"Raven!" Paulit-ulit kong sinigaw ang pangalan niya habang hinahabol siya pero parang hindi niya ako naririnig at patuloy lang siyang naglalakad nang mabilis. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Anong problema niya? Pagkauwi ko sa bahay hanggang sa pagtulog, iniisip ko kung anong problema ni Raven sa akin. Alam ko namang ang lakas nang pagkakasigaw ko kanina at naririnig niya ako. Ultimo mga ibang estudyante nakatingin na sa 'kin kanina eh dahil ang lakas nang pagkakasigaw ko pero hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung kulang ba talaga sa lakas 'yung boses ko kaya hindi niya alam na sinisigaw ko 'yung pangalan niya o sadyang hindi niya lang ako pinapansin at nagbibingi-bingihan siya. Kinabukasan, pinilit ko talagang maagang gumising at pumunta sa South Middleton University. Ewan ko sa sarili ko. Nasa gate ako at inaabangan si Raven, kulang na lang bilangin ko lahat ng estudyanteng dumadaan at pumapasok sa gate. Ako na ang papalit kay Manong guard dito, sigurado. "Miss, hindi ka pa ba aalis dito? Baka nagsisimula na ang klase mo. At tsaka baka may makakita sa 'yong teacher dahil tumatambay ka rito," sabi sa 'kin ni Manong Gardo. Bagay na bagay talaga ang posisyon niya dahil sa pangalan niya. Gardo the Guard mwehehehe. "Mamaya pa po ang klase ko, tsaka may hinihintay po kasi ako." "Hinihintay? Mag-iisa't kalahating oras ka nang naghihintay d'yan, hindi pa ba sapat 'yon?" Napatigil ako sa sinabi niya. Agang hugot ah. Sasagot na sana ako nang makita ko si Karen. "Oh Jean? Anong ginagawa mo d'yan? Hindi ka pa ba papasok sa room?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi pa. Mauna ka na, susunod ako." Tinulak ko na siya palayo sa akin para makapasok na siya sa room. Mamaya, ma-late pa siya dahil sa 'kin. Mag-aalas siyete na kasi at may klase na ako pero kasi, sayang naman ang paghihintay ko dito kung hindi ko na ipagpapatuloy. Mamaya pag-alis ko biglang dating ni Raven. "Hoy Jean! Hindi ka pa ba papasok? Male-late na tayo! Tara na!" Hinila ako ni Maine nang makita niya ako sa gate. "T-t-teka Maine, mauna ka na." Tinanggal ko 'yung kamay niya sa braso ko. "Anong mauna na ako? Hindi, isasabay na kita. Mukha kang tanga do'n sa gate, tara na." Hinila niya ulit ako. Bakit ba kasi ang kulit-kulit ni Maine? "Hindi! Mamaya na ako! Mauna ka na!" "Hindi! Sasama ka na sa 'kin!" Hinila niya ulit ako pero nagpapigil ako. "Please Maine, susunod ako." Tiningnan niya ako nang maigi bago siya huminga nang malalim. "Huwag kang male-late ha?" Tumango ako. Nagmadali na siyang tumakbo papunta sa building namin. Ako naman ay bumalik sa may gate habang nag-aabang. Kalahating minuto pa ang lumipas nang makita ko ang hinihintay ko. "R-raven," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang siyang naglakad. Sinundan ko siya habang tinatawag ko ang pangalan niya pero hindi niya ako nililingon. "Raven naman! Kausapin mo ako, utang na loob!" Hindi ko na napigilan pang sumigaw. Dalawang oras mahigit akong naghintay sa kaniya doon sa gate tapos hindi niya lang ako papansinin. Napatigil siya kaya naabutan ko siya. Lumingon siya sa akin at tiningnan ako. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang araw ko siyang hindi nakita at grabe, aminin ko man sa hindi, talagang na-miss ko siya. Shems, paano ba namang hindi 'di ba? "What now?" tanong niya. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko rin. Nakita ko siyang ngumisi kaya napalunok ako. "Why would I?" tanong niya pa. "Hindi mo ako kinakausap..." "Anong tawag mo rito?" sigaw niya. "H-hindi ka na rin sumasabay sa 'min kumain. Ano bang problema?" "Ano naman sa 'yo? Kailangan ba lagi akong sumabay sa inyo kumain? May sarili akong buhay. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko." Napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan ko ang lungkot na nararamdaman ko lalo pa't mababaw talaga ang luha ko baka kasi umiyak ako nang 'di oras sa harap niya at pagtawanan niya ako. "Pero kasi... Hindi lang kami sanay na wala ka." Oo Raven, hindi ako sanay na wala ka at sana alam mo 'yun. "Pwes, masanay ka na." Tinalikuran niya ako at naglakad siyang muli. "Pero bakit mo ako niyakap? Wala lang ba iyon?" sigaw ko. Kailangan mong sagutin ang tanong ko Raven. Ano ba talaga? Tumigil siya sandali ngunit ipinagpatuloy niya rin ang paglakad niya. "Pinaglalaruan mo ba ako?" Ngunit hindi niya na ako pinansin pa. Ni hindi na siya lumingon sa akin at nag-abalang sagutin ang tanong ko. Huminga ako nang malalim. Ano bang problema? Ano bang problema ko? Tulala akong naglakad papunta sa room. Ang dami ko nga sigurong nabangga eh dahil tatanga-tanga ako. Napansin kong hindi papunta sa room ang tinatahak ko kundi papunta sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at kung bakit mas pinili kong hindi pumasok at tumambay dito. Umupo ako sa isang tabi at inisip ko ang mga nakaraang nangyari sa akin. Ang gulo-gulo mo Raven. Hindi kita maintindihan. Mabait ka minsan pero biglang magiging masama ang ugali mo. Nalilito na ako sa katauhan mo, may sakit ka ba? Hindi ko napansing nakatulog na pala ako kakaisip. Nagising ako nang may narinig akong tunog sa cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa ko at tiningnan kung sino. Si Clark. "Hello?" (Hoy! Nasaan ka na bang babae ka? Kanina hindi ka pumasok, ngayon hindi ka rin pupunta sa practice game nila Clark?) sigaw sa 'kin ni Maine. Tiningnan ko muli ang pangalan ng tumatawag. Akala ko ba si Clark ang tumatawag. Bakit boses ni Maine 'to? "T-teka, susunod ako. Sa gym ba?" (Ayan ka na naman sa susunod na 'yan, tapos hindi. Aba't, ano bang nangyayari sa 'yo? Pumunta ka rito at kakausapin ka namin ni Karen!) Para talagang nanay 'tong si Maine. "Opo, nay." Ibinaba ko na ang tawag niya at inayos ko ang aking sarili. Bumaba ako sa building na iyon at naglakad papunta sa gym. Bago pa man ako makapasok ay may humarang na sa akin. Tiningnan ko siya bago ko napagpasyahang 'wag na silang pansinin. Nilampasan ko siya ngunit hinila niya ang buhok ko. "How dare you to ignore me?" ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat