Homepage/Maybe This Time/
Epilogue
September 26, 2020; date today
Aaminin ko, hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang petsa na ito. Sapagka't malinaw pa rin sa alaala ko 'yung itsura ng isang batang umiiyak noon sa backyard ng school. Hinahayaan niyang i-bully siya ng mga bata at tila wala siyang lakas na ipagtanggol ang sarili niya. That was September 26, 2007, kaparehong petsa sa kung saan nakita ko ang pinakamagandang mukha sa buong buhay ko. Hinding-hindi ko makalimutan 'yung kakaibang paghanga na bumalot noon sa munting kamalayan ko. Unang taon ko noon sa highschool at hindi ko inakalang sa unang pagkakataon ay mararamdaman ko iyon. Hindi na nga ako nagdalawang-isip na ipagtanggol siya noon. Somehow, there is part of me that wants to protect her. I wonder how she will looks like when she smile. Sa totoo lang ay magkaklase kami pero matagal ko nang napapansin na tahimik siya. Kaya after that incident, I promise to myself that I will always find way to make her happy. At sa paglipas ng panahon, unti-unti kong napagtagumpayan iyon. Habang tumatagal ay nare-recognize ng batang puso ko na sobra ko na siyang mahal. Nandoon na handa na akong suungin 'yung isang desisyon na hindi ko alam kung anong magiging take ng magulang ko, basta isa lang ang malinaw noon, I want her to be part of my whole being. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, pinaghiwalay kami nito at batid kong nabalot ng galit ang aming mga puso. At oo, totoo nga 'yung sinabi niyang hindi kabaligtaran ng pag-ibig ang galit. Dahil alam ko, hindi kailanman naging dahilan ang galit na iyon upang mawala ang pag-ibig ko. Araw-araw kong ipinagdarasal na sana'y loobin ng Maykapal na muli ko siyang makita. Na muli ko siyang makasama. Na muli kaming magkaroon ng pagkakataon upang itama ang mga maling hinala, at sa wakas, matapos ang halos apat na taon ay dininig Niya ang aking dasal. Sa mga lumipas na panahon ay mas lalo kong ipinaramdam kung gaano ko siya kamahal, mas lalo kong pinatunayan sa kaniya na handa akong unawain at intindihin ang mga pagkukulang namin. Ngunit kahit pala gaano ko kumbinsihin ang puso ko noong sapat na ang mga pagnanais na iyon ay hindi pa rin pala ako makukuntento sa anumang mayroon kami. May parte pa rin pala sa akin na nagnanais na marinig mula sa kaniyang mahal niya ako. May parte pa rin pala sa akin na kahit alam kong siguradong-sigurado na ako na maging bahagi siya ng buhay ko ay gugustuhin ko pa ring maging assured sa anumang ugnayan naming dalawa. At aaminin ko, sadyang mapaglaro ang tadhana. Kahit nagulo ang takbo ng kwentong pilit naming binubuo ay papahintulutan pa rin pala nitong mangyari ang isang bagay na ninanais ko. Sa pagkakataong hindi ko inaasahan, sa pagkakataong hindi ko napaghandaan. Five years ago, I finally heard her say "I love you..." Five years ago, naramdaman kong assured na ako sa relasyong sinisimulan naming mabuo. Five years ago, kinatok kami ng tadhana upang maging ganap na magkapareha. At ngayon nga, sa kaparehong petsa, nais kong tawirin at gawing opisyal ang pag-iibigan na iyon. My beloved Alisha, please allow me to be part of your lifetime, allow me to be with you until the end of time, allow me to start a new journey where our future kids call you 'nanay', allow me to start a new journey where my surname is next to your sweetest name. My beloved Alisha Marie Gan, look into my eyes. And answer me...
Halo-halong emosyon na napatingin nga ako sa taong kaharap ko ngayon. I met his gaze and I can't help but be overwhelmed again by the way he stares at me. Fascination, care, contentment, and love, all of these were written in his eyes. Hinding-hindi ko kailanman pagsisisihang malunod sa emosyong iyon.
Lalo akong napaiyak sa kaligayahan sa sumunod na ginawa niya, dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ko at binuksan ang hawak niyang maliit na kahon. Hindi ko namalayang hawak niya pala iyon. Mas lalo akong napaiyak nang makita ko ang isang napakagandang singsing. Kitang-kita ko rin ang pasimple niyang pagpahid ng luha bago muling tumingin sa akin.
"Alisha Marie Gan, handa ka na bang maging Gutierrez ang apelyido mo?" aniya at hindi ko naman napigilang matawa. Halata kasing napaisip siya kung tama ba 'yung mga nasabi niya. Pero syempre, hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan iyon. Kaya bago pa siya muling makapagsalita ay buong puso ko nang tinugon 'yung tanong niya.
"Yes, love. Handang-handa na akong maging Mrs. Steve Gutierrez, I want to marry you and be my lifetime partner," masuyong tugon ko at ganoon na lang ang kagalakang bumabalot ngayon sa mukha ni Steve.
Napasigaw pa siya habang mahigpit akong yakap-yakap.
"Guys! She said yes!"
Pagkasabi noon ay para namang mga pieces ng domino na nagtumbahan 'yung mga taong sa palagay ko ay kanina pa nakikiisyoso sa pinto. Napapailing na pinagmasdan ko naman sila. Hay. Wala na talaga akong mahihiling pa. Bukod sa alam kong ito na 'yung tamang timing para sa aming dalawa ni Steve ay idagdag pang may mga supportive at baliw kaming kaibigan.
"Ali, where's the ring?" ani Keighla na hindi maitatago ang hirap sa pagsasalita. Nakadapa pa rin kasi sila at sa malas ay siya ang pinaimbabawan ng mga kasama. Naawa tuloy ako sa kaniya, halos hindi ko na nga siya makita dahil sa kaliitan din ng katawan niya.
Inangat ko naman ang kamay ko pero laking pagtataka ko nang wala akong suot na singsing.
"Steve!" nagpa-panic na baling ko sa kaniya. Nakangiwing iniangat naman niya 'yung hawak na singsing at noon ko lang na-realize na hindi ko pa nga pala nasusuot 'yun.
Walang anu-ano'y kinuha ko ang singsing sa kaniya at mabilis na sinuot iyon. Nang humarap ako sa kanila para muling ipakita ang kamay ko ay napailag naman ako. Pinagbabato ba naman kami ng mga lokong 'to ng petals at white roses na nagkalat din pala sa paligid.
"Uy, ano ba?!" patuloy na pag-ilag ko. Hindi ko na tuloy maiwasang matawa na rin.
"Napaka-excited naman kasi ng mga 'to! Nauna pang mag-announce kesa magsuot ng singsing!" ani Julie at muling ibinato sa gawi namin 'yung kumpol ng mga white roses.
Sa halip na ilagan ay itinuon ko naman ang pansin ko kay Steve na halatang nalulunod din sa sari-saring emosyon ngayon. May naalala akong isang bagay na hindi pa rin pala niya nasasabi sa akin hanggang ngayon.
"Steve, bakit nga ba white roses ang gusto mong ibigay sa akin?"
Bago sagutin ang tanong ko ay iniabot muna niya 'yung puting rosas na sa tingin ko'y nasalo niya mula sa audience naming dalawa.
"Because I want you to know that my intention is pure and white roses symbolizes purity, eternal loyalty, and youthful love. Alam kong alam mo nang mula pagkabata ay mahal na kita at nawa'y maintindihan mo na kailanman, hindi naluluma o tumatanda ang tunay na pag-ibig. Palagi itong katulad ng isang bata na patuloy na nakapagbibigay ng pag-asa. And eversince, I really want to start a new beginning and everlasting love with you. I love you, Ali..." punong-puno ng pagmamahal na sabi niya sa akin.
And with that moment, buong puso kong tinugon ang sinabi niya. Wala nang pag-aalinlangan. Wala nang nilu-look forward na timing. Wala nang pagdadalawang-isip.
"I love you too, Steve..."
Muli akong napapikit nang maramdaman kong dumampi ang halik niya sa noo ko.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hiyawan at palakpakan ng audience namin. Wala muna akong pakialam sa kanila, sapagka't sa mga oras na ito, patuloy akong nagpapakalunod sa mahigpit na yakap niya.
Ah! Wala na talaga akong mahihiling pa.
And as I was looking to my friends, my parents and his whom I didn't know was here, I gratefuly met his gaze. And for the first time in my whole existence, I met his lips to mine. And yes, I Alisha Marie Gan, took a first move for our very first kiss 'cause I am too overwhelmed with emotions.
His eyes widen as his lips met mine. And after a few moment, he told me, "Ali! That kiss was supposedly be saved for our wedding!"
As I absorb his words, I panicked and realized that I crossed the line. God, forgive me!
Hmm. Masyado bang conservative? Ganoon talaga. Katulad ng white rose na ibinigay niya, we want this relationship as pure as possible. Pero alam kong maiintindihan ako ng Diyos. Nagmamahal lang naman kasi ako.
"Ali! You're amazing!" tila naaaliw at hindi makapaniwalang papuri sa akin ni Keighla na para bang hindi na inda ang bigat ng mga kaibigan naming nakapatong sa kaniya.
- THE END -I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (73)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
oiii
04/07
0apaka Ganda
10/11/2025
0salamat sa follow
25/10/2025
0Tingnan Lahat