Heather Jean Duerre's P.O.V "Bago matapos ang araw na 'to pupuntahan kita. Pangako." Sabi niya sa 'kin bago niya ako iwanan sa gitna ng kalsada. Si Sheen. Makakalabas na siya sa rehab at si Raven ang susundo sa kanya dahil 'yun daw ang request ni Sheen. Bakit ba kailangan niyang palaging sumingit at sirain ang mga magagandang araw ng buhay ko? Panira siya! Tapos na rin ang party. May surprise party palang inihanda sa akin sina Maine. Kahit papaano naging masaya ako pero hindi ko pa rin malimutan ang pag-iwan sa 'kin ni Raven sa ere. Oo sinabi kong okay lang akong mag-isang umuwi pero sana pinilit niya ako. Sana mas inuna niya ako kasi ako 'yung nililigawan niya 'di ba? Nililigawan niya nga ba ako? Naalala ko ang tanong ko sa kaniya kaya mas lalong nabubwisit ako ngayon. Si Sheen ang sagot niya. Ibig sabihin si Sheen talaga ang gusto niya? Niloloko niya ba talaga ako? Kasama pa rin ba 'to sa pang-aasar niya sa 'kin. Joke time lang ba ang lahat? Tiningnan ko ang orasan. 11:55pm. Pag pumatak ng alas dose na wala ka, Raven. Huli na 'to. 'Pag hindi ka dumating... Maniniwala na akong kasinungalingan lang ang lahat. Iisipin kong si Sheen talaga ang gusto mo at hindi ako... Na nakikita mo lang si Sheen sa akin. Kahit na anong mangyari gusto kong dumating siya. Gusto kong patunayan niya na totoo lahat. Na hindi joke. Hindi lokoloko lang. Gusto kong maging malinaw na ang lahat. Gusto kong magpaliwanag siya. Gusto kong sabihin niya sa 'kin na nagkamali lang ako ng dinig at intindi kanina. Gusto kong tuparin niya ang pangako niya bago matapos ang araw na 'to. Pumatong na ang malaking kamay ng orasan sa maliit na kamay na nakatapat sa 12. Ibig sabihin alas dose na. Tapos na ang araw ko. Nakarinig ako ng doorbell kaya agad akong bumaba. Umaasang sana tinupad niya ang pangako niya. Sana siya ang makita ko. Pero hindi... Ibang tao ang nakita ko... Ang taong matagal ko nang hindi nakita. Ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong umiwan sa 'kin noon... Nagbalik na siya. "L-lorenz..." "Abot pa ba ako? Happy Birthday Jija..." ### Raven Kim Del Valle's P.O.V "You're here." Sinalubong niya ako ng yakap. "Akala ko hindi ka na darating." "Okay ka na?" I asked. She nodded while she's still on my shoulder. "Thank you Raven." "Let's go? I'll drive you home." Pinapasok ko na siya sa kotse at ako na ang nag-asikaso ng bagahe niya. Ilang buwan rin kaming hindi nagkita kaya may nagbago sa kaniya. Kung dati payat na payat siya, ngayon nagkaroon na siya ng laman. Humaba na rin ang buhok niya. Okay na siya. Sana okay na siya. Tumingin ako sa kaniya pagkapasok ko sa kotse. Nakangiti siya sa 'kin. Totoong ngiti na matagal ko na ring hindi nakikita sa kaniya. "Akala ko hindi mo ako pupuntahan pagkatapos ng nagawa ko." Inayos ko ang seatbelt niya tsaka ako nagsimulang magmaneho. Ang nangyari ay nangyari na. "Babalik ka na rin ba sa klase mo?" Tanong ko. "Oo." "Ang mga kaibigan mo?" "Sino? Si Xyrah? Oo, sabay-sabay kaming lumabas. Magtiwala ka, hinding-hindi na ako maiinvolve sa gano'ng bagay." "Mabuti naman." "Nag-alala ka ba sa 'kin?" "Of course." I heard her chuckled. "Kaya ka nga nandito 'di ba? Tayo pa rin naman 'di ba?" Napaisip ako. Hindi ako sigurado. Hinawakan niya ang kamay ko. "Pangako magbabago na ako. Magiging tapat na 'ko sa 'yo, Raven. Magiging tapat na ako sa nararamdaman ko para sa 'yo. Aayusin ko na ang buhay ko. Huwag mo akong iiwan ha?" That was the moment when I realized that I'm stucked. Oo, matalino ako pero ngayon hindi ko alam ang sasabihin ko ni ang gagawin ko. Hinatid ko siya sa bahay niya at nagpaalam na ako. "Raven, sabi nila kailangan pa raw akong bantayan baka raw ma-involve pa ako sa drugs. Ibig kong sabihin, dapat palagi kang nasa tabi ko." Ngumiti siya at nagpaalam. Hindi ko alam. Pakiramdam ko naiipit na ako sa sitwasyon. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ako magaling sa ganitong bagay. Tiningnan ko ang relo ko. Shit. Hindi ko namalayang alas onse na. May kailangan pa akong gawin. May pangako pa akong kailangang tuparin. Tsk. Pumasok na ako sa kotse ko at kinuha ang regalo ko para sa kaniya. Hindi niya napansin kanina na sumaglit ako sa camera house habang abala siya sa pagpili ng damit. Nahirapan din akong itago sa kaniya 'yun. Minaneho ko na ang kotse ko papunta sa kanila. Malapit na ako sa Luzia Subdivision nang mawalan ng gas ang minamaneho kong sasakyan. Hindi ko pala napansin kanina. Tinawagan ko ang driver ni mama na pumunta sa kinalalagyan ko. Kalahating oras akong naghintay sa kaniya. Pagkarating niya naglakad na ako. "Saan po kayo pupunta, Sir?" "Sabihin mo kay mama, may pupuntahan lang ako. Salamat." Kinuha ko na rin ang regalo ko para sa kaniya. Naglakad na ako papunta sa bahay nila. Hawak-hawak ko ang regalo ko para sa kaniya. Wala akong maisip na bagay na magpapasaya sa kaniya maliban sa bagay na 'to. Naalala ko na naman ang mukha niya nang masira ito. Mula sa malayo tanaw na tanaw ko na ang bahay nila. May isang lalaking pumunta sa harapan ng bahay nila at nag-doorbell. Sino kaya 'yon? Lalapitan ko na sana ang lalaking 'yon para tanungin kung sino siya at kung anong ginagawa niya sa harap ng bahay nila Jean nang magbukas ang gate. "L-lorenz..." "Abot pa ba ako? Happy Birthday Jija..." Jija? Niyakap ni Jean ang lalaking 'yon. "Lorenz naman! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Saan ka galing? Bakit mo 'ko iniwanan? Hindi mo alam kung gaano naging miserable ang buhay ko nang mawala ka!" Pumasok na sila sa loob. Hindi nila ako napansin. Napalunok ako. Tiningnan ko ang orasan ko. 12:03 na. Tang ina late ako. Wala na. Sira na. Hindi ko natupad ang walangyang pangako ko. Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana mas inagahan ko o kaya naman sana hindi ko siya iniwan. "Hoy Raven! Bakit ka tulala d'yan?" "Bakit ka nakatunganga? Anong iniisip mo? Este sino? Si Jean? Balita ko nandito na ulit si Sheen sa school. So sino ba sa dalawa?" "Nako! Baka patanga-tanga ka na naman at sasabihin mong si Sheen pa rin! Ano? Bumalik lang siya babaliwalain mo na ulit si Jean?" "Bahala ka d'yan. Maging tanga ka habang buhay. Baka 'pag nakita mong may kasama si Jean na ibang lalaki, magselos ka." Hindi lang kasama pre, kayakap pa. Hindi ko akalaing magiging ganito ako. Hindi ko alam na mababaliw ako kakaisip. Tang ina, mas mahirap pa 'to sa Calculus. 'Yung pakiramdam na hindi mo masagutan ang isang tanong dahil naguguluhan ka. Pakiramdam mo walang tamang sagot. Ang hirap pala. ###
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Christian claveriaCristian
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1
BantiloJosh Daniel
yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat