Chapter 15

Nial’s Point of View
“Everyone go to your assign seats now! Double time!”
Maakas na sigaw ng advicer namin. Isa-isa na kaming sumampa sa loob ng bus kasama ang ibang mga classmates ko. Bawat sections kasi may tag-iisang bus na naka-assign para duon sumakay. Nakita kong papasok na rin yung ibang grade levels at sections sa kani-kanilang bus.
“Oy pre! Bakit nandyan ka sa dulo ng pila?”
Tinapik ako ni Marcus na nanggaling sa medyo unahang pila na ikinagulat ko.
“Medyo kakarating ko lang rin kasi, teka bakit parang ang dami yata natin?” sagot ko sa kaniya na medyo inaantok pa.
“Ah oo, dalawang section kasi yung sasakay sa bus natin dahil konti lang naman daw tayo sa section natin.”
“Ah ganun ba.”
Lumingon ako sa likod ko, may limang tao pang sumunod sakin sa pila.
“Sige pare balik nako sa line ko ah.”
Tumango lang ako at hinintay ng makapasok yung mga nasa unahan ko. Ilang saglit lang ako na ang aakyat sa bus nang bigla akong pigilan ng advicer namin.
“Wala ng vacant seat dito.”
Napatigil ako at tumingin sa mga classmates kong nasa loob na ngayon, sinenyasan nila ako na wala na ngang vacant seat sa loob ng bus.
“Saan po kami sasakay ma’am?” napakamot nalang ako sa ulo habang nakatingin sa advicer namin na halatang namo-mroblema rin.
“I’ll transfer you to another bus, c’mon sumunod kayo sa’kin.”
Sumunod nalang kaming mga natitirang hindi pa nakakasakay sa kanya at naghanap ng bus na may available seats pa. Pumasok siya sa isang bus at kinausap yung teacher na naka-assign du’n at mayamaya ay bumalik na siya samin.
“You will join the section A, pumasok na kayo dahil aalis na tayo.”
Tumango kaming lahat at pumasok na sa tinuro niyang bus, sinalubong kami ni Mr. Dela Cruz para sabihin kung saan kami uupo.
“Nial Alcantara, umupo ka sa seat na katabi ni Ms. Garcia.”
Tinuro niya sa’kin ang isang upuan kung saan may babaeng natutulog habang may nakakabit na headset sa tenga. Malayo palang ay alam ko na kung sino siya, napangiti nalang ako nang tuluyan akong umupo sa tabi ng mahimbing na natutulog na si Camerron Garcia.
Medyo nailang ako dahil may pailan-ilang tumitingin sa direksyon namin. Medyo nasasanay nalang rin ako sa ganun dahil lagi nalang akong pinagtitinginan, hindi ko tuloy alam kun anong mali sa’kin. Nakita ko din yung bestfriend ni Cams na si Clare at nag-hello sakin. Nginitian ko lang siya at bumati pabalik.
Mayamaya umandar na ang bus, ibig sabihin ay papunta na kami sa first destination namin. Hindi pa rin nagigising si Cams na nasa tabi ko, sobrang himbing ng tulog niya, bakit kaya siya napuyat ng ganiyan. Mukha kasing kulang na kulang siya sa tulog eh.
Habang nasa byahe nagsimula nan g umingay ang loob ng bus, nagkakantahan, may nag-aasaran at yung iba naman ay katulad ni Cams na nakatulog na. Medyo mahaba pa rin kasi ang byahe namin bago makarating sa first destination.
Hindi nagtagal ay naramdaman kong gumalaw si Cams sa tabi ko, akala ko magigising na siya pero nabigla nalang ako nang umayos siya at pinatong yung ulo niya sa balikat ko. Hindi ako agad nakapag-react at bigla akong napatigil sa paggalaw.
“Clare pahiga ha, ang sakit ng ulo ko eh… wala akong maunanan.” Bigla siyang bumulong gamit ang antok na boses habang nakapikit parin yung mga mata niya. Teka, akala niya ako si Clare?
Tumingin ako sa paligid, may ilang nakapansin sa pwesto namin kaya bigla silang nagbulungan at yung iba ay parang kinikilig pa. Pakiramdam ko biglang nag-init ang mukha ko, hindi rin ako makagalaw dahil baka magising ko siya o malaglag sa pagkakapatong sa balikat ko yung ulo niya.
Hindi nagtagal napansin kong may flash ng camera, pagtingin ko si Clare may hawak na cellphone at nakatutok sa’min habang nakangiti na abot tenga. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan nalang pati yung ibang nakatingin pa rin samin, bakit ba kasi ang himbing ng tulog nito eh.
Akala ko matutulog lang siya pero bigla nalang niyang hinigit yung braso ko at niyakap ‘yun, tiningnan ko siya pero nakapikit padin yung mga mata niya katulad kanina. Parang napako ako sa kinauupuan ko, hindi ko alam ang gagawin dahi ang alam niya si Clare yung katabi niya ngayon.
Cammeron’s Point if View
Nakaramdam ako ng lamig kaya kinapa ko yung braso ni Clare at niyakap ‘yun. Teka… bakit parang lumaki yata yung braso niya? Tuturuan ko na talaga siyang mag-diet, tumataba na siya eh.
Lalo kong nilapit yung katawan ko sa kanya dahil sobrang lamig talaga, buti nalang at hindi siya gumagalaw. Sobrang antok na antok ako, halos isang oras lang kasi ang tulog ko.
Nagtaka ako nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy, sa sobrang antok ko parang naamoy ko na si Nial sa tabi ko. Pero imposible, hindi naman kami pareho ng section kaya siguradong nasa ibang bus siya ngayon. Masyado na yata kaming magkasama lately kaya nasasanay ako sa amoy niya.
“Clare, bakit ganyan ang amoy mo?” Mahina kong tanong sa kaniya habang nakapikit padin ang mga mata ko.
Amoy talaga ni Nial ‘yon eh, hindi ako puwedeng magkamali. Kahit wala pa ako sa wisyo nilapit ko yung ilong ko sa bandang leeg niya para amuyin siya nang mabuti.
‘”Ano ba ‘yan, kaamoy mo naman si Nial eh,” reklamo ko.
Pagkatapos ko siyang amuyin mas niyakap ko pa nang mahigpit yung braso niya. Bakit ba sobrang lamig dito sa bus, nakakainis.
“Kasi ako ‘to Cams.”
Nananaginip lang ba ako o narinig ko talaga yung boses ni Nial? Saglit akong kinabahan pero baka sa music lang ‘yon sa headset ko.
Hindi ko nalang ‘yon pinansin saka bumalik sa pagtulog.
--
Nagising ako nang bigla ko nalang maramdaman na may gumagalaw sa’kin. Sobrang ingay rin ng paligid at wala ng music na nag-p-play sa headset na suot ko.
“Clare nasa’n na tayo?”
Tinatamad kong tanong sa kanya habang nakapatong padin yung ulo ko sa balikat niya. Nakatigil na yung bus kaya baka nandito na kami sa first destination namin. Napabuntong hininga ako, ayoko pang bumaba gusto ko pang matulog.
“Umayos kana, bababa na tayo sa bus.”
Parang tumigil yung paghinga ko dahil bigla kong narinig ulit yung boses ni Nial, teka nananaginip pa ba ‘ko? Gising na’ko hindi ba? Bakit naririnig ko yung boses niya.
“Kapag hindi ka pa kumilos diyan maiiwan nalang tayong dalawa dito.”
Parang gusto ko matulog ulit, omg! Totoo ba ‘to? Naririnig ko talaga yung boses niya. Bigla akong kinabahan, what if nandito nga siya? P-pero imposible, si Clare yung katabi ko eh.
Pahina nang pahina yung ingay sa paligid nang unti-unti kong buksan ang mga mata ko habang unti-unti ko ring nilingon yung katabi ko.
“OMG!”
Biglang tumigil yung mundo ko nang tumambad sakin yung mukha ni Nial. Lord sana nananaginip lang ako, please sana nananaginip nalang ako ulit. Para akong nanigas sa kinauupuan ko, kaya naman pala ang laki ng braso niya tapos... tapos… yung amoy niya. OMG! Camerron anong ginawa mo!
“Pagkatapos mo ako gawing unan at yakapin yung braso ko buong biyahe titingnan mo lang ako ng ganyan?” Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
Gusto kong takpan yung mukha ko sa sobrang kahihiyan, pwede bang maglaho nalang ako. Kahit gusto kong magsalita parang ayaw lumabas ng words sa bibig ko, sobrang init din ng pakiramdam ng buong mukha ko, parang kanina lang sobrang nilalamig ako ah.
“Mag-ayos kana, nakababa na silang lahat.”
Bigla syang tumayo at naglakad papunta sa pinto ng bus habang ako nakatulala habang pinagmamasdan yung likuran niya hanggang makababa siya.
T-teka galit ba siya? Bakit parang walang emosyon yung mukha niya. Naman kasi eh! Bakit ba kasi hindi ko chini-check kung sino yung katabi ko. Tsaka bakit ba kasi siya nasa bus namin, ang pagkakaalam ko iba yung bus ng section nila eh. Argh!
Pagkatapos ng ilang minutong pag-convince ko sa katawan ko na kumilos na ay nakababa nadin ako sa wakas ng bus. Nakita ko yung iba sa hindi kalayuan habang mini-meeting ng advicer namin. Mabilis akong lumapit sa kanila ng matanaw ko si Clare, naku! Lagot talaga sa’kin ang babaeng ‘to.
“Hoy babae!” Mahina pero gigil na sabi ko sa oras na makalapit ako sa kaniya na may kasama pang hampas sa braso.
Napalingon siya biga sa’kin dahil do’n.
“Ouch naman, aray ko ha. Bakit ba?”
Bulyaw niya sa’kin habang hinihimas yung braso niyang hinampas ko. Sinigurado ko talagang masakit ‘yon, bruhang ‘to.
“Wag mo akong ma-ouch ouch diyan ha, bakit hindi mo ako tinabihan sa upuan?”
Bigla siyang napangisi sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Sus, akala mo naman talaga hindi nag-enjoy sa katabi niya.”
Sagot niya sa’kin habang iwinawagayway yung cellphone niya sa harap ko. Ano na namang sinasabi ng babaeng ‘to.
“Ok class para sa huling paalala, ang magiging partner niyo sa buong tour na ito ay ang mga katabi niyo sa upuan sa bus. So make sure na hindi kayo maghihiwalay ng mga partner niyo para walang mawawala sa oras na bumalik na tayo dito. Are we all clear?”
Sabay sabay na sumagot ng Yes yung mga classmates ko. What?! Kung minamalas ka nga naman, oh.
“At oo nga pala, yung mga galing sa ibang section na nahalo dito, you will stay with your partners kahit taga ibang section kayo,” dagdag ng advicer namin.
“Oh narinig mo ‘yon? Chupi do’n kana sa Nial mo.”
Patawa-tawa lang siya habang hinahawakan yung kamay ng partner niya. Inirapan ko lang siya at tumingin sa paligid para hanapin si Nial. Mukhang kailangan ko talaga harapin yung kahihiyang ginawa ko.
“Hey partner.”
Nilingon ko yung tumawag sa likod ko at nakita ko si Nial habang nakangiti sa’kin. Kanina lang parang galit siya tapos ngayon naman ngiting-ngiti siya, hindi kaya may sakit siya sa pag-iisip.
“M-master,” utal kong tawag sa kaniya. Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa kanya.
“Ano ba namang klaseng itsura ‘yan. Ok kalang ba?”
Nagsimula na siyang maglakad, napansin kong papasok na rin yung iba sa loob ng bulding. Sinundan ko lang si Nial at sumama kami sa mga nakapila ng 2 lines papasok.
“Sorry nga pala kanina master, akala ko kasi si Clare yung katabi ko.”
Nahihiya kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.
“Ok lang, medyo sumakit at nangalay lang yung balikat ko, ang tagal mo kayang natulog sa’kin,” casual lang ang pagkakasabi niya no’n kaya hindi ko alam kung galit ba talaga siya o hindi.
“Hindi ka galit?”
Nilingon niya lang ako at saka ngumiti.
“Hindi ‘no.”
Nial naman eh, ayan na naman ‘yang ngiti mo.

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    JovenDarl Nina

    Nice story!

    06/02/2024

      0
  • avatar
    Evangeline Zapico Raval Carandang

    😍😍😍👍👍👍

    19/07/2023

      0
  • avatar
    Cherry Dañoso Villa

    More

    19/09/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata