"Go Karen! Go Karen! Ikaw ang pag-asa! Hey!" paulit-ulit na sigaw namin ni Maine. Kasalukuyang naglalaro si Karen at ang team niya sa volleyball kalaban ang team ng Engineering students. Nandito rin sina Kurt, Clark at ehem si feeling close. Nanonood rin sila at ewan ko kung sino ang sinusuportahan nila. "Sabihin mo sa 'kin Jean, may gusto ka ba kay Raven?" bulong sa 'kin ni Maine. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Wala noh!" pagtatanggi ko. "Maniwala sa 'yo? Tsaka okay lang naman na may gusto ka sa kaniya, hindi na naman ako magtatampo sa 'yo. Dapat tigilan na natin ang pagiging bitterella." "Aba bakit naman Maine? May gusto ka na talaga kay Clark no?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Huwag ka ngang maingay. Ang lapit lang kaya nila sa atin, baka marinig ka niya." Nailagay ko ang kamay ko sa bibig ko kasi hindi ako makapaniwala. "Kadiri ka Maine! Hindi bagay sa 'yo! Mas bagay sa 'yong laging bitter at humuhugot." "Mas bagay kaya sa 'kin si Clark." Tinayuan naman ako ng balahibo dahil sa sinabi niya. Yak! "Hoy Maine, tandaan mo 'to. Huwag kang masyadong magpadala sa mga cheesy lines o kamanyakan ni Clark. Alam kong mabait naman si Clark kaso alam mo 'yun, kilalanin mo pa siya," payo ko sa kaniya. "Haler? Oo naman noh, hindi naman ako easy to get. Nakakaasar lang kasi, nalaman niyang may gusto ako sa kaniya kahit 'di ko pa sinasabi." "Paano ba naman? Masyado kang halata." Natahimik siya sandali at talagang tinitigan ako. "Oh anong nasa isip mo?" tanong ko sa kaniya. "Iniisip ko kasi, kung may pag-asa bang magkagusto rin siya sa 'kin. Alam mo 'yun, parang gusto ko nang ako na 'yung manligaw sa kaniya." Natawa naman ako sa sinabi niya pero nalungkot rin ako. "Hindi ko alam kung anong mali sa 'kin pero kasi wala akong nakikitang sign na may pag-asa ako sa kaniya." May naalala tuloy akong kanta. ...Kung tameme ka tsong, ako na ang manliligaw... "Alam mo Maine, maghintay ka lang, kasi may tamang panahon sa lahat ng bagay. Malay mo hindi pala siya ang binigay sa 'yo ng Dios akala mo lang siya, kaya maghintay ka lang." "Ang hirap kasing maghintay Jean, hindi mo alam kung may hinihintay ka ba o naghihintay ka lang sa wala. Nakakasawa kayang maghintay, nakakaput*ngina." Natawa ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya si Maine, kung hindi siya humuhugot at nagmumura. Siguro pagdating ng araw, masasanay na ako. Halos lahat ng nasa paligid ko, ang lulutong magmura eh. "Hay nako, ang lungkot naman ng pag-uusap natin, Maine. Malalaman mo rin ang sagot sa mga tanong mo, pagdating ng tamang panahon." "Sabagay, nag-iiba ang atmosphere kapag tungkol sa pag-ibig ang pinag-uusapan. Parang masyadong malungkot. Hindi bagay sa atin." Ibinalik namin ang atensyon namin sa panonood kay Karen. Inilabas ko ang DSLR ko na nakasabit sa leeg ko at tinututok ko sa kaniya ang camera ko. Injerness, ang ganda niya talaga. Ang swerte ko talaga dahil ang gaganda ng mga kaibigan ko. Napatigil ako nang sumigaw ang lahat. Napatayo ako sa upuan ko nang makitang nakadapa si Karen sa court. "Hey! Palitan niyo muna si Karen!" sigaw ni Kurt at binuhat niya si Karen mula sa pagkakahiga nito sa gitna ng court. Nadapa siya dahil pinilit niyang saluhin ang bola kanina. At dahil o.p ang boyfriend niya as in overprotective ay ayun inasikaso at pinaupo. Nilapitan namin sila ni Maine. "How are you feeling?" tanong ni Kurt kay Karen. "Okay lang ako. Babalik na ako sa laro." Tatayo na sana si Karen nang muntikan muli siyang bumagsak. "Sira ka ba? May sprain ang paa mo tapos babalik ka pa sa laro?" pag-aalalang tanong ni Kurt. "Eh captain nila ako! Dapat hindi ako mawala sa laro!" sigaw ni Karen. "Kahit na. Maghintay ka rito, tatawag ako ng medic." Iniwan muna sa 'min ni Kurt si Karen at bantayan raw namin nang maigi. Huwag daw naming hayaang maglaro ulit. "Intindihin mo na lang si Kurt, nag-aalala lang siya sa 'yo," wika ko. "Alam ko naman 'yun, kaso lang kung magpapapigil lang ako sa simpleng sprain, hindi kami mananalo." "Tanga ka ba Karen? Sa tingin mo makakalaro ka nang ganiyan ang lagay mo? Mag-isip ka nga muna, at hintayin mo si Kurt." Natahimik siya sa sinabi ni Maine. Ilang saglit lang ay dumating na si Kurt. May ini-spray siya sa paa ni Karen at nilagyan niya 'yon ng benda. "Magpahinga ka muna saglit, mamaya ka na bumalik sa laro." "Kurt naman, change court na tapos lamang sila sa amin. Paano kami mananalo?" Huminga nang malalim si Kurt bago siya nagsalita. "Maghintay ka lang, okay?" Tumingin sa 'kin si Maine. Maghintay. Sa pagpupumilit ni Karen na okay na siya ay napilit niya rin si Kurt. Bumalik siya sa court at naglarong muli. Kahit na medyo iika-ika siya ay patuloy pa rin siyang naglalaro. Tama talagang siya ang captain nila dahil magaling siya. Nanalo sila sa unang laro pati sa mga sumunod na laban. Masaya akong napanood ko ang laro nila Karen. Dahil sa kanila, may makukuhang gold medal ang college namin. "Ang galing-galing mo Karen! Proud na proud kami sa 'yo! Tatlong laro sa isang araw? Nakaya niyo! Grabe!" Nakaupo kami sa may bleachers at nagpapahinga. "Ano ka ba? May pahinga naman 'yun? Tsaka salamat rin sa suporta niyo!" Nagyakapan kaming tatlo sa saya. "Sana manalo rin kami sa Cheerdance competition!" wika ni Maine. "Oo naman for sure 'yon hahaha!" Nawala ang saya ko nang makita ko si Raven kasama sila Clark at Kurt na papalapit sa 'min. "Congrats!" Niyakap ni Kurt si Karen. Eh 'di sila na ang may forever. Napatingin ako kay Raven, nakatingin rin siya sa 'kin. Yikes! Bakit ba lagi ko siyang nakikitang nakatingin sa 'kin? Hindi kaya, totoo 'yung sinabi ni kuya sa 'kin noon, na kapag crush mo raw ang isang tao akala mo lagi siyang nakatingin sa 'yo kasi umaasa ka pero hindi naman daw talaga at binibigyan mo lang ng malisya. Hay nako, kahit kailan panira talaga si kuya sa imagination ko. "Bukas naman sa 'min, panoorin niyo kami ha?" wika sa 'min ni Kurt. "Oo naman, susuportahan namin kayo!" "Ay kabayo si Jhope!" Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si kuya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumayo ako kina Karen. "Hello kuya?" sagot ko sa tawag niya. (Where are you?) Talagang sinusubukan ni kuya ang english skills ko. Buti na lang medyo may natutunan ako kay Raven. "Nasa school pa ako." (Good. Nandito ako sa gate niyo. Maaga ang uwi ko kaya sinusundo kita.) Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Talaga? Salamat naman at hindi ako maglalakad ngayon!" Mas lalo akong na-excite sa sinabi niya. (Kaya bilisan mo nang lumabas, baka magbago pa ang isip ko at umalis dito. Dinudumog na ako ng mga estudyante rito.) May narinig nga akong mga tilian ng babae at 'ang gwapo naman niya' sa background. Nako kuya, kung mas maaga mo lang sinabi na nandito ka eh 'di sana hindi ka dinudumog ng mga chakababes. Ibinaba ko na ang tawag at pumunta ako kina Maine para magpaalam. "Karen, Maine, mauna na ako sa inyo ha?" paalam ko sa kanila. "Sige! Ingat ka!" Nginitian ko sila at tsaka ako napatingin kay Raven. Simula ngayon, iiwasan ko ng tumingin sa kaniya, lumalakas ang tibok ng puso ko eh. Tumakbo na ako palabas ng gate at nagulat ako kasi ang daming mga babaeng nakaharang. ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat