Homepage/That Mysterious Nerd/
She’s getting married
Zymor's POV
"Pare, si Czyme nasa TV," anunsyo ni Louie na tumatakbo palapit samin.
Agad na isinindi ng kahera ang flat screen sa loob ng canteen. Marami na rin ang nagsisidatigan dito sa canteen at pinagbubulungan ang tungkol sa kapatid ko.
Czyme.
"Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyo at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon. Ngayon ay opisyal na lider na ang inyong apo sa SIA. Bago po siya naging lider o miyembro ng SIA, ano po ba ang mga pagsubok na pinagdaanan ng inyong apo bago niya naabot ang mga ganito?" tanong ng reporter.
"Sobrang hirap ng pinagdaanan niya, and I'm thankful na sa kabila ng paghihirap niya ay napagtagumpayan niya ang ganitong ranggo. Hindi ko na iisa-isahin ang mga ginawa niya dahil napakarami at napakasakit ang mga nangyari sa kanya. Ngayong opisyal na siya, gusto ko lang sabihin sa kanya na sana ipagpatuloy niya kung anong mga nasimulan niya," saa naman ni lolo.
"Anyway, sir, base po sa nalaman ko ay nag-aaral ang inyong apo sa Saint Dale National High School, hindi po ba?" tanong ulit ng reporter at itinutok ang mikropono kay Czyme.
"Opo, nagpapasalamat po ako sa mga faculties at kay Dean na si Ms. Jona Vourge sa Saint Dale. Sa lahat po ng mga taong nakilala ko sa paaralang ‘yon ay lubos po akong tumatanaw ng utang na loob sa inyo. Sa mga magga-graduate naman, ipagpatuloy niyo hanggang sa maabot niyo ang mga pangarap niyo," Czyme.
"Totoo po bang hindi niyo na tatapusin ang pag-aaral niyo?" the reporter asked.
"Hmm. Sa associaton po namin kailangan ng legal age at ang pirma ng dean ng pinapasukan ko para maaprobahan ang pagtatapos ko. Ang~~~"
"Matagal na siyang tapos sa pag-aaral niya pero dahil nga sa matigas ang ulo niya, mas pinili niyang mag-aral ulit para sa kuya niya."
Napalunok ako dahil sa sinabi ni lol. Hindi ko na ipinagpatuloy ang panonood ko dahil lumabas na ako sa canteen na ‘yon.
Nasa Caloocan sila ni lolo ngayon kasama sina June. Nakikita kong pumupunta siya dito pero sa classroom laging bakante ang upuan niya. Pag dumadating naman ako sa bahay ay pareho silang busy ni lolo.
"Dre!" tawag sakin kaya liningon ko ang pinanggalingan ng boses. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay sila.
"Secret Agent si Czyme," gulat at hinihingal na aniya nito.
"Akala ko ba mafia siya?" Zhawn.
"Half agent at half mafia siguro," Louie.
"Sayang ‘yong pinaghirapan ng kapatid mo, dapat makasabay natin siyang magtapos," Ethan.
Biglang pumasok ang papeles sa isip ko. Ngumisi ako at tinapik ang balikat ni Ethan.
"Kay dean tayo pumunta," sabi ko at tinalikuran sila.
Hindi na importante kung sino o ano ka ngayon. Ang importante makapagtapos tayong pareho hawak ang diploma natin.
"Dre, nasan si Dean?" tanong ko sa kanya.
"Nasa bahay," sagot niya. Lakad-takbo ang ginawa ko habang sila ay nalilito kung anong nangyayari sakin.
" Are you skipping class?" tanong nila kaya tatawa-tawa akong tumango.
Parang hindi naman gawain ng mga gago.
"Kailangang ‘wag pirmahan ni Dean ang papel para kasama natin siyang grumaduate," sabi ko at sumakay na sa kotse ko at pinaharurot ito.
Zhawn's POV
"Pakyu!" sigaw ko sa kanya nang makaalis ito. Tatawa-tawa naman kaming nagsisakay sa mga sasakyan namin.
"Sa bar tayo!" yaya naman ni Zyro kaya sumunod na kami sa kanya.
Ang dami talagang pinagdaanan ni Czyme, buti nalang talaga nakipagsabwatan samin si Denver.
*Flashback*
Umagang-umaga napatawag si Yshmael sakin kaya agad kong sinagod kahit medyo inaantok pa ako.
[Nawawala si Czyme,] aniya nito kaya natawa ako ng mahina.
Ano namang pake ko don?
[Pumunta ka dito sa hotel na tinutuluyan ni Zyro nandito kami!] aniya nito at hindi pa hinintay ang sagot ko at pinutol agad ang linya. Napabangon nalang ako at inis na dumiretso sa banyo.
Bumaba agad ako at nagmadaling lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.
Kung mahal mo nga naman talaga, hindi mo maiwasang mag-alala. Handa kang masaktan para lang makita siyang masaya, samantalang ikaw nagmumukha ng tanga.
Pagkarating ko sa tapat ng hotel, pumasok agad ako at sumakay sa elevator. Pinindot ko ang 13th floor. Nagmadali akong naglakad hanggang sa nasa tapat na ako ng C18 na tinutuluyan ni Zyro pag may ikinakama siya.
Pumasok agad ako at nadatnan ko ang magulo nitong kwarto.
"Ano?!" inis na sigaw ko sa kanila na nakatulala habang hawak ang mga buhok nila.
"Nawawala si Czyme at kailangan niya rin tayo ngayon," seryosong aniya ni Yshmael kaya napangisi ako.
Hanapin mong mag-isa mo, ikaw lang naman ang kaibigan niya sating apat.
"Lagi niya tayong tinutulungan nong mga nakaraang araw ng laban natin. Siya si Lady. Kung ayaw niyong maniwala sabihin niyo lang para alam ko kung kailangan ko nang hanapin siya ng mag-isa," dada nito kaya natawa ako.
Imposible namang siya yon, eh sabi niya nga magsimula sa umpisa kaya wala tayong koneksyon sa kanya. Lady? Psh ano namang kinalaman niya tsaka imposible namang siya yon, ang layo-layo.
"Pano ka nakasigurong siya nga yon," nakangisi kong tanong, napuno ng katahimikan ang buong kwarto.
"Fine! Tutulong ako," sabi ko nalang.
Kababata namin si Czyme at hindi na siya naiba samin.
*End of flashback*
Limang araw naming hinanap siya hanggang sa tumawag si Denver kay Julius na myembro niya sa HMF.
Malayang-malaya na kami, hindi na kami yong dating nakikitago pa dahil lang sa mga kalaban namin. Patay na si Ace, ang lalaking pumatay kay Alice at lola ni Czyme at Zymor.
Bar
Pumasok agad kami sa loob na unti palang naman ang costumer. Pumunta kami sa VIP room na kasya ang sampong katao.
"Kaya pala ganon siya katakutan ng pulis nong isinama niya kami sa presinto," manghang aniya ni Louie.
Nasa gitna namin ang maliit na mesa na hanggang tuhod. Pumunta sila nong Sabado, isinama niya ang dalawa pero hindi ko alam kung anong ginawa nila.
"May magaganap atang party sa sariling bahay niya sabi ni tita Cyrill kahapon nong dumalaw kami," aniya ni Ethan.
Lagi na rin silang pumupunta sa bahay nina Czyme sa tuwing walang pasok, kami naman todo gala. May napapansin rin akong iba ka Zyro mula pa nong nakaraang araw.
"Kung sa Caloocan ang SIA, siguradong don na rin siya titira," aniya ni Louie.
"Ikakasal na rin siya," gulat kaming napatingin kay Yshmael na kanina pang nananahimik.
"Yon ang sabi ng lolo niya sakin. About sa party? Para yon sa pakikipagkasundo ng pamilya niya at pamilya ng mapapangasawa niya," seryosong aniya ni Ethan at nilaghok ang alak. Napatingin ako kay Zyro na hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.
"Nasa bar kami...Oo...Hihintayin ka namin dito…Sige, bye." Louie.
"Saan magaganap ang kasal?" tanong ni Louie pagkababa niya ng cellphone niya.
"Sa Korea. Kung maaprobahan ang papel niya mula kay Dean, makakaalis na siya ng Pinas," sagot nito.
Labing walong gulang? Napakabata pa para ikasal. Kanino naman kaya siya magpapakasal?
"Ikaw Mauzyro? Kailan mo papakasalan ‘yong nabuntis mo?" seryosong tanong ni Ethan sa kanya. Naglaban ang mga tingin nila at nanatiling tahimik ang loob.
Mag-iisang buwan na ring buntis si Monique pero patuloy pa rin sa pag-deny ang lokong ‘to. Alam ko ring nagkasama na sila pero hindi ko alam kung may nangyari na sa kanila.
Saktong nagbukas ang pinto at pumasok si Zymor na katulad namin ay tahimik rin.
"Bakit yan?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang dalawang naglalaban ang tingin.
"Dre, totoo bang ikakasal na ang kapatid mo?" putol ko sa katahimikan at ibinaling nalang ang atensyon ko sa kanya. Kumunot ang noo nito at takang nakatingin sakin.
"Sinong nagsabi?" tanong niya sakin kaya tinignan ko si Yshmael na gulat ring nakatingin kay Zymor.
"Hindi mo alam?" tanong ni Yshmael sa kanya pero mas kumunot ang noo niya.
"Hindi ako papayag na ikasal ang kapatid ko sa ganitong edad, mas lalo na pag hindi ko kilala," seryosong aniya at may kinuha sa bulsa. Binuklat niya ito at inilagay sa mesa.
"Napirmahan na ng lolo mo pero kinuha ko nalang sa kanya. Gusto kong kasama kong makapagtapos ang kapatid ko kaya gagawin ko lahat para lang makasama siya," aniya nito at kumuha ng baso at nilagyan ng alak. Nagsisalin din kami sabay laghok.
Czyme's POV
Dalawang araw kaming nanatili ni lolo sa Caloocan dahil sa maraming proseso ang ipinagawa sakin. Malapit na rin kami sa bahay at may mga binili si lolo na para kina mommy at kuya.
"Apo, may aasikasuhin lang ako saglit. Sumabay ka muna kina Agent June at nang makapagpahinga ka na sa bahay," aniya ni lolo na nasa harapan kasama ang driver.
Inihinto naman ni manong ang sasakyan sa tabi at bumaba siya para pagbuksan ako. Huminto rin ang kotse ni kuya June sa likod ng kotse ni lolo. Pinagbuksan ako nong driver ni lolo kaya sumakay na ako sa sasakyan ni kuya June.
"Kumusta na kayo ni Mauzyro?" tanong sakin ni kuya June nang magmaneho na siya.
"Maayos naman," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa daan. Naramdaman kong tumingin siya gamit ang peripheral view ko kaya tinignan ko rin siya.
"Kung alam niyong mahal niyo pa ang isa't isa, ‘wag kayong magpapatalo kahit anong mangyari," seryosong aniya nito kaya napabuntong hininga ako.
"Kung talagang para sa isa't isa kami, hindi kami magkakaganito ngayon," napayuko pa ako matapos kong sabihin ‘yon. Natawa naman ito kaya napatingin ako sa kanya.
"Para sakin, hindi totoo ang tadhana. Alam mo ba kung bakit karamihan ng may relasyon nasa ganyang kalagayan niyo rin? Dahil kailangan niyong matuto sa mga pagkakamaling nagawa niyo para muling itama ito," seryosong aniya nito at ibinalik ang paningin sa daan, ganon rin ako.
"Lahat ng tao nagkakamali, at talagang kailangan nilang itama ang pagkakamali nila. Pero ni minsan hindi mababago kung anong nakaraan nila," sambit ko. Natahimik kaming pareho hanggang sa makarating kami sa bahay.
Pumasok kami sa bahay at nadatnan namin itong tahimik. Tanging huni ng mga ibon ang maririnig mo galing sa labas.
"Mom? Dad?" tawag ko sa kanila pero walang sumagot at nagsilabasan naman ang mga maids namin.
"Nasa hospital po sila ngayon, ma'am," aniya ng isang maid.
Kumabog ng todo ang tibok ng puso ko na halos hindi ako makahinga. Nagsisimula na ring manginig ang mga kalamnan ko.
"Anong nangyari?"nag-aalalang tanong ko, hindi ko na sila hinintay na sumagot at agad na lumabas para sumakay sa kotse ni kuya June. Agad niya itong pinaharurot nang makasakay siya.
"Anong nangyari sa kanila?"nag-aalalang sambit ko habang napapasabunot sa sarili ko.
"Kumalma ka lang," aniya ni kuya tsaka niya tinapik ang balikat ko.
Pagkarating namin sa hospital ay lakad takbo ang ginawa ko at agad na nagtanong sa nakakasalubong kong nurse.
"May pasyente ba kayong Requez dito?" tanong ni kuya June sa nurse na agad naman nitong tiningnan ang record book.
"Room 16 po sa second floor," sagot ng nurse kaya agad akong sumakay sa elevator.
Anong nangyari sa inyo?
Nang mahagilap ng mata ko ang numero na sinabi ng nurse ay unti-unti na akong nanghihina. Nanginginig ang buong katawan ko at parang ang bigat ng ulo ko.
"Kumalma ka nga lang," inis na sabi sakin ni kuya June habang nakaalalay sa likod ko. Pinagbuksan niya ako at tumambad sakin si kuya na nakahiga sa hospital bed.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari matapos akong mawalan ako ng malay.
Mauzyro's POV
Agad akong lumapit sa kanila ni June at binuhat ito.
"Hey,Czyme," aniya ni June na inaalog pa ito habang buhat-buhat ko siya. Hiniga ko siya sa sofa na kinauupuan ko kanina. Agad namang lumabas si June para tumawag ng nurse.
"Czyme," sambit ko at lumuhod sa tabi niya.
"Dyan ka na muna dre, magpahinga ka nalang," sabi ko kay Zymor na bumabangon para lapitan ang kapatid niya.
Babe.
Tumayo ako nang lumapit sa kanya ang kasama ni June na isang nurse.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni June sakin habang nakatingin kay Zymor.
"Pinagpyestahan ng mga tambay," nakangisi kong sabi habang nakatingin kay Zymor na pinakyuhan pa ako.
"Pagod at gutom lang ang dahilan ng pagkawala ng malay niya. Pagpahingahin niyo muna siya," aniya ng nurse at tinignan pa ang kalagayan ni Zymor bago lumabas.
"Pano niyo alam na nandito ako?" tanong ni Zymor sa kanya, tinignan naman niya ito si Czyme.
"Requez ata yan," aniya ni June at naupo sa gilid ng kama ni Zymor. Naupo rin ako sa isang monoblock na katabi ng kama ni Zymor.
"Nasan ang mommy't daddy niyo?" tanong ni June, nanatili naman akong nakatingin sa kinaroroonan ni Czyme.
Ang laki ng ipinagbago ng katawan niya.
"May inasikaso," walang ganang sagot ni Zymor.
"Ikakasal na ang kapatid mo," aniya ni June. Hindi na bago sa pandinig ko yan dahil narinig ko na rin yan kay Yshmael.
Kahit masakit, kailangan kong tanggapin dahil wala na akong magagawa. Pareho kaming bumitaw kaya dapat lang na tanggapin ko kung saan siya sasaya.
"Wag mo kong niloloko pare, hin~~"pinutol na ni June ang sinasabi ni Zymor.
"Kung masakit satin, pano pa kaya sa kanya? Hindi alam ng kapatid mo na ikakasal siya sa taong hindi niya nakilala o maski minahal," malumanay na sabi ni June kaya naibaling ko ang paningin ko sa kanya.
"Hindi niya alam?" gulat na tanong ko, tumango naman ito at liningon pa si Czyme na mahimbing ang tulog.
"Yon ang kapalit ng pagiging mafia niya," halos mapatayo ang mga balahibo ko nang sabihin niya yon.
"Teka, teka! Hindi siya magtatapos ng pag-aaral dahil agent siya? Tapos ngayon mag-aasawa siya dahil mafia siya? Tang*na pre, ang gulo! At ang bata pa ng kapatid ko para sa mga yan!" nanggigigil na aniya ni Zymor habang dinuduro siya. Napabuntong-hininga naman si June bago nagsalita.
"Nasa wastong edad na ang kapatid mo," sambit nito.
"Kailangan niyang makasal, kahit na kanino," tuloy nito na ikinatigil ko kasabay ng pagtingin niya sakin.
"Walang alam ang lolo niyo sa tipo ni Ember sa mga lalaki kaya kumuha ito ng sampong lalaking iba't iba ang katangian na siyang pagpipilian ni Ember. Pag naayos na yon, pagdating ng Marso ay ikakasal na sila," paliwanag nito.
Sampong lalaki ang pagpipilian niya?
"Kung ikakasal man ang kapatid ko, gusto kong maikasal sila ni Zyro kahit ngayon na," seryosong aniya ni Zymor kaya gulat akong napatingin sa kanya na nagpapalit-palit pa ang paningin niya saming dalawa ni June.
"Kung yon ba ay gusto niya,"aniya nito habang nakatingin sakin.
"Kung ako sayo, ayusin niyo ang problema niyong dalawa para hindi na siya makahanap pa ng iba," nakangising aniya ni June na ikinabuhay ng puso ko.
Pero paano? Lalo akong napapalayo sa kanya bawat araw na nagdaan. Paano ko maibabalik ang tiwala niya kung alam niya nang may ginawa na akong katarantaduhan?
Itutuloy…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (287)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Great another interesting story, good job author🥰
23/06/2022
0It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️
11/04/2022
0ang Ganda ng kwento
23/04/2025
0Tingnan Lahat