CHAPTER FIFTEEN

NAPAYAKAP ako sa aking sarili nang maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Madilim ngunit napakaraming bituin na siyang nagbibigay-liwanag sa amin.
Humarap ako kay Art na nasa kabilang swing ng playground na ito. Katulad kanina, napakatahimik pa rin niya. Nakatingala, tila kinakausap ang mga bituin sa isip niya.
Hopefully in this way, the sadness in his heart will go away.
“Are you okay now?” I suddenly asked.
Bigla siyang napatingin sa akin.
“Is that my line?”
Napangiti ako. “Pahiram muna ng linya mo, ha?”
“What?” he asked, confused.
“Hindi ka kasi okay ngayon, eh.”
Napawi ang ngiti ko. His eyes were shouting thousands of words. Sana lang ay mailabas niya iyon.
“I’m okay, Paigne,” he said.
“Lips may lie, pero ang mga mata, hindi.”
This time, his mouth curved into smile.
“I think, that’s my line again,” he hinted.
“Palagi mo na lang akong dinadamayan sa tuwing nalulungkot o may problema ako. Pero ngayon, hayaan mo namang ako ang dumamay sa ’yo.”
He deeply sighed.
“I was ten years old when my younger brother died,” he started. “It was his 7th birthday that day.”
Nanatili lamang akong nakinig sa kanya dahil sa tingin ko, mas kailangan niya ng taong makikinig sa kanya sa mga sandaling ito.
“Niyaya niya akong maglaro noon sa tabing-dagat. Dahil birthday niya nang araw na ’yon, naisipan ko siyang bilhan ng lobo dahil may nakita akong nagbebenta sa malapit.” Napatawa siya nang bahagya. “Pero pagkabalik ko, wala na siya roon.”
The tears started running down his face. “Pagsapit ng gabi, mas pinili kong mag-isang maupo sa may tabing-dagat habang abala sina Mommy sa paghahanap sa kapatid ko. Umaasa na sana, buhay pa siya. Ngunit hindi, dahil napakalabong mangyari iyon.”
Tuluyan na ring bumagsak ang luha sa aking mga mata.
“Hanggang sa matagpuan ako ng fiancée ko. Nakakatawa lang dahil sa gan’ong paraan niya pa ako naabutan. Iyon ’yung unang beses na nagkita kaming dalawa. At iyon rin ang pinakaunang beses na may nakinig sa akin. Naalala ko pa kung paano niya ako nagawang patawanin noong mga oras na ’yon. And for the very first time, naramdaman kong may kakaiba sa pakiramdam ko kahit nasa murang edad pa lang ako.” Ngumiti siya ngunit may halong pangungulila. “She told me that stars are very comforting kaya naging gawain ko na ang manood ng stars.”
Akala ko noon, ako na ang pinakamalas na tao. Hindi ko alam na may ilang tao pa ang may mas malalang pinagdaraanan kaysa sa akin. Tama si Manang Rosy. Namatay siyang malungkot.
“I’m sorry, Paigne. Nasabihan kita ng hindi maganda kanina.”
Umiling-iling ako. “Naiintindihan ko, Art.”
Bigla akong tumayo sa swing na kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Hindi ko alam ngunit mabilis ko siyang niyakap. Gusto kong maramdaman niya na hindi niya kailangang maging malungkot, na hindi niya kailangang sisihin ang sarili niya sa nangyari, dahil aksidente lang iyon at walang may gusto n’on.
“Habang hindi pa natin nakikita ang fiancée mo, hayaan mong ako muna ang dumamay sa ’yo, Art. Let me hug you tight hanggang sa mawala na ang sakit na nakakulong diyan sa puso mo.”
Ramdam ko ang pagtaas-baba ng balikat niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mga kamay niyang bumalot sa aking katawan.
“Katulad mo, Art, nandito lang ako.”
--**--
TAHIMIK naming tinatahak ang daan ni Art. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang lahat ng pinagdaanan niya.
“Uhm, Paigne . . .” Napatigil siya sa paglalakad. Tiningnan ko naman siya nang may halong pagtataka.
“About the letter. Where is it?”
“Ah, nandito sa bulsa ko. Sandali.” Kinapa ko ang bulsa sa aking pantalon, ngunit laking gulat ko na lang nang wala iyon dito. Aligaga ko itong hinanap kahit sa pinakasulok ng damit ko ngunit wala pa rin.
“What’s wrong, Paigne?”
Tila nawala ang aking antok. Gusto kong maiyak habang dahan-dahang tumingin kay Art.
“Art kasi.  . .”
“What?”
“Nawawala ko ’yung sulat na bigay sa ’yo ni Andi.”
“Ano?” halos pasigaw na saad niya na naging dahilan para bumuhos ang luha ko.
“Nandito lang ’yon kanina sa bulsa ko, eh. Teka, babalikan ko lang sa may playground, baka kasi nahulog ko roon!”
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tuluyan nang lumayo sa kanya. Panay ang tingin ko sa dinaanan namin kanina, nagbabakasakaling nahulog ko lang iyon, ngunit nakarating na ako sa may playground ay wala pa rin akong nahahanap na sulat.
Hindi ako nawalan ng pag-asa sa paghahanap kahit na nanlalabo na ang paningin ko gawa ng luhang kanina pa bumabagsak sa aking mga mata.
Napaupo na lang ako sa lapag nang mabigo ako sa paghahanap. Doon ko ibinuhos ang aking luha.
‘Another mistake, Paigne. Kailan ka ba makakagawa ng tama?’
Pakiramdam ko tuloy ay naitapon ko ang isang bagay na makapagpapaalala sa kanya.
Napaangat ako ng tingin nang may humawak sa aking magkabilang pisngi. He suddenly wiped my tears using his both hands.
“A-Art . . .”
“Why are you crying over something that is already gone?”
“Importanteng bagay iyon para sa ’yo, Art. Iyon na lang ang tanging alaala na meron ka tungkol sa fiancée mo! Paano pala kung naroon ang sagot sa matagal na nating hinahanap? Paano kung nabanggit niya roon kung nasaan siya ngayon?”
I cried out loud but I saw Art smiled. What’s wrong with him?
“Maybe that letter is important for me to trace where she is. But you know what’s more important to me right now? The person who gave that letter.”
I was stunned with what I heard. Hindi ko siya lubos na maintindihan. Ano ba ang gusto niyang iparating?
“Naniniwala ako na mahahanap natin siya, Paigne. Hindi sa sulat o kung ano mang bagay ang makakapagturo sa kanya kundi ito.”
Ngumiti siya sa akin habang hawak niya ang bahaging dibdib. Napangiti rin ako. Napakabuti ni Art.
--**--
TANGHALI na nang ako’y magising. Na-miss ko ang pakiramdam na ganito. ’Yung walang iniisip na gawain sa school. Sem break na kasi namin ngayon. Dahil wala naman akong gagawin, naisipan kong maglinis na lang ng bahay.
Pagkalabas ko ng kuwarto ay hindi ko nakita si Art. Marahil ay nagpunta ulit ito sa bahay nila.
Bago ako maglinis, binuksan ko ang luma kong cell phone at saka hinanap ang music app. Mas ganado kasi akong maglinis kapag may music.
Una kong tinungo ang TV set. Pinunasan ko ang bawat sulok n’on. Halos maubo pa ako dahil sa alikabok na naroon. Dahil sa pagiging abala, hindi ko na alam kung kailan ko ito huling nalinisan.
I tip-toed at nakita ko ang isang kahon sa itaas ng cabinet na ito. Pilit ko iyong inabot kahit nasa mataas na bahagi.
“What are you doing?”
Isang boses ang gumulat sa akin. Muntik pa akong matumba dahil sa biglaan nitong pagsasalita. Mabuti na lang at naging maagap ako kung hindi ay sa sahig ang bagsak ko!
“Are you okay?”
“Art naman kasi! Bakit ka ba nangugulat?”
“Sorry, Paigne. Akala ko kasi, sanay ka na.”
Hindi ko na lang siya pinansin at inalis na lang ang alikabok na nasa ibabaw ng kahon.
“What’s that?”
Umupo muna ako at binuksan iyon. Ramdam ko rin ang paglapit ni Art sa akin upang tingnan ang laman n’on.
“Old pictures?”
Tumango ako. “Lumang larawan ito ng mga taong nagkupkop sa akin.”
Napangiti ako nang makita ko ang lumang larawan na magkakasama kami noong araw ng Pasko.
“Nine years-old ako nang kunin nila ako sa ampunan. Kahit pa hindi nila ako totoong anak, masaya ako dahil minahal nila ako at tinuring na totoong anak nila. Pero. . . wala na sila, eh. ”
Tumango ito. “Kaya ka mag-isa ngayon?”
“Oo, Art. Sa totoo lang takot akong mag-isa, pero nagpapasalamat ako kasi nandiyan ka.”
Napaiwas siya ng tingin at saka tumayo.
“Ang ibig kong sabihin, masaya ako kasi nandito ka, kahit na alam kong aalis ka rin.” Ngumiti ako nang pilit. “Teka, maglilinis na muna ako.” Tumayo na rin ako ngunit agad akong napatigil nang marinig ko ang isang romantic song na tumunog sa aking cell phone.
Lumapit sa akin si Art kasabay n’on ang paglahad niya ng kamay sa harapan ko.
“Let’s dance, Paigne,” he said while smiling.
“Ha? Eh, teka, hindi naman ako marunong.” Aminado kasi ako na hindi pa ako nakaka-attend sa prom o sa mga party na merong ganap na ganito.
“Just trust me, Paigne.” Muli itong ngumiti. Jusko! Paano ko ba tatanggihan ang mga ngiti na ’yon?
Wala na akong nagawa nang kunin niya ang dalawa kong kamay sabay patong sa balikat niya. Habang ang kanya naman ay nasa magkabilang baywang ko.
Napayuko ako nang maapakan ko ang paa niya.
“Ay, sorry!”
“No, it’s okay.”
Sana pala ay hindi na lang niya ako nahahawakan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw sa amin kung bakit nakakaya niyang humawak ng isang bagay. Kahit ako.
“Close your eyes, Paigne.”
“Ha?”
“Basta ipikit mo lang ang mga mata mo.”
“O-okay.”
Ginawa ko ang sinabi niya. Ipinikit ko ang mga mata ko, ngunit hindi ko maintindihan kong anong klase ba itong nararamdaman ko.
“Pakinggan mo ang sinasabi ng musika. Pakiramdaman mo. Tapos sabayan mo lang ang bawat galaw ko.”
Sa mga oras na ’to, hindi musika ang naririnig ko kundi tibok ng puso ko.
Napangiti ako nang makaya kong sabayan siya.
Nang imulat ko ang aking mga mata, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakapikit din si Art. Sobrang bilis at parang hindi normal. Alam kong may kakaiba. Siguro dahil ngayon ko lang nagawa ang bagay na ’to.
Habang tinititigan siya, dalawang bagay lang ang tumatakbo sa isipan ko. I wish that he’s still belong to this world. Na sana, buhay pa rin siya hanggang ngayon.
Pinunasan ko ang luhang pilit na lumalabas sa aking mga mata. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nakakaramdam ng lungkot?
“Paigne?”
Sabay kaming napatigil ni Art nang marinig namin ang isang pamilyar na boses. Nanlaki ang aking mga mata nang makita siya sa loob ng pamamahay ko!
“Lance?”

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    PacificoJoan Aballe

    nice

    25/01/2025

      0
  • avatar
    RitagaRusselritaga

    good

    29/10/2024

      0
  • avatar
    MorilloHyron

    maganda at nakakakilig

    28/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata