Homepage/With You Forever/
Beside Me
Hindi ko napigilang suntukin ang nagsalita. Kinuwelyuhan ko siya.
"Anong ginawa niyo sa kaniya?" Galit na tanong ko. Ano na naman bang nangyaring masama kay Jean?
"Nasa'n si Jean? Sabihin mo sa 'kin!" tanong ko habang hilang-hila ko ang kwelyo niya.
"T-teka, sino ka ba? Tsaka bakit mo kilala si Jean?"
"Nasaan sabi si Jean! Sagutin mo ang tanong ko!"
"Tang ina! Huwag mo 'kong sisigawan!" Tinulak niya ako. Susugudin sana ako ng suntok ng isa nang maiwasan ko 'yon. Ako ang sumuntok sa kaniya at napahiga siya sa kalsada.
"Kung ayaw mong matulad sa kaniya, sabihin mo sa 'kin kung nasaan si Jean! Punyeta! Nasaan?" sigaw ko dun sa isa pero tumawa lang siya. Naka-drugs ba 'to? 'Yung tawa niya parang tawa ng isang demonyo.
"Kahit puntahan mo siya ngayon, huli ka na. Siguradong nalaspag na 'yon! Girlfriend mo ba 'yon? Ha? Anong feeling na magkaro'n ng girlfriend na hindi na virgin? Na may nakauna na sa kaniya bago ikaw?" Dahil sa inis ko sinuntok ko siya nang malakas. Gusto kong basagin ang bungo niya sa sinabi niya. Wala akong paki kung mabasag ko na ang mukha niya hangga't hindi niya sa 'kin sinasabi kung nasaan si Jean, hindi ko siya titigilan.
"Heto pare, 'yung nararamdaman mo ngayon sa suntok ko. 'Di ba masakit?"
Tumawa pa siya. Lakas ng loob, langya. Nakakaasar sa lahat 'yung mga taong nagagawa pang tumawa kahit sinasaktan mo na. "Late ka na kase, wala ka nang aabutan." Binitawan ko siya. Kung ipagpapatuloy ko pa ang pagtatanong sa isang 'to, mas lalo akong matatagalan. Hinanap ko kung nasaan si Jean. Napatingin ako sa hagdan sa may taas. May signage do'n at nakalagay ay M.C. Studio. May bumababa.
Sinalubong ko siya. Siya ba si... "Matthew?"
Lumingon siya sa 'kin habang inaayos ang zipper ng pantalon niya. Dahil sa naiisip kong posibleng nangyari sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas. Nagulat siya sa ginawa ko kaya agad siyang bumawi sa 'kin ng suntok. "Shit!"
I fell on the ground. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko. Shit. Tang ina, dugo na naman.
Agad akong tumayo.
"What did you do to her?" Nanlilisik ang mata ko habang tinatanong siya. Tang ina kasi, ang lakas ng loob mangbastos ng babae. Bakit kasi kailangan?
Pangalawang beses ko nang nakatagpo ng ganito. Hindi ko akalaing mauulit ang nangyari noon. Sana mas naging maingat ako. Sana mas iningatan ko siya.
"Hindi ko siya sinaktan, pinaligaya ko siya." Nakangisi niyang sabi kaya mas lalo akong nainis sa kaniya. "Gago ka! Tang ina mo! Papapaligaya ba 'yung nasasaktan siya?" Sinakal ko siya. Pinipilit kong tanggalin sa utak ko ang mukha ni Jean. Umiiyak.
"Sino ka ba? Bakit ka ba nagagalit? Boyfriend ka ba niya?" Natigil ako sa sinabi niya. Tang ina, boyfriend.
"Ano? Ba't napatigil ka?" Nakita ko siyang ngumisi. "Hindi ka naman pala boyfriend kung makaasta ka." Tinulak niya ako.
"Puta! Kaibigan niya ako!"
"Kaibigan ka lang pala eh." Sinuntok ko siya. Tang ina, lakas mang-asar.
"Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong tuluyan kita!" Gigil na gigil na ako. Parang gusto ko na lang patayin ang lahat ng nagpapahirap sa babaeng wala namang ginawang masama sa kanila. Hindi ako makapaniwalang may mga ganitong lalaki sa mundo na puro kamunduhan lang ang gusto.
"Fu--fuck... h-how can I t-talk when you're doing this..."
"Oo lang o hindi! Did you fuck her?"
Natawa siya. Anong nakakatawa sa tanong ko?
"Paano ko siya magagalaw kung puro siya iyak? Maswerte siya nagawa ko pang magpigil." Kinuwelyuhan ko siya. Sinigurado kong maririnig niya ang sasabihin ko.
"'Pag nalaman kong nagsisinungaling ka, I swear you're gonna regret it." Tinulak ko siya. Bago pa siya makaalis, kinuha ko ang bagay na 'yun sa bulsa niya.
Umakyat ako papunta kay Jean. Nasa tapat palang ako ng pintuan parang ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko.
Binuksan ko ang pinto. Kitang-kita ko ang itsura niya. Halatang nagulat siya nang makita niya ako. I turned off the lights. I don't want her to see me seeing her like that. I hear her sobbing. Para bang may humihiwa sa puso ko.
Naglakad ako papunta sa kaniya at naupo. Naaaninagan ko siya pero hindi ko siya masyadong kita. Mas mabuti na 'to.
I know she's naked kaya hinubad ko ang jacket ko at ipinatong sa likod niya.
Habang umiiyak siya para bang kumikirot ang puso ko. Malakas ang pag-iyak niya at sa bawa't hikbi niya para bang nauubusan na siya ng hininga.
"Raven..."
"Layuan mo na ako..."
I feel down nung marinig ko ang sinabi niya.
"Huwag kang maawa sa 'kin... Kung lalapitan mo lang ako dahil naguiguilty kang hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sa 'yo, pakiusap, huwag na lang... Kung ginagawa mo lang ang mga bagay para maging masaya ako, pakiusap 'wag na lang kasi mas gusto ko... sa lahat ng mga bagay... ikaw 'yung masaya, Raven."
Para bang dinudurog ang puso ko ng mga salitang 'yon.
Until now, ako pa rin ang iniisip niya. She really likes me. No. She do loves me.
She looked at me. Directly to my eyes, seems like she's connecting herself to my soul.
"Ayokong madamay ka sa mga nangyayari sa buhay ko. Ayokong makita mo akong ganito. Ayokong nahihirapan ka dahil sa 'kin..."
She's stupid. Kahit naman ayoko nung una na madamay sa mga katangahan niya sa buhay, wala naman akong nagawa. Patuloy pa rin kaminh pinaglalapit... pinagtatagpo.
"Isang kasalanang mahalin ako. Puro perwisyo lang ang idudulot ko sa 'yo. Mahal kita kaya hindi kita hahayaang magkamali, pakiusap, huwag mo akong mamahalin..."
I don't know what to say. It's typical for a person to ask your love one to love you back but... she's different.
I don't really know what I'm going to do right now. Ayoko siyang layuan. Kaya nga ako narito dahil hinahanap ko siya.
Kung gumagamit man siya ngayon ng reversed psychology, tang ina, effective. Tang ina talaga. My chest is banging like a kingkong.
"Palagi mong nililigtas ang buhay ko hanggang sa pagkakataong ito, nandito ka sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano makakabawi sa lahat ng mga naitulong mo sa 'kin, Raven. Kung kaya ko lang maibalik si Sheen sa 'yo gagawin 'ko, makabawi lang."
I hold her arms to stop her from talking. "Huwag ka nang mag-salita, please." Nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo.
"Pero Raven, kung 'yun talaga ang gusto mo gagawin ko. Tutulungan kitang bumalik si Sheen at 'pag bumalik na siya sa 'yo, lalayo na talaga ako..."
"Bakit ba lagi mong sinasali si Sheen sa usapan? Ikaw ang nandito sa harap ko. Ikaw ang iniisip ko, bakit ba pinipilit mong siya?"
Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Ako rin naman, nalilito. Hindi ko alam ang mga sinasabi ko. Kusa na lang. Tama nga ang kasabihan, kung anong nasa puso mo 'yun ang lalabas sa bibig mo.
"You don't know what I am feeling right now. I feel so worthless nang hindi ko sila napigilan sa mga ginawa nila sa 'yo kanina. Patawad kasi nahuli ako..."
"Raven..."
"Alam mo bang kahit paulit-ulit na kitang tinutulungan, hindi ko maramdamang may nagawa na ako para sa 'yo. Parang kulang pa rin kasi hindi kita mailayo sa kanila."
Natahimik siya.
"Alam mo ba kung bakit lagi kitang tinutulungan? Because you saved me before. And I promised to myself that I will always protect you. Oo, nung una nilayuan kita but it only made it worst. Ngayon, hindi mo man lang ba naisip kung bakit nandito ako? Hindi mo ba naiisip kung bakit lagi kitang hinahanap? Hindi mo ba naisip kung bakit kita hinalikan noon?"
"Pero si Sheen ang laman ng puso mo..."
"Hindi ko alam kung sinong mas tanga sa 'ting dalawa. Sige nga, lalayuan kita, paano ka makakabawi sa mga nagawa ko? Paano kita lalayuan kung masaya ako 'pag kasama kita? Matalino ako pero hindi ako magaling dito kaya sa pagkakataong ito, ako naman ang tulungan mo."
"Raven... ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."
"Hindi kita kayang layuan at 'yun ang totoo. Gusto mo akong palaging masaya 'di ba?"
Tumango siya kahit kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi niya naiintindihan ang mga sinabi ko.
"Then, stay. All you need to do is to stay beside me. Just stay, please..."
###I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito
17/11/2024
1yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c
05/08/2024
0good
20/07/2024
0Tingnan Lahat