"R-raven, anong ginawa mo rito?" "Gusto mo samahan kitang hanapin ang kasama mo?" Napapikit ako. May alaalang bumubuo sa isip ko. "Deja Vu." Tiningnan ko siya nang maigi. May mukha ng isang batang lalaki ang gumuguhit sa mukha niya. "Nangyari na 'to Raven." Hinawakan ko ang ulo ko at napaluhod. Lumalalim ang paghinga ko. Pakiramdam ko nangyari na 'to. "Hindi kita iiwan hangga't hindi mo nahahanap ang kasama mo." Umupo siya sa harap ko. "Raven, tama na." Hinawakan ko ang balikat niya. "Ako si Kim, ikaw? Anong pangalan mo?" Napapikit ako at tuluyan nang napaupo sa sahig. Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak ko. "Raven, ikaw..." Humahagulgol ako habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang nangyari noon. "Ikaw... Si Kim... 'Yung batang tumulong sa 'kin noon." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Bata, naliligaw ka ba?" "Hindi ako naliligaw." "Kung gano'n, nawawala ka?" "Hindi nga sabi! Iniwan ako!" Tiningnan ko kung sino ba 'yung makulit na nagtatanong. Isang batang lalaki. "Gusto mo samahan kitang hanapin ang kasama mo?" Tiningnan ko siyang maigi. "Hindi kita iiwan hangga't hindi mo nahahanap ang kasama mo." "Talaga?" "Oo, kaya huwag ka nang umiyak. Ako nga pala si Kim, ikaw? Anong pangalan mo?" "Jija." "Jija? Ang cute naman ng pangalan mo. Tara Jija, hahanapin natin ang kasama mo." Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko 'yun. "Bakit ka naliligaw? First time mo lang bang nakapunta rito?" Tanong niya. Tumango ako. "Ibig sabihin, hindi mo pa nasasakyan 'yung mga rides dito?" "Oo, first time ko nga 'di ba?" Tumawa siya at napakamot ng ulo. "Sabi ko nga. Tara, habang hinahanap natin 'yung kasama mo sakay muna tayo dun sa Grand Carousel." "Ayoko na d'yan. Nakasakay na ako d'yan kanina, sa iba na lang. Dun tayo sa Space Shuttle." "O sige ba." "Raven Kim..." Ngumiti ako at bumitaw sa yakap ko. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Bakit ka umiiyak?" "W-wala. Bakit hindi ka pumasok? Hindi mo alam kung gaano nag-aalala ang mga kaibigan mo sa 'yo. Tapos, hindi ka pumunta sa competition mo. Saan ka ba nagpunta?" Tama. Itago mo ang nararamdaman mo Jean. Tumayo siya. "May inayos lang ako. Saan mo gustong sumakay?" "Umuwi na lang muna tayo. Anong oras na rin." Sagot ko. Malayo pa 'tong lugar na 'to sa amin at siguradong mahaba ang biyahe. Tumayo na rin ako. "Ayaw mo ba akong makasama? Simula nang dumating 'yung childhood friend mo, hindi mo na ako pinapansin." Nainis ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit. Para bang sa tono niya sinisisi niya ako. "Hindi kita pinapansin? Ikaw 'tong nang-iwan sa ere. Hindi mo tinupad 'yung pangako mo. Tapos makikita ko na lang kayo ni Sheen na palaging magkasama at kayo na. Binalewala mo na naman ako. Ginawa mo lang akong panakip butas habang wala siya. Ngayon sasabihin mo, hindi kita pinapansin simula nang dumating si Lorenz? Bakit kita papansinin kung ikaw 'tong unang hindi pumansin sa 'kin? Si Lorenz, nand'yan siya para sa 'kin. Bumalik na 'yung taong umiwan sa 'kin noon." Umiwas siya ng tingin. "I'm sorry. Can we just forget about others? Please, bigyan mo ako ng oras para makasama ka." "Hindi, Raven. Umuwi na muna tayo. May bukas pa naman, may susunod pang araw. Magpahinga muna tayo." Hindi ko alam na pagsisisihan ko pala ang desisyon ko. Pagkarating namin sa Luzia, agad siyang hinuli ng mga pulis. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. "Ma? Kumain na ba si Jean?" "Hindi pa nga. Ilang araw na 'yang ganiyan. Nagkukulong sa kwarto tapos umiiyak. Ikaw nga ang kumausap sa kapatid mo." Naramdaman kong lumapit sa 'kin si kuya at may inaabot na pagkain. Hinawakan niya ang noo ko. "Kita mo na, nagkakasakit ka na d'yan sa ginagawa mo. Kumain ka muna tapos uminom ka ng gamot. Magpahinga ka muna." Tiningnan ko lang siya. Nagsimula na naman akong umiyak. "Raven..." "Jean, tama na..." Naramdaman ko ang paghagod ni kuya sa likod ko. "Tahan na, kumain ka na muna. Gusto mo subuan pa kita?" "Kuya, si Raven... Bakit kailangan siyang hulihin ng mga pulis? Matagal nang nangyari 'yon. Aksidente 'yon. At 'yung pagiging d-dahilan niya sa pagkakaroon ko ng amnesia, p-pinatawad ko na siya. Hindi ba sapat na palayain na siya?" Patuloy lang ang paghagod ni kuya sa likod ko. "Ganun talaga Jean, hindi natin makukuwestiyon ang batas." "Kung binigyan ko lang siya ng pagkakataon... K-kung hindi lang sana ako pinangunahan ng inis... Kuya... Magkasama dapat kami ngayon..." Lahat ng pagsisi nasa puso ko ngayon. Pinaghalong lungkot at pagkamuhi. "Kung bakit kasi bumalik-balik pa ang mga nang-iwan. Masaya na kami... Okay na kami... B-bakit kuya?" "Matuto kang huwag isisi sa iba ang mga kasalanan mo, Jean. Nangyari na 'yon. Hindi mo na maibabalik pa ang panahon." Pinunasan niya ang mga luha ko. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kahina. May tao pa talagang kailangang magpunas ng luha ko. May tao pa talagang magsasakripisyo ng buhay nila para sa 'kin. May tao pa talagang malulungkot para maging masaya ako. Tanga ako. Pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko. Kung hindi lang sana ako naging makasarili, walang masasaktan. Walang kailangang umalis. Walang kailangang maiwanan. Kung sana nga maibabalik ko pa ang nakaraan. Kung sana maibabalik ko pa ang oras na magkasama kami... Kung kaya ko lang. ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat