logo text

You will never forget me

Mauzyro's POV
Kumpleto na kaming mga basketball players, marami na ring nagsialisan at dumiretso na sa STNHS (Saint Thomas National High School). Kasama namin ang parents namin maliban kay Zhawn, na nasa Boracay ang parents niya ngayon.
Hindi alam ng mga magulang niya ang tungkol sa sulat dahil ayaw na ring ipagbigay-alam ni Zhawn sa kanila. Actually, si Zhawn mismo ang nagsabi kina tita na don muna sila sa Boracay ngayon para ilayo sila sa mga natatanggap naming threats. Ang pamilya naman ni Yshmael ay kasama pa rin ang kaibigan ni Czyme na si manong June at ang HM frat para na rin sa kaligtasan nila.
"Sa may mga sasakyan, pwede na kayong pumunta sa Saint Thomas. AT kung maaari mang may space pa sa mga sasakyan niyo ay isabay niyo nalang ang walang sasakyan na schoolmates niyo," sabi nong isang coach. Sakto lang kami sa kotse ko kasama si Czyme.
Iginaya ko nalang ang pamilya ko kasama si Czyme papunta sa kotse ko. Sa backseat naupo ang pamilya ko at hinayaan naman nilang maupo sa harap si Czyme.
“Dre, mauna na kami!” paalam ko sa mga kaibigan ko habang nakalabas pa ang ulo ko sa may bintana.
"Matagal ka nang hindi pumupunta sa bahay, Czyme. If you have free time, you are free and welcome to come anytime.
Malapit na rin palang darating si lolo kaya nasisiguro kong ipapakilala ka niyang nobyo mo," sabi ni ate.
"Pagkatapos siguro ng laro nila Mauzyro, Dean," sagot naman ni bansot.
"Jona ang pangalan ko," natatawang aniya ni ate.
"Hija, inaalagaan ka bang mabuti ni Zyro?" tanong sa kanya ni mommy.
Hindi lang inaalagaan,minamahal pa♡♡.
"Opo, tita. Sobrang higpit nga po eh maski sa pagkain ko," natatawang kwento niya. At nakita ko pa sa gilid ng mata ko na sinulyapan niya ako.
Ayoko lang na mapahamak ka.
"Mabuti naman. Sinabi niya rin samin na may allergic ka sa seafoods and eggs?" singit ni ate.
"Opo, ate Jona," sagot nito.
Hinayaan ko nalang silang magdaldalan hanggang sa makarating kami sa Saint Thomas.
Sabay-sabay na kaming bumaba, at lumapit agad ako kay bansot para dalhin ang bag niya.
"Don ka lang sa tabi nina mommy pag naglaro na kami," sabi ko sa kanya.
Nauuna nang naglakad sina mommy habang kami naman ni bansot ay nasa likod nila.
"Maka sarili ka talaga eh. Pano naman sina mommy?" tanong nito na tiningala pa ako.
Pinagpaalam naman na kita ah.
"Edi magtabi sila ng pamilya ko para pareho nilang panuorin ang mapapangasawa ng anak nila," biro ko sa kanya, natawa naman ito sabay palo sa braso ko.
"Loko," aniya.
"Magpapalit lang po muna kami," paalam ko sa kanila nang makita nag mga kasama ko na nagsipalitan na ng kanya-kanyang jersey.
Hinanap muna namin ni Czyme ang banyo. Nang makarating kami sa harap ng CR ay kinuha ko sa bag ang dalawang pantaas ko at ibigay sa kanya ang isa na binigyan niya naman ng nagtatakang tingin.
"Isuot mo yan, nakatatak sa likod ang apilyedo ko," nakangiting sabi ko sa kanya kaya binuklat niya ang damit.
Parehong Vourge ang apilyedo ng damit namin. Dalawa ang pinagawa ko para samin kahit na hindi siya kasali. Para malaman rin nila na may nagmamay-ari na sa kanya hehehe.
Pumasok siya sa CR ng mga babae at hinintay ko muna siyang makalabas bago ako magpapalit. Pagkalabas niya ay pumasok rin ako sa CR ng mga lalaki at mabilis na nagpalit.
May word na ‘Propert’y ang baba ng apilyedo ko sa damit niya para hindi kami mapagkamalang magkapatid.
"Babe, naliliitan ako sa damit na ‘to," reklamo niya nang makalabas ako.
"Anong naliliitan, sakto lang naman, tsaka bagay mo. Pero mas bagay mo ang apilyedo ko," sabi ko sa kanya.
Walang halong biro, nagsasabi lang ng totoo.
"Babe, nasisikipan talaga ako, tsaka ang fit kaya sa may dibdib ko," reklamo niya pero hindi ko nalang ito pinansin at
nakangising iginaya siya papunta sa pwesto ng parents namin.
"Ayokong palitan mo ‘yan dahil lang sa fit sayo. Isuot mo yan dahil nakatatak d’yan ang future surname mo," bulong ko sa kanya habang nakaakbay, napakamot nalang ito sa ulo niya at walang nagawa.
Inihatid ko siya sa pwesto ng pamilya naming pareho tsaka ako dumiretso sa teammates ko.
"Dre, mag-uumpisa na ang parada sasama ka ba?" tanong sakin ni Yshmael.
"Hindi na dre, hihintayin ko nalang kayo rito," sagot ko sa kanya.
Humilera na ang lahat ng players at estudyante ng Saint Dale maliban samin ni Czyme kaya pumunta muna ako sa pwesto nila para don muna maghintay
"Bakit hindi ka sumama?" tanong sakin ni Czyme pagkaupo ko sa tabi niya na katabi niya rin si ate, habang ang parents namin ay nag-uusap rin ang parents naming pareho.
"Hihintayin ko nalang sila. At saka mainit, ayokong pagpawisan at mapagod pagdating ng laban namin," sagot ko sa kanya.
"Maarte ka lang kamo," bulong ni ate sa gilid. Nag-iwas naman ito ng tingin matapos ko siyang tignan ng masama.
"Pahiram ng phone mo," sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.
Ibinigay niya naman agad ito sakin kaya binuksan ko ito at pumunta sa contacts. Kilala ko lahat ng nasa contacts niya maliban sa tatlo, pero ang sabi niya sakin ay mga kaibigan niya raw na hindi na niya nako-contact.
Bakit hindi pa burahin?
"Zyro, pwedeng hiramin si Czyme? Magpapasama lang ako," paalam ni ate. Tumayo naman ako pagkatapos pinaty ang phone at iniabot ito pabalik kay bansot.
"Tara," yaya ko sa kanila.
"Hindi ikaw," aniya ni ate.
"Sasama ako," sabi ko sa kanya, wala naman na itong nagawa.
Nauna silang naglalakad habang ako ay nasa likod nila.
Zhawn's POV
"Ang init," reklamo ng mga kasama naming nandito sa parada ngayon.
Naglalakad lang naman kami paikot sa mainit at napakaluwang na oval ng school na ‘to. Naiwan si Mika kasama sina Ethan at Louie sa court.
Napapalapit naman na samin si Mika na laging sumasama samin noong mga nakaraang araw kahit na kakalabas niya lang sa hospital.
"Dre, si Elle oh," sabi ni Yshmael sa tabi ko habang tumitingkayad pa.
Hindi naman na ako nahirapang makita s’ya ng malapit na kami sa may tapat niya.
Ang tapang ng apog ng malanding ‘to.
As usual naka short na naman ito ng maikli tsaka kita ang pusod niya dahil sa damit niya. Siya lang naman ang tinitignan ng mga kalalakihan dito maliban samin.
"Hinahanap niya na naman siguro si Zyro. Tsk!" aniya ni Zymor sa kabilang gilid, nasa pagitan namin si Yshmael.
Sino pa bang hahanapin ng higad na yan?
"Maghanda kayo sa panibagong kalandian niya hahaha," tatawa-tawang sabi ko sa kanila pero natigilan rin ako dahil nakatingin na sakin ang karamihan.
Papunta na kami ngayon sa gym ng school na ‘to na s’yang kinaroroonan ng mga players. Every school ay tinatawag muna nila bago sila papasok. Kaya nong matawag ang pangalan ng school namin ay nakahilera pa rin kaming pumasok.
Pagkapasok lahat ng school ay nagsimula na ang seremonyas bago nila umpisahan ang laro.
Bang!!
Nabulabog ang lahat nang may marinig kaming putok ng baril. Nagsimula naring magpanik karamihan ng mga babaeng players ng iba't ibang school.
"All of you don't be pan~~" hindi na natuloy ang sinasabi ng school head dahil sa dalawang magkasunod na putok ng baril.
Agad kaming umalis sa kinaroroonan namin at dumiretso sa hagdan.
Czyme's POV
"Wag kayong lalayo sakin," seryosong aniya ni Mauzyro samin habang tinutungo ang kinaroroonan ng pamilya namin.
Nanginginig na rin sa takot si ate Jona habang magkahawak kami. May nagpaputok kasi ng baril galing sa labas kaya nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng gym ngayon.
Agad kong nilabas ang phone ko at tinawagan si kuya June habang magkahawak kami ni ate Jona.
[I need your help, Ember. Isang grupo ng gang ito, Ember, hindi ko to makakaya ng ako lang,] nag-aalalang sabi ni kuya June sa kabilang linya.
"Where are you?" tanong ko sa kanya. Rinig ko pa ang sigawan ng mga tao sa kabilang linya.
[Dito sa labas ng gym, ]sagot nito kaya agad kong pinatay.
"Babe, I need you and your friends," sabi ko sa kanya habang malapit na kami kina mommy't daddy na pareho ring nakayakap sa isa't isa.
Kinunutan pa niya ako ng noo pero hinayaan ko nalang ‘yon. Nang makalapit kami kina mommy't daddy ay niyakap agad nila kami.
"Stay here," makapangyarihang sabi ni Mauzyro samin.
"I want to help," sabi ko sa kanya.
Hindi mo kakayanin ang grupo nila, mukong. Iba ang grupo mo sa grupo nila.
"Hindi ito ang tamang oras para mag-away tayo, babe," sabi ko nang tinignan niya lang ako ng seryoso.
"Mauzyro, they are here," nagpapanic na sabi sa kanya ni Ethan kasama si Mika. Linapitan ko agad si Mika tsaka ko siya inakay papunta kina mommy.
"Dito lang kayo, mom. Tawagan niya agad ako kung may taong lalapit sa inyo," sabi ko kina mommy at naunang naglakad.
Mauzyro's POV
"Czyme!" tawag ko sa kanya habang hinahabol siya.
Maraming tao dito kaya nahihirapan akong habulin siya mas lalo na’t ang bilis niya. Nakasunod rin sakin si Ethan.
Pagkalabas namin sa glass door ng gym ay ipinasara ko ito sa dalawang tanod na nasa loob. Isinara naman agad nila ito kaya dumiretso na kami sa labas.
"Shit!" tanging bulong ko nalang nang makalabas kami at tumambad samin ang mga kababaihan na grupo ng rank two kasama ang grupo ng Center Devil.
"Hello, Dark Nightmare," sabi ni Loyd, ang leader ng grupong Center Devil.
Masyado silang marami kumpara samin at may mga dala pa silang armas kaya mahihirapan kami nito.
"Pati babae pinapatulan mo, tsk. Ganon ka ba talaga para lang hindi ka matabunan sa unang ranggo mo?" nakangising tanong nito kaya kumuyom ang palad ko.
"Excuse me?" nagulat pa ako sa nagsalita habang tatawa-tawa.
"Bakit di mo kaya tanungin ang babaeng yon, huh? Baka naman mas may alam siya, sila, kesa sa ibinibintang mo sa DN," nakangising aniya ni Czyme.
Czyme, anong ginagawa mo?
Lumapit sa kanya si Zymor at hinawakan siya sa braso pero humarang rin si June sa kanya.
"Tumabi ka pare," mahinahong sabi ni Zymor kay June.
Nasa panig namin ang frat ng Hyke Minus maliban kay Denver na leader nila na nasa kabila. Lumapit agad ako kay Czyme at hinawakan ito sa braso.
"Magtiwala kayo sa kanya," sinsero at pormal na sabi niya samin pero hindi ko siya pinansin.
"Sino ka naman?" tanong sa kanya ni Loyd habang hawak ang isang baril.
May ibinulong si Elle-the higad sa kanya na s’yang nagpangisi sa kanya.
"Czyme, huh?" mayabang na banggit niya sa pangalan ng girlfriend ko.
"Yes, and I am the only girl that you will never forget," seryosong sabi ni Czyme sa kanya kaya napahawak ako sa braso niya. Tumawa naman ang lahat ng grupo niya.
Anong sinasabi mo, babe?
Medyo nakahinga ako ng maayos nang marinig ang sirena ng mga pulis.
"Bakit kayo nagtawag ng pulis?" naiiritang bulong sakin ni Czyme habang nakatingin pa rin sa harap niya.
"Ako ang nagpatawag, Ember," sagot naman ni June sa tabi niya.
"Mom, dad?" nanginginig na tawag ni Zhawn kaya napatingin kami sa kanya at sinundan ang tinitignan niya.
Bakit? Bakit sila nandito?
"Pakawalan niyo sila!!"galit na sigaw ni Zhawn sa kanila.
Hawak nila sina tita Cynthia at si tito habang nakatutok ang baril sa sentido ng mga ‘to. Umiiyak si tita at tito habang naka-tape ang mga bibig nila.
"Pakawalan niyo sila,"malamig na tono ni Czyme tsaka unti-unting lumalapit kay Loyd.
"Wag kang mag-alala sa kanya. Alalahanin mo ang mga taong nasa paligid mo," sabi sakin ni June at hinarap ang kinaroroonan ni Czyme.
Wala kaming kalaban-laban sa kanila. Maski isang armas ay wala kami.
Nang papalapit na nang papalapit ang sirena ng pulis ay nagsibabaan na rin ang mga kalaban sa mga sasakyan nila.
"Lumaban ka ng patas," nakangising sabi ni Czyme kay Loyd, na magkaharap na ngayon.
"Once na nasaktan sila, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayong lahat na nasa harapan ko. Kaya pakawalan niyo sila," makapangyarihang aniya kaya nagtawanan ang kabilang grupo.
"Pinapalibutan namin kayo, kaya sumuko na kayo!" rinig naming sabi ng pulis na may hawak itong megaphone.
Mas tumawa naman sila ng malalakas.
Bang!
Nagulat ang lahat dahil sa ginawa ni June. Nagkagulo na ang grupo namin at ang grupo nila nang mabitawan ng lalaki ang hawak nitong baril na nakatutok kanina kay tita.
"Kami nang bahala ni Ember dito, itakas niyo ang mag-asawa at pumasok kayo sa loob, bilis!" aniya nito habang nilalabanan namin ang grupo ni Loyd.
"Pumasok na kayo!" sigaw niya sakin pero hindi ko siya pinansin, nakipaglaban lang ako hanggang sa unti-unti silang lumuluhod dahil sa mga pulis, na hawak na sila.
Nang mahuli silang lahat ng mga pulis ay lumapit rin ang mga ito sakin dala ang posas.
"Hindi siya kasali," seryosong sabi ni June sa pulis, kay hindi natuloy ang pagposas nila sakin.
Lumapit ako kay Czyme na kausap si Loyd.
"You can't forget me anymore," nakangising sabi ni Czyme sa kanya na hawak ng pulis.
Saktong pagharap niya sakin ay tumingala pa siya. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
Who are you, Czyme?
Itutuloy…

Komento sa Aklat (287)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    Jomar Torres

    ang Ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata