Homepage/While I Was Sleeping/
Chapter 12
Camerron's Point of View
One week na nang tuparin ko ang wish ni Nial na maging magkaibigan kami at dahil du’n ay madalas na kaming magkasama tuwing break time, nalaman ko narin kung saan ang classroom niya sa wakas. Mas madalas ko na siyang kasama kesa kay Clare kaya ang bruha malaki na ang tampo sa’kin.
Ilang beses rin akong nagpabalik-balik sa ospital sa loob ng isang linggo, pakiramdam ko hindi na nakakatulong ang iniinom kong gamot para maging ok ang pakiramdam ko kaya wala talaga akong ibang pagpipilian kung hindi pumunta sa ospital.
As usual alalang-alala na naman sa’kin si mommy, she suggested na mag homestudy nalang ako but I resist. For the remaining days of my life I want it to be normal.
“Oh himala nag-iisa ka diyan.”
Biglang sumulpot sa harapan ko si Clare na ikinagulat ko, nandito ako ngayon sa canteen at tama siya, mag-isa nga ako dahil mula kanina ay hindi ko pa nakikita si Nial. Sabi ng classmate niya hindi rin daw siya pumasok. Nasaan kaya yung lalaking ‘yun.
“Ikaw pala,” matamlay na salubong ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang pagkain na dala niya.
“Hindi pumasok si Nial?”
‘Yah, I don’t know why. Bigla-bigla nalang siya na-absent’ I frowned.
Naiinis ako dahil hindi nagawang mag-txt manlang ni Nial kung bakit hindi siya papasok. As far as I remember kinuha kaya niya yung number ko.
“Saglit mo lang siyang hindi nakikita nami-miss mo na agad. Cams ha, baka naman iba na ‘yan,” pang-aasar niya habang binubuksan ang sandwhich niya.
Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Of course not!
“Hay nako Clare, tigilan mo ako sa mga ganyan mo ha.” Inirapan ko siya kahit hindi naman niya ‘yon nakita dahil nagsisimula na siyang kumain.
“What? I’m just saying na nami-miss mo siya as a friend. ‘Di ba?” Patawa-tawa niyang sagot sa’kin.
Kunwari pa siya, alam ko namang may kung anong ibig sabihin yung sinabi niya. Parehas lang sila ni mommy mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay.
Sinimulan ko nang kainin ang pagkain na kanina pa nasa harap ko na hindi ko makainkain dahil sa kakaisip kung anong reason ni Nial sa pag-absent niya nayong araw. It’s quite weird na walang Nial na nangiti sa harap ko ngayon instead isang Clare na malisyosang nakatingin sa’kin habang kumakain ako.
Sinamahan ako ni Clare hanggang sa matapos ang break time namin, kailangan na raw niyang sulitin yung time na wala si Nial para makasama naman niya ako. Well as I have said, hindi ko na siya masyadong nakakasama lately dahil kay Nial and I feel guilty for that.
Pagkatapos naming kumain sabay na kaming pumasok sa susunod na klase namin. Hindi parin talaga maganda ang pakiramdam ko at hindi rin ako mapakali. Pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko may mali. Napabuntong hininga na lang ako. Dahil ba ‘to sa wala si Nial ngayong araw?
Dumaan ang maghapon na parang wala akong kagana-gana sa pakikinig ng mga lesson. Niyaya ako ni Clare na sabay na raw kaming umuwi pero pinauna ko na siya. Ewan ko ba, pero feel ko mag-isa ngayon. Pumara ako ng taxi para pumunta sa Mall, ayoko pa kasing umuwi and besides matagal tagal narin akong hindi nakakapaggala.
“Manong sa East Mall po,” walang gana kong sabi sa driver. Inilabas ang phone ko para i-check kung nag-txt naba si Nial.
Halos mapasigaw ako nang biglang mag-register sa screen ng phone ko ang pangalan niya.
MASTER NIAL
Can you go here at my house? I need someone, please.
Bigla akong kinabahan dahil sa message niya. Nang tingnan ko kung anong oras na-send yung message napahampas nalang ako sa upuan ng taxi dahil 5 hours ago pa ‘yon. Argh, bakit ba hindi ako nag-check ng phone kanina?
“Manong hindi na po pala sa East Mall, pahatid nalang po ako sa Silver Homes subdivision. Pakibilisan po please.” Natataranta kong sabi sa driver habang dina-dial ang number ni Nial.
*The number you have dialed is either not attended or out of coverage area. Please try your call later*
Tanging ang operator lang ang sumagot na mas ikinainis ko.
“Bakit nakapatay ang phone mo Nial, ano ba!” Bulong ko sa sarili ko habang patuloy na tina-try tawagan yung phone niya pero nakapatay talaga.
Mayamaya bigla kong naisip si mommy, shit, oo nga pala. Siguradong hinahanap na niya ako. Dali-dali kong denial yung number ni mommy. Kailangan kong magpaalam kung hindi malalagot na naman ako.
“Hello mom.” Nagmamadali ang boses ko. Baka hindi siya pumayag pero bahala na.
“Hello baby, where are you? Kanina niyo pa uwian ah.”
“Mom I’m sorry, may kailangan lang akong puntahan.”
“Saan? With whom?”
“I’m going to Nial’s house. Basta mamaya ko nalang ipapaliwanag but I’m fine no need to worry.”
Natahimik ang kabilang linya dahil hindi agad siya sumagot. Please, sana pumayag siya.
“Ok, keep safe baby ok?”
“Yes mom, thank you.” Napahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa ng kung anu-ano.
Binaba ko na ang cellphone ko at tumingin sa labas. Lalo lang akong nag-alala sa kaniya, hays ano kayang nangyari sa kaniya.
Dali-dali akong nagbayad at lumabas ng taxi nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Nial. Buti nalang talaga sinabi niya sa’kin ang address niya kung hindi ay katakot-takot na paghahanap pa ang gagawin ko bago ko pa siya makita.
Tumambad sa harap ko ang isang napaka laking gate na pula. Literal na napanganga ako dahil sa sobrang laki ng bahay na nasa harap ko. Bakit pa nga ba ako magtataka halos lahat alam na high class talaga itong subdivision na ‘to. Pero wow lang talaga, hindi ko akalaing ganito pala kayaman si Nial.
Bukod sa pagiging vocalist niya sa school band, may mga gigs din siya sa mga event. Hindi naman pala niya kailangan ng pera dahil sa sobrang yaman niya.
Nakatulala lang ako sa doorbell dahil nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ‘yun o hindi. Naku naman Camerron, ngayon ka pa ba matatakot? Parang kanina lang pinagmamadali ko yung driver na dalhin ako dito tapos ngayon parang gusto ko nalang umurong. Si Nial naman kasi hanggang ngayon out of coverage parin yung phone eh. Ano na, ano bang gagawin ko dito? Tatayo nalang ba ko. Naku naman eh.
Kahit nanginginig ang kamay ko ay unti-unti kong tinapat yung daliri ko sa doorbell. Ok Camerron, kumalma kalang. Pero bago ko pa mapindot yung doorbell nagulat nalang ako nang bigla nalang unti-unting bumukas yung malaking gate sa harap ko. Teka, hindi ko pa naman pinipindot, ‘di ba?
Bigla akong nataranta nang lumabas sa gate ang isang napakagandang babae. Ngumiti siya nang makita niya akong nakatayo sa tapat ng gate nila.
“H-hello po,” may halong kaba kong sabi sa babaeng lumabas. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya.
Hindi parin nawawala yung ngiti niya sakin kaya mas lalo akong nailang.
“Ikaw ba si Cammeron ija?”
Tanong niya sa’kin gamit ang isang malambing na boses, gosh kung gaano kaganda yung mukha niya ay ganun rin kaganda yung boses niya. Hindi ko maiwasang titigan siya, sobrang puti niya na parang bigla nalang siyang kikinang kapag nasinagan ng araw. Meron rin siyang itim na itim na buhok na hanggang balikat. Sobrang amo ng mga mata niya, kapag tiningnan mo siya sa mata halos hindi mo na maaalis yung tingin mo sa mga ‘yun. Pero sa lahat ng magaganda sa kaniya meron pa akong napansin, kahawig niya si Nial.
“Ija?”
“P-po?”
Bumalik ako sa tamang wisyo nang bigla siyang magsalita, sa sobrang pagka-star struck ko sa kaniya hindi ko na napansin na nasa harap ko na pala siya.
“Tinatanong ko kung ikaw ba si Camerron, yung friend ni Nial?” Ngiti niyang tanong sa’kin, nakakatunaw yung ngiti niya.
“Opo, ako nga po.”
Nahihiya kong sagot. Nakakahiya ka Camerron umayos ka nga.\
“Kanina ka pa niya hinihintay, halika pumasok ka. Sasamahan kita sa kanya.”
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako papasok sa gate ng bahay nila, or should I say PALASYO nila. Omg, kung napakaganda na sa labas parang tutulo na ang laway ko sa sobrang ganda dito sa loob. May pagka Spanish era mode yung interior design ng bahay, sobrang ganda ng ambiance, ang sarap siguro tumira dito.
“Matagal naba kayong magkaibigan ng anak ko? It’s a good thing na may kaibigan agad siya sa bago niyang school.” Masaya ang boses niya habang sinasabi ‘yon.
“Anak niyo po siya?” May halong gulat na tanong ko.
Gosh, sobrang bata pa ng itsura niya para maging mommy ni Nial. Akala ko kapatid lang siya ni Nial kaya sila mag kamukha. Bahagya siyang tumawa dahil sa tanong ko habang sinasabayan niya ako sa pag-akyat ng hagdan.
“Yes, why ija hindi ba halata?”
Nakangiti parin siya, pareho sila ng ngiti ni Nial, sobrang ganda.
“Sorry po, akala ko kapatid niya kayo.”
“No it’s ok. Sanay na akong mapagkamalang kapatid ni Nial, well…” mas lumawak ang ngiti niya. Paano ba namang hindi siya mapagkakamalan, eh sobrang bata ng itsura niya sa sobrang ganda.
Hindi na ako ulit nagsalita dahil nahihiya talaga ako sa kanya, sinundan ko nalang siya kung saan man kami pupunta. Sa sobrang laki ng bahay na ‘to feeling ko maliligaw ako dito kapag pumunta ako kung saan-saan.
“Here.”
Tumigil kami sa harap ng isang kwarto. Ito na siguro yung kwarto ni Nial, bigla tuloy akong kinabahan. Nakatulala lang ako sa pinto at walang ginagawa ng mapansin kong nakatitig pala sakin yung mommy ni Nial habang nakangiti. Pakiramdam ko talaga pulang pula na yung pisngi ko ngayon.
“Go ahead, you can enter his room kanina kapa niya hinihintay ija. Maiwan na kita.”
“T-thank you po.”
“No problem.”
Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ngumiti pa siya sa’kin sa huling beses bago tuluyang tumalikod at naglakad pabalik kung saan kami dumaan kanina. Ngayon ako nalang dito habang nakatitig parin sa pinto ng kwarto ni Nial. Unti-unti kong binuksan yung pinto na nagdulot ng konting ingay. Sumalubong sakin ang isang pamilyar na amoy, kasing amoy ni Nial yung buong kwarto niya, nakaka-antok ang amoy sa sobrang bango.
“Ma, I need to rest lumabas na muna kayo.” Biglang siyang nagsalita na ikinagulat ko. Halos walang lakas ang boses niya at halatang inaantok pa.
Nakahiga siya sa malaking kama niya habang balot na balot ng kumot. Akala niya siguro ay mommy niya ako. Teka may sakit ba siya? Sa sobrang hiya sa mommy niya hindi ko na natanong kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya at bakit niya ako pinapunta dito.
Bakit parang ang tamlay ng boses niya at medyo paos. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya, alam kong naririnig niya yung paglakad ko dahil medyo nagdudulot ng ingay ang mga paa ko. Naman eh, hindi naman ako ganun kabigat.
“Ma, please…”
Hindi ko siya pinansin at umupo sa gilid ng kama niya. Napangiti ako bigla, para siyang bata.
“Kakarating ko lang master tapos papaalisin mo na ‘ko?” mahina kong bulong.
“Shit!”
Bigla niyang natanggal yung kumot na nakabalot sa kanya at gulat na gulat na tumingin sa’kin. Gusto kong matawa sa itsura niya.
“K-kanina kapa ba?” nahihiya at tarantang tanong niyatanong niya.
“Kakarating ko lang nga diba?” natatawang sagot ko.
“I’m sorry akala ko kasi si mama yung pumasok.”
Napansin kong namumutla siya at matamlay rin yung mga mata niya. Pero in fairness, ang gwapo parin niya ah. Binalot niya ulit yung katawan niya sa kumot, mukhang lamig na lamig siya pero ang init naman dito sa loob ng kwarto niya.
“May sakit ako kaya hindi ako nakapasok.”
Matamlay niyang sabi sakin habang nakapikit yung mga mata niya.
“At pinapunta kita dito kase…” halatang hirap na hirap siya sa pagsasalita.
“Kasi gusto mo i-wish sa’kin na pagalingin kita? Master naman eh, ‘di ba sabi ko naman sayo hindi ko kayang tumupad ng mga wish na—“
“No, not that.”
Putol nya sa sasabihin ko.
“I just want to see you.”
Nakapikit parin siya nang sabihin niya ‘yon. Ok Camerron, kalma ka lang. OMG! Anong nangyayari sa’kin? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, aatakihin na naman ba ako?
“Nako master confirm, may sakit ka nga,” biro ko nalang sa kaniya.
Bigla nalang ako nakaramdam ng pagiging hindi komportable. Kasi naman si Master kung anu-anong pinagsasabi. Ilang saglit na walang nagsasalita sa aming dalawa, masyadong awkward. Nakapikit lang siya, sobrang pale ng itsura niya ngayon.
“Puwede bang pakipatay yung aircon?” biglang utos niya pagkatapos ng katahimikan.
Napatingin ako sa aircon na nasa gilid ng kwarto niya. Nagtaka ako kasi nakapatay naman ‘yun, kaya pala pakiramdam ko sobrang init eh.
“Nakapatay naman, Master.”
“A-Ang lamig.” Nanginginig yung boses niya.
Tumingin ako sa paligid, ano ba hindi ko alam yung gagawin ko. Lumapit ako sa kaniya at kinapa yung noo niya. Maygod, sobrang init niya!
“Master sobrang init mo, teka tatawagin ko yung mommy mo.” Pati ako natataranta sa kaniya, eh.
Tatayo na sana ako nang biglang maramdaman ko na hinawakan niya yung kamay ko para pigilan akong tumayo.
‘N-no…’ bulong niya habang nakapikit pa rin.
“Pero ang taas ng lagnat mo kailangan kang dalhin sa ospital.”
Halos naririnig ko na yung paghinga niya, ang lamig rin ng mga kamay niya na nakahawak sakin.
“Ayoko, just stay Cams… that’s my 3rd wish.” Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, sobrang nag-aalala ako sa kaniya.
Tinitigan ko yung mukha niya, halatang nahihirapan siya sa itsura nya. Tiningnan ko yung oras sa suot kong relo at 6:30 na. Alam kong nagpaalam ako kay mommy pero alam kong mag-aalala pa rin siya kapag hindi ako nakauwi pero hindi ko rin naman puwedeng iwan si Nial, and besides that’s my Master’s wish.
“Wish noted, Master.”
Mahina kong sagot sa kaniya. Hindi na siya ulit nagsalita pero na-feel kong nanginginig siya dahil sa kamay niyang nakakapit pa rin sa’kin. Hindi niya ako binitawan.
“Master…”
Bulong ko sa kaniya pero hindi siya umimik, tulog na siguro siya. Inayos ko nalang yung kumot niya para hindi siya masyadong lamigin. Hindi naman ako sanay magbantay ng may sakit kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halata sa itsura niya na nahihirapan siya dahil sa lagnat niya. Bakit kasi ayaw niyang magpadala sa ospital eh, baka may mangyare pa sa kaniya.
Kailangan kong puntahan ang mommy niya.
MY MASTER’S WISH #3: Stay with his side when he’s sick (Promise, gwapo padin sya kahit may sakit)I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (52)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Nice story!
06/02/2024
0😍😍😍👍👍👍
19/07/2023
0More
19/09/2022
0Tingnan Lahat