logo text

High School Friend

Heather Jean Duerre's P.O.V
Ilang araw na rin ang lumipas at hindi na kami nagkakausap ni Raven. Lagi ko silang nakikitang magkasama ni Sheen. Balik na naman sa dati. Kunwari wala na naman ako. Sabi na dapat hindi na ako umasa.
"Jija, okay ka lang?" Tanong sa 'kin ni Lorenz habang nagmamaneho siya. Ihahatid niya na muli ako sa school.
Ngumiti ako at tumango. "Oo naman, may iniisip lang ako Lorenz."
Ngumiti rin siya. "Hindi ko natanong 'to sa 'yo nung nakaraan, 'yung Sheen, sabi niya hindi raw naging maganda ang simula niyo... Bakit? Anong ibig niyang sabihin?"
"Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang ugali niya noon. Siguro nitong mga nakaraang araw, nagbabago na siya. Alam mo Lorenz, marami na ring nangyari nung wala ka, ayoko nang balikan. Dapat kinakalimutan na 'yun 'di ba?"
"Ang mga araw hindi mo dapat kinalilimutan lalo na ang mga pagkakataong muntik nang sumira sa 'yo... Kasi 'yun 'yung mga bagay na bumuo kung ano ka ngayon... Kung kakalimutan mo ang nakaraan, ibig sabihin kakalimutan mo ako."
"Hindi naman sa gano'n. Masakit kasi... Ayoko nang masaktan. Sa tuwing sasaya kasi ako maya-maya masasaktan na ako."
"Nandito na naman ako. Hindi mo na kailangang matakot. Huwag kang matakot na gawin ang mga bagay na magpapasaya sa 'yo. There's no rainbow without rain."
"Oo nga nandito ka na, kaso nasaktan na ko kung sana mas inagahan mo ang pagdating o kaya di ka na umalis 'di ba? Eh di sana hindi ako nasasaktan. Ikaw kasi... Ikaw ang dahilan kung bakit walang forever."
"Ako? Ba't naman ako? Sige ka baka mamaya may dumating na magmamahal pala sa 'yo hanggang sa hanggan lunukin mo 'yang baluktot mong paniniwala."
"Bakit? Naniniwala ka sa forever, Lorenz Kyle Lawinton?"
"Oo, dito sa lupa walang magpakailanman pero sa taas meron."
Ngumiti ako. Tama siya.
Lorenz, saan ka ba nagpunta at bakit nagbago ka? Parang mas lalo kang tumalino. Parang lahat ng itatanong ko sa 'yo may sagot ka na.
Tumingin siya sa 'kin. "Eh 'yung Raven, kailan mo lang din ba 'yun nakilala?"
"Ha? H-hindi naman. Magkakilala na kami." Kung alam mo lang.
"Anong masasabi mo sa kanilang dalawa?"
"Ahh... Okay naman sila... Bagay sila."
"Tss, akala ko ba walang forever?"
"Baka sa kanila meron." Pilit akong ngumiti kahit nasasaktan ako.
"Tsaka sa 'tin." Nginitian niya ako. Kahit papaano nawawala ang bigat na nararamdaman ko dahil nandito siya.
"Lorenz..."
"Hmmm..."
"Bakit mo ba talaga ako iniwan noon?"
"Wala ka bang maalala?"
Kinamot ko ang ulo ko.
"Wala. May nakalimutan ba ako? Ipaalala mo sa 'kin baka nakaligtaan ko lang."
Ginulo niya ang buhok ko. "Wala. Kaya ako umalis kasi nag-aral ako sa ibang bansa ng Law. Alam mo naman siguro kung bakit."
Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko.
"Jija, wala na sila papa at mama. Anong gagawin ko?"
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Lorenz.
***
Balik sa dati. Ang hirap pala.
Ang hirap makitang palaging magkasama si Sheen at Raven. Ang sakit makitang hinahatid ni Raven si Sheen sa room namin na parang wala na siyang iba pang kilala sa loob. Binabati niya si Karen at Maine pero ako ni hindi niya tinitingnan. Nakakahalata na rin sila Maine kaya minsan tinanong nila ako.
"Ano na namang drama niyo ngayon? May hindi na naman ba kami alam tungkol sa inyo?"
"Wala."
Mukhang nainis ang dalawa sa sagot ko. "So bakit hindi kayo nagpapansinan? Wala lang? Trip niyo lang?" Tumaas na ang boses ni Karen na kadalasan si Maine lang ang gumagawa. Hindi naman kasi maitatangging mahinhin siya kesa sa amin. "Ano na namang trip 'yan? Noon, halos kayo ang magkasama ngayong nandito na si Sheen mababaliwala ka na lang. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang may kasalanan. Ikaw ba o siya. Siya may Sheen, ikaw may Lorenz."
"Kaibigan ko lang si Lorenz. Si Sheen girlfriend niya."
"Girlfriend? Saan mo naman nakuha ang balitang 'yan?"
"Sa kaniya."
"So naniwala ka naman agad sa sinabi ni Raven?"
"Bakit hindi ako maniniwala kung sa kaniya na nanggaling mismo? Ibig sabihin lang no'n lumayo na ako kasi nandito na ulit ang mahal niya. Kung nagsinungaling man si Raven noon tungkol sa kanila, eh bakit sila palaging magkasama ngayon? May sagot na 'yung tanong oh. Sila na."
"Akala ko ba mahal mo si Raven." Natigilan ako. "Bakit hindi mo kayang ipaglaban?"
Huminga ako nang malalim tsaka nagsalita.
"Bakit pa ako lalaban kung 'yung taong ipaglalaban ko nasa ibang laban na." Pinipigilan kong huwag umiyak. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko sa tuwing pinag-uusapan namin ang lalaking 'yon. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya parang meron sa puso kong gustong lumabas.
Oo, mahal ko siya pero siya ba mahal ako?
"Kaya ngayon suko ka na? Masaya ka ba ngayon ha? Na nasayang lang lahat. Ano? Ibabaon na lang sa limot ang mga pinagsamahan niyo. Sayang Jean. Sayang."
"Eh anong gagawin ko? Wala na. Hanggang do'n na lang kami. Ako lang naman 'yung nagmahal. Ako lang 'yung nasasaktan ngayon. Ako lang 'tong kailangang magmove on. Ako lang naman 'tong nanghihinayang sa 'ming dalawa. Ang tanga ko kasi, alam ko namang walang forever pero umasa pa rin ako. Hindi ko pinanindigan 'yung paniniwala ko. Ang tanga ko." Hindi ko napigilang pakawalan ang mga luha kong punong-puno ng panghihinayang.
"May magagawa ka pa naman Jean. Sabihin mo sa kaniyang nasasaktan ka ngayon, sabihin mong mahal mo siya at kung wala siyang gagawin. Tutulungan ka naming mag-move on sa kaniya. Ang mahalaga lang alam niya ang nararamdaman mo."
Hindi na nawala ang kabog sa dibdib ko. Naguguluhan ako kung kaya ko pa bang humarap kay Raven ngayon. Naisip ko, tama sila. Baka sakaling malinawan na ako kung makakausap ko siya. Baka sa pagkakataong 'yun alam ko na kung anong pipiliin ko, kung ipagpapatuloy ko pa bang mahalin siya o titigil na ako.
Mabilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Naalala ko na naman ang mga pinagsamahan namin lalo na ang pangako niya. Sabi niya darating siya sa araw na 'yon pero wala ni anino niya hindi ko nakita. Iniwan niya ako sa ere.
Nakita niya ako. Napapikit ako. Parang nawawala 'yung tapang ko. Nanghihina ako. Kung ganito lang ang idudulot sa 'kin ng pagmamahal parang ayoko nang magmahal, kinakain ang lakas ko. Gusto kong itanong sa sarili ko, bakit ako nahulog?
Paano ako nahulog sa kaniya kung mas mataas pa ang kinalalagyan niya kaysa sa 'kin?
"Raven..." Gusto kong magtanong. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko para matapos na. Halos gabi-gabi na rin akong nag-iisip kung ano nang nangyayari...kung bakit nagkaganito...kung bakit hanggang dun na lang.
Akala ko ba mag-stay ako sa tabi mo pero bakit parang ikaw 'tong nalayo. Paano kita maaabutan?
"Raven!" Lumingon siya sa tumawag sa kaniya. Si Sheen. "May gagawin ka ba mamaya? Samahan mo naman ako sa ob-gyn."
Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Napaatras ako.
Ob-gyn?
###

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Christian claveriaCristian

    maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito

    17/11/2024

      1
  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08/2024

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    20/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata