Bampira

Czyme's POV
"Hintayin mo naman kami Czyme!" natatawang aniya ni Zhawn.
Kakatapos lang kasi ng klase namin ngayon kaya pauwi na kami.
"Mag-antay ka bansot, wala kang karera." bulong sakin ni mukong sabay akbay pa sakin.
"Nagugutom na nga ako. Kung ayaw niyong magmadali, edi ako nalang."sabi ko sa kanya at inalis ang kamay niyang nakaakbay sakin tsaka nagmadaling naglakad papuntang parking area.
Hindi na ako nagdala ng sasakyan ko kasi sumabay na ako kay kuya kaninang umaga at napag-usapan na rin namin ni mukong na siya ang maghahatid sakin pauwi.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, pati dala kong gamit kanina ay siya na rin ang nagdala. Bumusina sina kuya bago umalis at sumunod naman kami sa kanila.
"Diretso muna tayo sa mall kung gusto mo?" tanong nito sakin habang nagmamaneho, tumango nalang din naman ako sa kanya.
"May laban daw kayo mamaya?"seryosong tanong ko sa kanya.
"Pwede bang minsan iwasan niyo rin ang laban kahit may mag-aya sa inyo?"tanong ko ulit sa kanya.
"Opo, bansot." sagot nito na pilit ang ngiti.
Alam kong hindi niyo maiiwasan ang ganyan kaya iintindihan ko kayo.
Gaya kanina ay pinagbuksan uli niya 'ko ng pintuan pagkarating namin sa mall. Dinala niya ang bag ko, dahil nandon ‘yong pera ko.
"Sa Saturday na ang birthday ng mommy ni Zhawn, babe. May isusuot ka na ba?" tanong nito sakin.
Oo nga pala, pupunta kami sa birthday ng mommy ni Zhawn.
"Meron na." sagot ko sa kanya.
Okay lang sakin kahit tawagin akong babe ng lalaking 'to.
Tiningnan pa ng guard ang karga ng bag ko bago pinapsok si Mauzyro.
"Aattend si ate, bansot. Siguradong aayusan ka na naman ng babaeng ‘yon. Bibilhan nalang kita ng isusuot mo ngayon, pag si ate kasi ang bibili tatambad ang katawan mo pag pumili yon ng damit." daldal nito sakin habang nakaakbay pa.
“Ha? Eh, may isusuot na ako ah. Magpa-pants ako.” sambit ko.
“Pants? What the heck, babe? Hahaha. Dress ang susuotin mo, ako na ang pipili sa susuotin mo.” Aniya.
Ang arte naman!
Dumiretso kami sa pamilihan ng damit. Wala akong ginawa kundi ang isuot lahat ng napipili niya.
Bakla.
Well, lahat naman ng pinipili niya ay iyong mga damit kung saan ako komportable.
Dalawa ang binili niya sakin at dalawa rin sa kanya. Inilabas nito ang wallet niya at binayaran ang nagkakahalagang two thousand pesos.
Lumabas na kami at dumiretso sa restaurant.
"Mukong, ako na rin ang magbabayad." sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Ako na, babe. Mag-oorder na rin ako para kina tita at sa mga kaibigan ko." aniya at tumingin na sa menu.
"Kina ate Jona, at sa parents mo?" tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Nandito sila ngayon panigurado. Mahilig sa shopping si ate kaya malamang kakain iyon dito"aniya.
Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami para mag-grocery. Humila siya ng isang pushcart at itinulak ito kung saan ako pupunta.
Mauzyro's POV
"Don muna ako sa may chocolates, mukong." paalam nito sakin at inilagay sa tenga ang phone niya.
Sumunod naman ako sa kanya habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Kumain na kami ni mukong dito kuya... Oo, d’yan nalang sya kakain mamaya sa bahay… Okay, Sige. Bye." aniya at ibinalik ang cellphone sa bulsa ng palda niya.
Lumapit ako sa kanya na nangunguha ng stick-O.
"Nasa bahay sina Zhawn don ka na kumain mamaya." sabi nito habang inilalagay ang kinuhang stick-O sa pushcart.
"Don na rin ako matutulog sa inyo." biro ko sa kanya.
"May pasok bukas, sa susunod nalang." paalala nito na ikinangiti ko.
So, pumapayag siya na doon ako matutulog sa kanya? Hehehe.
Matapos naming bilhin lahat ay uuwi na kami sa bahay nila. Bumili na rin kami ng regalo ni tita sa birthday niya.
Dumiretso muna ako sa gasolinahan para magpagasolina.
"Five hundred." sabi ko sa lalaki.
"Magbabanyo muna ako."paalam sakin ni Czyme, bababa palang sana ako para pagbuksan sana siya pero pinigilan niya na ako.
Matapos kargahan ng lalaki ay nagbayad na ako at pinaandar ang kotse ko papunta sa malapit sa CR para hintayin si Czyme.
Hindi naman siya nagtagal kaya nakauwi agad kami.
Yshmael's POV
"May pasok pala kayo bukas, sana mag-sleep over nalang kayo dito sa bahay hehehe."aniya ni tita na gumagawa ng juice.
Tumutulong rin kaming dalawa ni Zhawn sa pag-aayos dito sa mesa, inaayos namin ang mga plato.
"Sa Saturday tita, birthday ni tita Cynthia pumunta kayo hehehe." sabi ko sa kanya.
"Pupunta kaming pamilya hehehe, matagal ko nang hindi nakita si Thiang hahaha."aniya nito na tumatawa pa.
"Good afternoon po, tita." bati ni Zyro kasama si Czyme. May mga dalang plastik si Zyro na halatang nag-grocery sila.
"Ang dami naman n’yan, dre." tukoy ni Zymor sa dala nitong mga plastik at sinalubong ito para tulungang magbuhat ganon din si Zhawn.
Masaya akong nakikitang masaya ka sa kanya dre, ganon na rin sayo Czyme. Mas mapagtitino mo pa ang ugok na ‘yan hahaha.
"Puro chocolates baby, masira ‘yang ngipin mo dito." sita ni tita habang inilalagay sa ref ang mga chocolates at stick-O na binili nong dalawa.
"Dre, kunin mo nalang yong sayo don."aniya ni Zyro na lumapit kay tita para halikan ito.
"Aakyat muna ako, mom." paalam ni Czyme na humalik rin sa mommy nito.
Lumapit ako sa kanila at nakipag-agawan sa binili nilang pagkain para daw samin.
"Magpahinga muna kayo."sabi ni tito na bumababa palang sa hagdan.
Alam ni tito na may crush ako dati kay Czyme. Nalaman niya yon dahil umamin ako dati, mga nasa twelve years old kami at ten years old naman si Czyme non.
"Dre, sinabi mo ba sa kapatid mo ang tungkol sa laban natin mamaya?" bulong ni Zyro sa katabi nitong si Zymor.
"Nabasa niya ang text mo kahapon." sagot nito na kakamot-kamot pa sa ulo nito.
Kahit kailan talaga palpak tong mga 'to eh.
"Zymor, tawagin mo na ang kapatid mo, at kakain na tayo." tawag sa kanya ni tita na inaayos na ang mga pagkain sa hapag-
kainan kasama ang mga kasambahay.
"Halina kayo, magsikain na tayo para makauwi kayo ng maaga."tuloy ni tita.
Nagsipuntahan na kami sa dining area. Nandon na rin si tito habang nagbabasa ng dyaryo.
Alas sais pa lang naman, at alas siyete ang laban namin kaya makakatambay pa kami dito.
Kung talagang kasama ka namin lagi kang sumusubaybay at alam mo ang mga araw at oras ng bawat laban namin LADY.
Dumating naman na ang dalawa na hindi magkausap, parang may hindi magandang nangyari sa dalawang 'to. Iba ang itsura ni Zymor nong umakyat s’ya pero ngayon parang naiinis na magliliyab na dahil sa pamumula niya.
"What's going on?" tanong ni tito sa dalawa nang ibinaba niya ang hawak nitong dyaryo.
"Bampira ang anak niyo." inis na sagot nito at padabog na umupo sa upuan niya na katabi ang mommy niya.
Eh?
Umupo rin si Czyme sa mas malayo sa kapatid nito at diretsong kumain. Hindi man lang nagsalita.
"Baby?" takang tawag ni tita sa kanya na ikinatigil niya sa pagkain.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
"Wow mom, siya ang nasaktan." sarkastikong aniya ni Zymor na masama pa rin ang tingin sa kapatid.
"Hahahaha!"
Napalingon kami kay tito na tatawa-tawa habang tinitignan si Czyme.
"Ganyan na ganyan ang mommy mo sakin dati, hahaha!" sambit ni tito.
Anong nangyayari sa kanila?
"Huwag mo nalang pansinin Zymor, normal sa kanila yan." Tatawa-tawang tuloy nito.
Nagpatuloy nalang kami sa pagkain hanggang sa matapos kami.
"Anong nangyari sa inyo, dre?" tanong ko sa kanya na hawak-hawak ang kanang braso nito.
Itinaas nito ang manggas ng itim na damit nito at tumambad ang bakas ng mga ngipin na namamaga na sa kanyang braso.
"Kinagat niya?"nagugulat na tanong ko na ikinatango niya.
"Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo Zymor, red day niya ngayon. Normal sa kanya yon, intindihin mo muna ang kapatid mo." sulpot ni tito samin habang nanonood kami.
Kanina pa umakyat si Czyme pero hindi pa rin siya nagsasalita. Kaya pala hahaha.
"Moody ang mga babae sa tuwing may buwanang araw sila, dre. Ganyan rin si ate sakin pero hindi pa niya ako kinakagat hahaha!" aniya ni Zyro habang nasa TV ang mata.
Tiningnan siya nito ng masama na ikinatigil niya.
"Mga hijo aakyat na ako, mag-ingat kayo sa pag-uwi niyo mamaya." paalam ni tito tsaka siya pumanhik.
Hindi niya alam na may laban kami?
"Maghanda muna kayo para mamaya, gagamutin ko lang ‘tong braso ko." sabi ni Zymor at pumunta sa kwarto dito sa sala.
"Humanda ka rin dre, hahaha! Laging ikaw ang nasa tabi ni Czyme, hindi imposibleng pati ikaw magkaroon ng chikinini, sa leeg pa hahaha!" humagalpak sa pagtawa si Zhawn na ikinatawa ko pero natigilan siya nang batukan siya ni Zyro.
"Damn you, dre. ‘Wag na wag mong babastusin ang girlfriend ko!"inis at seryoso nitong aniya habang masama ang tingin ke Zhawn.
Dalawa na sila? O assuming lang ‘tong isa?
"Oo na dre, joke lang hehehe." pilit ang ngiti ni Zhawn.
Natawa nalang ako sa dalawa dahil sa mga titigan nila.
"Tara na habang tulog pa sina mommy at daddy" aniya nito na nagmamadaling lumabas.
Tumayo naman kami at hinintay siyang makababa.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya at lumabas na.
Nagsakayan kami sa sari-sarili naming kotse at pinangunahan ni Zyro ang nagmaneho. Bumusina ito na hudyat ng pag-alis niya. Nagsisunod agad kami sa kanya. Si Zhawn ang nasa likod ng kotse ko at sumunod naman ako kay Zymor.
Kring...Kring..Kring
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Zhawn.
[Dre, parang sinusundan tayo ng dalawang nakamotor sa likod ko.] nag-aalalang aniya nito sa kabilang linya.
Tumingin naman ako sa side mirror ko pero wala akong makita.
"Ipagpatuloy mo lang ang pagmamaneho mo, ‘wag kang bababa." paalala ko sa kanya na sumusulyap pa rin sa side mirror ng
kotse ko at pinatay ang linya.
Bumusina ng tatlong beses ang dalawang nakamotor at binilisan ang pagmaneho papunta kay Zyro.
Lintik ano ba 'to?
Binilisan ko ang pagmamaneho ko pero natigilan rin ako nang inihinto nila ang mga sasakyan nila sa gilid kaya napatigil rin ako. Nagmadali akong bumaba at pumunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
"Hindi kami kalaban pre, ang totoo kasama niyo kami."aniya ng lalaki na matangkad.
Nakaitim silang pareho na kagaya rin ng suot ni Lady pero sila walang maskara.
"Wala kaming kasamang iba pre."paliwanag ni Zymor na kaharap na ngayon ang matangkad.
"I'm Ethan, and this is Louie. We're part of the fraternity world," pagpapakilala nito habang itinuturo ang kasama niyang nasa edad labin-lima.
"Ang makakalaban niyo ay nakalaban na rin namin. Hindi sila basta-basta, pumapatay sila. Kailangan namin ang kooperasyon niyo para maipagtanggol ang mga kasamahan naming pinatay nila." seryosong paliwanag nito at tinalikuran kami.
Pinatay?
Nagugulat ako sa mga sinabi ng Ethan na yon.
Nagsibalikan ulit kami sa sasakyan namin at sinundan ang dalawang nangunguna na samin.
Pano nilang alam na makakalaban namin ang nakalaban na nila? Napaka imposible namang nalaman rin nila? Nakakapagtaka lang na laging may susulpot sa tuwing may laban kami.
Tumigil kami sa pagmamaneho nang may humarang na magkakasunod na motor sa harap namin. Bumaba ako para tignan kung sino ang mga ito. Napakarami nila kumpara sa huling laban namin.
Is this also a kind of trap?
Bumusina ng sunod-sunod ang mga ito. Hindi nalalayo ang itsura nila sa itsura ng mga adik. Pula ang lahat ng suot nila maliban sa pants nila.
Lumapit ako sa mga kaibigan ko na kasama sina Ethan at Louie.
"Sa dami nilang yan malabong makakaligtas pa tayo pare." natatawang aniya ni Louie sa tabi ni Ethan.
Sumulyap ako sa kanya at tinapunan ito ng tingin. Nagsibabaan din ang mga nakamotor at kinuha ang mga bat sa sasakyan
nila.
"Wala kayong laban kung wala kayong armas." bulong ni Ethan.
Inilabas nito ang mga kutsilyo sa loob ng hood niya at ibinigay samin.
"Kailangan niyo ‘yan kung gusto niyo pang mabuhay." tuloy nito at bumalik sa pwesto.
Lady, kailangan ka namin ngayon.
So, this was also a trap. Hindi naging maayos ang patakaran ng laban. Ginawa na nila itong totoong patayin at hindi na pustahan.
Sumugod samin ang tatlo na hawak ang bat. Ilag kami ng ilag hindi namin ginagamit ang kutsilyo dahil takot kaming makapatay. Kahit ganito kami ay may awa pa rin kami at hindi namin kayang pumatay.
"Kung hindi niyo gagamitin yan, kayo ang mamamatay." pagbabanta ni Louie sa likod ko.
Hindi kami katulad niyo! Hindi namin kayang pumatay ng buhay ng tao. Lady kailangan ka namin ngayon nasan ka na ba?
Sumugod ng sabay-sabay samin ang lahat nang mawalan ng malay ang tatlo.
"Asahan niyo nang ito ang huling gabi at buhay niyo." nakangising aniya ng kalaban ko habang iwinawasiwas sakin ang bat na todo iwas naman ang ginagawa ko.
Nagulat ako nang matumba ito sa harap ko at umagos ang dugo mula sa likuran nito.
"Wag mong kaawaan." matigas ang tono ng boses ni Ethan na pinanood rin ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ng kalaban.
Natapos ang madugong laban namin na hindi man lang dumadating ang Lady'ng iyon. Mangilan ngilan ang walang malay na naliligo sa sarili nilang dugo at may mga nakahilata ring daplis lang ang inabot.
"Sa ayaw at sa gusto niyo parte na kami sa grupo niyo. Simula sa Lunes papasok na rin kami sa paaralang pinapasukan niyo. Umuwi na kayo." sabi ni Ethan na sumakay na sila sa sasakyan nila.
Hindi na kami nakapag-usap dahil sa mga nalaman at nangyari samin.
Itutuloy…

Komento sa Aklat (287)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    Jomar Torres

    ang Ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata