Park Yerin Go

Czyme's POV
Pangatlong araw ko na dito sa hospital at nababagot na ako dahil kain at tulog lang ang ginagawa ko rito. Hindi ako sanay na hindi ako nakakagalaw. Maayos naman na ang kalagayan ko at magaling na rin ako sa nakuha kong sakit na dengue kaya sinabi ko na kay kuya na iuwi ako dahil hindi ko na kaya ang amoy sa loob ng kwartong ito. At yon pumayag naman siya.
Inaayos na namin ni kuya June at mukong ang mga gamit samantalang si kuya naman ay binabayaran ang bills ko dito. Tungkol kay kuya June, napag-usapan naman na namin yon, hindi ko rin alam kung bakit naging ganon ang trato ko sa kanya dahil na rin siguro sa mga ikwenento niya sa kuya ko. Maayos naman na kami, siya ang nagdadala ng pagkain dito tuwing kainan. Naaawa nga ako sa kanya dahil dalawa ang inaalala niya, ang trabaho niya at sakin.
"Tara na," yaya samin ni kuya June na dala pa ang isang wheel chair kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Nakakalakad na 'ko kuya, hindi na kailangan yan," sabi ko sa kanya, napabuntong hininga naman siya. Inalalayan rin ako sa paglakad ni Mukong kaya hinayaan ko nalang.
Naalala ko ulit ang napanaginipan ko.
*Flashback*
Tinawagan ako ni mukong kanina na makipagkita sa kanya sa restau na lagi naming kinakainan kaya agad akong nagbihis dahil excited akong makita siya na kararating lang galing sa Nueva Ecija dahil pinatawag siya ng tito niya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya ako sinama eh.
Pagkabihis ko ay nagmadali akong bumaba at nadatnan ko si kuya na may kinakausap sa cellphone kaya kinuha ko ang pagkakataon na tumakbo para makatakas sa kanya (maghipit ang kuya ko sa panaginip). Agad akong sumakay sa kotse kong dilaw at pinaharurot ito.
Pagkapark ko sa parking area ng restau na yon ay inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyan nang naglakad papasok sa restau dala ang matamis kong ngiti, pero agad na nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng kunot na noo. May kasama siyang babaeng hindi ko kilala. Nawala ang ngiti ni Mauzyro nang makita niya ako.
"Here you are," iba ang bati niya ngayon sakin. Tinignan ko ang babae na nakahawak sa kamay ni Mauzyro na nasa mesa.
"I would like you to meet Angela, my fiancé," halos mapanganga ako sa sinabi niya at unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko.
"Y-your fiance?"utal na tanong ko at don na nagsipagbagsakan ang mga luha ko.
Tumango ito tsaka itinaas ang pareho nilang kamay habang magkahawak at may nakasuot na parehong singsing. Inalalayan rin ni Mauzyro ang babae na tumayo. Biglang inabot ng babae ang kamay niya sakin.
"May nagawa ba akong mali?" tanong ko sa kanya na tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Hindi ito sumagot subalit napangisi.
"Sorry, please stay by my side. Babe, please, I won't let you go. If I need to do something for you to forgive me, I will. Even if my life is in danger just forgive me. Babe, please," luhaang sabi ko s akanya pero hindi niya pa rin ako inimik.
Ngayon ko lang napagtanto na nakatingin ang lahat ng nasa restau sakin habang tumatawa ng mahina.
"We need to go," tatawa-tawang paalam ni Mauzyro sakin.
At don na ako napaluhod nang iwan niya lang ako. Humagulgol na ako sa pag-iyak, tawa naman ang naririnig ko sa paligid ko. Para akong pinagsakluban ng lupa.
*End of flashback*
"Babe, babe," hindi ko man lang napansin na nakasakay na pala kami sa kotse at may naramdaman pa akong likido na tumulo sa balat ko.
Agad kong pinunasan ang luha ko at nag-iwas ng tingin sa kanilang tatlo. Kahit pigilan ko ang luha ko ay ang hikbi ko naman ang namutawi sa loob ng kotse. Tuloy-tuloy sa pag agos ang mga luha ko kaya itinaas ko na ang dalawa kong paa at sa tuhod ko isinandal ang ulo ko tsaka ako umiyak.
"May masakit pa ba sayo babe?" nag-aalalang tanong ni Mukong na kasama ko sa likod. Tumabi ito sakin at hinawakan niya ako sa braso kaya sumandal na ako sa braso niya habang umiiyak.
Mauzyro's POV
Tumingin ako sa harapan at saktong nagtama ang paningin namin ni June gamit ang rear mirror. Ngumiti ito sakin kaya ginantian ko siya ng pilit na ngiti habang hinahaplos ang buhok ni Czyme.
"May masakit ba sayo?" tanong sa kanya ng kuya niya na nilingon pa ito, umiling naman si Czyme habang nakayuko ito sa sarili niya mga hita.
"Babe," tawag ko sa kanya, kumunot pa ang noo ko nang lumakas ang paghikbi nito dahil pati ang kamay ko na nasa buhok niya ay tumataas baba rin.
"Ayo*sob*kong maw*sob*ala ka sa*sob*kin."
Kahit ns putol-putol ang sinasabi niya dahil sa paghikbi ay nakuha ko pa ring intindihin ito.
"I never let that happen, babe," sagot ko sa kanya tsaka ko siya hinalikan sa noo.
Pagkarating namin sa bahay ni Czyme ay sinalubong agad kami ng mga tao don, mas lalo na sina ate at Mika. Konti lang naman ang gamit na inuwi namin dahil karamihan ay kalat lang naman.
"Kumusta tito, tita?" tanong niya agad sa mga parents namin.
Walang sumagot sa kanya dahil lahat kami ay nagbuntong-hininga.
Baliktad talaga ang utak ng bansot na ‘to. Una sa lahat ayaw ng ganon ni mommy, ang kukumustahin sila pag alam nilang ang nagtanong ang kailangang tanungin ng ganon.
"Gusto niyo bang mamasyal? Matagal na kayong nakakulong dito sa bahay?" sinserong tanong niya.
Hindi umimik ang lahat. Sa lahat ng nakilala ko, siya lang talaga ang may baliktad na utak. Matalino naman siya pero bakit ganon? Hahahaha.
"Okay na kami dito, Czyme, kesa naman lumabas pa kami baka may mangyaring hindi maganda samin," sabi ni Louie.
Ngayon lang ata ‘to naging seryoso. Napakamot naman si Czyme sa batok niya at tuloy-tuloy lang siyang naglakad paakyat. Akmang maglalakad na sana ako pasunod sa kanya nang pigilan ako ni June.
"Hayaan mo muna siya," sabi niya habang pilit ang ngiti.
"Nag-away kayo?" bulong sakin ni ate na tumabi pa sakin, at pinagmasdan si Czyme sa taas. Kumunot naman ang noo ko.
"Ba’t ko naman gagawin yon? Nanaginip siya nong unang araw niya sa hospital, then kanina raw bigla na naman niyang naisip kaya nagkaganon. Hindi ko siya papaiyakin, hinding-hindi ko magagawa yon," sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinapik sa noo.
Airport hahaha!
Napasapo naman ito sa noo niya tsaka niya ako tinignan ng masama.
"Pumunta kayong lahat sa conference room," utos samin ni June na nauna nang naglakad paakyat.
Sinundan namin siya siya hanggang sa umakyat ulit siya sa hagdan patungong ikatlong palapag.
Masyado siyang makapangyarihan sa loob ng bahay kaya sinusunod nalang namin siya dahil nakikituloy lang naman kaming pare-pareho maliban sa may-ari ng bahay.
Naunang pumasok ang mga parents namin na pinagbuksan pa ni June. Sumunod naman kaming pumasok pagkapasok nila. Nahuling pumasok si June at dumiretso sa isang mesa. May mahabang table at mga swivel chair na ‘to na talagang inihanda.
"Hintayin nalang muna natin si Ember," sabi ni June at narinig pa namin ang pagsara ng drawer sa mesa niya. Pumunta ito sa bakanteng upuan na katabi ni Ethan at inilapag ang folder.
"Pinatawag niya kayong lahat dito para sa konting kalayaan," sabi niya habang binubuklat ang folder na may lamang coupon na walang sulat.
Anong kalayaan ang tinutukoy niya?
"Papaalisin niya na ba kami dito?" diretsong tanong ni ate sa kanya.
Umiling ito at isinara ang coupon at sakto naman ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya napalingon kami. Diretso itong naglakad papunta sa harap.
"Babalik na ba kami sa bahay, Czyme?" nakabusangot na tanong ni ate kaya tinignan namin si Czyme at hinintay ang pagsagot niya.
"Hindi muna sa ngayon, ate," sabi niya sabay buntong-hininga.
"Kailangan muna naming imbistigahan kung anong balita sa mga suspek. Bukas na bukas lalabas tayo para makalabas rin naman kayo sa bahay na 'to," paliwanag nito at may kinuha sa silong o drawer siguro ng mesang ito.
"Czyme, nagtrabaho ka ba dati sa SIA sa Caloocan?" biglang tanong ni Mika na ikinatahimik naming lahat.
Nabalot ng katahimikan ang loob at biglang tumikhim si June kaya napatingin kami sa kanya na nakatingin rin siya kay bansot habang seryosong nakatingin samin.
"Nagtrabaho rin kasi ako non, isang janitress. Kaya kita tinatanong kasi nakita kita dati don, hindi ako nagkakamali dahil nakita talaga kita kasama ang matandang lalaki hindi ba?" nahihiyang tanong ni Mika sa kanya kaya nabawasan ang konting katahimikan.
"Ano nga bang ginagawa mo don, Czyme?" nakangisi ring tanong ni Zhawn sa kanya kaya napatingin kaming lahat sa kanya na masama ang tingin kay Czyme.
Alam kong may mali itong naiisip tungkol sa girlfriend ko kaya ganito ang asal niya. Napapansin ko rin ang pananahimik niya nitong nakaraang araw.
"Hindi ako nagtrabaho~~" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ulit si Zhawn.
"Isa ka bang SIA?" seryoso at nakangising tanong niya, natahimik ulit ang loob ng kwarto.
"Nagdududa ka ba?" tanong ni Czyme sa kanya na ikinakilabot ng buong katawan ko.
Parang may itim na awra ang pumapalibot sa kabuuan nito. Nakangisi si Czyme habang diretso ang tingin kay Zhawn na parang naglalaban sila sa pamamagitan ng tingin.
"Matagal ko na SANA kayong hinuli," malamig at matigas na tono niya at nag-iwas ng tingin. Nagtama ang paningin namin at don naging malumanay ang pagtingin niya.
"Pasensya na," malumanay na sabi niya tsaka siya nagdiretsong lumabas ng kwarto.
"Tama siya, tsaka isa pa dude hindi niya tayo patutuluyin sa pribadong bahay niya kung isa siya sa mga yon,"-Louie
"Wag niyong pag-isipan ng masama ang patulong niya sa atin,"-kuya Erick (kuya ni Yshmael)
"Magpasalamat nalang tayo dahil sa pagpapatuloy niya sa atin dito"-ate.
Tumawa naman ng mahina si June kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Responsibilidad niya kayong patirahin dito, ‘wag kayong magpasalamat kundi magtiwala kayo. Magpahinga na po kayo at lalabas tayo bukas," sabi niya tsaka siya tumayo dala ang folder at pinagbuksan uli sina mommy ng pintuan.
"Maiwan kayong grupo," sabi niya na akmang lalabas na sana si Louie kaya napaatras ito.
"Naeliminate ang ibang grupong natalo niyo ng hindi alam ng buong organisasyon," tatawa-tawang sambit niya nang maglakad ulit ito sa kinauupuan niya kanina.
Pano niya alam? Wala namang nakakaalam dito kundi kami-kami lang.
"Kung sa bagay, iba naman na ang namumuno ng organisasyon kaya wala na silang pakialam sa grupo kahit magpatayan pa sila sa daan," tuloy niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
" Lady was the powerful leader of the whole organization. Those two guys are members of Alice's fraternity, known as Lady," turo niya kina Ethan at Louie na nakanganga habang nakatingin sa kanya.
"Your leader was the most powerful person in the organization. Ang buong pamilya ni Alice ay nasa South Korea," aniya nito.
"Panong nangyari yon? Ang sabi ni Alice samin, namatay na ang pamilya niya pe~~~" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ulit si June.
"Ang totoong pangalan ni Alice sa Korea ay Park Yerin Go, mafia ang buong pamilya nito. Ipinadala siya ng daddy niya dito dahil nasa panganib ang buhay niya. Ayaw ng daddy niya na maulit ang nangyari sa ate ni Alice, pinatay nila ang kapatid nito dahil ayaw niyang magpakasal sa lalaking nagkakagusto sa kanya. Walang nakakaalam ng buong pagkatao ni Alice maski ang kamag anak niyang nakatira dito.......Zhawn, kung ano man ang iniisip mo sa kanya, hinding-hindi niya gagawin yon. Sige na, gabi na kaya magpahinga na rin kayo," pagtatapos niya ng usapan kaya lumabas na kaming lahat maliban sa kanya.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (287)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    Jomar Torres

    ang Ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata