Homepage/Undeniable Feelings (Umbrella Series #1)/
22
"Ang pangit umalis ka nga diyan! Dugyutin!" malakas na sigaw ni Denver kay Shaun na mukhang tinamaan na ng alak.
Pano ba naman, halos ubusin niya ang dalawang bote ng alak na limit niya kaya 'yan nagsasayaw sayaw sa harap ng karaoke with matching mike.
Ang kanta na sinasayaw niya? Pusong bato. Iconic karaoke song na alam ng lahat.
"Patigilin niyo nga, ang sakit sa tainga," inis na sabi ni Althea na nabuburyo na kanina pa.
"Gago kasi bakit niyo binigyan ng dalawang bote nakakahiya sa mga nakakarinig baka sabihin may kasama tayong takas sa mental. Kapag may nagtanong kung sino 'yan... sabihin niyo hindi natin kaibigan. Mukha pa man din siyang timang sa t-shirt niyang nakarolyo. Ano 'yan ginawa niyang bra ang shirt niya?" may pandidiring sabi ni Kaius na patuloy sa pag-inom.
"Baka balak niyang maging sirena sa dagat," natatawang sagot ni Fabius na katabi ko.
Natawa ako sa mga pinag-uusapan nila't pinanood si Shaun na pinkish ang magkabilang pisngi.
May purple headband pa siyang suot kaya mukha nga talaga siyang binabae sa suot niya. Gumigiling giling pa ito at feeling niya siguro siya si Dante gulapa sa pa eagle dance na ginagawa ng baliw.
Nilapag ko ang hawak kong bote saka siniko si Fabius na napatingin sa akin. "Ipasok niyo na siya sa kwarto niya, nakakaabala na tayo sa iba. Dali na," utos ko rito.
Bagot na tumayo si Fabius at dinamay pa si Kaius na nagrereklamo sa paghila na ginawa nito. Pero sa huli, silang dalawa ang humila kay Shaun na nagpupugmilas sa paghila ng mga ito. Muntik pa siyang mapasubsob sa lupa nang biglaan siyang bitawan ng dalawa.
Kahit kailan talaga, makalat siya kapag lasing. Oo makalat, so sobrang kalat tinatakwil na siya ng mga kaibigan niya.
Nang makaalis ang tatlo, nagkaroon ng katahimikan kaya mataman akong tumingin sa malawak na dagat na ilang metro ang layo sa amin. Kumikislap ang mga pailaw sa kubong pinagtutuluyan namin at presko ang hanging tumatama sa aming mga balat.
Sa gabing ito, pakiramdam ko ngayon lang ako nakahinga ng maayos matapos ng skydiving na ginawa namin. Nung tumalon ako maraming ala-ala ang bumalik sa akin ngunit higit sa lahat, mas naging malaya ang pakiramdam ko kahit na parang masyado akong naging emosiyonal.
From the moment I let myself fall for a short period of time, all I can feel is freedom and satisfaction. Due to that jump, all of my thoughts and pains go away and it really comforts me although I am afraid that after that, everything will return to normal.
That after that jump, I will feel again the pain of my past that is really holding me back from doing the things I wanted to do.
I'm a little scared, but at least it clears my mind a bit.
Si Althea na mismo ang nag-abot sa akin ng bote na binaba ko kanina. Tinanggap ko ito nang may ngiti sa labi saka ininom na parang normal na tubig para sa akin.
"Mukhang hindi pa nila napapakalma si Shaun, tutulungan ko lang sila," sabi ni Denver na tumayo.
Sabay namin siyang tinanguan kaya kaming dalawa na lang talaga ang natira. Rinig namin ang ingay ni Shaun sa loob kaya kahit papaano'y hindi ganun naging tahimik sa pagitan naming dalawa.
"Long time no talk," wala sa sarili kong sabi. Lumingon siya sa akin at parang natawa pa kaunti sa sinabi ko.
Inubos ko muna ang laman ng bote bago ibaba muli sa mesa't sumandal sa hammock na pinaguupuan ko. Dinuyan ako ng hangin na nagpapikit sa akin saglit bago ituon ng buo ang aking tingin kay Althea na nakatitig din pala sa akin.
Kita ko kung gaano nasakop ng guilt at lungkot ang mata niya na mukhang sa akin niya lang pinapakita.
"Sa tagal nating hindi nagkita 'yan ang una mong sinabi sa akin bukod sa mga kagagahang sinabi mo sa school. War freak ka pa rin walang pinagbago... usong mag-grow up paminsan minsan," sabi ko saka ginawang sandalan ng ulo ko ang isa kong kamay. "But after all, that attitude of yours makes you unique to other people. Hindi nga lang maganda ang lumalabas sa bibig mo."
"Hindi ko alam kung nilalait mo na ba ako o hindi pero hindi ka naman talaga kagandahan. Mas maganda pa sa'yo ang kaibigan mo at ako kaya nagtataka ako kung ano bang nagustuhan sa'yo nila Fabius at Denver. Mula noon, hanggang ngayon... pinag-aagawan ka pa rin, sarap mong ipatumba." Napairap ako sa naging sagot niya. Kahit kailan ayaw magpatalo.
I sighed and laugh. "Baka kasi mas maganda ang ugali ko kaya hindi na nila pinansin ang mukha ko? At isa pa... ako dapat ang magpatumba sa'yo sa rami ng kasalanan mo sa akin. Siguro kung naco-convert na pera ang mga kasalanan, baon ka na sa utang."
Umirap siya sa akin, inubos niya pa ang laman ng hawak niyang bote't tumayo para tumabi sa akin. Umupo siya sa kabilang side at siya mismo ang nagduyan sa aming dalawa. Napapikit ako dahil doon, dahil sa antok na unti-unting sumasakop sa buo kong sistema.
"I still envy you Xiomara," mahina nitong sabi. "Naiinggit ako sa'yo dahil kahit feeling mo mag-isa ka marami pa ring taong handang protektahan at mahalin ka. You have been in your worst that only a few people can survive and choose to live. Naiinis ako sa sarili ko dahil noong kailangan mo kami, wala na kami sa Pilipinas. We flew without thinking of the pain we will leave you because that time all I can think of is Fabius that is on the verge of death."
Nakarinig ako ng ilang paghikbi ngunit pinanatili ko ang sarili kong nakapikit. Piniling pakinggan siya kaysa ang makita ang itsura nitong ayaw niyang pinapakita. Ayaw niyang pinapakita ang pagkamahina nitong itsura.
"W-we know how painful it is for you to face it alone and facing another painful e-event because of the death of your f-family. N-naging sakim kami at makasarili, w-we can't even consider ourselves as your f-friends because not only did we h-hurt you, b-but we killed you physically and e-emotionally." Tuloy-tuloy na pag-iyak ang narinig ko mula sa kanya. "I-I want to apologize... but I-I know an apology won't bring back everything that happened in the past. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula... l-lalo na nung s-sa-yo mismo l-lumabas ang l-lahat. T-that night... that night..."
Tumigil ang pagduyan ng hammock kasabay ng matindi nitong pag-iyak. Sa puntong ito, dahan-dahan kong minulat ang aking mata upang siya'y tignan. Umupo ako ng maayos sa duyan at pinanood itong umiyak sa aking harapan.
She held my hands. "I-I-m sorry M-mara... I r-really do. H-hindi ako n-naging mabuting k-kaibigan pero i-isa ka sa h-humila sa a-akin nung hindi ko na k-kaya. I-I-m sorry if y-you have to be a-alone... I-I-m sorry kung bigla na lang ka-ming lumitaw n-na parang walang nangyari sa n-nakaraan. S-sorry for being an idiot friend. I'm s-sorry for all the pain we've given you. I'm sorry for getting your h-happiness and s-smile out of you. I'm sorry... I'm really s-sorry that now we can lose you because of our lies."
Gamit ng isa niyang kamay, tinakpan nito ang mukha niya kahit na parang hindi nun kayang takpan ang lahat ng pagtangis na aking naririnig. Kahit na parang ayaw niyang umiyak, hinayaan niya ang sariling maging mahina.
Gusto ko ng masayang vacation pero mukhang hindi ko makukuha.
I smiled. "I can't forgive you but I can still talk and smile at you. Alam ko ang paghihirap mo kahit na parang wala pa sa kalahati nun ang napagdaan ko noong iwan niyo ako. I understand you Althea that's why I'll forever care for you."
Mas lalo lang siyang naiyak sa sinabi ko. Hinila ko ito palapit sa akin at marahang niyakap. Sa lagay namin, hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ito. Yung yakapin pa rin ang isa sa mga taong naging dahilan ng paghihirap ko.
Ganun pa rin ba talaga ako kabait?
Hindi namin alam kung ilang minuto o oras kaming magkayakap pero pagkalas ko hinatid ko muna siya sa kanyang kwarto bago bumalik sa labas para magpahangin pa.
"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko kay Denver na tahimik na nagliligpit ng mesa.
"Mamaya pa, aayusin ko muna itong mga toh. Nasa kwarto pa rin ni Shaun sila Fabius, ayaw magpatulog ng lalaking 'yun."
Tanging pagtango ang sagot ko bago bumalik sa hammock na pinagupuan ko kanina. Humiga ako rito't pinagmasdan ang langit na tanging kadiliman lamang ang makikita.
Kahit na walang bituin akong nakikita, maganda pa rin ito sa paningin kahit na parang nakakatakot para sa aking titigan ang tinataglay nitong kadiliman.
"Ikaw? Hindi ka pa matutulog?" Binaba nito ang garbage bag na hawak niya na pinupuno ng mga kalat. "Kung hinihintay mo si Fabius, mauna ka na dahil paniguradong matatagalan sila sa pagpapatulog kay Shaun."
Natawa ako kaunti. "Hindi ko siya hinihintay... sadyang gusto ko lang magpahangin muna bago matulog."
Wala naman akong narinig na sagot sa kanya at tanging ingay ng pag-aayos ang aking narinig. Ilang sandali pa natapos na siya't inabutan ako ng bottled water.
"Uminom ka ng tubig para hindi ka ma-dehydrate." Pag-aabot niya nito.
May ngiti kong kinuha ang bote at uminom para wala siyang masabi. Napaubo pa ako kaunti na agad kong pinigilan kahit na masyadong masakit sa baga ang bawat pagpigil ko rito.
"Lumalala yang ubo mo ah... baka masyado kang nalamigan. Uminom ka ng gamot para sa ubo masama ang pinapalala ang mga ganyang sakit," sabi nito na mukhang nagkukunwaring hindi alam ang aking sakit. I smiled because of that thought.
"Hmm... mamaya," tipid kong sagot. Mahina niya akong dinuyan nang umupo ito sa katabing upuan ng duyan.
Pagtingin ko sa kanyang direksyon, nakatingin na rin siya. Katulad dati, may kislap sa mga mata niya sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin.
Ngunit sa pagkakataong ito, katulad ng mga mata ni Althea napupuno ito ng lungkot na hindi ko alam kung kaya ko pa bang alisin. Dahil alam ko na sa oras na mawala na nga talaga ako, hindi agad mawawala ang lungkot sa kanilang mga mata.
'Yun ba ang gusto ko? Syempre hindi. Sadyang hindi ko na alam kung tama pa ba ang desisyon kong makasama sila. Dahil kung ang dating Xiomara ang tatanungin, oo ang magiging sagot niya. Oo dahil madali siyang magpatawad at maawa.
"Xiomara..." tawag niya sa aking pangalan.
"Xiomara..." muling tawag nito.
"Xiomara..." Napayuko siya sa huli niyang pagtawag ng aking pangalan. At kahit hindi niya ipakita, alam kong umiiyak siya ng tahimik.
He's been like this since before.
"Mas maganda kung iiyak mo 'yan ng malakas. Crying silently will just give you more pain inside. Masakit umiyak ng tahimik," mahinang sabi ko.
He didn't listen. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak, pilit na pinipigilan ang sariling makagawa ng tunog.
Mukhang walang araw na hindi umiiyak ang mga taong kasama ko, kahit ako.
Nakarinig ako ng ilang ingay sa aking likuran kaya nilingon ko ito't nakita si Kaius na seryoso akong tinititigan.
"Pwede ba kitang tabihan?" Napatingin si Denver sa amin dahil sa tanong ni Kaius kaya nakita ko kung gaano kapula ang mata't ilong niya.
Umusog ako sa hammock para bigyan ng space si Kaius na gustong tumabi sa akin.
"Oo naman."
Walang imik siyang humiga sa tabi ko at tahimik akong niyakap. Walang malisya sa aming dalawa dahil noon pa man, kapag malungkot siya o walang mapagsabihan ng nararamdaman sa akin siya pumupunta para yumakap.
Ang sabi niya, naiibsan ang lungkot nito sa tuwing yumayakap siya sa akin. Tinawag niya pa akong healer dahil para raw akong nanay niya na nagpapawala lahat ng mga iniisip nito.
"Napatulog niyo na si Shaun?" tanong ni Denver na halata sa tonong hindi nagugustuhan ang nakikita niyang ginagawa namin kahit na parang paos ang pagkakatanong nito.
"Hinihele ni Fabius, pinaalis niya ako kasi ang pangit ko raw." Mahina akong natawa lalo na nung narinig ko ang pagsinghot singhot ni Denver.
"Pangit ka naman talaga, lalo na ngayon," bulong niya na hindi pinansin ni Kaius. Sinuklay suklay pa nito ang buhok ko na nagparamdam sa akin ng antok.
"Pangit mo ka-bonding bro, dun ka nga! Gusto ko ng baby time kay Mara. Sho!" Pagtataboy niya sa lalaking hinampas lang siya sa paa.
"Gago talaga noh? Nanakit pa, maghanap ka na kasi ng ibang babaeng pagseselosan mo 'wag itong si Mara kay Fabius na siya."
Wala namang naging sagot si Denver at parang hindi nagustuhan ang narinig sa pagkadilim ng mukha niyang nakatingin dito.
Hindi na lang ako nagsalita at niyakap ang isa kong kamay sa bewang ni Kaius bago pumikit na mukhang pinapatulog ako sa patuloy niyang paglalaro ng aking buhok. Naging ganun ang sitwasyon naming tatlo hanggang sa pa unti-unti ay nararamdaman ko na ang antok na sumasakop sa buo kong sistema.
At bago pa man ako makatulog, isang bulong mula kay Kaius ang huli kong narinig.
"I hope your desicion will change Mara... marami pa akong utang at kasalanan sa'yo. Kaya hinihiling ko na sana 'wag ka pang kunin sa amin. Hindi namin kaya, hindi kaya ng konsensya kong mamatay ka ng ganun lang. Hindi namin kakayanin dahil kami ang may kasalanan ng lahat. I'm sorry... I'm sorry, Xiomara. I really hope my wish comes true."
▪▪▪
Hindi sa sikat ng araw na pumapasok sa kwarto namin ni Fabius sa kubo ang nagpagising sa akin kundi ang pabango nito na hindi ako magsasawang amuyin. Sa pagmulat ko, likod niya ang una kong nakita.
He has no shirt on and only his stripe black shorts are the ones that is covering his body. His hair is in a ponytail which makes him more attractive in my eyes.
Tahimik siyang umiinom ng kiwi juice habang nakatingin sa malayo kaya naging tiyansa ko ito para pagmasdan siya ng tahimik.
Dati hindi pa masyadong malaki ang katawan nito pero hindi rin kapayatan, sakto lang ganun. But now, makikita mo talagang nagwo-work out siya same with Ravier na ilang beses ko ng nakitang naka-topless.
Both of them doesn't have abs and I'm fine with that. Sadyang maganda ang katawan nila kahit wala sila nun. Mukha tuloy akong nagtutunog pervert sa lagay na ito at kung ano-anong iniisip.
Umiling ako at pagbalik ng aking tingin kay Fabius, nakangiti na siya sa aking papalapit.
"Morning... kamusta ang tulog? Hindi ba masakit ang ulo mo?" May pagka-sweet ang pagkakasabi nito. Tumabi pa siya sa akin sa pag-upo nito sa kama kaya mas naamoy ko lalo ang kanyang pabango.
Ang aga-aga nagpapabango. Dibale, wala naman akong angal doon.
"Hindi naman ako nalasing kaya hindi talaga sasakit ang ulo ko. Kamusta ang paghehele mo kay Shaun kagabi? Napatulog mo naman ba?" I heard a tsk.
"Inabot ako ng madaling araw mapatulog lang ang baliw na 'yun. Sinukaan niya pa ako, akala ko mahihimasmasan na siya matapos niyang sumuka pero mas lumala lang pala," sumbong niya bago pinagpatuloy ang pag-inom ng juice.
Tatawa tawa akong umalis sa kama para dumiretso sa banyo. Halata namang kanina pa siya nakaligo ako na lang ang hindi.
"Sino pala ang nagpunta sa'kin dito sa kwarto kagabi? Nakatulog na ako sa labas, eh."
"Si Kaius, siya ang nagbuhat sa'yo papunta sa kwarto. Dapat daw si Denver pero ayaw niya dahil baka kung ano raw gawin niya sa'yo lalo na't wala ako sa tabi mo. Parehas silang baliw... kahit naman may gusto pa rin sa'yo si Denver malaki ang tiwala ko sa kanya. Dumi ng utak ng lalaking 'yun kahit kailan," mahabang sagot nito.
Sa kanilang apat na lalaki? Si Kaius talaga ang may berdeng utak. Si Shaun kasi isip bata 'yun, si Denver naman matured mag-isip habang si Fabius in between. Kung ipagsasama mo ang ugali nilang tatlo, ganun si Kaius pero sadyang mas maloko siya mag-isip pero syempre alam niya pa ring rumespeto ng babae.
Kaya kung sakaling maging sila nga ni Ryla, mapapanatag akong mapupunta siya sa tamang lalaki. Hindi man ako fully sure dahil nga matagal ko rin siyang hindi nakita pero may tiwala ako sa kanyang aalagaan niya si Ryla.
"Hayaan mo na kahit na alam kong makakarinig ako ng reklamo mamaya. Nga pala saan tayo pupunta ngayon?" Tinignan ko siya matapos kong kumuha ng damit sa maletang dala namin.
"Maglibot sa buong isla gamit ng motorcycle scooter na nirentahan namin. Dadating 'yun dito ng mga around 10 am kaya take your time, pinapahanda ko pa naman ang breakfast natin. Siguro after mong maligo meron na."
"I see... sige maliligo muna ako." Nginitian naman niya ako kaya tuloy-tuloy na akong dumiretso sa banyo.
Kung ano at saan kami pupunta? Makikita ko mamaya. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
8ii
17/08/2024
0wow
11/08/2024
0good for me
05/07/2024
0Tingnan Lahat