Homepage/That Mysterious Nerd/
Officially Mrs. Vourge
Third Person's POV
Masaya ang lahat sa hapag-kainan kasama ng mga kaibigan nila. Kulang nalang ang apat na kaibigan ng dalaga na kilala bilang agent four. Nagsasalo-salo ngayong gabi ang pamilya ng bawat kaibigan nila sa mansyon nila at talaga namang wala nang mas kukulay pa sa gabing ito.
Masaya nilang pinapalipas ang oras na ‘to bago isuot ang apilyedo ng dalaga ang apilyedo ng mapapangasawa niya.
"Kayo hijo, kailan kayo magnonobya?" tanong ng lolo ni Mauzyro sa mga kaibigan niya. Natawa naman si Zhawn at ang kapatid ng dalaga.
"Wala pa po akong natitipuhan, lolo, masyado kasing madadaldal ang mga babae ngayon," sagot ni Zhawn na nakatingin sa dalaga na nagngangalang Mika, sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga.
"Tsaka nalang po muna sakin, aalagaan ko pa ang magiging pamangkin ko, diba Zyro?" nakangisi namang sagot ng kapatid ng dalaga habang nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalaw. Pansin naman ng karamihan ang pananahimik ng dalaga mula pa kanina.
"Wala pa akong balak, magtatapos muna siya sa collage," walang ano-ano'y sagot ng dalaga habang nakatingin sa pagkain. Natigilan naman ang lahat pero pilit ring tumawa para mapawi ang katahimikan.
"Kaya pala. Kaya pala nagtapos ka na sa high school," nakangising aniya ng kanyang nobyo sa isip niya.
"Ikaw nga, hindi na nag-aaral, pagtatapusin mo pa kaya siya sa college?" tatawa-tawang aniya ng kuya niya. Uminom ito ng tubig at naging seryoso ang paningin niya at tumama iyon sa kapatid niya. Kung nakakasaksak nga lang ang tingin niya, malamang naliligo na sa sariling dugo ang binata.
"Mag-asawa ka na para may alagaan ka," aniya ng dalaga at pinagpatuloy ang pagkain.
"Kayo hijo, kailan niyo balak magpakasal?" tanong ng lolo ni Czyme habang nakangiting nakatingin kay Yshmael at Monique.
"Pagka-graduate nalang po namin, ako," magalang na sagot ng lalaki, tumango-tango naman ang matanda.
"Tingnan mo sila, dapat ganon rin kayo," tatawa-tawa namang aniya ng kapatid ng dalaga. Nagulat at napatigil sa pagkain ang lahat nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kutsara't tinidor. Halos nababalot ng kilabot ang buong mesa dahil sa inaakto at inaasal ng dalaga.
"Ano bang problema mo kuya, huh? Palit tayo ng sitwasyon para malaman mo kung anong dahilan ko," malamig na aniya at napatingin ang lahat sa kanya nang bigla itong tumayo at tinalikuran ang lahat.
"Excuse me," paalam ng nobyo niya at sinundan siya. Naging tahimik naman ang lahat ng nasa mesa.
"Pagpasensyahan niyo muna ang batang ‘yon, wala lang siguro sa mood kaya nagkaganon. At ikaw naman Zymor, alam mo namang kanina pa nananahimik at nanlalamig satin ang kapatid mo, bakit mo pa biniro ng ganon?" sermon sa kanya ng lolo nila, napakamot naman siya. Ipinagpatuloy nalang nila ang pagkain.
"Baka alam niya na kung anong itinatago namin sa kanya? Kanina pa siya ganon, napakalamig niya saming lahat," sabi sa isip ng binata.
Mika's POV
Pagkatapos naming kumain, nagtulong-tulong na kami sa pag-aayos ng mesa dahil wala namang maids dito. Maluwang ang sink nila kaya kasyang-kasya ang mga pinagkainan namin.
"Ako nalang po dyan," sabi ko kay tita Cyrill na nagsasabon ng mga pinggan, wala na itong nagawa nang makalapit ako sa kanya suot ang apron.
Kasama ko si ate Jona na siya ring nagbabanlaw ng mga nasasabunan ko. Ang mga mommy nila ay nandon na rin sa sala at nanonood.
"May mali ba tayong nagawa?" biglang tanong ni ate Jona, napatingin naman ako sa kanya habang kinukuskos ang pinggan.
"Alin ate?" tanong ko sa kanya, natawa naman ito ng mahina.
"Kay Czyme, ba’t ganon ang pakikitungo niya satin?" tanong niya sakin, nagkibit-balikat naman ako.
"Wala lang siguro talaga siya sa mood," sabi ko nalang. Oo, kanina pa siya hindi namamansin samin, kung mamansin man siya napakalamig pa ng pananalita niya.
"Siguro nga. Totoo bang may baby ka na, sana?" tanong sakin ni ate Jona kaya natigilan ako sa pagsasabon at napatingin sa kanya.
"Sorry," nahihiya niyang paumanhin, pinagpatuloy nalang niya ang pagbabanlaw niya. Pagkatapos naming dalawa ay sabay naming hinubad ang apron at nagpunas ng kamay.
"Hija tara na, maaga pa tayo bukas," yaya samin ng mommy nila ate Jona, nagngitian pa muna kami bago lumabas ng kitchen.
Dumiretso ako sa taas para makapagpaalam kay Czyme, kumatok ako ng dalawang beses at agad namang binuksan ni Mauzyro.
"Magpapaalam lang sana ako," sabi ko at pinapasok niya naman ako, halata rin sa mukha niya ang pagkadismaya. Lumapit ako sak anya na nakaupo sa higaan nila habang tulala.
"Czyme, mauuna na ako. Congrats," nakangiting sabi ko sa kanya pero tulala pa rin siya, hinalikan ko nalang siya sa pisngi bago lumabas.
"Mag-ingat ka buddy, baka hindi yan sumipot bukas, " biro ko sa kanya, nag-igting naman ang panga niya kaya nagmadali na akong lumabas ng kwarto nila bago pa niya ako bugahan ng apoy.
Pagkababa ko nagpaalam na rin ako sa pamilya ni Czyme, nauna na rin ang iba at ako nalang ang naiiwan. Hinatid pa ako ni Zymor sa kotse ko.
"Mag-ingat sa pag-drive, may Zhawn ka pang aabalahin^__~" aniya at kinindatan pa ako, inirapan ko muna siya bago pumasok sa kotse. Bumusina muna ako bago ako umalis.
Kinabukasan…
Nagmadali akong pumasok sa banyo dahil sa excited na ako para mamaya. Kailan lang nong magkaaway sila ni Mauzyro, pero tadhana nga naman, sila ang nagkatuluyan. At syempre, swerte rin ako dahil sa nakilala ko ang isang Czyme Ember Requez-Vourge na tinitingala kahit na ang liit niya hahaha. Ngayon ko lang napansin na hindi pala bagay ang apilyedo ni Mauzyro sa kanya hahaha.
Pagkatapos kong naligo suot roba at may panloobloob na rin ay blinower ko muna ang buhok ko para matuyuan. Wala kasing mag-aayos sakin ngayon kaya sarili ko lang ang aasahan ko.
Nang maramdamang tuyo na ang buhok ko ay tudo suklay pa ako. Straight nalang ang ayos ng buhok ko at maglagay nalang ng konting make up pampasigla ng kulay ng aking balat. Buti nga at maaga akong naligo dahil talagang matatagalan ako sa pagpaplantsa ng mahaba kong buhok.
Gaya ng motif ng mag-asawa, kulay apple-green rin ang dress ko na pinasadya pa talaga ng pamilya ng bride. Pagkatapos kong maplantsa ang buhok ko'y naglagay ako ng konting kolorete sa mukha, ‘yong light lang.
Pagkatapos ay isinuot ko na ang dress~~hindi siya basta-bastang dress dahil magarbo itong tignan kumpara sa pang karaniwang dress na nabibili sa mall.
"Time check, 6:27 am," sabi ko sa sarili ko, lumabas ako ng kwarto dala ang kulay krema kong sling bag at katamtamang laki ng regalo. Katerno ng dress ang kulay krema ko ring high heels.
"Ma'am, sobrang ganda niyo po," puri sakin ni manang Eva, nagpasalamat lang ako sa kanya at agad na lumabas ng bahay. Sinalubong naman ako ng puri ng driver ko at binuhat ang dala kong regalo.
Kring…kring...kring…
Kinapa ko ang phone ko sa sling bag at tinignan pa kung sino ang caller pero unregistered number, hindi na ako nag-alinlangang sagutin pa baka si Mauzyro o kung sino man sa kanila.
[I'll pick you up.Wait for me in a few minutes,] aniya ng pamilyar na boses sa kabilang linya, sasagot pa sana ako pero pinatay niya na.
Ang sama, pinaghihintay pa ang isang katulad ko. Tsh! At ano rin namang naisipan mo at bakit may pa ‘I'll pick you up-pick you up’ ka pang nalalaman Zhawn?
Oo, si Zhawn ‘yong tumawag, at hindi ko alam kung bakit niya nakuha ang number ko.
"Manong, may magsusundo po pala sakin, pero ite-text ko pa rin kayo pag uuwi nalang ako," sabi ko sa kanya.
"Sige po ma'am, ihatid ko muna po kayo riyan sa may gate," nakangiting sabi niya kaya tumango nalang ako. Ggaya ng sabi niya ay inihatid niya ako sa labas ng gate.
"Sige na manong, pumasok ka na," sabi ko sa kanya.
"Hihintayin ko nalang po kayong makasakay sa sasakyan niyo bago ako pumasok, ma'am," aniya ni manong. Ganito si manong pag-alam niyang may pupuntahan at magsusundo sakin. Matagal ko nang katuwang ang mga tao dito sa pamamahay ko, sila na nga rin ang itinuring kong sariling pamilya.
Hindi naman nagtagal ay nakikita ko na sa hindi kalayuan ang sasakyan ni Zhawn. Hindi man lang siya bumama ng kotse para pagbuksan ako, pinaghintay na nga ako di pa ako pagbuksan.
"Ingat, ma'am," paalam ni manong at inilagay ang regalo sa backseat kasama rin ang dalawang box na regalo.
"Sina tita, ba’t di mo kasabay?" tanong ko sa kanya.
"Nauna na sila," matipid niyang sagot, hindi nalang ako umimik at diretsong nakatingin sa may bintana habang malapad ang ngiti.
Zymor's POV
"Ow, hi, Mr. Requez," bati sakin ng isang binata na nasa edad labing lima, ‘yong lalaking taga Korea.
"Hello," nakangiting bati ko pabalik sa kanya. Nandito na kami ngayon sa simbahan at hinihintay nalang ang pagdating ng tamang oras at ang pagdating ng bride. Kasali ako sa best man, kasama si Yshmael na kapartner si Monique at si Zhawn na kapartner si Jona, at si Mika na kapartner ko.
Sobra-sobra ang pagkakangiti ng mga tao na halos lumabas na ang mga gilagid nila. Tinawag na kami ng wedding coordinator which is si Denise para isaayos na ang pagkakasunod-sunod, syempre nauna kami ni Mika. May ring bearer at mga flower girls naman sa harap namin na hindi ko naman kilala kung sino ang mga batang ‘to.
"Here we go, malapit na ang bride kaya maghanda kayo," aniya ni Denise melabs~~ melababo. Masaya at parehong kinakabahan pa rin ako dahil sa sinabi ng kapatid ko kagabi at ang asal at pakikitungong ipinakita niya.
*Musical Instrument*
Nagsimulang maglakad ng dahan-dahan ang mga bata nang magsimula ang tugtog. Bawat tatlong hakbang ay tumitigil sila at sinasalubong sila ng flash ng cameras.
"I'm happy for the both of them and also for us," aniya ni Mika na parang naluluha pa kaya natawa ako, naging seryoso at ngumiti rin ako nang kami na ang susunod.
"Not sure if you know this. But when we first met.I got so nervous.I couldn't speak. In that very moment I found the one and,My life had found it's missing piece"
Habang nglalakad ako, parang naluluha o natatawa ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pinaghalo-halong kasiyahan dahil may magiging pamilya na siya, at higit sa lahat dahil siya ang napangasawa ng kapatid ko. Kalungkutan, dahil alam kong wala na akong magiging kasama sa bahay man o kalukuhan at ‘yon ay silang dalawa.
"So as long as I live I love you will have and hold you.You look so beautiful in white.And from now to my very last breath.This day I'll cherish.You look so beautiful in white. Tonight"
Pagkarating namin sa dulo naghiwalay na kami ni Mika at nakipagyakapan pa ako kay Zyro bago ako pumunta sa designated seat namin.
"What we have is timeless.My love is endless. And with this scream I say to the world. You're my every reason.You're all that I believe in with all my heart I mean every word"
"So as long as I live I love you will have and hold you.You look so beautiful in white.And from now to my very last breath.This day I'll cherish.You look so beautiful in white. Tonight.Oooooh ohYou look so beautiful in white.So beautiful in white"
Pagkapunta nila sa kani-kanilang pwesto ay sabay-sabay kaming tumingin sa may pintuan. Halos manindig ang aking balahibo nang makita ang tela ng puti niyang gown.
"And if our daughter's what our future holds.
I hope she has your eyes finds love like you and I did.Yeah,I wish she falls in love and I will let her go.I'll walk her down the aisle. She'll look so beautiful in white.....You look so beautiful in white"
Para na akong nababakla dahil sa paluha luhang epek na to, nakakaiyak kasi talaga ang kanta, nakakainis. Jujumbagin ko kung sino ‘yong pumili ng kantang yaowwwwn.
"So as long as I live I love you will heaven hold you.You look so beautiful in white.And from now to my very last breath.This day I'll cherish.You look so beautiful in white. Tonight.You look so beautiful in white tonight."
Pagkarating nila dito sa harap tuluyan nang ibinigay nina mom and dad ang kamay ni Czyme kay Zyro. Halata kung gaano kasaya ngayon si Zyro dahil maski tenga niya pumapalakpak hahaha.
Zhawn's POV
"Please all sit down," aniya ng americanong Christian na kasama ng pari. Naupo kaming lahat.
"Kung may tuto~~" hindi na natuloy ni father ang sinasabi niya nang magsalita ang bride.
"Walang tututol father. So, let's start," mataray ngunit magalang na sabi ni Czyme, lahat kami ay nagtataka sa inasal niya mula pa kahapon.
"So walang tututol an~~" father
*achowwww* (bahing)
"Excuse me, can you please get out of my sight and also in my front?" aniya ni Czyme sa kasamang americano ni father habang nakatakip sa ilong niya, tumango nalang ang americano at umalis sa tabi ng father.
"Are you okay, Mrs?" tanong ni father, tumango naman siya at naghabol pang kumamot sa ilong niya. Natatakpan ng manipis at puting tela ang mukha niya.
"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Yshmael sa tabi ko, nagkibit balikat naman ako.
"Baka naman may allergy siya sa suot niya?" sabi ko. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa kanila nang magsimula na silang magsabi ng vow.
"Ako si Mauzyro Vourge, tinatanggap na maging kabiyak si Czyme Ember Requez. Walang pagsisising pinakasalan siya sa hirap, ginhawa, sakit, kalusugan at kahit ano pa man," aniya ni Zyro, pinigilan ko nalang ang pagtawa ko habang humagalpak naman ng tawa sa isip dahil sa kacornihan na sinabi niya. Napatigil na ako nang magsimula namang manumpa si Czyme na talagang inaabangan ng lahat.
Czyme's POV
"Ako si Czyme Ember Requez, tinatanggap na maging kabiyak si Mauzyro Vourge. I will love you until I die. Whatever happens, I won’t stop loving you. I'm always here as your girlfriend, best friend, enemy, baby, or whatever you want to call me. I'll stay by your side even if you leave me. I never expected you to accept me for who and what I am, but thank you, thank you, thank you because I have you to care for, protect, and love me.You're the only man I wanna spend my life with. I love you,
Mukong," emosyonal kong sabi. Isinuot ko ang singsing na hawak ko sa kanya at nginitian siya. Mabuti nga't medyo mataas ang takong ng heels na ito kaya hindi ako tumitingala sa kanya.
" I will now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride," sabi ni father kay mukong. Itinaas niya ang tela na nakaharang sa mukha ko at nginitian niya ako.
"I love you," aniya at siniil ako ng halik.
"10"
"9"
"8"
"7"
"6"
"5"
"4"
"3"
"2"
"1"
Habol ang hininga naming pareho at nakaukit ang matamis na ngiti. Napatakip ako sa ilong ko nang may maamoy na mabantot.
"Picture taking na newly-wed!" sigaw ni Zhawn, lumayo ako ng konti sa kanila at bumahing ng mahina.
"Ang bantot mo," sabi ko sa kanya at pinalo siya ng mahina sa braso tsaka ako tumalikod at pumwesto. Tatawa-tawang lumapit sakin si Mukong at tumabi para sa picture taking naming mag-asawa.
"Zhawn-tot, tara na!" tawag sa kanya ni Mika, pumunta ang mga kaibigan namin palapit samin. Nakasimangot namang lumapit samin ni Zhawn.
"Titiisin ko nalang, halika na," sabi ko sa kanya at maingat na hinila siya tsaka ko inakbayan. Kabi-kabilaang flash ng mga cameras na kumukuha ng litrato samin.
"Next, relatives of bride," masayang tawag ni Aze kaya nakangiti namang umexit ang mga kaibigan namin at nagsilapit naman ang mga kamag-anak ko.
"Tita, carry me!" masayang tawag sakin ng pamangkin ko kasama si Maria, kasama niya rin si lola. Binuhat ko si Aimer, at kay mukong naman si Maria. Gaya kanina ay kabi-kabilaang flash na naman ng camera. Nakailang click pa sila.
"Kami rin, kami rin!" masayang sabi ni mommy Jenny na mabilis na hinila si dad at lumapit samin, um-exit naman ang pamilya ko na pamilya na rin namin.
"You're so pretty, my daugter-in-law," puri ni mommy at niyakap ako sabay kiss sa pisngi.
Pagkatapos naming lahat, family ko, family ni Mukong, mga kaibigan namin, organisasyon at mga teachers, at may solo picture pa kami ni mukong. Papalabas na kami nang sumalubong samin ang karamihan sa estudyante ng school nina mukong na may dala-dala pang banner at nakasulat don ang bansot at mukong tapos may picture pa namin na talagang ginawan pa nila ng maraming efforts.
"Congratulations to the both of you!!" sigaw nila habang nakangiting kinikilig na nakatingin samin, lumapit ako sa kanila dala ang matamis na ngiti.
"Thank you, sumunod nalang kayo sa sasakyan nina Ethan at Louie," nakangiting sabi ko sa kanila, hindi naman sa parang suhol ano, syempre kasama na sila samin dahil nandito na rin naman sila at dala pa ang super support nila para samin.
Marami na rin ang nagsisidatingan kaya hinarangan na kami ng karamihang guard ni lolo na kasama namin sa Seoul dati. Oo, nandito rin sila, parte na sila ng pamilya kaya kahit anong importanteng okasyon kasama sila, at saka sila rin ang pinagkakatiwalaan ni lolo.
Inalalayan akong pumasok ni mukong at pagkatapos ay pumasok na rin siya sa kotse.
Itutuloy…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (287)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Great another interesting story, good job author🥰
23/06/2022
0It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️
11/04/2022
0ang Ganda ng kwento
23/04/2025
0Tingnan Lahat