"Exhuge me! Padaan nga!" sigaw ko pero hindi nila ako naririnig. Siniksik ko ang sarili ko sa kanila pero hindi pa rin ako makasingit. Naitutulak pa nga nila ako eh. Bakit kasi kailangan sa harap pa ng gate pumunta? Tsaka bakit kasi lumabas pa siya sa kotse niya. Kayabangan talaga! "Padaan po mga neneng!" Tiningnan naman ako ng isang babae nang masama. Inirapan niya ako. Ang taray ha! Paano ako makakapunta kay kuya? Kailangan kong umisip ng paraan! "Tumabi nga kayo! Hindi niyo ba alam na kuya ko 'yan?" sigaw ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin. "Kuya mo? Maniwala?" "Kuya mo ang gwapong 'yun?" Tumingkayad ako para makita si kuya na damang-dama ang bunga ng kan'yang kagwapuhan. Ang hangin talaga! "Oo siya ang kuya ko! Kaya tumabi kayo at dadaan ako!" sigaw ko pa pero nag-cross arms lang sila at tiningnan ako nang masama. "Hindi niyo ba alam na nagkakamali kayo na dinudumog niyo siya? Ang baho ng hininga niya at may alipunga siya! Tapos may putok si kuya kaya umalis na kayo! Bulok pa ang ngipin niya sa may bagang! Kaya kadiri si kuya! Alis na kayo! Shooo! Shupi!" Nanlaki naman ang mga mata nila at nandiri. Wala pang isang minuto ay nawala na ang mga neneng chakababes na nasa harapan ko kanina. Nakita ko si kuyang nakatingin sa 'kin nang masama. Lumapit ako sa kaniya at nag-peace sign. Pinisil niya ang kanang pisngi ko kaya napa-aray talaga ako sa ginawa niya. "Ano ba kuya? Bakit mo ginawa 'yon?" asik ko sa kaniya. "Eh bakit mo rin ako pinahiya ah? Kailangang siraan ako?" sigaw niya kaya natawa ako sa reaksyon niya. "Hayaan mo na kuya, hindi mo naman kailangan ang opinyon Ng iba. Alam naman namin ni Ate Allen na mabango ang hininga mo at wala kang putok at alipunga! Kaya 'wag ka nang magalit, ginawa ko lang 'yun para hindi ka na dumugin kahit na gustong-gusto mo naman." "Inuto mo pa ako, tara na nga." Pagkasakay ko sa kotse ni kuya ay pumunta kami sa isang fast food chain. Nag-take out kami ng mga pagkaing kakainin namin sa bahay. "Kuya, kumusta na nga pala kayo ni Ate Allen?" tanong ko nang makapasok na ako sa kotse niya. Tumingin siya sa 'kin bago niya hinawakan ang manibela. Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. "Nakipaghiwalay siya sa 'kin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano?" Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil nag-break na sila at mapapatunayan kong wala talagang forever pero kasi mahal na mahal ni kuya si Ate Allen. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Bakit naman kaya hihiwalayan ni Ate Allen ang gwapo kong kuya? Kaya pala lumungkot ang mukha niya nang mabanggit ko ang pangalan ni Ate Allen kanina. "Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko pa. "Nawawalan na kasi ako ng oras sa kaniya dahil sa trabaho ko pero sinusubukan ko naman lahat ng kaya ko para ibigay ang oras na natitira sa 'kin pero wala eh, nagalit siya kasi akala niya tine-take for granted ko lang siya." Take for granted? Ano 'yon? Gusto ko sanang itanong sa kaniya 'yun kaso baka masira ang moment niya. "Pumayag kang makipaghiwalay, kuya?" "Wala naman akong magagawa. Kung saan siya masaya, doon ako, kung anong gusto niya, pagbibigyan ko siya. Tsaka, hahanapin niya raw muna ang kapatid niya." Napatigil ako. Naalala ko na naman ang kapatid ni Ate Allen, si Lorenz. "Mag-iisang taon na ring wala si Lorenz kaya nag-aalala na siya. Pupunta siya sa States, dahil baka nasa grandparents daw nila si Lorenz kaya wala akong nagawa." Bakas sa mukha ni kuya ang lungkot. Tatanga-tanga kasi, bakit kasi pumayag? "When you love someone you need to let her go," wika niya tsaka pinaandar ang kotse niya. "No kuya, if you really love each other hindi mo hahayaang magkahiwalay kayo. Imbes na 'yung ganitong oras magkasama kayong bumubuo ng magagandang memories eh nasasayang lang dahil tinitiis niyo ang isa't isa." Tumingin siya sa akin saglit. "Minsan, you need to give it a time, Jean. Kapag kayo naman talaga para sa isa't isa, magkakabalikan kayo." Umiling ako. "No kuya, kapag mahal mo hindi mo dapat tinitiis na masaktan, hindi mo dapat iniiwan. Hindi mo dapat hinahayaang maging komplikado ang isang bagay na pwede namang ayusin." Marahan siyang ngumiti. "Case to case basis din kasi, Jean. You have a point but sometimes, you just got to let it go to bring it back on its own." Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero nakaramdam ako ng awa kay kuya. Kung titingnan siya, akala mo wala siyang problema pero meron pala. Ganito siguro ang mga lalaki. Siya kasi 'yung tipong hindi mo mahahalatang may problema, malihim siya hindi tulad ko. Hindi ko nga inaasahang sasabihin niya ang tungkol sa kanila ni Ate Allen ngayon, siguro wala na rin talaga siyang masabihan ng problema niya bukod sa akin. Mabuti na rin 'yon baka magpatiwakal siya 'pag kinimkim niya pa lalo. Pagkauwi namin sa bahay, iginarahe ni kuya ang kotse niya at pumasok na kaagad siya sa kwarto niya. Ako na ang nagdala ng mga binili namin sa mabilis na pagkaing kadena. Sumalubong sa 'kin si mama. "May problema ba ang kuya mo?" "Wala po mama, pagod lang po siguro. Binwisit ko po kasi eh," pagdadahilan ko. Ayaw ko na ring malaman ni mama ang nangyari. Alam niya rin kasing may girlfriend si kuya at si Ate Allen 'yun baka 'pag nalaman pa ni mama na wala nang girlfriend si kuya, baka mag-alala pa siya. "Ikaw talaga, Jean. Mag-aral ka ngang maging mabait sa kuya mo, hindi 'yung lagi mo siyang pinipuwerwisyo. Hay nako, Jean." "Opo mama. Kain na po tayo." Inilapag ko sa lamesa ang mga binili ni kuya. Kumuha ako ng pagkain. "Ma, dadalhan ko lang po si kuya sa kwarto." "Mabuti." Umakyat ako sa hagdanan at kumatok sa pinto ng kwarto ni kuya. "Pasok." Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nasa study table niya. Inilapag ko ang pagkain sa harapan niya. "Para maka-move on ka na," sabi ko sabay abot niya sa burger na hawak ko. Umiling lang siya tsaka niya 'yun kinain. "Kuya maiwan na kita rito ha? Basta 'pag naisip mong magpakamatay tawagin mo 'ko para sa dying message mo," pang-aasar ko sa kaniya. "At saan mo naman natutunan ang salitang dying message ha? Napapansin kong nag-iimprove ka na sa English ah," tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabihan mo na lang ako ng bobo, pinahaba mo pa. Tsk, aalis na nga ako." Paalis na ako nang magsalita siya. "Salamat, Jean." Nilingon ko muli siya. "Kakayanin mo 'yan, kuya. May tiwala ako sa 'yo." Lumabas na ako sa kwarto niya at pinuntahan ko muli si mama. Kinabukasan pagkagising ko, tiningnan ko si kuya sa kwarto niya. Titingnan ko lang kung buhay pa siya. Nakita ko siyang nakadapa, natutulog pa yata pero 'di ba, may pasok siya sa trabaho? "Kuya! Hindi ka ba papasok?" Hindi siya nagsalita. Teka, humihilik ba siya o umiiyak? Lumuhod ako para makita ko si kuya nang maigi. Napansin kong basa ang unan at 'yung gilid ng mata niya ay basa rin. "May sipon lang ako, Jean." "K-kuya? Paano ka makakahinga n'yan kung nakasubsob ang mukha mo sa unan?" tanong ko. "Iwan mo muna ako, Jean." "P-pero kuya, paano ka?" "Iwan mo muna ako." "S-sige, sasabihin ko kay mama hindi ka muna papasok sa trabaho mo dahil masama ang pakiramdam mo." Hindi niya na ako sinagot. Tumayo na lang ako at lumabas sa kwarto niya. ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat