"Ano sasabay ka sa 'min sa lunch? Tara?" Umoo na lang ako. Sakaling makita ko si Jean pero hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Wala akong mukhang maihaharap lalo't lumalabas parang inindian ko siya ng birthday niya. Nakakaabno tangina. Sumunod na lang ako sa dalawa. "Oh ba't 'di niyo kasama si Jean?" Tanong ni Kurt. "Ang alam ko may lunch date sila nung kaibigan niya." "Lunch date?" "Term ko lang 'yon. Basta kasama niya 'yung kaibigan niya." "Kaibigan? Bukod sa inyo?" Tanong ni Clark. They nodded. "Ahhh! Baka 'yung kasama niya kanina. Nakita ko bumaba si Jean sa isang kotse akala ko nga ikaw 'yung kasama Raven pero ibang lalaki." Si Kurt naman ang nagsalita. "Mauna na muna ako." Paalam ko sa kanila. Kinabukasan ganun muli ang nangyari. Hindi ko rin nakita si Jean. Paulit-ulit na gano'n. "Raven!" Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Si Sheen. "Kumain ka na ba?" Tanong niya. Umiling ako. "Wala akong gana." "Bakit naman? Tara samahan mo ako sa labas." Kinuha niya ang kamay ko. Pumunta kami sa mall. "Bakit naman wala kang ganang kumain? Mangangayayat ka niyan. Sa'n mo gusto?" Tanong niya. "Kahit sa'n." Hinila niya na lang ako sa isang fast food chain. Natawa na lang nang may maalala ako. "Jean, you're here!" Napatingin ako sa tinutukoy ni Sheen. Lumingon siya sa 'min pati ang kasama niya. Lumapit si Sheen sa kanila at sumunod lang ako. Nakapila kasi sila Jean at mukhang oorder na. "Oo, kakain lang kami. Kayo ba?" "Oo niyaya ko si Raven dito." "Gusto niyo sabay-sabay na tayong kumain?" 'Yung Lorenz ang nagsalita. Tumingin sa 'kin si Jean ganoon din ako sa kaniya. "Sige." Magkatabi kami ni Sheen at katapat ko si Jean. Paano ako makakakain? "By the way I'm Lorenz. Jean's childhood friend. How about you?" Turo niya sa 'kin. "Raven. Jea---Sheen's boyfriend." Napatingin sa 'kin si Jean. Ngumiti na lang ako kay Lorenz. "Ako nga pala si Sheen. Kaklase ako ni Jean. Hindi naging maganda ang simula namin pero gusto ko siyang maging kaibigan." Ngumiti siya. Nagsimula na silang kumain. "Raven, bakit ice cream lang ang inorder mo?" Tanong nung Lorenz. Paki mo ba? Tsk. "It's his favorite. Ewan ko ba d'yan sabi ko kumain siya ng rice ayaw." Napansin kong kaunti lang ang inorder ni Jean. Hindi gano'ng kadami nung nakasama niya ako. "Ganun ba? Eto namang si Jean ayaw niya ng ice cream. Singer kasi eh." Napatingin ako kay Jean. Napatigil din ko sa pagkain. Hindi ko alam ang bagay na 'yon. Hindi ko alam na ayaw pala niya ng ice cream. Dapat sinabi niya sa 'kin para hindi iyon ang binibigay ko sa kaniya 'pag nalulungkot siya. Ang tanga ko. Akala ko kilala ko na si Jean hindi pa pala. "Akala ko nalimutan mo na na hindi ako kumakain ng ice cream, Lorenz. Kaibigan talaga kita." "Kaibigan mo 'ko? Sa pagkakaalam ko, may gusto ka sa 'kin. 'Di ba ako ang first love mo?" Tumawa naman ang loko. "Alam niyo kasi, itong si Jean patay na patay sa 'kin 'to simula bata kami." Tss. First love. "Anong patay na patay? Patay na patay na patay na patay kamo. Ikaw lang kaya ang bestfriend ko na laging nand'yan para ipagtanggol ako sa mga bully nating kaklase. Paanong hindi ako magkakagusto sa 'yo ha?" "Syempre bestfriend nga kita 'di ba? Paanong hindi kita ipagtatanggol? Nagsisisi nga akong iniwan kita sa mga bully na 'yon." "Dapat lang na magsisi ka! Ang dami ko kayang pasa at sugat na natatanggap mula sa kanila! Ikaw kasi... Bakit mo ba kasi ako iniwan? 'Yan tuloy na-miss kita." Pinisil ng lokong 'yung ang pisngi ni Jean. "I have reasons. At isa ka sa mga dahilan ko." Kinuha ko ang kutsara ko at sumubo nang sumubo ng ice cream. Wala akong paki kung malamig... Kung makaramdam man ako ng brain freeze... Kahit mangilo man ang mga ngipin ko. Tang ina, gusto ko lang maging manhid ngayon. "Raven dahan dahan." Inubos ko na ang kinakain ko. Gusto ko nang umuwi. "May ice cream ka pa sa labi mo," ani Sheen. "Sa'n?" "Na, ako na." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Salamat pero dapat hinalikan mo na lang ako." Tang ina, tama ba 'yung sinabi ko? Natawa naman si Sheen tsaka 'yung loko. "Saka na 'pag tayong dalawa na lang. Mamaya na rin 'yung you're welcome kiss ko." Hinalikan ko si Sheen sa harap nila. "Sorry hindi ko napigilan." "Pasaway ka." Bumawi naman si Sheen ng halik. "Hindi ko rin napigilan." Natawa na lang kami. "Tapos ka nang kumain?" Tanong ko. "Busog na 'ko. Nakadal'wa na 'ko eh." Hinawakan ko ang kamay niya tsaka ko siya nginitian. Gusto kong ipakitang nagseselos ako sa kanila. Tang ina ang hirap pala. Gusto ko ring pagselosin si Jean. Tang ina tang ina. Nasasaktan ako. "Sige mauna na kami. By the way, nice meeting you Lorenz... Jean." Nginitian ko siya. Nakangiti sa 'kin si Sheen habang inaayos ang seatbelt niya. "I know you... You're jealous." "I'm not." I lied. "May nararamdaman ka para kay Jean, tama?" "How could I know?" Inayos ko na rin ang seatbelt ko at ipinunta ko ang atensyon ko sa kalsada. "You're acting weird kanina. Namumula ka na kaya at parang kaunti na lang mapuputol na ang pisi mo. Pasalamat ka kilala kita at sinakyan kita." "Tss... I'm still not." Nagsimula na akong magmaneho. "You can't lie on me. At alam kong nagseselos ka kanina sa kanila." "Oo na nagseselos na 'ko, happy?" "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Masaya ka ba? Masaya ka bang nakikita siyang may kasamang iba? Masaya ka bang hindi mo masabi ang nararamdaman mo para sa kaniya?" "I don't know." "You know the answer it's just that you can't accept it. You're falling in love, can't you see? Why don't you just admit it? Lahat ng tao may puso, lahat may kakayahang magmahal. Lahat ng tao may utak, lahat may kakayahang mag-isip. Matalino kang tao, dapat alam mo sa sarili mo 'yan..." Natahimik ako lalo na sa sunod niyang sinabi. "'Pag nagseselos ang tao may nararamdaman na 'yan. Raven, may gusto ka na sa kaniya or rather mahal mo na siya." "Shit, hindi ko na alam Sheen." "Maging totoo ka sa sarili mo. Tanggapin mo kung anong nararamdaman mo. Ipaglaban mo. Nung nakita kita nung sinundo mo 'ko, alam ko nang may mahal ka nang iba. Napatunayan ko na rin 'yon kanina." "How?" "Walang laman... 'yung halik mo sa 'kin kanina. Huwag mo 'kong alalahanin, Raven. Kung ako lang ang nagpapagulo ng isip mo, pwes wag mo akong isipin. Sabi ko naman sa 'yo 'di ba magiging tapat ako, sana ganun ka rin." Siguro one of these days, maaamin ko na sa sarili ko na... Mahal ko na siya. **** I still have no courage to talk to her. As if I can when she's my strength. Napapikit ako. Ilang araw na akong ganito. Hindi siya maalis sa isip ko. Lalo pa't naiimagine kong magkasama na naman sila ng Lorenz na 'yon. "Mr. Del Valle, may problema ba? It seems that there's something bothering you. Magkakaproblema tayo sa competition mo 'pag hindi ka makapag-focus." "I'm sorry Professor. Can we take a break?" "Sure. Maybe you need to take some rest. Sige, umuwi ka na muna. Let's just continue this tomorrow." "Thank you Professor." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas sa room na 'yon. Naglakad na ako papunta sa parking lot. Mas mabuting magpahinga na nga muna ako ngayong araw, masyado nang marami akong iniisip. Paandarin ko na sana ang kotse ko when I saw something on the backseat. 'Yun 'yung bagay na ibibigay ko sana sa kaniya. Kinuha ko 'yon. In-on ko ang camera. Hindi ako sanay gumamit ng gan'to kaya nahirapan pa akong hanapin kung saan makikita ang lahat ng pictures. Then, I saw myself. Totoo ngang kinukuhanan niya ako ng picture noong nasira 'to. Kaya pala siya sising sisi. And there I saw Maine and Karen when they were in Everlasting Hotel pati na rin nung Sports Fest namin. At nakita ko ang mga pictures niya nung graduation day niya. Hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang tinitingnan ang mga litratong nasa camera. Kaya siguro ganun na lang kalungkot ang mukha niya nang masira ito. Totoong may mga special memories nga rito. Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang taong 'yun na kasama ni Jean. Siya nga. Habang tinitingnan ko ang mga litrato nila, natigil ako sa isang picture ng babae. Bumilis ang tibok ng puso ko. Even my breath went deeper. Siya nga... Kahit maraming taon na ang lumipas, alam ko ang mukha niya. Tanda ko ang mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali. ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat