logo text

Chapter 80: The Undefeated

Huli na nang malaman kong may nakabangga ako. Mabuti na lang hindi ako natumba at nasalo niya ako. "Ayos ka lang?" tanong niya sa 'kin. Tumingala ako para makita kung sino siya. "So-so-sorry, Clark." Lumayo ako sa kaniya nang mapansin ko ang sitwasyon namin.
"How are you feeling? Maputla ka."
"Wala 'to, Clark. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kaniya. Humakbang siya papalapit sa 'kin kaya napaatras ako. Patuloy pa rin siyang humahakbang papalapit sa 'kin.
"A-anong ginagawa mo? Pinagtitinginan na tayo, nakakahiya." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "May problema ka ba?" tanong niya sa 'kin.
"W-wala, pa'no mo naman nasabing may problema ako?"
"Hindi ko alam." Binitawan niya ako tsaka niya ako tiningnang mabuti. "Pero kasi, kabisado ko na ang mukha mo 'pag may problema ka." Hindi ko napigilang yumuko dahil sa sinabi niya. Tama siya, hindi imposible 'yun kasi laging siya ang natatakbuhan ko 'pag may problema ako. Siya ang naiiyakan ko bukod kay kuya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at itinaas niya ang mukha ko para makita ko siya. "Tama ako, may problema ka nga. So what is it?"
"Calling for the players of Taekwondo from different colleges, please proceed here in the gymnasium. We will start after five minutes. Thank you." Napatingin ako sa gitna ng gymnasium, nagsisidatingan na ang mga players.
"Teka Jean, panoorin natin sila. Mukhang maganda 'yung laban." Hindi na ako nakapagsalita pa at hinila niya ako sa may bandang harapan. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na ang laban.
"Jean, kalaban ng college niyo 'yung mga i.t. Sa tingin mo, sinong mananalo?" tanong niya sa 'kin. "H-hindi ko alam." Pinagmasdan ko ang pambato namin sa Taekwondo, wala siyang laban sa kalaban niya. Nakakaawa, napupuruhan siya. Ilang ulit siyang sinipa sa ulo ng kalaban niya hanggang sa napahiga siya.
"The winner is College of Information Technology!" Naghiyawan ang mga estudyanteng nanonood. Napatingin ako sa susunod na sasabak sa laban, mula 'yon sa kabilang section. Kakayanin niya kaya ang kalaban niya?
Nagsimula na muli ang laban at nasipa na kaagad siya sa ulo niya. Napansin kong mula sa malayo si Professor Castillo, nakatingin siya sa 'kin. Bakas sa kaniyang itsura ang pag-aalala.
"Bakit ka namumutla Jean? Hindi ka ba mahilig sa actions? Ayos ka lang ba?" Hindi ko siya sinagot at patuloy ko lang nilikot ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kinakabahan ako.
"Dapat sinabi mo kaagad sa 'kin, tara umalis na tayo rito." Akmang hihilahin niya muli ako ngunit nagsalita ako.
"Clark, maniniwala ka ba sa 'kin kung sasabihin kong gusto kong sumali sa Taekwondo ngayon?"
"Ha? Seryoso ka ba d'yan?" gulat na gulat na tanong niya.
"Hindi ko alam, pero kasi... matatalo kami."
"Ano naman kung matatalo kayo? Hindi kita hahayaang masaktan d'yan!"
"Pero hindi ko naman hahayaang masaktan nila ako." Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. Tiningnan niya akong mabuti. "Pero Jean... hindi ko nga alam kung marunong ka d'yan, bakit ka sasali? Masasaktan ka lang."
Binigyan ko siya ng isang ngiti. Ngiting magpapawala ng bagabag na nararamdaman ng isang kaibigan. "Kaya ko. Magtiwala ka, Clark. Hindi sa lahat ng oras mahina ako, sa pagkakataong 'to malalaman mo kung saan ako magaling."
"Jean... Alam mo namang gusto kita at may tiwala ako sa 'yo pero..."
"Sinungaling. Wala ka kayang gusto sa 'kin. Huwag ka ngang ano d'yan! Magtiwala ka sa 'kin, ngayon!" Sigaw ko.
"Tandaan mo Jean, susuportahan kita." Ngumiti siya sa 'kin.
"Panonoorin kita. Sakaling may mangyari sa 'yong masama, nandito lang ako."
"Salamat, Clark." Hindi ko napigilang yakapin siya. Ang tagal ko ring hindi siya nakausap. Aaminin ko, na-miss ko ang kakulitan niya. "Sana lang Clark, hindi nila malaman ang tungkol rito. Sana hindi magbago ang tingin niyo sa akin kapag nalaman niyo ang totoo." Natatakot ako na baka layuan ako nila Karen. Pero... gusto kong maglaro. Pupusta ako. Bahala na.
Tumayo ako sa upuan ko at pumunta kay Professor Castillo. Kung ano man 'tong desisyon ko, paninindigan ko na 'to.
"Ms. Duerre..."
"Gagawin ko na po Professor." Ngumiti siya at may inabot siya sa 'kin. "Sabi na nga ba't hindi mo matitiis na hindi sumali. Mabuti at nakapaghanda ako ng dobok mo."
Nagpalit ako ng damit sa c.r. Na-miss kong magsuot ng ganito. Ang sarap sa amoy ng dobok na ito. Umaapaw sa kaligayahan ang nararamdaman ko. Mali man 'tong desisyon ko o tama, pero ito talaga ang gusto ko. Salamat kay Clark.
"Remember this Ms. Duerre, I'll take the responsibility. Please, do your best," sabi sa 'kin ni Professor Castillo.
"From College of Hospitality Management and Tourism, on the red corner, Ms. Heather Jean Duerre and from the College of Engineering, on the blue corner, Ms. Carmina San Diego!" Bakit kailangang sabihin na kasali ako? Nako naman. Mukhang mapupurnada ata na ilihim ko pa 'to kina Karen. Paano na?
Pumunta na lang ako sa gitna ng gymnasium kung saan may nakalatag ng poem na malambot. Nag-bow kami sa isa't isa. Lumayo muna ako para tingnan si Clark. Napatigil ako nang makita ko ang katabi niya. R-raven?
Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang mukha niya. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Lumalim 'yung paghinga ko, kakayanin ko ba?
Naramdaman ko ang pagsipa ng kalaban ko sa leeg ko kaya napahiga ako. Raven... bakit?
Bakit ka nandito?
Lalayuan mo ba ako 'pag nakita mo ako sa sitwasyong 'to?
Hahayaan ko na lang ba na matalo ako o pipilitin kong manalo?
Raven...
Bakit ganito ako kaapektado sa 'yo?
Kumuyom ang kamay ni Raven at alam kong bumulong siya ng 'aja'. Raven, naman. Ganito ba 'yung naramdaman mo nung ginawa ko rin 'yan sa 'yo? Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakalito. Bakit ganito?
Pinilit kong tumayo. Kailangan kong manalo rito. Kailangan kong patunayan ang sarili ko sa lahat ng tao lalo na sa mga taong akala'y mahina ako.
Tatlong sunod-sunod na sipa ang natanggap niya. Sinipa ko muli siya sa mukha niya.
"The winner is College of Hospitality Management and Tourism!" Napatingin ako kay Raven. Ngumisi siya. Tss, ngayon alam mo nang hindi ako mahina kaya 'wag mo na akong mamaliitin sa susunod.
Naka-abot ako ng semi-finals, at sobrang saya ko. Hanggang sa dalawa na lang kaming magkalaban. Malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa loob ng gymnasium nang sabihing ako ang nanalo.
"Ang galing mo Jean! Whaaaah!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Karen at Maine. Hindi ko alam kung maiiyak ako kasi ibang-iba 'to sa inaakala ko. Napanood nila ako pero imbes na magalit sila sa 'kin ay binati nila ako. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ang saya-saya ko!
"Congratulations Ms. Duerre," bati sa 'kin ni Professor Castillo. May tinawag siyang medic para gamutin ang sugat sa leeg ko. Medyo malakas rin ang pagkakasipa sa 'kin ng kalaban ko kanina kaya sumasakit talaga ito.
"Salamat po Professor."
"Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo dahil sumali ka."
"Kumusta nga po pala 'yung ibang sumali?" tanong ko.
"Okay na sila. Actually, natutuwa sila kasi nanalo ang college natin. Sana manalo tayo sa overall champion kasi may cash prize, malaking tulong na rin 'yon sa college natin para madagdagan 'yung mga heavy equipments para sa Laboratory niyo." Kaya pala pursigidong-pursigido si Professor at nag-research pa siya ng kung ano-ano.
"Salamat po Professor sa pagkakataon," wika ko sa kaniya. Natapos na akong gamutin at nagpaalam na rin sa 'kin si Professor. Medyo sumasakit ang leeg ko, para tuloy akong may stepneck.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at pumunta ako sa bleachers kung saan naroroon sila Karen dahil hinihintay ako. Sinalubong naman nila ako ng yakap.
"T-te-teka, masakit 'yung leeg ko." Binitawan na nila ako. Napahawak ako sa leeg ko at napangiwi.
"Sorry Jean, pero hindi mo naman sinabi sa amin na magaling ka pala sa sipaan!" sabi ni Maine.
"Oo nga, sana man lang sinabi mo sa 'min na sasali ka do'n eh di sana mas naagahan namin ang pagpasok sa school at napanood ka namin mula simula!"
"Tsaka ang sabi mo sa 'min wala kang sports, nagsinungaling ka pa sa 'min."
"Peace. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niyo." Nag-peace sign ako sa kanila.
"Bakit naman? Sobrang talented mo pala. Grabe. Proud na proud akong maging kaibigan mo." Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga ito inaasahan.
"Oo nga pala! Tara na sa activity center, do'n maglalaro sila Kurt! Nauna na sila sa atin kasi sila raw ang unang maglalaro kalaban ang BSBA."
Agad kaming pumunta sa Activity center. Puno na ng mga estudyante ang buong hall. Naghanap kami ng mauupuan at buti may umalis sa harapan kaya sumingit kami do'n. Pasimuno sa pang-aagaw ng upuan si Maine hahaha.
Hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko si Raven pero nawala rin 'yon nang makita ko si Arthur? Hawak ni Arthur ang bola at hinaharangan siya ni Raven. Napatayo ako sa gulat.
"Foul! Player number 10!"
###

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Christian claveriaCristian

    maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito

    17/11/2024

      1
  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08/2024

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    20/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata