Homepage/That Mysterious Nerd/
How did he die?
Zymor's POV
Exactly 12 o'clock kaming nakarating dito sa bahay. Si Zhawn ay umuwi na rin para ihanda ang mga gamit niya, at susunduin niya rin daw si Mika para magsabay-sabay na silang tatlo nina Yshmael. Pagdating ko dito sa bahay may iniwang sulat sina mommy, at ‘yon ay dinala na raw nila ang gamit ko.
"Kuya, magpahinga muna tayo bago tayo umalis," aniya ni Czyme at naupo sa sofa, naupo rin ako sa tabi ni Zyro na nakapatong pa ang kamay niya sa sandalan ng sofa.
"Kasama na raw nila mom si Yshmael," sabi naman ni Zyro na nakatingin pa sa phone niya.
"Akala ko ba may passport siya?" takang tanong ko sa kanya, tumango naman siya.
"Baka isinabay na siya ni lolo," sagot niya sakin.
Isinandal ko ang ulo ko at pumikit, kahit hindi naman ako masyadong napagod pero inaantok pa rin ako.
"Hija, may pumunta dito kanina, Ethan at Louie raw ang pangalan," sabi ni manang sa kanya pero nakapikit pa rin ako.
"Sakto, isabay na rin natin sila para ipakilala sa kambal ni tita Alice," sabi niya naman kaya napalingon na ako sa kanya.
Oo nga, may koneksyon pala sila kay Lady.
"Tawagan mo siya," utos ni Czyme kay Zyro. Bumuntong-hininga muna siya bago sinunod ang sinabi ng kapatid ko.
[Buti tumawag ka, ba’t wala kayo?] Ethan (naka loud speaker).
"Magdala kayo ng mga damit niyo. Pupunta tayo kay Lady," sabi ni Czyme. Saglit namang natahimik ang kabilang linya.
[Patay na siya,] sabi ni Ethan ng may pagtataka.
"Basta. Dalian niyo, pumunta kayo dito sa bahay. Mga isang linggo tayo ron," giit ni Czyme. Hindi na nakapagtanggi ang dalawa sa halip ay gusto rin nilang makita ang pinuno nila. Pinatay ni Zyro ang linya at ibinulsa ang phone niya.
"Pano sina June?" tanong ko sa kanya.
"Alam na nila yon, tsaka may inaasikaso rin sila," sagot niya.
Hinintay pa namin ang dalawa habang nagpapahinga kami. Hindi naman nagtagal ay may busina galing pa sa labas~~labas ng gate kaya siguradong sila na yon. Lumabas ako at binuksan naman ni manong ang gate kaya pumasok ang kulay grey na kotse. Bumaba si Ethan at Louie saka binuksan ang backseat at kinuha ang maleta nila. Papasok palang sana kami pero lumabas na rin yong dalawa.
"Ibigay mo nalang kay Mika yong kanya, sabay nalang kayong dalawa. Nakaalis na pala si Yshmael...Umalis na kayo,, para sa inyo lang yan. Sabihin mo kayong dalawa lang...Yeah...Sige, may magsusundo sa inyo ron pag dumating kayo...Ingat," dada ni Czyme habang may kausap sa kanyang phone.
"Magpahatid na tayo kay manong, kuya. Ako na ang magmamaneho para mabilis tayong makarating," aniya at ibinulsa ang phone niya.
Tinawag niya pa si manong na agad ring lumapit sa amin. Yung kotse na ni Louie ang ginamit namin dahil mas malapit na samin. Isinakay sa likod ng kotse ang mga gamit nila. Dalawa kami sa passenger seat ni Zyro, at sina manong, Ethan at Louie sa likod. At ayon si Czyme ang magmamaneho.
"Talaga bang buhay pa si Alice?" tanong ni Louie kay Czyme, natawa naman si Czyme ng mahina.
"Wala akong sinabi, tsaka sabi niyo patay na siya diba? Ipapakilala ko lang kayo sa kambal niya," tatawa-tawang sagot ni Czyme sa kanya.
"May kambal siya? Edi ibig sabihin niyan, kaedad namin siya?" gulat na tanong ni Louie, tumango naman si Czyme sa kanya.
Syempre, kambal nga eh.
Zhawn's POV
Dalawa lang kami ni Mika ang sakay ng eroplanong ito at nagtataka pa ako kung bakit ganito kalaki ang sasakyan namin samantalang dalawa lang naman pala kami, and guest what? Gusto niyang umalis na kami at sabihin ko raw sa driver ng eroplanong ito na kaming dalawa lang ni Mika. Ang nakakapagtaka pa, ganon nalang kadali para sa kanya, tsaka may passport pa kaming dala eh hindi naman pala kailangan, o baka naman sariling eroplano ‘to ng pamilya nila at pinapagamit lang nila dito sa airport na ‘to?
So, ayon nga, pumwesto ako sa left side at siya naman sa right, ganon naman talaga ang pwesto diba?
Sa right ang babae dahil sila ang laging nasusunod and left naman sa lalaki dahil kapag nasunod mo na ang gusto ng babae mangangaliwa ka na, pero ibahin niyo ko, binigyan ko lang kayo ng isang aral para naman hindi kayo maloko. Tsaka kung magmahal kayo ‘wag basta basta. ‘Wag rin kayong mamili o maghintay dahil may taong itinadhana sayo. Kuha mo?
Ayaw niya pa ngang sumama sakin kanina dahil hindi siya naniniwala, tas nong pinakita ko yong passport ngumisi siya.
Akala niya siguro edi-date ko siya, asa.
"May earphone ka?" napatingin ako sa kanya at sabay iling. Tignan mo nga naman ‘tong babaetang ito, kunwari ayaw pang sumama. Eh sakin rin naman maghahanap ng kailangan niya, tsk.
"Pwedeng magtanong?" tanong niya sakin, tumayo siya at tumabi sakin.
Tingnan mo nga naman talaga, oo. Chachansingan rin naman ako, nagpakipot p,a tsk.
"Nagta~~" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at napadaing sabay pikit ng mariin dahil sa pagpingot niya sa tenga ko.
"Seryoso ako," seryoso talaga siya. Binitawan naman na niya ang tenga ko kaya naupo ako ng maayos.
"Namatay na ba si Diego o yong Ace o kung sino man ang demonyong yon? Tsaka paano siya namatay?" tanong niya sakin. Bumuntong-hininga ako.
*Flashback*
Masyadong maraming tauhan ang Ace na ‘yon kaya nahirapan kaming pumasok. Dumaan kami ni Julius sa damuhan, malalim na kasi ang gabi kaya mahihirapan silang makita kami. Kasama namin si June at ‘yong tatlo niyang kaibigan, sina Ethan, Louie at ang HMG. Hindi na rin kami humingi ng tulong sa mga pulis dahil ibang usapan na raw yon.
Nakakalat kami sa paligid ngayon dala ang baril at dagger, na ibinigay samin nina June kaninang umaga nang malaman namin kung nasaan si Czyme. Kasalukuyan kaming gumagapang ngayon sa makating damuhang ito papunta sa isang abandonang bahay, madilim rin ang loob nito kaya hindi mo aakalaing may tao o hostage dito.
"Humanap ka ng magandang pwesto at may gagawin pa ako," halos pabulong niyang sabi sakin dahil na rin sa pag-iingat namin para hindi kami marinig o maski makita.
Bang!
Bang!
Tsaka lang ako umalis sa pwesto ko nang may nagputukan na, at don na nag-umpisa ang pagpapalitan namin ng putok. Pumasok si Zyro sa loob ng bahay kasama si June na naka-cover sa kanya.
Bang!
"Ay tae~~na!"
Biglang may nagpaputok at muntikan na ako don. Agad ko siyang binaril at natamaan naman siya. Hindi naman nagtagal ay bumulagta na ito sa lupa.
"Hindi ba kayo tinuturuan ni Ember?" tanong sakin nong kaibaigan ni June na tumabi pa sakin, ikinasa ko ang baril ko at tumingin sa paligid.
"Wala kaming alam tungkol sa kanya," sagot ko nalang sa kanya at umalis sa pwesto. Malapit na rin ako sa pintuan at agad na binaril ang lalaking tumatakbo palabas.
Matuto kang tumingin.
Natigilan ako sa pagpasok ng makita ko si Zyro na pababa habang buhat si Czyme na walang malay at ang malala pa ay punit ang bestida niya.
"Umalis na kayo, may tatlong minuto pa tayo bago sumabog ang bahay na ‘to," nagmamadaling sabi ni June.
Maingat at patakbo kaming lumabas na lagi namang nasa harap namin si June. Konti nalang rin ang buhay at karamihan ay naliligo na sa kani-kanilang sariling dugo.
Sumakay kami sa kotse ni Zyro, unti-unti naring nawawala ang mga putok ng baril. May mga myembro din ng HMG na sumasakay na sa kotse nila.
"Let's go! Czyme," nag-aalalang sabi ni Zymor sa kapatid niya na walang malay. Mabilis namang pinaandar ni Zyro ang sasakyan.
Nang makalayo na kami don sa lugar na ‘yon ay may bigla itong sumabog kaya napatingin ako don. Nasusunog na ang bahay.
"Ku~~~ya," nahihirapang sambit ni Czyme kaya mas lalong binilisan ni Zyro ang pagmamaneho, nilingon ko sila sa likod pero hindi pa rin siya gising.
"Sorry, Czyme. I'm sorry," paghingi ng tawad ni Zymor.
Pagkarating namin sa hospital ay sinalubong agad kami ng nurse at agad na ipinunta sa emergency room,, pero nilipat rin agad sa private room dahil stable naman na siya at kinabitan lang siya ng dextrose dahil raw sa panghihina niya.
~~~
Hinintay nalang namin ang paggising niya, pero mas nauna pa naming nalaman na patay na pala ang pumatay sa totoong Lady at sa lola niya. Sina June ang nag-imbistiga sa bangkay niya at positive raw. Nagkalasog-lasog raw ang katawan niya dahil na rin sa pagsabog.
*End of flashback*
Ayon nga, kwenento ko lahat sa kanya, at sinabi ko ring siya ang may gawa kay Czyme ng pagkatrauma niya. Hindi siya umiimik pero halata sa itsura niya ang pinaghalong ekspresyon. masaya, malungkot, galit at awa.
"Nasa empyerno na siya ngayon," nakangising sabi niya at bumalik ulit sa pwesto niya kanina. Umidlip nalang muna ako habang nakacross ang hita't braso ko.
***
Nang inanunsyo ng driver ang paglapag namin ay naghanda na rin kami sa pagbaba. Nang maramdamang hindi na umaalis ang eroplano ay pumunta na kami sa may pinto at hinintay ang pagbukas nito. ‘Yong maleta rin namin ay nasa malapit sa may pinto para raw hindi na namin hilain mamaya .
Pagbukas palang ng pinto ay kay ganda at mahanging paligid ang naramdaman at nakita ko. Hinila namin ang sarili naming maleta at bumaba. Pagtingin ko sa relos ko ay alas otso y medya na.
"Sir, this way po," sabi ng lalaking nakauniform pa ng pang-driver. Kinuha niya ang maleta namin at isinakay iyon sa loob ng kotse kaya sumakay na rin kami sa magarbong sasakyang ito.
Yshmael's POV
Knock! Knock!
May kumatok sa pintuan kaya agad akong lumapit at pinagbuksan kung sino man siya.
" Dinner's ready. Go down stairs," nakangiting sabi ni Aze. Tinanguan ko naman siya. Nagpaalam na siya kaya iniwan kong nakabukas ang pinto at isinabay si Monique sa paglabas. Mahimbing rin ang pagkakatulog namin kaya hindi namin namalayan ang paglipas ng oras.
"Teka mommy, iipitan ko lang ‘yang buhok mo," sabi ko sakanya at pumunta sa likod niya. Madalas ko na ‘tong gawin sa kanya mula nong naninirahan siya sa bahay. Lagi rin siyang tahimik at hindi umimik, mahirap rin siyang mapatawa, ewan ko nga kung bakit. Tsaka sabi naman ni mommy parte raw ng pagbubuntis ni Monique iyon. Pagkatapos ko siyang ipitan ay lumabas na kami.
"Dre!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon, at nakita ko si Mika at Zhawn na hila-hila ang kanilang maleta. Lumapit agad sila samin, at si Mika ay nakipagbeso pa kay Monique.
"Kailan kayo dumating dito?" tanong ni Zhawn sakin.
"Kaninang umaga, mga alas syete y medya. Dalian niyo dahil kakain na tayo," sabi ko sa kanila. Tinapik ko muna ang balikat niya bago kami umalis ni Monique.
Itinuro pa ng maid ang daan papunta sa dining area at hindi naman kalayuan ito. Nandon na ang lahat maliban lang samin ni Monique, Zhawn at Mika. Dumiretso kami sa upuan at ipinaghila ko muna siya ng upuan bago ako naupo sa tabi niya.
"Hija, freshmilk at tubig lang ang inumin mo para malusog ang bata," payo s akanya ni tita Cyrill at inilagay sa tapat niya ang freshmilk. Nakangiti namang tumango si Monique sa kanya. Nang makaupo na ang lahat ay napatingin kami sa pinanggagalingan ng mga boses.
"Panis yong eroplano niyo."
"Mas panis laway mo!"
"Ba’t mo dinamay laway ko?"
"Wala lang. Czyme, magkakwarto ba talaga kami ng ugok na ‘to?"
"Parang gusto ko namang makasama ka sa iisang kwarto."
"Depende sa inyo. Good evening,” bati agad ni Czyme pagkapasok niya. Nasa tabi niya si Zyro na nakabusangot, si Mika naman ganon rin, at kasama rin nila si Ethan at Louie.
"Where's tita Alicia, Aze?" tanong ni Czyme kay Aze. Kumunot pa ang noo ko dahil sa Alicia’ng hinahanap niya.
"She will be here tomorrow. Let's eat, tita," yaya niya sa kanila. Nagsiupo naman sila at nagsimulang nagdatingan ang mga masasarap na pagkain.
"Kumain lang kayo ng kumain," aniya ni tita Cyrill samin. Syempre, wala na kaming magagawa, nasa harap na naman eh. Tahimik lang kaming kumain at tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang naririnig.
Czyme's POV
"Lolo, matutulog na kami. Maaga pa ang adventure namin bukas," paalam ko kay lolo pagkatapos naming kumain. Tumango naman siya kaya tumayo na ako. Nagpaalam na rin ang lahat at nagtungo sa aming mga kwarto.
"Tita, why are you looking for lola Alicia?" tanong sakin ni Aze na lakad-takbo pa ang ginawa para lang maabutan kami.
" Ethan and Louie were Alice's group members.," sagot ko sa kanya. Tumatango-tango naman siya.
"Hija, mauuna na kami," paalam ni tita Cynthia at tinawag rin si Zhawn.
"Sige po. Magpahinga na po tayo at bukas na bukas ay papasyal po tayo," nakangiting sabi ko sa kanila. Nginitiaan rin nila ako at nauna ng umakyat pataas ang mga parents kaya kaming mga anak ang naiwan.
"Czyme, inuman muna tayo kahit red wine lang hehehe," sabi ni ate Jona. Napakamot pa muna ako bago tumango sa kanya kaya tuwang-tuwa siya.
"Preggy at Yshmael, matulog na kayo. Bawal magpuyat si Monique, sasabihin ko rin sa inyo ang nagawa kong plano," sabi ko sa kanila na ikinakunot ng mga noo at ikinataka nila. Tumango nalang ‘yong dalawa at nagpaalam muna bago umakyat sa hagdan. Tinawag ko na rin sila papunta sa labas, don kami sa labas para mahanginan rin kami. Kahit malamig dito ay naiinitan pa rin ang buo kong katawan, hindi ko alam kung bakit.
Niyaya ko silang maupo sa bermuda grass, hinubad ko rin ang jacket ko para gawing upuan.
"Malamig," sita nila sakin habang nakayakap sa kani-kanilang sarili pero natawa ako ng mahina at umiling.
"Kuya Erick, sekreto lang natin ‘to sa dalawa. Nagplano na kasi ako sa baby shower nila pero hindi ko lang alam kung magugustuhan nila," sabi ko kay kuya Erick na kapatid ni Yshmael.
"Sure. Magugustuhan nila yon, Mrs. Vourge. I swear," nakangiting sabi ni kuya Erick.
"February 22 ang surprise baby shower, and we're still here. Take a look at my designs for the venue. Aze, let them see," utos ko kay Aze at agad namang kinuha ang phone sa bulsa niya. May pinindot pa siya bago binigay sa kanila ang phone niya para ipakita ang litrato.
" And also, she's planning dates for parents. Lola Cyrill and Lola Zye are planning to have a party before Tita's wedding, separating the boys and girls," he explained while looking at me.
"May kasama kang lalaki?" bulong sakin ni mukong kaya tumango ako at napalayo siya sakin.
"No. I will not let her be with other guys," malamig na aniya ni Mukong kaya natahimik kaming lahat, at tinignan pa ako ni Aze na sinasabing "what I am going to say-look".
"Fine, ‘wag na. I-settle nalang natin ang date ng mga parents natin," sumusukong sabi ko sa kanya. Tila guminhawa naman ito at umayos ng upo.
"Kailan namin makakausap ang kambal ni Alice?" tanong ni Louie kaya tinignan ko siya. Para bang naiinip na siya at para ring sinasabing ba’t pa kasi ako isinama.
"Bukas. Gusto niyo ring dalawin si tita Alice?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila, mas lalo na sina Ethan at Louie.
"Tita?!" gulat pa na tanong ni Ethan at Louie, tinanguan ko naman sila.
"Pinsan siya ng daddy ko. Mafia rin siya," tatango-tanong sagot ko.
Ang totoong Lady ay si tita Alice. Nang malaman ko ang nangyari sa kanya ay ginaya ko siya at walang takot na nakipagsapalaran para lang mapagbayaran ng Ace na ‘yon. At ngayong patay na siya ay kuntento na ako, pero hindi pa rin mawawala sa isip ko ang mga kademonyohan at kababuyang ginawa niya sa bawat miyembro ng mafia samin.
"Pero bakit mo ginaya si Lady?" tanong ni Ethan sakin.
"Para mahanap ang katarungan para sa pagkamatay niya," sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Tama na, ibang usapan na ‘to," suway ni kuya samin.
Ipinagpatuloy nalang namin ang mga kailangan naming pag-usapan habang umiinom ng wine, para sa mga magulang namin at hanggang sa matapos kami, at napagpasyahang umakyat at matulog na.
Itutuloy…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (287)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Great another interesting story, good job author🥰
23/06/2022
0It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️
11/04/2022
0ang Ganda ng kwento
23/04/2025
0Tingnan Lahat