Requez departure

Czyme's POV
Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko sina ate Jona at Mika kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto para hanapin sila. Kinabahan ako nang walang taong maski isa ang nakita ko sa baba. Kumabog na ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba.
Nasan kayo?
Nagmadali akong lumabas ng bahay pero wala pa rin akong makita maski isa sa kanila.
"Kuya! Mom! Dad! Mau~~~" natigilan ako sa pagtawag at halos mapatalon pa nang pagharap ko ay ang gwapong si mukong ang bumungad agad sa harap ko.
Bihis na bihis siya.
"Good morning, babe," bati niya sakin tsaka niya ako dinampian ng halik sa noo.
"Nasa dining area na sila, baka nakakalimutan mong may lakad tayo?" sabi nito kaya kumunot ang noo ko.
Lakad?
Saan na~~ sa presinto!!
"Oo nga pala. Sige, maliligo lang ako babe," paalam ko at patakbong bumalik sa kwarto.
Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto nang may humarang na kamay galing sa labas kaya binuksan ko ulit ito.
"Hihintayin kita dito," nakangiting sabi niya tsaka siya pumasok sa kwarto namin.
Maliligo ako, mukong, tapos hihintayin mo ako sa mismong kwarto pa?
"Maligo ka na," tatawa-tawang sabi nito kaya wala akong nagawa kundi kumuha ng susuotin ko sa aparador ko at dumiretso rin agad sa banyo.
Hinubad ko lahat ng nakasuot sa katawan ko at agad na tumapat sa shower. May bath tub dito pero nagmamadali ako kaya nag-shower nalang ako.
Pagkatapos kong maligo ay pinunasan kong mabuti ang buong katawan ko, pati na rin ang basang-basang buhok. Kinuha ko rin ang panty ko na nakabalot sa susuotin ko at isinuot ito.
Knock! Knock! Knock! Knock!
"Babe, ‘tong ano mo naiwan," rinig kong sabi ni mukong sa labas ng banyo.
Anong ano?
"Babe tong ano mo naiwan," ulit niya ulit.
"Anong ano?" inis na sabi ko sa kanya.
"Y-yong bra mo, babe, naiwan," utal nitong sabi kaya nagulat ako.
Nagmadali akong hinanap iyong bra na loob ng damit pero wala. Nagtatalon-talon ako sa loob ng banyo habang napapasabunot sa sarili ko dahil sa kahihiyan.
"Babe," tawag niya ulit kaya napatigil ako at napasapo ako sa noo ko.
Ibinalot ko sa twalya ang katawan ko bago ko unti-unting binuksan ang pinto. Napapikit pa ako ng mariin nang makitang hawak niya ang gamit ko. Iniabot niya ito sakin kaya nagmadaling tinanggap ko ito at pabagsak na isinara ang pinto.
Letche! Sa dinami-rami ng malalaglag bakit underwear pa?
Pagkatapos kong maisuot ang lahat ay inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Dinatnan ko itong nakaupo sa kama habang nakatingin sa picture na nasa mesa ko.
"Kamukha mo ang lola mo, babe," sambit nito habang pinagmamasdan ang litrato. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.
"Ipapakilala kita sa kanya sa susunod na araw," nakangiting sabi ko sa kanya. Tumingin naman ito sa mga mata ko.
Sigurado akong gusto kang makilala ni lola kahit wala na siya.
Knock! Knock!
May kumatok sa pinto kaya tumayo ako para buksan ito at tumambad si kuya June na agad pinagmasdan ang suot ko.
"You're not going anywhere. Wear your proper suit," matigas na sabi nito kaya napakamot ako sa ulo ko.
Masyado siyang istrikto sa pananamit ko mas lalo na at presinto ang pupuntahan ko.
Mauzyro's POV
"Sumunod na kayo sa baba mamaya. Kumain muna kayo bago kayo umalis," sabi ni June tsaka siya nagpaalam. Pumunta naman si Czyme sa aparador niya at may hinalungkat.
"May hinahanap ka?" tanong ko sa kanya pero sakto naman nang isasara niya na ang aparador habang may hawak itong kulay itim.
Itinaas niya ang hawak niya at dumiretso sa banyo. Pinagmasdan ko nalang ulit ang litrato nila ng lola niya.
Matangos na ilong, mapula at maliit na labi, singkit na mata, kulay itim na mata na halos magkasing mukha na talaga sila. Maganda ang lola niya pero mas maganda siya.
"Tara na," yaya niya sakin kaya napalingon ako sa kanya.
Kumunot pa ang noo ko dahil sa suot niya. Kulay itim na damit at pants na kumikintab at fit na fit sa kanya.
"Lady in black?" kunot noong sabi ko sa kanya, tumango naman ito sabay tawa.
"Tara na," yaya niya ulit sakin tsaka niya ako hinila. Bumalik pa ito at kinuha ang salamin niya sa mesa na katabi ng litrato tsaka niya isinuot.
Pagkababa namin ay dinatnan namin ang lahat na naglilinis, na natigilan rin dahil sa presensya naming dalawa.
"Lady," sabay-sabay na sambit ng HMF pati narin si Ethan at Louie.
Nagulat ako sa sinabi nila tsaka ko nilingon si Czyme na kunot rin ang noo habang nakatingin sa kanila.
"Lady in black," natatawang sambit ni ate Jona pero hindi siya pinansin. Tutok na tutok ang mga tingin nila kay Czyme, na kunot na kunot rin ang tingin niya sa kanila.
"Ember, pumunta na kayo," tawag pansin naman ni June sa kanya kaya nagpatuloy na kami.
Kanina pinapakain lang, ngayon pinapaalis na.
Biglang pumasok sa alaala ko ang lady na ‘yon.
Kaya ba ganon nalang makatingin ang grupo nina Patrick (ang HMF) at sina Ethan sa kanya. Pero hindi eh, malabong siya si Lady dahil malayong-malayo ito sa kanya. Sa itim na damit, oo,pero sa galaw malayo.
Dumiretso kami sa garahe na bukas at nasa loob nito ang tatlong kotse. Kotse ko, kotse ni Zymor, kotse ni Yshmael ang kotse naman ni Zhawn ay nasa parking area kasama ang kulay gintong kotse ni Czyme. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat bago ako pumasok.
Kusang bumukas ang gate nang nasa tapat na kami nito. Nagmaneho na ako at hinayaan na ang gate dahil kusa raw itong magsasara.
"Kung gutom ka, babe, dumiretso muna tayo sa restau para hindi ka gutumin mamaya," sabi ni Czyme na may pinipindot pa sa cellphone niya.
"Ididiretso ko nalang para hindi tayo parehong gutumin," sabi ko sa kanya, tumango naman ito na hindi man lang lumingon sakin.
"This is Requez…I want you to set a meeting… Now... Just do what I say...Yes, thank you," sabi ni Czyme tsaka ibinaba ang cellphone na nasa tenga niya kanina.
"Sino yon, babe?" tanong ko sa kanya tsaka ko hininto ang kotse sa tapat ng restau. Bumaba ako tsaka ko sya pinagbuksan.
"Si dela Cruz, ‘yong pulis na nakabantay sa tatlo sa kulungan," sagot niya.
Pulis pero ganon siya magsalita, taga bantay lang siya pero wala siyang kakayahang makapagpatawag ng meeting sa headquarters.
Pumasok kami sa restau pero karamihan ay seafoods. Inorder ko lang ang vegetable na para samin na agad ring dumating dahil konti lang naman ang customer dahil maaga pa naman.
"Aayusin mo ang kaso nang hindi kasama ang biktima?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami, tumango naman ito.
"Pano yon, diba kai~" napatigil ako nang magsalita siya.
"Nakausap ko ang suspek ng wala si ate Jona, at mas makakausap ko ang mga pulis ng wala ang parents ni Zhawn," seryosong sabi niya kaya napatango nalang ako.
Kahit punong-puno ka na ng kamisteryuhan hindi pa rin ako nagkamaling nakilala at minahal kita babe.
Pagkatapos naming kumain ay nagbyahe ulit kami. Pagkatapos ng limang minuto ay narating na namin ang presinto.
"Wag mo na akong pagbuksan ng pinto, babe," nakangiting sabi niya tsaka siya bumaba kaya napabusangot akong bumaba.
"Ayaw mo na bang pinagbubuksan kita?" malungkot na tanong ko sa kanya, napakamot naman ito tsaka niya hinawakan ang kamay ko.
"Hindi," sagot niya tsaka kami nagsimulang naglakad habang magkahawak ang kamay.
"Good morning, sir," bati nong pulis na nakasalubong namin tsaka nagbow.
May ganon na bang patakaran ang mga pulis ngayon?
Lahat ng nakakasalubong namin ay binabati ako at nagbabow sila. Binati ako pero si Czyme, hindi?
"This way," sabi nong lalaki at sinabayan pa si Czyme sa paglalakad.
"Hindi pa ayos ang lahat, hindi pa dumating si Sanchez," sabi nong pulis na katabi lang si Czyme habang tinutungo ang kung saan.
"Lagi bang late yon?" tanong niya na hindi pa iginagalang ang pulis na kasama niya.
"Oo, hinihintay na kayo ng iba," sagot niya at pinagbuksan kami sa isang tinted door.
Sabay kaming pumasok ni Czyme at nakasunod naman ang pulis samin. Nadatnan namin ang mga tahimik at nakayukong mga miyembro ng pulis. Pagkakita nila samin ay agad silang tumayo at nagbow.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang paggalang nila samin, kay Czyme.
Dumiretso kami sa harap at gitnang upuan.
"Umupo ka, babe," sabi niya sakin at tinignan ako ng karamihang pulis. Tinalikuran naman ako ni Czyme at umalis sa tabi ko pero ako ay nananatili lang na nakatayo.
"Sir, maupo po kayo," bulong niya sakin habang diretsong nakatayo at nasa gilid ang dalawang kamay nito. Naupo nalang ako gaya ng sinabi niya.
" All of you I know that you know who I am, but I want to introduce myself to those members who do not know my name. I'm Czyme Ember Requez," umpisa ni Czyme. Nakinig lang ako sa kanya.
"Gusto kong hanapin niyo ang lahat ng nakatas kahapon. At siguraduhin niyo lang na hindi sila nakatakas kahapon o baka naman may nagpatakas lang sa kanila. Pag~~~" natigilan sa pagsasalita si Czyme nang pumasok ang isang lalaki nasa edad tatlumpo.
"Alam kong may tumataliwas na mga pulis dito, kaya kung sino ka man? ‘Wag na ‘wag kang magpapahuli sakin," tuloy ni Czyme kaya napalingon ako sa kanya na masama ang tingin niya sa lalaking nasa pintuan.
"S-sorry, I'm late," utal na sabi ng pulis at nagbow muna ito bago umupo sa isang bakantente.
"I want your beautiful reasons for making you late." nakangising sabi ni Czyme sa pulis.
Medyo malapit ito sakin kaya binasa ko ang pangalan niya. Nanlaki pa ang mata ko nang makita sa itaas ng pangalan niya ang posisyon niya.
Chief officer Dante De Guzman.
Panong naging ganon ang paggalang nila, siya, bilang isang chief. Bakit ganon nalang nila ginagalang ang isang babaeng nasa harapan nila.
Mas mataas ka ba sa pulis? Isa ka rin bang public servant?
"So, I want you to report every day about the Center Devil and Spice Girls group to SPO2 Dela Cruz. Everyday,” paglilinaw niya.
“About the victims I can handle it by myself. That's all," pagtatapos niya, sabay-sabay namang tumayo ang lahat maliban sakin at sumaludo sila kay Czyme.
"Sir, tara na," bulong sakin ni Dela Cruz ata, kaya sumunod naman ako. Nagbow ulit ang mga ‘to nang makatayo ako. Imwenestra ni Dela Cruz ang daan sakin kaya naglakad na ako ganon din si Czyme.
"Gusto mo bang kausapin iyong tatlo?" tanong ni Dela Cruz kay Czyme na seryoso ang tingin sa daan na halos hindi pa ako pinansin kanina pa.
"Wag na muna, basta siguraduhin mong nasa maayos sila," sagot niya. Tinignan naman niya ako na kanina pa akong nakatingin sa kanya habang salubong ang kilay.
Pagkalabas namin sa presinto ay nagpaalam na rin si Dela Cruz samin.
Kanina ka pa sana umalis para nakapagsolo kami.
"Babe, ganon ka ba talaga kataas para mapasunod at makausap mo nalang ng ganon-ganon ang mga officer?" tanong ko sa kanya na tinutungo ang kotse.
"I'm Czyme Ember Requez," mayabang na sagot niya tsaka tatango-tango.
Ano namang kinalaman ng pangalan mo sa tanong ko, babe? Posible rin bang mas mataas ka samin dahil lang sa pangalan mo? Pero bakit si Zymor, hindi ganto ang pakikitungo nila?
Hinayaan niya na akong pagbuksan siya at inayos pa ang salamin niya bago siya pumasok.
"Aalis na pala sina mommy mamaya, babe. Gusto mo bang sumama para ihatid sila?" tanong niya sakin pagkapasok ko.
"Saan sila pupunta?" takang tanong ko sa kanya. Masyadong delikado para umalis sina tita.
"Babalik na sila sa America," malumanay na sagot niya.
"Bakit? Delikado ang magbyahe para sa kanila babe, nakatakas ang grupong nagbabantay satin," nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"May private plane si lolo, hihintayin nating makalipad ang eroplanong sasakyan nila bago tayo umuwi," paliwanag niya kaya hindi nalang ako umimik.
Hindi pa rin ako kampante kahit na nakasakay na sila o hindi pa. Pano tayo? I mean, paano pagbumyahe tayo may nakasunod ba satin?
Gusto ko mang itanong ang lahat ng ‘yan sa kanya pero parang pag siya na ang nagsabi ay natatahimik ako.
Yshmael's POV
"Oh tita, bakit? San kayo pupunta?" takang tanong ni Zhawn kina tita kasama si Zymor na dala ang dalawang malaking maleta.
Mapula ang mga mata at ilong ni tita kaya siguradong galing siya sa pag-iyak.
"Babalik na sila sa Amerika," sagot ni Zymor na halatang hindi rin nagustuhan ang sinabi niya.
Lumapit ang mga parents namin sa kanila, sa mga babae ay niyakap nila si tita at kay tito naman ay ‘yong yakap rin na panglalaki.
"We're going back to America. I hope that when we come back again here, you're all safe. I want to stay here, bu~~" hindi na natuloy ni tita ang sasabihin niya nang may bumusina sa labas.
"She's here. Fix yourselves. She doesn't want to see you like that, mom," tatawa-tawang sabi ni Zymor pero halatang pilit ito at konti nalang ay tutulo na ang luhang namuo sa mata niya na kanina pa niya pinipigilan.
"Let's go?" napalingon kami sa nagsalita.
Pilit na pilit ang ngiting nakaukit sa kanyang labi. Mahirap sa kanila ang ganito mas lalo na sa kanya. Wala na ring nagawa sina tita at sumabay na silang lumabas kasama si Zymor na bihis rin.
Itutuloy…

Komento sa Aklat (287)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    Jomar Torres

    ang Ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata