Bulaklakin

Czyme's POV
Papunta na kami ngayon sa bahay ng kaibigan ni kuya at ako ang nagboluntaryong nagmaneho dahil hindi mapakali ang kamay ko.
"Kuya malayo pa ba ang bahay ng mukong na yon?"tanong ko sakanya.
"Mauzyro, hindi mukong. Malapit lang naman kaso mas nagiging malayo lang dahil sa pagpapaandar mo. Ano ba Czyme, may problema ba kayo?" naiinip at pabulyaw niyang sabi sakin.
Binabagalan ko lang talaga kasi ayokong makita ang mukha ng mukong na yon. Hindi ko alam pero sobrang naiinis talaga ako pag nakikita ko ang pagmumukha niya.
"Itabi mo, ako ang magmamaneho," naiinis nitong sambit kaya ito naman ako at itinigil sa tabi ang sasakyan saka kami nagpalit ng pwesto ni kuya.
Nandito na kami ngayon sa harap ng malaking gate at isang busina lang ni kuya ay pinagbuksan na agad kami kaya basta nalang ipinasok ni kuya ang kotse sa loob.
Matapos i-parked ni kuya ang sasakyan ay bumaba agad siya, ako naman ay pinagkiskis ko muna ang palad ko bago ako bumaba. Habang papalapit kami nang papalapit ay mas lalo akong kinakabahan.
"Bilisan mo, kanina pa naghihintay yong tatlo," yaya niya.
Napapalunok ako dahil sa sobrang kaba habang nakasunod sakanya. At nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay nila ay ramdam ko na ang pamamasa ng kamay ko.
Lintik na kamay to! Wag kang kabahan Czyme hindi nangangain ng tao ang mukong na yon.
"Simulan na natin," nakangiting sambit nong kaibigan ni kuya.
Napalingon nalang ako kay mukong na nakangisi sakin. Napatingin din ako sa isang pamilyar na babaeng naglalakad pababa sa hagdan.
“Good morning Dean," nakangiti kong sambit pero humagikgik naman sila.
"Ate nalang pag nandito ka sa pamamahay namin," kinikilig na aniya.
Nahihiyang napatango nalang din ako sakanya.
"Zyro, paakyatin mo si Miss Requez sa kwato ko pagkatapos niyo." sambit nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa magkapatid habang naguguluhan at nagtataka.
Mabait yan Czyme, wag kang mag-alala di ka kakainin ni dean.
Ano naman kayang gagawin ko don? Jusko, wag lang sana akong lapain ni dean.
"Sige na simulan niyo na," patuloy nito.
Tumango naman kaming lima.
"Mas maganda kung sumayaw at kumanta ka nalang, Czyme," suhistyon ni kuya.
Tumango-tango naman yong dalawang kaibigan niya maliban kay mukong na parang walang pakialam.
"Wag kang mag-alala, back up mo kami," sabi nong isa.
Kilala ko ang dalawang kaibigan ni kuya pero hindi ko lang matandaan ang mga pangalan nila.
"Marunong kaming sumaway at kumanta. Ikaw ang bahala kung anong gusto mo," sabat namon nong isa pa.
"Sayaw nalang." sagot ko naman sa mga ito, tumango-tango lang naman sila.
Remix ang naiisip kong sayawin.
"Akina yong music icoconnect ko sa amplifier," seryosong sambit ni mukong sabay lahad ng kamay niya.
"Counting muna bago may music," sambit ko rin.
Napapahiyang naibaba niya ang sarili kamay tsaka nag-iwas ng tingin.
Una muna naming binuo ang steps at halos kalahating oras ang nagamit namin bago namin nabuo at naperfect ang mga steps.
At isinunod naman naming inayos ang magiging pwesto namin, na kung saan ako ang nasa gitna habang ‘yong apat naman ay pinalibutan ako habang nakayuko ang kanilang ulo.
Hiphop nga pala ang sasayawin namin.
"One, two, three, four, five, six, seven, eight then kick, eight, seven, six, five, four, three, two and down," bilang ko sa unang intro.
"Turn and sway your right hand three, two and one," habang nagpapalit ang kanta ay iba-iba ang mga steps namin.
Talaga namang mahusay silang sumayaw.
Pagkatapos namin sa counting ay dumako rin kami sa may tugtog. Pumwesto muna kami sa kanya-kanya naming lugar bago niplay ni kuya ang tugtog.
Pagkarinig namin ng lyrics ay sumabay na kami sa beat nito.
“Three, four, five!” pagbibilang ni kuya habang sumasayaw kami.
Nang dumaan ako sa harap ni mukong ay nagkatitigan pa kami. Napalunok ako nang bigla niya akong kindatan kaya nag-iwas
agad ako ng tingin sakanya.
“Ha!” sabay-sabay naming pagbuntong-hininga matapos ang sayaw at ang kanta.
Kinuha ko a ng towel sa bag ko at binigyan ng isa si kuya bago ko kinuha ang sarili kong towel at saka nagpunas ng pawis.
"Ang galing mong sumayaw Czyme, sigurado akong mananalo ka na hehe," masayang sambit ni Zhawn.
Pilit lang naman ang ngiting iginanti ko sa kanya.
"Kanina salita ka nang salita, ngayong pinuri ka ngingiti ka lang," nakangising sabi ni kuya.
Ngiting aso lang naman ang ibinigay ko sakanya.
"Thank you, ano na ngang pangalan niyo?" tanong ko sa dalawa.
"Zhawn," pakilala nong nakagreen kaya tumango-tango ako at sunod na tiningnan ang katabi niyang nakadilaw.
"Di mo kami natatandaan? I’m Yshmael," sabi niya.
"Kilala ko kayo pero di ko lang maalala ang pangalan niyo," nakangiti kong paliwanag at tumango-tango lang ang dalawa.
"Hoy, bansot pumunta ka na kay ate!" naiilang na pagtawag sa akin ni mukong.
Ako lang? Ano namang alam ko dito.
"Kuya samahan mo ‘ko" ngiting-aso kong tawag sakanya.
Kumunot naman ang noo niya.
Please pumayag ka na.
"Zyro, samahan mo nalang itong kapatid ko,"
Aangal pa sana ako nang senyasan niya na akong lumapit sakanya.
"Eh, ano bang akala mo? Hindi kita sasamahan?" nakangising sambit niya nang makalapit ako sakanya.
Lumingon pa ako kay kuya at nagbakasali na sumama siya pero isinindi na nila ang TV at saka nanood.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong akbayan at nagsimulang humakbang.
"Hindi pa ko nakakabawi sayo sa lahat ng ginawa mo sakin bansot,"seryoso at pabulong na aniya habang naglalakad kami.
Pilit ko namang tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa kwarto ni dean ay iniwanan niya nalang ako basta.
Bwisit kang mukong ka!
Huhuhu, ano bang gagawin sa akin ni dean? May nagawa ba ako sakanya? Naghihiganti ba siya para sa kapatid niyang nasaktan ko?
Kinakabahan talaga ako, huhuhu.
Iginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto niya. Ang luwang at kuloy rosas ang loob ng kwarto niya. Napahinto ako sa pagsuyod ng kabuuan ng kwarto niya nang makita ko ang mga gamit sakanyang higaan.
Isang medyo kalakihang box na kulay rosas din.
"Oh nandyan ka na pala Czyme," nakangiting sambit nito nang makalabas sa sa isang pinto na sa tingin ko ay galing siya sa banyo.
"Maupo ka diyan sa may harap ng salamin Czyme," utos nya sakin kaya nagtataka akong tumingin sakanya.
Lumapit siya sa kama nya at kinuha ang kulay rosas na kahon.
"Hahahaha, wala akong gagawing hindi maganda sayo. Umupo ka lang at aayusan kita," natatawang sambit nya.
Napapalunok naman ako bago umupo. Pumunta siya sa harap ng salamin at binuksan ang kahon.
Make up set?
Madaming iba't ibang laman ang box na yon, na pag binuksan mo ay bubungad sayo ang mga iba't ibang sizes ng make up brush. May iba't-iba ring lipsticks and make up palete.
May kinuha siyang kung ano ron at inilabas pa ang iba.
"Hindi ako ang mag-aayos sayo sa pageant mo, kukuha ako ng kaibigan kong bakla para ayusan ka. Nasabi kasi sakin ng kapatid ko, na ikaw raw na walang ka-taste-taste magsuot ng damit ang isinali ng adviser niyo. Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, bully talaga ‘yon," mahabang kwento nya.
Walang kataste-taste huh?
"Wala yon ate, sanay na rin naman ako, at hindi na ako magtataka kung may araw na maraming maiinis sakanya," sinsero kong sabi at tumikhim naman ito.
"Walang araw na hindi siya nambubully pero ni minsan hindi naman nagreklamo sa teacher or sakin as a dean ang mga students kasi hindi naman raw nakakasakit hahaha," natatawang sabi nito.
Hindi ba nakakasakit ‘yon? O sadyang natatakot lang sila.
"Tatanggalin ko muna tong makapal mong salamin," paalam niya tsaka niya tinanggal ang salamin ko.
"Maganda ka naman pag walang salamin," sambit nito habang may ipinapahid na cream sa mukha ko
Hindi nalang ako nagsalita.
"Wag ka nalang kayang magsuot ng ganyan" tukoy niya sa salamin ko.
"Nakasanayan ko na kasing laging isuot yan dean. Hindi na rin ako sanay ng wala ang salamin ko," nakangiting paliwanag ko.
"Baka magsuot ka pa ng salamin pagdating ng pageant mo? Kung nasanay kang meron yan, masasanay ka ring hindi suot yan" natatawang sabi niya.
"Tignan natin kong magugulat ang kapatid ko," sabi niya habang nakangisi kaya nagtaka naman ako.
"May binili akong dress. Binilhan kita nong nabanggit ka sakin ng kapatid ko na wala ka nga raw kataste-taste sa pananamit. Dalawang floral dress yon. Naisip ko kasing aayusan kita kaya dalawa na ang binili ko para isuot mo ngayon iiyong isa at ‘yong isa naman para sa Monday. Magpalit ka muna sa banyo," aniya tsaka inabot sakin ang dalawang naka paper bag.
Nahihiyang tinanggap ko naman ito.
"Salamat po ate" nahihiyang sambit ko, tumango naman ito tsaka ako pumasok sa banyo.
Hindi na ako namili pa ng isusuot ko. Binuksan ko nalang ang kulay light blue na bulaklakin na may kasama ring maikling short na kakulay rin nito. Tinanggal ko ang T-shirt at pants ko saka ito isinuot.
"Wow," nakangangang bungad agad sakin ni dean na naghihintay sa labas ng banyo nang makalabas ako.
"Come on, look at yourself in the mirror. You're so gorgeous, Czyme. Kahit na wala kang masyadong makeup ay maganda ka," pamumuri niya matapos akong iharap sa salamin.
Napatingin din ako sa sarili ko. Simple pero di ako komportable hehe.
Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ni dean na maganda ako, eh wala namang pinagkaiba ang itsura ko kanina sa ngayon.
Iniwan ulit niya ako tsaka may binuksang aparador.
"Wear this," masayang sambit nito.
Kulay cream at may kataasang heels.
"Eh?" tanging nasabi ko dahil hindi ako sanay magsuot ng pamatay ang taas. Kahit three inches yan, nakakamatay na para
sakin hahaha.
Pinaupo niya ako tsaka tinggal ang sneaker shoes ko. Hindi na ako nakagalaw nang pati ang sandal ay siya na rin ang naglagay.
"Dapat ang ganitong ganda ay hindi itinatago,” seryosong sambit niya nang makatayo na siya.
"Ate, thank you sa make over," nahihiyang pasasalamat ko sakanya.
She just pinched my cheeks.
"Go downstairs, Czyme" excited niyang sambit na halos pagtulakan niya pa 'ko palabas sa kwarto niya.
Kasabay ko syang bumaba at siya rin ang may hawak sa dalawang bags, nakaplastic na sapatos ko at ang salamin ko.
Nang nasa baba na kami ay tinawag na ni dean ang apat na kasalukuyang nanonood pa rin kaya medyo napayoko ako dahil hindi talaga ako sanay lalo na’t wala ang salamin ko.
"Boys," tawag pansin nito.
Napatingin ako sa kanila nang wala akong marinig na ingay maliban sa pinapanood nila.
Napalunok ako at napapakamot sa ulo ko nang makita ang mga kunot-noo nilang reaksyon.
Bakit ganun? Magsalita naman kayo, mas lalo tuloy akong nahihiya.
Kaya napayuko ulit ako.
"Ate mauna na po kami salamat po ng marami." Sabi ko tsaka kinuha ang hawak niyang mga gamit ko.
She kissed me on my cheeks kaya nagulat ako.
“You're welcome, Czyme." sambit nito.
Tumango lang ako tsaka lumabas na at isinuot ang salamin ko.
"Czyme!" tawag sakin ni kuya nang makalabas ako.
Liningon ko naman siya at kasama na niya sina Yshmael at Zhawn. Napayuko nalang ako nang makalapit sila.
"Czyme," tawag uli ni kuya.
"Oh?" sagot ko pero nakayuko pa rin.
Hinawakan niya ako sa baba at sapilitang iniharap sakanya. Nang makaharap ako sakanya ay inalis nya agad ang salamin ko.
"Picture tayo pang remembrance lang hehehe," singit ni Zhawn saka inilabas ang cellphone niya.
Tinabihan nila akong tatlo tsaka niclick ang camera.
"Smile, Czyme" sita sakin ni kuya kaya ngumiti nalang ako ng pilit.
Itutuloy…

Komento sa Aklat (287)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    Jomar Torres

    ang Ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata