Bakit buntis ba si Sheen? O kaya naman may nangyari na sa kanila kaya kailangan nilang i-check? Naglakad na ako palayo sa kanila, pauwi. Tinawagan ko si Karen at sinabi ko sa kaniya ang narinig ko. (Hindi mo pa rin nagagawa ang plano. Alam ko masakit pero Jean, ang mahalaga ngayon sabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo.) "Hindi naman kasi ganung kadali 'yon Karen. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Nanghihina 'yung tuhod ko nung makita ko siya. Karen, ang hirap. Kinakain 'yung sistema ko. Kinukuha ni Raven 'yung lakas ko. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Kung dati gano'n kadali, ngayon ang hirap kasi iba na 'yung sitwasyon." (Oh sige ganito na lang... Huwag mo na lang sabihin sa kaniya para hindi ka na mahirapan kahit nahihirapan ka pa rin naman. Huwag mo na lang sabihin Jean ha? Hayaan mo na lang. Magsayang ka na lang ng pagkakataon. Sino nga namang gusto kang mahirapan? Huwag mo na talagang sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo. Babay na sasabihin ko pa kay Kurt na mahal na mahal ko siya. Babay.) Ibinaba niya na ang tawag. Hindi ko na lang sasabihin? Bakit biglang huwag na lang? Akala ko ba sasabihin ko bakit hindi na lang? Nahiga ako sa kama ko. Oo tama, huwag ko na lang sabihin. Matutulog na lang ako. Tiningnan ko ang relo ko bago ako lumabas ng bahay. Alas dose na. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa 'kin sa ganitong dis oras ng gabi 'di ba? Ano ba 'yan! Bakit ba kasi hindi ako makatulog sa sinabi ni Karen eh! Huwag ko raw sabihin. Paulit-ulit sa utak ko pero imbes na sundin siya heto ako at lumabas ng bahay nang hindi nagpapaalam. At talagang ganitong oras? Hindi ko alam kung anong ginawa sa 'kin ni Karen at kung bakit may lakas ako ng loob ngayong puntahan si Raven sa bahay nila. Tama talaga siya, wala namang mawawala kung sasabihin kong mahal ko si Raven 'di ba? Parang kung paano ko lang sabihin sa kaniya dati, gano'n lang. Uulitin ko lang. Tama, sasabihin ko lang tapos uuwi na ako. Natigil ako nang may nakaitim na naka-hood akong nakita. Hala! Kamatayan? Dahil sa takot ko tumakbo ako nang mabilis. Ahhh! Buti na lang naka-rubber shoes ako. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi gumana 'yung bobogenes ko ah. Tumigil ako sa tapat ng bahay nila. Anong gagawin ko? Mag-dodoorbell ba ako? Baka magising siya. Malamang! Gisingin mo siya at sabihin mong mahal mo siya! Pipindutin ko na sana ang doorbell nang may narinig ako sa likod ko. "Jean..." Sa pagkakataong 'yon, tumigil ang mundo ko. Napalunok ako. Heto na naman ako, nawawalan ng lakas. Ni hindi ako makalingon. Boses palang niya nakakapanghina na. Akala ko kaya ko pero bakit hindi na? Anong sasabihin ko sa kaniya? Raven mahal kita. Raven ayokong nakikita kang kasama si Sheen kasi mahal kita. Raven, akala ko ba malapit na? Ano malapit nang dumating si Sheen at mababaliwala na naman ako? Napapikit ako. Ibinaba ko ang kamay ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. 'Yung tibok ng puso ko hindi ko na alam kung gaano kabilis. Nanginginig na naman ako. Akala ko madali lang, hindi pala talaga. Ang hirap pala talagang sabihing mahal mo ang isang tao kasi natatakot ka sa sagot. Natatakot kang bigla ka na lang tawanan at tanunging 'Joke ba 'yan?'. Natatakot kang bigla kang sasabihang 'Baliw' o kaya 'Adik'. Natatakot kang sabihin sa 'yong kaibigan lang ang turing sa 'yo. Natatakot kang baka wala siyang sagot at talikuran ka. "Jean, anong ginagawa mo rito?" Hindi ko kayang humarap baka kasi 'pag nakita ko na siya lalo pa akong manghina. Nanghihina na nga ako rito dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Hinarap niya ako sa kaniya. Tumungo ako. Ganito pala 'to kahirap. Nandito ka na sa sitwasyon, pinanghihinaan ka pa rin ng loob. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko kaya talagang napatingin ako sa kaniya. Iiiwas ko na sana muli ang mata ko nang magsalita siya. "May gusto ka bang sabihin sa 'kin?" Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Raven, bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? May ari ka ba talaga ng Meralco kaya nakukuha mo ang lakas ko? Napansin kong naka-hood siya ibig sabihin siya 'yung nakita ko kanina na inakala kong si kamatayan. "Jean, bakit ka nandito?" Muling tanong niya. "Ahhh... 'Yung ano kasi eh... Mahal..." "Mahal?" Nag-aabang siya sa sasabihin ko. Paano ko sasabihin? "Mahal...aga kasi sa 'kin 'yung... 'yung camera. 'Di ba nasa 'yo 'yun? Kukunin ko sana, ako na lang ang magpapaayos." "Ng ganitong oras? Lumabas ka para do'n?" Tanong niya. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Mahalaga 'yun kahit sa ano pang bagay na meron ako." Pagdadahilan ko. Shems naman. "Ahh ganun ba? Teka, kukunin ko." Pumasok siya sa bahay nila. "Ang tanga mo Jean! Anong camera? Camera ba ang pinunta mo rito? Ha?" Inis kong tanong habang binabatok-batukan ang sarili ko. Nakita kong nagbukas muli ang gate at lumabas siya. "Heto, pinaayos ko na 'yan. Balak ko sanang ibigay 'yan sa 'yo nung birthday mo kaso... na-late ako." Inabot niya sa 'kin ang camera ko. Wala nang bakas ng pagkasira nito. "Na-late?" In-on ko 'yun at tinry sa kaniya. "Oo nga, okay na. Salamat." Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. "Ahhh... S-salamat Raven." Ngumiti rin siya. "'Yan lang ba? Wala ka nang sasabihin pang iba?" "Ha? Ahh..." Nag-isip ako. Sasabihin ko na ba? Nakakainis. "Ano... Kumusta si Sheen? Narinig ko kasing pupunta kayong ob-gyn. Okay lang ba siya?" "Oo, two months na pala." Ngumiti siya. Hindi ko pinahalatang nagulat talaga ako. Totoo nga, buntis nga si Sheen. Magiging ama na si Raven. "Ahhh c-congrats. S-sige 'yun lang naman a-aalis na ako." Pinilit kong ngumiti. Tumalikod na ako sa kaniya. "Jija!" Nilingon ko siya dahil sa pagtawag niya sa palayaw ko. "It's nice to see you again." Tiningnan ko siyang maigi. Lampas minuto yata akong nakatitig sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin. Para bang nakita ko na ang ngiti niyang 'yon sa ibang tao. "Natutuwa akong nahanap mo ako." Ibang tao nga ba? "Nakausap mo na ba si Raven?" Tanong nila sa 'kin. "Ha? Oo." "Talaga?" Para bang napunta kami sa ibang oras at nakita ko silang nagparty tapos bumalik ulit 'kami. "Oo." "Anyare? Bati na kayo? Nasabi niya na rin bang mahal ka niya?" Kumunot ang noo ko. "Ha? Mahal niya 'ko?" ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat