
"T-teka, nakalimutan kong lagyan ng pangalan," sambit ko.
"Ako na ang maglalagay."
"S-sige." Tapos sinulat niya na 'yung pangalan ko. Wow, ang ganda naman nitong magsulat. Mas maganda pa sa sulat ko. Nakakainggit, hindi kaya bakla si Raven? Joke.
"Umuwi ka na, may exam pa ako," wika niya.
"Ha? S-sige. Salamat nga pala sa tulong mo. Ingat ka na lang pag-uwi." Nagpaalam na rin ako kay Professor Zamora.
Dumating ang Lunes nang umaga kung saan malalaman na namin ang resulta ng exam. Buong Sabado't Linggo ay hindi ako pinapansin ni mama. Si kuya naman inaasar ako, imbes na damayan ako dahil kapatid niya akong may pinagdadaanang problema pero wala.
"Ms. Duerre, come to my office," wika sa 'kin ni Professor Castillo. Kinakabahan akong sumunod sa kaniya. Tipong bawat hakbang ng paa ko naghahabol ako ng hininga. Kulang na lang bilangin ko 'yung tibok ng puso ko eh.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ni professor, ramdam na ramdam ko ang lamig na nanunuot sa balat ko. Pakiramdam ko nasa hunting house ako tapos si Professor 'yung multo. Binigay niya sa 'kin 'yung test paper ko.
"I was wrong when I underestimated you. Congratulations, you made it. I know na kay Professor Zamora ka kumuha ng exam, nagsisisi akong naging harsh ako sa 'yo," nakangiti niyang sabi sa 'kin. Kumunot ang noo ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Come on, tingnan mo 'yung test paper mo." Nag-aalangan akong tumingin sa test paper ko. P-paanong nangyari?
Sigurado bang akin 'to?
Paanong makaka-perfect ako? Sigurado naman akong hindi ko nasagutan 'yung essay. P-pero paano?
Tumakbo ako palabas ng opisina ni Professor hanggang sa nakapunta ako sa building nila. Nakasalubong ko si Clark. "Jean, anong ginagawa mo rito?" Nilampasan ko siya at dumeretso ako sa room nila. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita.
"Si Raven ba? Wala eh, umalis. Hindi yata matanggap na hindi niya na-perfect 'yung exam sa english," sabi sa 'kin ni Kurt.
Mas lalong lumalim ang paghinga ko nang marinig ko 'yun. Hindi niya naman kailangang gawin 'yun eh. Bakit Raven? Bakit?
Hinayaan ko ang paa kong tumakbo. Nakarating ako sa rooftop kung sa'n nakita ko siyang nakatalikod. "R-raven..." Lumingon siya sa pagtawag ko sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang test paper na hawak ko.
"Bakit kailangan mong pagpalitin ang test paper natin? Tanggap ko namang babagsak ako, pero ikaw babagsak ka dahil sa walang kwentang test paper na 'yan. Babagsak ka dahil sa 'kin."
"Sa totoo lang, hindi naman ako babagsak eh. Tingnan mo." Iniharap niya sa 'kin ang test paper na hawak niya. "50 correct answers over 60 items? I'm impressed. Atleast hindi ako magsisisi na pinagpalit ko 'yung test papers natin kasi mataas naman. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako sa scores mo eh, pero hindi naman magkakamali ang machine so yeah, I'm impressed."
"Pero Raven, hindi naman mababago nun ang katotohanang pinagpalit mo 'yung test paper natin."
"Then, what are you going to do now?" Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Sasabihin kong pinagpalit ko 'yung test paper natin."
"No way." Kinuha niya sa 'kin ang hawak kong test paper. "Are you out of your mind? Mas lalo ka niyang ibabagsak."
"Atleast, nagsasabi ako ng totoo."
"Totoo? Totoo ba 'yung sasabihin mong ikaw ang nagpalit ng test paper kahit na ako naman?"
"Anong gagawin ko? Ayaw kitang madamay. Tinulungan mo na nga akong makapag-exam eh tapos sasabihin ko pang---ewan Raven! Hindi ko na alam! Kung hindi naman dahil sa bobo ako hindi naman mangyayari 'to."
"Don't blame yourself, hindi naman dahil sa mahina ang utak mo kaya nangyari 'to kasi even me, tanga rin naman. Just tell them the whole truth, 'wag mo 'kong pagtatakpan. I'm sorry."
###

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Christian claveriaCristian

    maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito

    17/11/2024

      1
  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08/2024

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    20/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata