Homepage/Undeniable Feelings (Umbrella Series #1)/
18
Ginulo ni Ravier ang buhok ko bago ako hilain payakap sa kanya. Nasa bahay na ako ngayon at silang kambal ang naghatid sa akin.
Ang alam ko mamamalagi muna si Lola kay Ate Iona saka siya pupunta rito para bisitahin ako. Wala namang kaso 'yun sa'kin kahit na ngayon ay mukhang may galit na sa akin ang buo kong mga kamag-anak na nakasaksi ng lahat ng nangyari.
I feel bad for Ate Iona, dapat nasa honeymoon sila pero hindi sila makaalis alis nang dahil sa akin.
Guilty but what can I do? Hindi ko naman ginustong ganito ang kakahinatnan ng lahat.
I should have hid the paper underground so that Tita Sabel wouldn't see it. But what's done is already done and I can't go back and redo all of it again.
"Tawagan mo kami kapag may kailangan ka, susunduin ka na namin araw-araw," sabi ni Ryla pagkalas ko ng yakap sa kakambal niya.
I smiled. "Edi makakatipid na ako niyan sa pasahe salamat in advance," biro ko na ako lang ata ang natawa.
"Magpahinga ka na magkita na lang tayo bukas." Tinanguan ko si Ravier na hinalikan pa ang ulunan ko bago nila ako talikuran. At sa pagkawala nila sa aking paningin, ganun namang masamang tingin ni Fabius ang bumungad sa'kin.
Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Ravier na tinignan siya na parang wala lang. Pero kahit ganun, para pa rin siyang papatay ng tao sa tingin niya rito.
"Bye wifey! Call me okay?!" sigaw ni Ravier bago niya paandarin ang sasakyan. Nginisihan pa ako ni Ryla na mukhang alam ko na ang pinupunto ng kambal.
'Wag nila sabihing pinagseselos nila si Fabius. Dahil sa pagkakaalam ko, wala silang dahilan para gawin ang mga bagay na ito. Lalo na si Ravier na halata ang pagiging sweet sa akin. Abno talaga ang dalawang 'yun.
I watch Fabius walk towards me with a face that can kill a person anytime he wants. But before he can enter, I grab his hand, which makes him stop and give me a questioning look.
"Kumain tayo sa labas nagugutom ako."
In an instant, his expression changed. Para bang hindi pa siya makapaniwala sa narinig.
"Nagugutom ako Fabius," sabi ko saka naglakad papunta sa nakaparada niyang kotse. Nagmamadali pa siyang sumunod sa akin at pagbuksan ako ng pinto.
Alam kong kakauwi ko lang pero gusto ko munang maglibang. At higit sa lahat? May gusto akong pag-usapan kasama siya.
It would be a little selfish but he's the only man I know can do what I wanted to tell him. Magulo na ang buhay ko, naiinis at galit pa rin ako sa kanya pero sige guluhin na lang natin ng tuluyan ang buhay kong magulo na mula't sapul.
▪▪▪
"Let's date," wala sa sarili kong sabi. Natigil si Fabius sa pagkain at sininok pa na natural lang sa kanya kapag may nasasabi akong nakakagulat nga naman talaga. Cute.
Inabutan ko siya ng tubig na agad niyang ininom habang ako'y pinanood lang siya hanggang sa ibaba niya ang baso.
"Tama ba ang narinig ko?"
"Hmm..."
He wiped his mouth with a napkin and gave me a serious look. Looks like we'll both have a deep conversation.
"Galit ka pa rin sa akin hindi ba?" Tumango ako.
"Naiinis dahil sa pagsisinungaling ko." Tumango ako ulit.
"Sabi mo ayaw mo akong makita at strangers na tayo." Tumango ako habang pinaglalaruan ang hawak kong tinidor.
"Ilang beses mo akong tinulak at pinagtabuyan." Tumango ako at humalumbaba sa mesa.
"At higit sa lahat... gusto mong mamatay na alam kong ako ang dahilan."
Tinigil ko ang paglalaro sa tinidor. Napangiti pa ako ng mapait pero hinayaan kong ipakita 'yun sa kanya.
"Anong nagpabago sa isip mo't gusto mong makipag-date sa akin? Dahil halata namang ayaw mo pa rin sa akin at galit ka. You don't love me so why would you want to date me again?"
Are you sure about that?
"Then marry me instead kung ayaw mo ng date," agaran kong sagot na mas lalo pang ikinagulat nito.
Sa totoo lang, ayokong magpaligoy ligoy pa pero meron sa loob ko na nagsasabing mamaya pa asarin mo muna siya.
"Xiomara D. Arcega... bagay. Ano sa tingin mo? Pa-register na tayo sagot ko na ang ballpen para sa pang pirma na--"
"'Wag mo akong paasahin Mara, masakit," pagpuputol niyang sabi sa sinasabi ko.
Umayos pa ako ng upo bago ilapag sa plato ang tinidor. Gusto kong tumawa sa sinabi niya pero pinigilan ko kahit na nakakatawa na nakakainis ang sinabi nito.
I didn't give him hope at first yet he is saying na huwag ko siyang paasahin. Siya lang naman ang umasa, hindi ako kasama.
Umayos muna ako bago nagsalita. "I am serious about the date I mentioned and even the wedding. But if you don't want to, I'll ask Ravier, Zaid or maybe Denver to do me this favor. They would be happy to grant my favor as I am on the verge of death once my illness worsens."
Nagtiim ang bagang nito sa narinig at halata sa mukha niya ang hindi pagkagusto.
Wow, he is man now.
Dati kasi wala siya masyadong pakialam sa mga ganito kahit na halikan pa ako nila Shaun sa pisngi ay ayos lang sa kanya. Pero ngayon, kitang kita sa mata niya ang galit at inis sa mga sinasabi ko.
I sighed. "I want to make my grandmother's wish come true and that is to marry the man I love, isama ang lalaking mahal ko sa concert. Make the dreams I have already forgotten and at least be happy."
Nilabas ko mula sa bag ko ang concert ticket na binigay ni Lola. "Will you come with me Fabius?"
"Y-you love me?" gulat niyang tanong.
I shrug my shoulders in response and continue to eat.
"Xiomara, sagutin mo ang tanong ko," umaasang sabi niya.
Ang buong mukha at mata nito'y umaasa na oo ang sagot ko. Well, kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya aasa ako lalo na kung ganito ang ginagawa ko.
"Maybe... or maybe not," simple kong sagot.
"Kung hindi ka sigurado bakit ako ang sinasama mo sa concert?" Bumuntong hininga ako at siya'y tinignan ng mapanuring tingin. Sumandal pa ako sa upuan at tinagilid ang ulo habang siya ay aking tinititigan sa mata.
"Hindi mo ata naiintindihan ang gusto kong iparating Mr. Arcega. I'm inviting you to the concert because grandma told me that you already asked them if you could marry me. Hiningi mo ang kamay ko sa mismong kamag-anak ko without my consent," sabi ko at mas tinitigan pa siya. "And because of that, people are going to expect us to be together again, which is why I invited you to go to the concert with me. Hindi ko sinabing papakasalan o mahal kita, I just told you what grandma expects me to have right before she or I die."
His mouth opened slightly. "So what you're saying is that this concert would be a show for them? Even the date you asked for?"
"Bakit? Ano bang inaasahan mo? Na pinapatawad na kita kaya ko ito ginagawa?" I said and smirked. "Remember that all of this shit happened few weeks ago. Wala pang isang buwan pero ganun na karami ang nangyari magmula nang dumating ka na parang wala lang. And I really hate you kaya nga nandito tayo sa posisyon na ito hindi ba?"
Napaiwas siya saglit ng tingin pero agad ding bumalik ang tingin niya sa akin.
"Nakalimutan mo na bang ikaw mismo ang nagsabi na hindi ka aalis sa tabi ko dahil ayos lang na pagbayaran mo lahat ng parusa na ibibigay ko sa'yo? I know you're frustrated because it's written on your face, but don't forget that you're the only one who wants us to get back together kahit na malabo. Don't expect more, we'll just have a date and pretend we're happy that's it. No more no less."
Kita ko sa mata niya kung paano ito nasaktan sa sinabi ko. Napaisip din siya dahil sa pagtitig niya sa'kin ng ilang segundo bago umiwas ng tingin sa akin.
"Narinig mo pala ang sinabi ko," halos pabulong niyang sabi. "Pero sige... I will accept the date you request. I will accept it because I want to be with you even though I am the only one who hopes that we can get back together as we used to be. If this is a punishment, I will accept it because I want to protect you again. And this time, I'll never leave."
May kung ano sa puso ko na nagpasikip dito dahil sa tono ng boses niya habang sinasabi ang mga salitang halata namang nagpaparamdam sa kanya ng matinding sakit.
We used to be happy, but now we are hurting ourselves from the past that I can't forget.
"So we have a deal, once I get tired of this or my illness gets worse, I'll dump you and you have to leave."
Umangat ang ulo nito saka ako binigyan ng pilit na ngiti. "I can't promise it because I'm a selfish person who would do anything to be with you until the end. This is how much I love you Xiomara, a love that only I can feel."
Love na parehas tayong sinasaktan.
Binaba ko ang aking tingin habang pilit na inaalis sa aking sistema ang sakit na nakikita ko sa kanyang mata.
Ayoko mang aminin pero mas nasasaktan ako sa kalagayan niya dahil sa mga pinaggagawa ko. Para akong kontrabida na patuloy na pinapahirapan ang bidang wala namang ibang ginawa kundi ang maging mabait kahit na ano pang ginagawa o sinasabi ko.
"Whatever, gawin mo ang gusto mo."
▪▪▪
Pinatay ko ang blower matapos kong masigurong tuyo na ang buhok ko. Matapos naming kumain kanina, parehas kaming tahimik hanggang sa pag-uwi. Dire-diretso pa siya kanina sa loob ng kwarto niya at hindi na ako kinausap pang muli.
Wala namang kaso 'yun sa'kin dahil wala ako masyadong pakialam kahit na sa loob-loob ko'y meron.
Dalawang katok sa pinto ang nagpahinto sa'kin sa paghiga sa kama, may pagtataka ko pang tinignan si Fabius na papasok ng kwarto ko dala ang isang unan.
"Anong kailangan mo?"
Imbis na sagutin, sinara niya ang pinto at naglakad palapit sa kama. Maayos niya pang nilapag ang unan na dala niya at prenteng humiga. Tinapik tapik pa nito ang kama na sinasabing tumabi ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo? Umalis ka diyan," may pagbabanta kong sabi.
"Baka lumalangoy, syempre matutulog kasama ka ano pa bang gusto mong gawin ko?"
"Anong sinabi mo?!"
Sabihin na nating nago-over react ako pero mukhang may sapak ata siya sa utak ngayon.
Ngumisi siya at kinindatan ako. "We're dating Mara, this is normal. Halikana rito I want to cuddle you."
Nakailang mura ako sa utak nang walang pasabi niya akong hilain pahiga sa kama at yakapin. Muntik pa akong mapasubsob sa dibdib niya sa lakas ng pagkakahila nito sa'kin na talaga nga namang nakakaimbyerna.
"Fabius! Cut this shit off and go back to your room! Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo!" Nagpumiglas pa ako pero siniksik niya lang lalo ang mukha niya sa leeg ko habang mas nilalapit ang sarili sa akin.
Kainis! Nakikiliti ako sa hininga niyang tumatama sa leeg ko.
"Sinabi mo kanina na gawin ko ang gusto ko kaya ako nandito. Isa pa, malaki na tayo at nasa makabagong henerasyon normal na ito wala naman tayong ibang gagawin kundi ang magyakapan hanggang sa makatulog. We are a couple, remember?" inosente niyang sabi na pinaibabaw pa ang isang paa sa hita ko na akala mo naman ay isa akong hotdog na unan.
"Aish! Lumayo ka nga! Nakikiliti ako sa hininga mo sa leeg ko!" Lumuwang kaunti ang pagkakayakap nito at tinignan pa ako na may nakakalokong ngiti.
"Ah... may kiliti ka pa rin pala sa leeg? Paano na 'yan edi hindi ko..."
"Ano? Hindi mo ano? Ayusin mo ang sagot mo kundi hahampasin kita." Mahina itong tumawa saka sinundot sundot ang double chin ko na ikinahampas ko ng kamay niya.
Huwag niyang galawin ang babies ko!
"Kapag may kiliti ka sa leeg edi hindi ko maisusuot sa'yo ang regalo ko. But nevermind, matulog na lang tayo. Ikaw ha, ano bang iniisip mong gagawin ko sa leeg mo?" Mas lumapad ang pagkakangisi niya kaya malakas na tulak ang ginawa ko para mapaglayo kaming dalawa.
Kahit na tinulak ko na siya, hindi 'yun naging sapat para maalis ang pagkakayakap niya sa akin.
"Inaantok na ako honey, matulog na tayo."
"H-honey?! Ano ba Fabius! Umalis ka na sa kwarto ko! At tigilan mo ang pagyakap yakap sa'kin!" sigaw ko habang pilit na inaalis ang kamay niya.
"Sshh... I want to kiss you honestly but I know that if I do that you will hit me real hard. Kaya cuddles na lang habang hindi pa pwede. Pero kapag hindi ka tumigil baka magbago isip ko at maghalikan tayo buong gabi. Kaya sleep na makinig ka sa honey punchkin mo." Halata sa boses niya ang pagkaantok.
Langyang endearment 'yan.
Ramdam ko pa ang pagkapula ng pisngi ko nang dahil sa sinabi niya.
Kaya sa huli? Malakas na buntong hininga ang ginawa ko at parang estatwa na hindi gumalaw dahil sa posisyon naming dalawa.
Kainis. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
8ii
17/08/2024
0wow
11/08/2024
0good for me
05/07/2024
0Tingnan Lahat