Homepage/With You Forever/
Forever
"Jean, ayos na ba ang mga gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan?"
"Wala na po, ma."
"Sige, maganda na 'yung ready na tayo para sa flight natin bukas."
"Opo ma."
Lumapit ako sa kaniya. "Ma, pwede bang may puntahan muna ako ngayon? Mamimiss ko kasi talaga ang Pilipinas."
Ngumiti siya. "Sige."
Lumabas ako ng bahay at hiniram ang kotse ni Kuya. Isang taon na rin ang lumipas at may lisensya na ako. Natapos ko na rin 'yung two-year course ko at napagdesisyunan ni papa at mama na doon na lang ako magpatuloy ng pag-aaral sa Korea
Oo, na-petition na kami at doon na kami maninirahan. Doon na rin ako tuluyang magpapagamot tungkol sa sakit ko. Biruin mo, nag-best in English pala ako noon nung Grade six?
Bumaba na ako at tiningnan ang kabuoan ng gate ng Enchanted Kingdom. "The Magic Lives Forever"
"Forever." Napangiti ako.
Bumili ako ng ticket para makapasok sa loob. Naglakad-lakad ako. Nakita ko kaagad ang Wheel of Fate. Naalala ko na naman. Nung mga bata kami.
"Maghahapon na pala, saan mo gustong huling sumakay?" Tanong sa 'kin ni Kim.
"Doon sa ferris wheel." Turo ko. Pumila kami pasakay ng ferris wheel. Nang makapasok kami. Sinalubong niya ako ng tanong.
"Bakit naman gusto mong sumakay dito? Boring kaya 'to mas maganda sa roller coaster."
"Alam mo kasi Kim, sabi nila..." Dumungaw ako sa may bintana habang pinapanood ang paglubog ng araw. "...ang makakasama mo raw na manood ng sunset ay ang makakatuluyan mo sa huli. Naniniwala ka ba dun?"
Ngumiti siya. "Eh kung ikaw naman pala ang makakatuluyan ko, bakit hindi?" Pataas nang pataas ang sinasakyan namin. "'Pag hindi na kita nakita Jija, hahanapin kita."
"Ako ang unang makakahanap sa 'yo, Kim." Tawa ko. "Siguro katulad din sa mga palabas sa t.v. 'yung makakabangga kita pero iba, may twist 'yung atin. Mababangga kita ng bike."
"Marunong ka bang mag-bike?" Umiling ako. "Hindi ka naman pala marunong eh, paano mangyayari 'yon?"
"Kaya nga mababangga kita 'di ba? Kasi hindi ako marunong." Tumawa siya.
"Anong oras na ba? Bakit wala pa rin sila mama? Hindi ba nila ako hinahanap?" Malungkot kong tanong sa kaniya nang makababa kami sa ferris wheel.
"Makikita rin natin sila. Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Ililibre kita."
"Ayun! Ice cream! Masarap 'yun!"
"Hindi naman nakakabusog 'yan eh." Sagot niya.
"Kahit na. Masarap naman 'yan." Wala na siyang nagawa kundi bilhin ang gusto ko. Naglakad-lakad kami upang hanapin sila mama.
Napatingin ako sa isang tindahan ng mga bracelets.
"Kim, samahan mo 'ko. Dali ibibili kita." Nagpagawa ako ng bracelet dun kay ateng nagtitinda.
"Anong ilalagay ija?"
"K-I-M po." Isinuot ko kay Kim 'yung bracelet na pinagawa ko. "Ayan, 'yan naman ang remembrance ko sa 'yo. Huwag mong iwawala 'yan kasi 'yan ang palatandaan ko para mahanap ka."
"Pangako, hindi ko ito iwawala."
"Raven, nagkatotoo 'yung pagkikita nating muli. Nabangga kita ng bike pero mukhang hindi naman magkakatotoo 'yung kasabihan ko." Sabi ko sa sarili ko habang nakangiti.
Sumakay ako sa ferris wheel. Nararamdaman ko na naman ang lungkot. Kung sana binigyan kita ng oras. Kung sana pinagbigyan kitang makasama ako rito sana hindi ako nagsisisi.
Nagsimula na naman akong umiyak habang inaalala ang gabing 'yon.
Pababa na ako ng sasakyan niya nang magsalita siya. "Jean..." Tiningnan ko siya. "Sorry sa mga nagawa ko. Sorry kasi palagi kitang nasasaktan. Sorry kasi pinahihirapan kita. Sorry sa mga salitang masasakit na nasabi ko sa 'yo noon. Sorry kasi ngayon ko lang 'to masasabi sa 'yo... Sorry kasi m-mahal kita..." Nabasag ang boses niya. Kasabay no'n ay ang pagpatak ng luha sa mata niya. Unti-unting nadudurog ang puso ko. Para bang gumuguho ang mundo ko dahil nakikita ko siyang umiiyak.
"R-raven..."
"I'm sorry kasi kahit kasalanang mahalin ka, minahal pa rin kita. This is just wrong, I mean wrong. I'm just inlove with a girl who simply is just a perfect girl who I wanted to be with pero 'di mangyayari because we're stuck. I-I just can't hold it anymore, I've just been thinking you all night long before I sleep. I'm sorry Jean. I-I am very sorry. I have to end it even if it's so hard for me. I have to let you go."
Umiiyak ako pagkababa ng sasakyan niya. Mahal niya ako. Hindi ko pwedeng hayaan na lang na iwan niya ako kaya tumakbo ako para habulin ang sasakyan niya. Ayokong bitawan niya na lang ako basta-basta. Ngayon pang nalaman kong mahal niya ako, ipaglalaban ko siya.
Pumunta ako sa bahay niya pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya sa 'kin pero huli na. Nakita ko siyang pinapasok sa police car.
"Anong ibig sabihin nito? Bakit hinuhuli niyo ang anak ko? Saan niyo siya dadalhin? Nasaan ang warrant of arrest niyo? Anong kasalanan niya?" Sigaw ng mama niya sa mga pulis. Pero wala nang nagawa ang mama niya.
Tuluyan nang nakaalis ang police car. Sumunod ang mama niya sa kanila habang sakay ng sasakyan. At naiwan akong humahagulgol sa iyak.
Nakita ko doon si Lorenz. Gusto kong mainis sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit iniwan ako ng taong mahal na mahal ko pero wala siyang kasalanan, ang tanging gusto niya lang ay mahuli ang responsable sa pagkamatay ng mga magulang niya. At ang taong mahal ko 'yon.
Lumipas ang mga araw at nalaman ko ang tunay na dahilan. Pinaliwanag sa 'kin ni Lorenz. Si Raven, kasama sina Kurt at Clark. Nung gabing 'yon, lasing na lasing sila. Si Raven ang nagmamaneho at hindi niya sinasadyang mabangga ang sinasakyan nila Lorenz. Natakot sila kaya tinakasan nila ang responsabilidad. Ngunit nakita ni Lorenz ang mga mukha nila kaya kinausap niya ang mga ito na sumuko na lang sa mga pulis pero imbes na sundin nila binugbog nila si Lorenz at sa pagkakataong 'yon ko sila nakita. Isa rin akong witness.
Nalaman ko ang kasunduan nila. Hindi nila idadamay si Kurt at Clark dahil si Raven naman ang may pasimuno sa lahat. Si Raven lang ang makukulong. Sa mga nalalaman ko, mas lalo akong nakukunsensya. Hindi naman kailangang humantong sa ganito.
Pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko tsaka ako naghintay makababa ng ferris wheel.
Nagpalipas pa ako ng oras sa Enchanted Kingdom. Sunod akong pumunta sa paboritong lugar ni Raven. Sa Book museum.
Napangiti ako nang makita 'yon. Ang amoy ng mga libro, ang sarap sa ilong. Siguro tsaka mo lang maa-appreciate ang isang bagay kung meron na talagang nagpapaalala sa 'yo nito lalo pa kung espesyal talaga sa 'yo 'yung taong 'yon.
"Miss 'di ba po kayo 'yung nanalo dati? 'Yung pang-5th couple?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko akalaing matatandaan pa pala ako ng babaeng ito. "Opo ako nga kaso hindi ko kasama 'yung b-boyfriend ko." Nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko bang boyfriend ko si Raven.
"Okay lang po. Sumunod po kayo sa 'kin may pinabibigay po siya."
"May pinabibigay? Nandito siya?"
###I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat