Kinagabihan tumawag si papa sa skype. Kinamusta ko siya, syempre. Tinanong niya kung nag-aaral ba ako nang mabuti, sabi ko 'Medyo'. Talaga naman ah! Wag nga kayo! Bobo ako pero pinupush ko naman ang sarili kong matuto, minsan. Pumasok na ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop at nag-log in sa wattpad. Pinindot ko 'yung 'works' at nagsimulang mag-type. DIARY NG HINDI KILALANG WRITER ENTRY: Ngayong araw, nalaman kong si Xyrah at Sheen pala ang may pakana kung bakit ako nasa hospital ng isang linggo. Gusto kong magalit sa kanila dahil sa ginawa nila sa 'kin pero mas pinili kong hindi na. Ayaw kong may masama na namang mangyari sa akin kaya kung maaari, palalampasin ko na lang 'yun. Hindi ko sila lalabanan hangga't kaya kong pigilan ang sarili ko. Hindi ko nga alam ang gagawin ko sa nalaman ko. Narinig at nakita namin ni Clark ang pag-uusap nila. Pinakiusapan ko siyang 'wag sabihin kay Raven ang nakita namin dahil natatakot ako. Ngayong araw, nalaman ko ring mahal pa ni Raven si Sheen kaya mas dapat talaga na 'wag nang sabihin ang sikreto namin. Tama nang hindi niya alam. At okay na okay ako roon. Ngayong araw din ay nakasama ko si Clark. Hinatid niya ako pauwi. Sobrang saya niyang kasama hindi katulad ni Raven. Ang sabi niya sa akin, seryoso raw siya. Natawa naman ako. Seseryosohin ko rin ba ang sinabi niya? O baka joke lang 'yun. --- Pinost ko na ang entry ko ngayong araw. Tama kayo ng nakikita, 'yan talaga ang pinagkakaabalahan ko sa wattpad. Walang kwenta pero maraming nagbabasa. Siguro kasi hindi basta 'to kwento kasi totoong nangyayari sa buhay ko. Napatingin ako sa mga comments. Ngumiti ako. Ito talaga ang masayang pakiramdam, 'yung may pakialam sila sa buhay mo. @LhynChristengg123 : Namiss kita Miss. Jean. Ang tagal mong hindi nag-update. @allysasuzzaene : 'Yung Clark ba 'yung naikwento mong manyak? Ay grabe! Baka manyakin ka rin nu'n! Beware! @Nicolenglengss : Nako! Saan ka ba nakatira Miss Jean? Gegerahin ko 'yang mga umaaway sa 'yo. @iamdreamer28 : Grabe! Grabe! Grabe! Akala ko ba ex na ni Raven si Sheen? Bakit 'di pa siya maka-move on? Ni-replyan ko naman sila. Salamat kasi kahit papaano may nagbabasa ng madramang buhay ko. Isang malaking sikreto ang isinusulat ko. Alam nila mama at kuya pati ni Maine at Karen na nagsusulat ako sa wattpad pero hindi ko sinasabi kung anong isinusulat ko o anong username ko. Syempre, hindi yata gumana 'yung bobogenes ko nang maisip ko 'yun. Hehehe Kinabukasan, maaga akong nagising. Promise, ang saya pala sa pakiramdam ng hindi mo kailangang magmadali sa pagpasok kasi alam mong may time ka pa. Sana pala, mas maaga akong natutong maging maaga. Kasi tama naman na kapag nagmamadali madalas nagkakamali... Haist. Pagkalabas ko ng bahay ay may nakita akong kotse. Nakita ko siyang nakasandal doon. Ano na naman bang ginagawa niya rito? Aga-aga! "Hoy Clark!" sigaw ko. "Good morning too Jean," mapang-asar na bati niya. Talaga naman. "Sabay na tayo sa pagpasok." Wala naman akong magagawa eh, kaya sumakay na ako. Buti hindi ako nauntog kundi ipapamukha ko na talaga sa sarili ko na tanga ako. Minaneho niya na ang sasakyan niya. Tiningnan ko siya nang maigi. Ano bang plano ng isang 'to? Totoo bang may gusto siya sa 'kin-err—nakakapangilabot naman ang taong 'to. "Baka matunaw ako niyan, Jean," nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang rin ako sa kaniya. Naalala ko, 'di ba manyak ang isang 'to? 'Yun ang sabi ni Maine pero bakit hindi naman. Mabait naman si Clark tapos gwapo. Syempre, sasabihin ko bang hindi kung totoo namang gwapo siya? Hehehe "Anong oras ang una mong klase?" tanong niya. "7:30, ikaw?" "Pareho pala tayo. Anong oras na ba? Tanong niya pa. Tiningnan ko ang relo ko. "6:45" "Kain muna tayo?" tanong niya. "Libre mo ba?" pang-aasar na tanong ko. "Oo naman." Ipinark niya ang kotse niya. Bumaba na rin ako. Naglakad kami papuntang coffee shop sa loob ng school. Bongga nga eh, kasi ngayon ko lang nalaman na may lugar palang ganito sa South Middleton. Bagong tayo lang siguro. Pagkapasok namin, tulad ng napagkasunduan nilibre niya ako. At injerness, ang sarap nung binili niyang blue very chest cake. Ngayon lang ako nakakain nito eh. Akala ko boboforevs na ako, wala nga palang forever. "Dahan-dahan naman Jean," sabi niya habang humihigop ng binili niyang kape na malay ko kung anong pangalan. Hindi ako nagpabili ng kape dahil hindi ako umiinom nu'n tsaka nakakahiya na, tama na 'tong masarap na gawa sa bluevery na pagkain. "Pasensya na, ngayon lang talaga ako nakakain nito. Tsaka, patay gutom rin ako minsan," sabi ko sa kaniya habang nginunguya ko 'yung pagkain ko. Ngumiti naman siya sa akin. Okay? "You're adorable." Napakunot naman ang noo ko. Ano raw? Ado ano? Bakit ba kasi kailangang mag-english? Kumain na lang ako at hindi siya pinansin. "Oo nga pala Clark, sinabi mo ba kay Kurt 'yung narinig mo kay Xyrah?" tanong ko nang matapos ko 'yung kinakain ko. Whahaha walang awa eh. Simot na simot 'yung plato. Sorry na, patay gutom nga 'di ba? Umiling siya. "Kapag sinabi ko, may possibility na itanong niya sa 'kin kung paano ko nalaman. At baka usisain pa ako." "Ganun ba? Paano 'yun? "Ang mahalaga, 'pag may nangyaring masama sa inyo alam na natin kung sino ang suspect," sabi pa niya at hinigop na rin ang kape niya hanggang sa maubos. Tumango na lang ako. Lumabas na kami sa coffee shop at inihatid niya ako sa room namin. Aba'y napaka-swerte ko dahil may kasama at kausap ako habang naglalakad. Ang layo rin kaya ng nilakaran namin. Nakasalubong ko si Maine. Aligagang-aligaga siya. Tiningnan ko siya nang maigi at pinakalma. Tumingin siya sa amin ni Clark bago magsalita. "Na-na--nawawala si Karen!" ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat