CHMT Week

Sinagot ko ito. "Sino 'to?"
(Tss. Magkasama lang kaya tayo kanina.)
"R-raven?" Tiningnan ko muli ang number. Aist, binura ko nga pala ang number niya dati.
(Going to sleep already?)
"Medyo. Bakit?"
(Nothing. I just want to say thank you.)
"Thank you? Para saan?"
(Sinasagot ko lang 'yung tanong mo kanina tungkol sa nararamdaman ko... And that's what I feel... I am thankful for today.)
Natahimik ako. Hindi ko mapigilang ngumiti. Anong ibig niyang sabihin at bakit siya nagpapasalamat? Masaya ba siya?
(Sleep already?)rinig kong tanong niya. Itinabi ko ang slambook sa may maliit na drawer sa side-table ko tsaka ako humiga.
"Hindi pa, kausap pa nga kita eh." Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.
(Akala ko kasi nakatulog ka na, bigla ka kasing tumahimik not the usual you.)
"Parang kilalang-kilala mo na ako ah," komento ko.
Tumawa lang siya. (Sige na, goodnight, overaction.) Paalam niya.
***
Isang linggo na ang nakakalipas at CHMT week na. Nag-meeting na rin ang Team namin. Napagkasunduan ng lahat na kami ang ilaban sa Cupcake Couture. Kaya heto kami, namomroblema kung paano gagawin ang 100 pieces na cupcake sa isang araw. Lunes ngayon at may paghahanda pa kami hanggang bukas kaya heto kaming tatlo nag-sesearch ng pwedeng event keme at motif daw. Ay malay ko ba! Alam ko lang mag-bake!
"Sweet sixteen na lang kaya?" suhestiyon ni Karen.
"Debut na lang," sabi naman ni Maine. Tungkol nga pala kay Maine, bumalik na siya sa dati. Hindi ko alam kung paano pero mabuti naman. Ayokong nakikita siyang gano'n. At may isa pa akong napansin, parang close na close na sila ni Clark. Nagngingitian tapos biglang tatawa silang dalawa na akala mo may pinaguusapan pero hindi naman nagsasalita. Tapos isang beses, nakita kong magkahawak ng kamay kaunti na lang gusto ko na silang kantahan ng "Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay." O kaya Hawak kamay ni Yeng Constantino. Hindi ako nagseselos! Naninibago lang! Parang ako na lang tuloy hindi umuusad ang lovelife. Siguro nga, kasi wala talagang forever.
Tumango-tango ako sa sarili ko. Napansin ko namang nakatingin sa akin ang dalawa na para bang may hinihintay. "Any suggestion?" tanong ni Karen.
Napakunot ako. Suggestion saan? "Kung paano magkakaroon ng forever? Wala." tanong ko. Binatukan niya naman ako. Bakit ba nawiwili sa kababatok ang mga 'to?
"Tama! 'Yun na lang. Wedding tapos infinity," nakangiting sabi ni Maine. Ano raw?
"Pwede pwede. Sa cupcake lagyan natin ng design na infinity. Tapos pinaka-backdrop natin, mga pictures ng newlyweds tapos parang freedom wall na may mga quotes tungkol sa forever." Hindi ko sila maintindihan basta nagd-drawing si Karen sa isang bond paper ng kung ano. Nag-sesearch naman si Maine sa laptop niya. Okay? Ano palang ginagawa ko rito?
"Ang galing mo talaga Jean. Kahit pala maliit ang utak mo may magandang idea na na-poproduce." Kinurot ko nga si Maine. Ang hilig mang-asar. Mga bully 'tong mga kaibigan ko. Hindi naman sila ganito dati eh. Nahawa na yata kay Raven. Tsk.
"Anong flavor ng cupcakes natin? Chocolate? Vanilla? Buttercream? Parang ang common na eh." 'Yung totoo, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. Basta tutulong na lang ako sa pag-bebake.
Tiningnan ulit nila ako na para bang naghihintay ulit ng ideya na manggagaling sa utak ko. "Pwede ba 'yung red velvet?" tanong ko. Naalala ko kasi 'yung kanta nilang Ice cream cake.
Nag-isip naman sila. "Pwede ba ang gawin natin sa pinaka-cake redvelvet tapos 'yung icing vanilla? Bagay ba?" tanong ni Karen. Nagkibit-balikat ako. "Sige, pag-isipan muna natin."
"Okay, maghahati-hati tayo sa gagawin. Di ba tayong lahat ang magbe-bake ng 100 pieces na cupcake. Syempre, hindi lang natatapos dun, may design pa tayong gagawin sa pinakang pwesto natin. May gagawa ng back-drop, may gagawa ng design sa ibabaw ng table kung saan natin ilalagay ang mga cupcakes, at may magi-skirting."
Tumaas ako ng ako ng kamay. "Ako na lang sa tableskirting."
"Sige, ako na lang sa backdrop," wika ni Maine.
"Okay, ilista na natin ang mga props and decorations na kakailanganin natin para makapamili tayo bukas ng umaga. Tapos bukas ng hapon, mag-practice tayo ng ibebake natin."
"Saang bahay?" tanong ko. Ngumisi naman sila.
"Sa inyo."
"Ay grabe! Ba't sa 'min? Aba, ang mahal-mahal ng gasul ngayon eh."
Wala naman akong nagawa kundi pumayag. Nakakainis. Bakit kasi sa 'min? Siguradong magkakalat kami tapos 'pag mag-iimis na, uuwi na sila. Hay nako. Alam ko na ang mangyayari.
"Tungkol nga pala sa CHMT Night, ano raw ang theme natin?" tanong ni Maine. Oo nga, ano nga ba?
"Wild, wild, west daw."
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Parang cowboy/cowgirl ganun. Parang Will Smith." Napa-ahhh na lang ako. Ano nama kayang susuotin ko na magmumukha akong cowgirl. Magsuot na lang kaya ako ng costume na cow o kaya magpaka-wild tapos maglalagay na lang ako ng west para swak na swak sa theme. Tingin niyo?
"Sige, magtanghalian na muna tayo." Lumabas na kami sa computer lab. Wala rin kasing klase ang buong College namin dahil nga week namin ngayon. Kailangang maghanda para sa kumpetisyon sa darating na Miyerkules. May nakikita nga ako kanina naghahagis-hagis ng bote, parang nakita ko dun nung nagpunta kami sa hotel ni Kurt. Flairtending pala tawag dun.
Pumunta na kami sa canteen at nag-order na kami ng kakainin namin. Habang nasa hapag kami, hindi pa rin namin maiwasang pag-usapan ang tungkol sa Cupcake Couture. Naglabas pa ng papel si Karen at pinaglilista ang mga bibilhin namin mamayang uwian.
"Mukhang abalang-abala kayo ha Karen," puna ni Kurt nang makarating sila sa table namin. May dala na rin silang pagkain.
"Kaya no comment muna kayo, please." Ibinaling naman ni Karen ang tingin niya sa 'kin. "Ita-try nating gawin 'yung sinuggest mong red velvet cupcake. 'Pag okay, 'yun 'yung gagawin natin sa mismong competition." Tumango ako. Tumingin naman siya kay Maine. "Heto 'yung listahan ng mga bibilhin natin. Baka makahingi rin tayo ng pondo sa team natin. May contribution naman kasi tayo sa event na 'to kaya siguradong may pera tayo kahit papaano. Kung magkukulang man, bahala na tayo dun." Iniabot ni Karen kay Maine ang papel. "Ikaw ang treasurer sa 'tin. 'Pag nakakuha tayo ng pera sa team natin, ikaw ang maghahawak."
"Sige, tungkol nga pala sa mga quotes na ilalagay sa backdrop. Magsesearch na ako mamaya para pwede ko na ring i-print sa photopaper. Tsaka sinong ikakasal?"
"Si Ahn Jae Hyun at Goo Hye Sun," singit ko.
"Sino naman 'yon?"
"Basta i-search mo na lang. Okay 'yon."
"O sige, Jean, ikaw naman mag-search ka ng magandang tableskirting sa internet. Tapos i-text mo sa 'min kung may kailangan kang design kunwari beads or butterflies mga ganun para maisama sa listahan."
"Okay."
"Mali pala, kami na lang pala ni Kurt ang bibili ng mga gamit para may gagawin naman ako." Kinuha niya muli ang papek kay Maine. "Oh sige, para kaunti lang aasikasuhin namin. Kayo na ang bibili ha?"
"Ako na ang treasurer at marketer. D'yan na lang kayo mag-focus, ako nang bahala sa bilihin."
###

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Christian claveriaCristian

    maganda sana kso bitin if yong sunod pa ng story na ito

    17/11/2024

      1
  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08/2024

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    20/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata