Singer

Heather Jean Duerre's P.O.V
Isang linggo na ang nakalipas. Natapos na rin ang CHMT Night.
Oo nga pala, kami ang nanalo sa Cupcake Couture! Sobrang saya namin ng gabing 'yon. Syempre, sobrang saya sa puso na napunan ang kapaguran namin ng pagkapanalo namin.
At alam niyo ba kung ano na ang inaabangan ng mga tao ngayon?
"Jean, may ka-date ka na ba sa February 14?" tanong ni Maine.
Nang-aasar ba siya?
"Ba't ikaw? Meron na?"
Ngumiti siya at tumango-tango. "Oo."
"Sino si Clark?"
"P-paano mo nalaman?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Halata kasi, tapos si Karen ang ka-date si Kurt." Ngumiti si Karen at nag-drawing sa hangin ng malaking check.
Kita niyo na, alam na alam ko 'yang mga 'yan. Iiwan ako sa araw na 'yon. Eh 'di sila na may ka-date, para namang mamamatay akong wala. Hindi ko kailangan nun!
"Isang linggo na lang at Valentine's day na! I'm so excited!" kireng-kireng sabi ni Karen. Sila na pumapag-ibig.
"Oo nga, first time kong makakasama si Clark sa espesyal na araw na 'yon."
Tila ba kinilabutan ako sa sinabi niya. Parang bumaliktad ang sikmura ko. Kailangan niya ba talagang sabihin sa akin ang bagay na 'yun? Akala naman niya maiinggit ako.
"Ikaw? Bakit 'di mo yayain si Raven?" pang-asar na tanong ni Karen.
"Ako? Bakit ako? Bakit ako magyayaya? Tsaka bakit ko yayayain 'yun. Hindi ako tanga no. Hindi ko 'yun yayayain, sabihin niya patay na patay ako sa kaniya eh."
"Bakit hindi ba?"
"Hinde!!!" Inirapan ko silang dalawa. Mga malalantod! Di ako katulad niyo!
Nakinig na lang ako sa tinuturo ni Professor Rivera. Hindi ko namalayang napunta sa Valentine's Day ang usapan.
"Madalas, dito sa South Middleton parang nagiging Japanese style ang school 'pag Valentine's day. Natatawa na nga lang ako kapag nangyayari 'yun." Bakas sa mukha ni Professor ang kilig.
"Bakit Ma'am, ano po bang meron?" tanong ng isa sa mga kaklase ko. Tama nga na tinanong niya 'yun, kasi first year nga kami at hindi namin alam ang nangyayari tuwing darating ang araw na 'yun. Siguro si Karen alam kasi matagal na siyang nag-aaral dito pero kami, hindi pa.
"Magkakaroon ng activity sa school. Sa umpisa ng araw na 'yun lahat ng babae maaaring magbigay ng chocolates sa lalaking gusto nila..." Nakita ko namang mas ngumiti si Ma'am. "At ang mga lalaki, maaaring halikan ang mga babaeng gusto nila."
Nanlaki ang mga mata ko. Ewan ko ba, parang kakaiba naman yata ang bagay na 'yun. Anong kakirihan ng mga estudyante 'yon?
Sinong nagpasimula?
Sinong pasimuno?
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Kapwa sila masaya at kinikilig. Lalo na 'yung mga lalaki kong kaklase sobra ang ngiti sa narinig nila. Mga gusto lang makaisa sa mga babae eh!
"Syempre sa mga lalaki dapat isa lang ang hahalikan nila at 'yung taong gusto niya lang. Ang araw rin 'yun ay para sa mga taong hindi masabi ang kanilang nararamdaman sa taong gusto nila. Ang babae ay magbibigay ng chocolate or something sweet sa lalaki at pambawi naman ng mga lalaki ay hahalikan niya ito."
Napairap na lang ako. Aba't magsasayang pa talaga ng araw ang school para sa ganung bagay. Dapat nag-aaral tayo rito! Magwewelga ako!
"May mga booths 'yun sa field na pwedeng salihan kaya tiyak matutuwa kayo."
"Ibig sabihin po walang klase ng araw na 'yon?"
"Oo, pero hindi ibig sabihin na pwede nang umabsent. Ha? Activity pa rin ng school 'yon at kailangang mag-participate."
"Ma'am tanong ko lang, eh di pwede na ang PDA sa araw na 'yun?"
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Mga pashnea! Mag-PDA kayo nang maranasan niyong maglinis!
Nang matapos ang klase, isa-isa na rin kaming lumabas sa room. Aba't, halos lahat iisa ang ngiti. Mga pashnea talaga. Hindi ako papasok sa araw na 'yun!
"Ano? Bibigyan mo ba ng chocolate si Raven?" tanong sa 'kin ni Maine habang nakangiting demonyo. Oo masama talaga. Para bang nangiinis na hindi malaman. Sakalin ko siya eh!
"Hindi nga sabi!"
"Huwag mo na kasing kulitin Maine, mamaya cupcakes pala gusto niyang ibigay kay Raven, hindi chocolate." Isa pa 'to si Karen eh! Ano bang nakain nila? Ba't ang lakas nilang mang-asar?
"Mali ka Karen, puso ang ibibigay ni Jean kay Raven kalakip ng kaniyang love letter." Nagtawanan pa sila.
"Magtigil nga kayo! Bakit ba lagi niyo akong inaasar? Kung akala niyo natutuwa pa ako sa mga biro niyo, pwes! Hindi na! Hindi porke't bobo ako at mag-isang nagmamahal gaganiyanin niyo na 'ko! Grabe, mas masama pa kayo kina Sheen at Xyrah!" Naglakad na ako nang mabilis palayo sa kanila. Akala naman kasi nila natutuwa pa ako sa mga biro nila eh. Hindi ba nila nakikitang nasasaktan na 'ko? Puro pa sila biro!
Hindi porke't kaibigan ko sila okay lang sa 'kin na asar-asarin. May damdamin rin ako, nasasaktan. Tao ako, mahaba ang pasensya pero hindi porke't mahaba wala ng katapusan.
Pinagdidikdikan pa nila na yayain ko si Raven sa Valentine's. Nakakababa naman ng dignidad. Parang sobrang desperada ko naman
nun.
Hindi naman kailangang ipagduldulan sa 'kin na sila may mga maayos na buhaypag-ibig na eh. Okay lang naman sa 'kin, hindi ako naiinggit. Masaya ako para sa kanila pero bakit sila ganun sa 'kin? Dapat intindihin nila ako. Kahit na oo, may gusto ako kay Raven pero hindi naman ibig sabihin na ipipilit ko ang sarili ko sa kaniya.
Ang gusto ko lang naman makabawi sa lahat ng ginawa niya. Sa lahat ng naitulong niya. Sa pagliligtas niya palagi ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano pero kung magkakaroon rin ako ng pagkakataon gusto ko ring iligtas ang buhay niya kapalit ng buhay ko.
Natigil ako sa paglalakad nang may humarang na kamay sa noo ko kaya napatingin ako sa kaniya. "R-raven..."
"Mauuntog ka na sa gate, hindi mo pa alam." Napansin kong malapit na nga akong bumangga sa gate.
"S-salamat." Naglakad na ako palabas. Siguro wala ako ngayon sa tamang pag-iisip at kailangan ko na lang magpahinga sa bahay.
Habang naglalakad ako, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.
"Hello?"
(Hello. Is this Jean Duerre?) tanong sa akin. Boses lalaki.
"O-oo. S-sino ka?"
(Ahhh Isa akong producer. Ako si Matthew Cleo. Napanood ko kasi 'yung pagkanta mo sa mall kaya naisip ko kung pwede kang pumunta rito sa studio at irecord natin 'yung boses mo. Maganda talaga ang boses mo kaya naisip ko na 'pag pumayag ka, pwede nating ipasa sa mga mga kumpanya na kumukuha ng magagaling na singer para pasikatin ka.)
"Talaga p-po?"
###

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Christian claveriaCristian

    maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito

    17/11/2024

      1
  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08/2024

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    20/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata